webnovel

44

RAFFY'S POV

"Parating na bukas si Tyro."

I look at Drei as he said those words. He's currently sitting on my couch while having his tea.

"Agad?"

"Tapos na raw siya sa mga pinapagawa sa kaniya. Malapit na rin umuwi sila Yara diba?"

I get my papers and milk and sat in the living room too.

"Yeah. The next day or next next day."

Binabasa ko lang ang mga paper ko for upcoming speech na gagawin ko sa International Ace Academy para na rin mag pakilala na magiging Professor ako roon.

*RING*

Tumunog ang cellphone niya.

"Who's that?"

Tanong ko kasi nakakunot noo siyang tiningnan 'yon.

"It's Crenz... Hello?"

Sagot niya sa'kin at saka sinagot ang tawag.

Bakit siya kay Drei tumawag?

Napatingin tuloy ako sa cellphone ko kung may na missed call ba ako but it's turns out na wala naman siyang paramdam sa'kin kung hindi ako mag paparamdam sa kaniya.

"What?"

Tumayo na ako para alamin kung anong pinag uusapan nila. Matagal bago ulit nag salita si Drei.

"Ok ok, I got it."

Tapos pinatay niya na ang tawag.

"What happened?"

Mabilis na tanong ko kasi hindi ako mapakali.

"May isa sa mga kasama niya ang nag collapse at nasa hospital na ngayon. Gusto niyang I transfer agad yung pasyente dito."

Tumayo siya at nag madaling sinuot ang mga damit niya since naka bathrobe lang siya kasi kakatapos niya lang naman mag linis ng katawan niya.

"How about Sandra? Yung iba?"

Balisang tanong ko kasi hindi ko rin alam ang gagawin.

"She needs a emergency helicopter ASAP, let's help the patient first."

So anong gagawin ko? Naguguluhan ako.

"What should I do?"

"You're a doctor, then come! Faster!"

Walangya!

Napa bihis tuloy ako ng di oras.

Kapag talaga aligaga kami nasisigawan niya ako.

Pag labas ko sa kwarto nakita ko siyang naka hawak sa ulo niya.

"Why? What?"

Mabilis na tanong ko.

"There's no available pilot."

"Ano?!"

Kelan pa sila naging busy?! Dapat may standby kami ah!

*Ding dong*

Sabay kaming mabilis nag tungo sa pinto para buksan 'yon.

"Hi! Kumusta!"

It's Tyro!

He's holding something in his hands mukhang pasalubong.

This must be fate!

"Good timing! Let's go!"-Drei

Sabay naming tinulak si Tyro pag labas namin.

"W-wait, I just came back."

Mabilis na aniya habang tinutulak siya ni Drei at ako naman ay kinuha ang bag na dala niya at pinasok sa loob at saka ni lock ang pinto.

Mabilis kaming nag tungo sa elevator para pumunta sa rooftop dahil nandoon ang helicopter na always ready to go.

Tyro is a pilot, mabuti nalang talaga dumating siya.

Pinaliwanag namin sa kaniya ang nangyari at ang ending namin ay mas kami pa ang pinapa bilis niya at na atat na mag palipad ng helicopter dahil si Crenz ang usapan.

"Chelsea texted me if where are you."

Untag sa'kin ni Drei.

Napa kapa ako sa bulsa ko.

"Oh shoot! I don't have my phone and wallet."

Kakamadali kanina nakalimutan ko na 'yon.

"Hey hahaha what's that? Are you guys dating now?"

Tyro asked that makes my eye almost pop out.

"Dating?" Drei asked in confuse "Oh sorry, I must be mistaken." He chuckled.

Can somebody get me a rope? I'll just strangle it on Tyro's neck!

Bumalik siya para mang asar? Bakit hindi niya nalang iniwan sa ibang bansa ang ugali niyang 'yan?

"What should I say?"-Drei

Mukhang na coconcious din siya kapag hindi siya nag reply sa bungangerang babaeng 'yon.

"Don't say a thing."

Maikling tugon ko.

"Pfft.. she'll be pissed off. If I were you I won't do that."-Tyro

He really knew something between me and Chelsea.

Oh? I almost forgot that he's her bestfriend.

"Yeah I agree. Minsan natatakot din ako sa kaniya."-Drei

Oh? Natatakot kayo? Ano pa ako? Pag nanahimik si Chelsea grabe na ang kaba ko.

"Mag aalala lang siya pag nalaman niya kung saan tayo pupunta."

Tumango naman sila.

See? Naiintindihan naman nila ako.

"Just contact her later, I don't want to be scolded by her. She's like Nathalie D 2nd."-Drei

"Oh yeah, I almost forgot, I went straight to your house-"

"WHAT?!"

Sabay na sigaw namin ni Drei.

"HAHAHA.. atleast I won't get scolded alone."-Tyro

"Dumbass!"-Drei

"Asshole!"-Me

Tinawanan niya lang kami. Pag nalaman ni Nina 'yon malamang madadamay talaga kami sa papagalitan niya dahil iisipin niya na may kalokohan kaming tatlong tinatago kaya sa'min siya unang dumiretso.

"That's what my present for."

Kung alam ko lang na suhol yung dala niya dapat hinampas ko na sa mukha niya 'yon.

"Speak no more or I'll smack your head."

"Hey hahaha don't be so mean-"

"Asshole, shut up."

It took us a hour to finally reach our destination.

HANDRIKO'S POV

It happened so fast.

I'm still shock and can't get myself in sanity until Crenz slapped me so hard.

*SLAP*

Naluluhang tumingin ako sa kaniya.

Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at humawak siya nang mariin doon.

"Gusto mong kailanganin kita diba? Pwes, umayos ka dahil ikaw ang kailangan ko ngayon!"

Mariing aniya.

"Yara, I don't know what happened- he collapsed- he cough with blood- he- he-"

Halos hindi ko na alam ang sasabihin ko. Sobrang nanghihina ako at halo halo ang emosyon ko.

"Handriko!"

Malakas na sigaw niya.

"Y-Yara *sobs*"

Hindi ko maisatinig ang nasa utak ko dahil gulong gulo ako.

"Damn! He needs to go to hospital!"

Sigaw sa'min ni Liphyo.

Mula sa mahabang lakaran kanina umuwi kami at nag pahinga konti. After a few minutes nag decide akong mag igib ng tubig sa posohan dahil gusto kong mag linis ng katawan then sumama sa'kin si Jerick. Nag igib ako habang nag kukwento siya ng tungkol sa sapatos na pinag uusapan namin kasi dumating na raw sa bahay nila. No'ng matapos ko na ang pag bobomba binuhat ko ang dalawang galon at nag insist siyang mag buhat pero dahil nga ayaw ni Crenz na mahirapan siya hindi ko na siya pinag buhat at pinag bantay ko nalang siya doon. Nang maisalin ko ang tubig sa balde sa bahay ay lumabas ako at nakita ko siyang binuhat ang natirang galon doon.

Mabilis ko siyang nilapitan kasi ang mukha niya parang sobrang nag pale at nagiging visible na ang mga red dot marks sa balat niya.

"May allergy ka ba?"

Binaba niya ang galon na hawak niya at saka ngumiti sa'kin na pagod na pagod.

"Hey? Are you ok?"

He looks pale and can't even bare to stand kaya mabilis ko siyang hinawakan.

"H-hey, Jerick."

Bigla nalang may tumulong dugo sa ilong niya.

"U-uy-"

"I-I'm fine."

Sinubukan niyang tumayo nang walang suporta pero bigla siyang napa ubo at sa pag ubo niyang 'yon may sumamang dugo na lumabas sa bibig niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"Ahhhhh!"

Sigaw niya at saka siya namaluktot sa sahig dahil na rin sa sobrang sakit ng tiyan niya siguro.

Doon na sila lumabas at lumapit sa'min.

Hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

Lumapit din si Crenz at nagulantang silang lahat sa nakita nila.

"Hans?! What did you do?"-Jm

Naguguluhan ako sa nangyayari. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang nanumbalik sa'kin ang nangyari kay Phalyn. Dahil sa'kin kaya may nangyaring masama sa kaniya.

Napasabunot ako sa sarili ko. Para akong kinakapos ng hininga.

"Hans-"

May sasabihin sana sa'kin si Crenz pero natigilan siya sa ginagawa ko.

"Hans!"

Sinubukan niya akong pakalmahin pero nawawala na ata ako sa katinuan at hinahampas ko na ang gilid ng ulo ko hanggang sa sinampal niya ako na nag pabalik sa'kin sa katinuan.

Sinubukan kong mag paliwanag pero hindi ko magawa ng maayos.

Wala na ngayong malay si Jerick.

"Damn! He needs to go to hospital!"

Mabilis na lumapit sa kaniya si Crenz at sinubukang pulsuhan si Jerick.

"Hindi na maganda 'to. Kailangan ko ng mag aalalay sa kaniya."-Crenz

"Ako na."

Sagot ko.

"Hindi, palalalain mo lang ang lahat."

Mariing sabi ni Crenz

"Then ako na! Tara na!"

Sigaw sa'min ni Liphyo.

Napakagat ako sa labi ko dahil wala akong maitulong sa kanila.

"Sa motor."

Simpleng sabi ni Crenz at nag madaling pumunta sa motor.

Pinag tulungan naman nilang buhatin si Jerick at inangkas sa likod ni Crenz.

Nanginginig ako sa takot at kaba.

Mabilis pina andar ni Crenz ang motor.

"What's happening?"

Sandra asked out of frustration.

Tiningnan ko ang kamay kong nanginginig lang.

"Hans?! Ano bang nangyari?!"

Inis na tanong ni Austin at saka ako kwinelyuhan.

"Uy pre!"

"Austin!"

Nag kagulo sila para pahintuin si Austin sa ginagawa niya sa'kin pero ako namamanhid lang dahil sa trauma ko.

Inawat nila si Austin at nilayo sa'kin.

"Teka pare! Iniisip mo bang may ginawa si Hans para magka gano'n siya?"-Migs

"Tigilan niyo na nga 'yan! Hindi kayo nakakatulong sa sitwasyon!"-Nemi

"Teka teka.. manghihiram ako ng motor sino bang pwedeng sumama?"-Darrin

"Wait? You'll drive?"-Cess

"I can drive-"

"Sasama ako."-Sandra

Doon lang ako natauhan. Kapag wala si Crenz ako ang responsable sa kanila.

"No, you'll stay here"

Maagap na tutol ko.

"Hans!"-Sandra

Reklamo niya.

"Migs sumama ka tapos bahala na ang isa sa mga kaibigan niya ang sumama rin."

Utos ko sa kanila.

"I'll go"-Mike

"No, you can't."-Jhom

"Ano?!"

Lahat sila ay maiinit ang ulo.

"You'll just create a mess in hospital. Artista ka pa rin tandaan mo. Ako na ang bahalang mag sabi kina Tita."-Jhom

Yeah, right..

Kita namin ang pag tutol sa kanila pero wala silang magawa dahil tama si Jhom.

Nag tatalo naman si Darrin at Princess sa balak na pag dadrive ni Darrin.

"Hindi 'to oras para pag talunan kung sino ang mag dadrive"-Darrin

"No, you should stay here. Let Darwin drive."-Cess

Anong problema nila.

"Dito ka na 'Da, ako na sasama sa kanila. Bantayan mo nalang si Charrie, umiiyak sa loob."

Mabilis na pumasok si Darrin sa loob.

"Ikaw na bahala sa kanila."

Paalala ko kay Migs.

Tinapik niya lang ako sa balikat atsaka sila sumunod na kay Darwin.

"Fix yourself, Hans."

Simpleng sabi sa'kin ni Sandra at saka ako tinalikuran.

RAFFY'S POV

Sinabi sa'min ni Crenz kung saan pwedeng mag landing.

"Tara."

Sinalubong kami ng ilang guard na sumama kina Crenz para bantayan sila mula sa malayo.

Pag pasok namin sa hospital medyo hinarang pa kami pero agad naman kaming nag paliwanag, si Drei na ang kumausap sa kanila.

Hinanap namin kung nasa'n sila.

Nang makita ko kung nasa'n sila ay medyo naka hinga ako ng maluwag dahil ok lang si Crenz.

"Alam mo?"

Tanong ni Attienza kay Crenz habang mag kaharap sila. Hindi siya sinagot ni Crenz.

"ALAM MO PERO WALA KA MAN LANG SINABI SA'MIN?!"

Sigaw ni Attienza habang lumuluha sa harap ni Crenz.

"Liphyo, huminahon ka, hospital 'to."-Migs

Maglalakad na sana ako palapit sa kanila pero mabilis akong hinarang ni Tyro.

"She might kill you if you intervene."

Seryoso ko siyang tiningnan.

"You expect me be silent?"

"You can interfere on her duty or to other people but you knew you can't do that with Attienza."

Nag aalala siyang tumingin sa'kin.

Alam naman namin na higit kanino man hindi kami pwedeng makialam pag patungkol na kay Attienza dahil ayaw ni Crenz.

She's over protective when it comes to him.

"I won't stand still-"

"You should or else you can never talk to her anymore, kilala mo siya higit pa sa'min. Hindi ito tamang oras para makialam tayo, let her fix her problem."

Naniniwala talaga ako kay Tyro kapag sa seryosong bagay na dahil bihira siyang mag seryoso. Kapag nag seryoso siya para siyang si Crenz mag isip.

"KAHIT SAAN PA TAYO MAG USAP MALI PA RIN NA TINAGO NIYA ANG SAKIT NI JERICK!"

"Liphyo!"-Migs

Nakakakuha na sila ng atensyon ng ibang tao.

Pinuntahan na rin sila ng guard para palabasin.

"This is serious."-Tyro

"This is really a serious matter. The guy inside the room has a leukemia and I think it's already on stage 2."

Tiningnan ako ni Tyro.

"Alam mo?"

"Lately ko lang rin nalaman."

"Alam ba ni Crenz na alam mo?"

"Hindi, nalaman ko 'yon mahigit isang linggo na sila sa province."

Tinuon ulit namin ang tingin sa kanila.

"I can walk!"

Sigaw ni Liphyo sa guard at saka nag lakad palabas.

Nilampasan kami ni Liphyo habang kasunod niya ang guard.

Tumingin sa gawi namin si Crenz.

"Jhom, ikaw muna ang bahala rito."

Mahinahong pakiusap ni Crenz.

"Ako na bahala."

Nag lakad siya patungo sa'min.

"Sa labas tayo."

Maikling aniya at saka kami nilampasan kasunod niya si Migs na bahagya kaming tinanguan.

"Buti hindi natin sinama si Ryker."-Tyro

"Baka nag ka bangas si Attienza kapag nakita niya 'to."

Ako kasi mapipigilan mo pa konti pero si Ryker kapag nakita niyang may sumusigaw kay Crenz na hindi niya kilala bigla nalang siyang nagiging bayolente kasi hindi pa niya kilala yung tao at hindi niya alam kung anong kayang gawin ng taong 'yon sa kanila.

Sumunod kami sa labas.

"Mukha bang biro lang 'to sa'yo?"

May ngisi at panunumbat na tanong ni Liphyo habang namamasa na ang mata.

"Mukha bang ginagawa kong biro ang kamatayan?"

"Then why didn't you tell us?"

Nag susumamong tanong niya.

Nag iwas lang ng tingin si Crenz.

Kapag nag iiwas ng tingin si Crenz alam naming alam niya na may kasalanan din siya at pwedeng pwede siyang sisihin.

"Sagutin mo ako! Huwag mo akong pag mukhaing tanga dito! Ang dami dami kong tanong kaya sumagot ka please lang."

Tuluyang tumulo ang luha niya kaya kaagad akong tumalikod. Gaya ni Crenz na dudurog din ako kapag lalaki na ang nakikita naming umiiyak. Lumaki kaming napapaligiran ng lalaki kaya medyo alam namin kung paano sila makitungo at kung ano ang nararamdaman nila sa loob nila.

"Don't turn around."-Tyro

"I can't -"

"Face your weaknesses."-Tyro

Wala akong nagawa kundi ang humarap ulit sa kanila pero nag tago ako sa likod ni Tyro para hindi ko makita nang buo ang mukha ni Liphyo.

"Pfft.. both of you haven't changed at all."

"Same to you asshole."

Hinila ko ang buhok niya ng konti.

Ba't kasi ang tangkad ko? Sa ulo tuloy niya ako sumisilip unlike sa ibang girls na sa balikat sisilip or sa bandang leeg.

"SOBRANG DAMING ORAS NA MAG KAKASAMA TAYO, DAMING ORAS NA PWEDE MONG SABIHIN SA'MIN PARA NAIWASAN NATIN YUNG GANITO. Bakit kung kelan lumala ang lahat saka mo lang sinabing may alam ka sa karamdaman niya?"

I get it, may mali si Crenz pero mali rin siya.

"Ayaw niyang ipaalam sa inyo."-Crenz

"Damn, Crenz! Kung sinabi mo no'ng una palang sana hindi na namin siya hinayaang sumama rito. Sana nag papagaling nalang siya sa Manila-"

*PUNCH*

Parehong umangat nang bahagya ang balikat namin ni Tyro nang biglang lumapit si Drei at sinapak si Liphyo.

"DREI!"

Mabilis kong sigaw.

Hindi namin namalayang nandiyan na siya.

Winisik ni Drei ang kamay niya sa ere as sign na nasaktan din siya sa pag kakasapak niya kay Liphyo.

Tinulak ko siya palayo kina Crenz.

"Anong ginagawa mo?!"

Singhal ko sa kaniya.

"I can't just stand and listen to his nonsense mind."

Simpleng sagot niya at saka inikot ang kamao niya dahil mukha ngang nabigla din ang katawan niya.

Dinaluhan ni Migs si Liphyo na naka higa sa lupa.

"Crenz."

Untag ko sa kaniya.

Mula sa pag kakatinginan niya kay Liphyo ay tumingin siya kay Drei na walang emosyon.

"What? I won't just look at you being belittled by him."

May pag hahamong tono ni Drei.

Liphyo is bleeding, his nose and the corner of his lips.

"Raffy, ilayo mo siya-"

"Why? Am I wrong? Hindi mo kasalanan kung hindi nila alam na may sakit ang kaibigan nila! Heto ka na naman Crenz! Hinahayaan mo na namang maliitin ka ng iba! RESPONSIBILITY NILA NA ALAMIN KUNG ANONG LAGAY NG KAIBIGAN NILA! PATI BA NAMAN SA KANILA MALI KA PA RIN- BITIWAN NIYO KO! PAPATAYIN KO YANG GAGONG 'YAN!"

"DREI! STOP IT!"

Saway ko sa kaniya dahil malapit na siyang makawala sa'min ni Tyro. Hindi na kinakaya ng lakas namin ang lakas na nilalabas ni Drei.

"STOP BLAMING CRENZ FOR YOUR INCOMPETENCE! Tinago ni Crenz ang karamdaman ng kaibigan niyo dahil pinakiusapan siya! Hindi mo ba alam kung gaano ka hirap ilihim ang bagay na 'yon?! Naiipit siya sa gusto ng kaibigan niyo at sa dapat niyang gawin! Who are you to blame her?!- I SAID GET OFF ME!"

Sigaw niya rin sa'min.

Naitayo nang tuluyan ni Migs si Liphyo.

Ang sama ng tingin ni Liphyo kay Drei habang pinupunasan ang dugo sa mukha niya.

"Stop using violence, Drei!"-Migs

Maging si Migs ay naiinis na rin sa kaniya.

Si Crenz naman ay na natiling tahimik.

"Gawain ba ng matinong lalaki ang sisihin ang babae sa pagiging bano nila?"-Drei

"At gawain din ba ng matanda ang pumatol sa bata?"-Crenz

Natigilan si Drei sa pag pupumiglas at saka tumingin kami kay Crenz.

"I don't care-"

"You're just like him. You're both impulsive and don't think first before act or speak."-Crenz

Inis na tinulak ko nang bahagya si Drei.

"You made a big mistake."

Sabi ko sa kaniya at saka pinuntahan si Liphyo para tingnan ang lagay niya.

"Mag pa gamot ka sa loob."

Sabi ko sa kaniya.

"Sino ba siya?"

Kunot noong tanong niya.

Kung hindi lang ako nag iisip ngayon baka nabangasan ko na rin siya dahil sa mga walang kwentang pinag sasabi niya kay Crenz.

"My brother."

Bigla siyang napa ngisi habang nakatingin sa dalawa.

Anong nginingisi ngisi niya?

"Another suitor?"

Suitor?

Si kuya?

"Stupid, he is not."

Maikling tugon ko.

"I'm more better than him-"-Drei

"In what way? For being impulsive?"-Crenz

Now they're fighting.

"Tumigil na nga kayo. Nandito tayo para ibalik sa Manila 'yong pasyente."

Inis na sabi ko sa kanila.

"Nag decide ka na naman nang walang sinasabi sa'min?"

Hindi makapaniwalang sabi ni Liphyo.

"Attienza!"-Migs

"It's not that I don't like the idea pero sana sinasabihan niya muna tayo bago siya kumilos dahil pananagutan ko rin sila kapag may masamang nangyari sa kanila."

Ahhh.. right.. about responsibility.

"OK FINE! IT'S MY FAULT! I'M SORRY! SORRY KASI HINDI KO SINABING MAY SAKIT ANG KAIBIGAN NIYO KAHIT KAYO ANG KASAMA NIYA NANG MAHABANG PANAHON AT HINDI NIYO IYON NAPANSIN, SORRY KASI AKO LANG ANG NAKAKALAM AT NAHIHIRAPANG PROTEKTAHAN ANG KAIBIGAN NIYO SA MGA POSSIBLE NA MAKASAMA SA KALUSUGAN NIYA, SORRY KASI NANDITO SIYA SA HOSPITAL NANG DAHIL HINDI KO SINABI SA INYO ANG LAGAY NIYA AT SORRY DIN KASI NAG PLANO AKONG IBALIK SIYA SA MANILA PARA MAIPAGAMOT AGAD NANG HINDI NAG SASABI SA INYO! ANO PA LIPHYO? ISISI MO NA SA'KIN LAHAT. ISISI MO NA RIN YANG SUGAT MO NGAYON, SORRY KASI NASAPAK KA NG SIRAULO KONG KAIBIGAN DAHIL SA MGA WALANG KWENTANG PINAG SASASABI MO!

HINDI KO GUSTONG HAWAKAN KA!

MARAMI AKONG RESPONSIBILIDAD TAPOS DINAGDAG KA PA SA LISTAHAN KO! ALAM MO KUNG GAANO KA KAHIRAP HAWAKAN? KUNG HINDI KA PAKELAMERO WALA KA SANA RITO! ISISI MO NA RIN SA'KIN ANG MANGYAYARI SA PAMILYA MO, OH! WAG MO RIN PALA KALIMUTANG ISISI SA'KIN NA MAG KAKA ANAK ANG KUYA MO SA IBANG BABAE!

YOU KNOW WHAT?! PAGOD NA AKO!

NAPAPAGOD NA AKO SA INYONG LAHAT!"

Tumalikod siya at pumasok muli sa hospital.

Nagulat kami kasi sumigaw si Crenz. Mukha ngang napuno na siya sa'min.

"Tsk! Childish."

Singhal ni Drei kay Liphyo.

*Beep beep*

Tumingin kami sa bumusina sa'min.

Si Darwin 'yon.

"Nandito na kayo."

Bati niya sa'min.

"Kuya Drei? Kuya Tyro?"

Nag aalangang tanong niya.

"Darwin!"-Tyro

Nilapitan siya ni Tyro at ginulo ang buhok niya.

"Kumusta?"-Drei

Susko! Gaano ba sila kabilis mag palit ng mood ang mga lalaki.

Humarap ako kay Liphyo.

"Do you mean it?"

Seryosong tanong ko sa kaniya kasi kung mean niya 'yon ibabalibag ko siya ngayon mismo.

Bigla nalang siyang napa upo at saka sinuntok ang tuhod niya.

Anong ginagawa niya?

"You need to stand."

Bulong niya sa sarili niya habang pinag papatuloy ang pag suntok sa tuhod niya.

"Pfft.. natakot ka rin 'no?"-Migs

"Sorry, nadala lang ako ng sitwasyon. Siguro nag hahanap lang ako ng sisisihin sa pagiging wala kong kwentang kaibigan."

Natigilan siya at saka suminghot.

"Ang bobo ko kasi *Punch punch*"

Bigla akong napa atras dahil nag labas na naman siya ng luha sa mata niya.

Naaawa ako sa kaniya.

"Stop it, Liphyo."-Tyro

Pinalibutan nilang mga lalaki si Liphyo.

Maging si Drei at nandoon din dahil siguro narinig niyang nag sorry si Attienza. Gano'n lang naman kababaw si Drei eh.

"Dapat no'ng madalas siyang nag kaka nosebleed nahalata ko na, yung madalas niyang pag absent tapos 'yong mga pasa niya at pagiging matamlay niya *sobs* ang bobo ko."

Napa sabunot siya sa ulo niya habang nakapatong sa tuhod niya ang dalawang siko niya.

"Aalamin lang natin kung kelan siya pwedeng ipalipat para maililipat na agad siya."-Tyro

Tumalikod na ako kasi hindi ko na kakayanin kapag may narinig pa akong pag iyak mula sa kaniya.

Lumipas ang ilang oras at pinayagan na ang transfer request namin sa hospital.

Nasa harap na kami ng helicopter ngayon at pinapasok na nila sa loob ang pasyente.

Tumingin kami kay Crenz dahil hindi namin alam kung sasama ba siya or kung anong gagawin niya. Hindi rin sila nag kikibuan ni Attienza.

"What's your plan?"

"Nandito pa ang iba kaya hindi ako pwedeng sumama sa kaniya."-Crenz

"Ako sasama sa kaniya."

Napatingin kami sa bagong dating na lalaki.

Wait? He looks familiar.

Pinakatitigan ko siya nang maigi.

"Jhom? Are you sure?"

"Na contact ko na sila Tita at nag hihintay na sila sa hospital."

Jhom! Yeah! I remember!

I worked part-time in modeling before to support my wants and he became my partner in one magazine.

"WOOOH.. long time no see Acosta."

Nakangiting bati ko sa kaniya.

Gulat siyang tumingin sa'kin.

"Rafflesia."

Mula sa pagka gulat ay ngumiti siya sa'kin nang malawak.

"It's been 3 years I guess?"

Mukhang hindi pa niya alam ang irereact niya ah?

"Hey, Jhom? Don't tell me siya yung kinukwento mong babae na nakilala mo sa US?"-Liphyo (Chapter 21)

Ha? Kinukwento niya ako? Connected sila?

"Magkaibigan kayo?"

"Unfortunately, yes"-Jhom

Siniko siya si Liphyo

"Hoy? Lugi ka pa?"

Bulong sa kaniya ni Liphyo na nag pa ngisi sa'kin. Mukha ngang magkaibigan sila.

"Tapos na kayo? Nag hihintay 'yong pasyente."-Crenz

"Ahh.. yeah."

Inakbayan ko si Crenz at saka hinila papunta kina Drei na nag aasikaso ngayon sa loob ng helicopter.

"Bakit kilala mo 'yon?"-Crenz

"Diba nag part time ako sa modeling kahit ayaw ko? Doon ko siya nakilala, doon sa US."

"Kelan ka nag US?"

"1 week akong wala no'n ah?"

"Talaga? Di ko pansin, baka siguro nakulangan pa ako sa oras no'ng umalis ka."

Kung pwede ko lang siyang kutusan baka kanina ko pa ginawa.

"You're so sweet."

Ngiti ko sa kaniya.

"Wag ako Raffy, tabi."

Nilayo niya ako sa kaniya at kinausap sila Drei.

"Sasama 'yong isa niyang kaibigan kaya ayusin niyo ang usapan niyo. Kailangan ko ng helicopter bukas dahil uuwi na kami. Tatlong helicopter kung kakayanin ng org."

Bigla akong na excite kasi uuwi na sila.

"Can't I stay here?"

Naka ngusong tanong ko.

"You can't, you're a doctor."-Drei

Napakamot nalang ako sa ulo ko.

Gusto kong mag stay.

"The patient is waiting. Let's go."-Tyro

Himala at seryoso ngayon si Tyro.

"Sasama ako sa pag sundo." Masayang sabi ko.

"Bahala ka basta ikaw na bahala sa kanila."

Yiiieeeh! Hindi siya kumontra!

Mukhang di ako makakatulog sa excitement ngayon ah?

*Ring*

Tumunog ang cellphone niya at napatingin pa siya sa'kin bago niya sinagot.

"Chelsea?"-Crenz

Kumabog nang mabilis ang puso ko dahil sa pangalan na 'yon.

Shiiit! I almost forgot her!

Sumenyas ako ng X sa dalawang braso ko para sabihing wag niyang sasabihing kasama niya ako o kung nasa'n man ako.

"Si Raffy? Uh.. Chelsea, don't always look for her. Mabilis masakal si Raffy kaya kung ako sa'yo bibigyan ko siya ng konting luwag bago siya tuluyang mag sawa."

Woooow! Galing talaga 'to kay Crenz?

Napa ok sign ako sa kaniya dahil ang ganda ng mga sinabi niya.

"Ok.. oh baliw."

Iniabot niya sa'kin ang phone niya.

Napa tampal nalang ako sa noo ko dahil wala rin palang kwenta ang pag senyas ko sa kaniya dahil sinabi niya rin na kasama niya ako.

"Salamat ah, hindi mo nga sinabi pero binigay mo naman sa'kin."

Irap ko sa kaniya at saka nilagay sa tenga ko ang cellphone.

"Che?"

"*Sigh* you're alive. *Toot toot toot*"

Taka akong tumingin sa phone at dinouble check kung nasa kabilang linya pa siya pero mukhang pinatay na nga niya.

"Ang bilis naman?"-Crenz

"Sabi niya "you're alive" then she hang it up."

Hinampas niya ako sa braso ko at saka kinuha ang phone niya.

"Ouch! What's that for?"

Himas ko sa balikat ko.

"Gusto lang malaman ni Chelsea kung buhay ka pa. Atleast mag text ka man lang sa kaniya ng tuldok para alam niyang may buhay pa siyang Raffy na babalikan."

Teka? Gano'n ba 'yon?

"Nakalimutan kong dalhin ang phone ko kaya hindi ko siya na text."

Tumingin siya sa'kin na parang ako ang pinaka walang kwentang tao sa mundo.

"I swear."

"Kaibigan ko kayo pareho kaya ayaw kong may isang nasasaktan sa inyo. Bitiwan mo si Chelsea kung hindi ka fully committed para isahang sakit nalang. Ayokong masaktan si Chelsea nang dahil sa'yo dahil hindi niya deserve 'yon."

Bigla akong natahimik.

Isa rin 'to sa ayaw ko kaya ayokong pumasok sa relasyon. Alam kong hindi niya deserve masaktan pero nasasaktan siya nang dahil sa'kin.

"We already talked about it."

"Mabuti 'yan. Marami na akong iniisip kaya huwag na kayong dumagdag. Kahit pa sabihin mong hindi ko na dapat kayo isipin pa hindi magagawa ng utak ko 'yon at alam mo 'yon."

*Sigh*

CHELSEA'S POV

Am I really too much?

Nag aalala lang ako sa kaniya kasi hindi siya sumasagot.

Napag usapan na namin na tatawagan ko siya ng 8pm ngayong gabi pero hindi siya sumagot sa'kin at ring lang nang ring.

"Stop making that face."

Sabi sa'kin ni Nina habang nandito siya ngayon sa bagong bili kong condo. Ayokong mag stay sa bahay dahil malapit na ang exams namin at madalas akong kulitin si Kenzie kaya hindi ako makapag focus.

"I don't know if I'm wrong."

"Raffy is just like Crenz, so hard to define."

Irap niya sa'kin.

Nag woworry rin talaga ako na baka nasasakal ko na nga talaga siya.

Sinusubukan kong maging normal lang kagaya dati at hindi ko siya madalas kinakausap o tinitext para bigyan siya ng privacy niya.

Nangalumbaba nalang ako sa mesa. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

"Don't let Raffy ruin your studies, Chelsea."

Yeah! I'm trying! Pero kapag napapatulala ako naiisip ko talaga siya at kapag naiisip ko siya hindi ko maiwasang hindi mawala sa konsentrasyon.

"Hindi naman."

Tsk!

Basta ginagawa ko ang best kong maging gaya pa rin kami ng dati.

"You know what? Stop it."

Tumingin ako sa kaniya.

"Stop what?"

"Stop that thing with Raffy. Pareho kayong hindi pa ready lalong lalo na siya. She never had a serious relationship before nor a boyfriend/girlfriend, she only cares about Crenz whereabouts and on her mission."

Napahiga nalang ako sa sofa.

Nag sisimula pa lang kami pero parang mag tatapos na agad kami. Biglaan ang lahat ng nangyari at hindi ko naman akalaing biglaan ding matatapos.

Huminga ako nang malalim para ibsan ang sakit at bigat ng dibdib ko.

"Pinapahirapan mo lang ang sarili mo." Komento niya.

"Akala ko rin kasi tapos na ang feelings ko sa kaniya, but when I heard that the Queens deck will comeback, my system got shattered again."

Sininghalan niya ako.

"I won't be on your side in that matter. You've been unfair to Daniel."

Isa pa 'yon. Na guguilty din naman ako kasi nga bumalik ang unfinish feeling ko kay Raffy nang marinig kong babalik na sila.

"I know, hindi rin naman ako humahanap ng kakampi sa kagagahan ko."

"I'm just being clear."-Nina

Alam ko ang mali ko at hindi naman ako humahanap ng ibang sisisihin. Pero sigurado naman akong hindi dahil parating na si Raffy kaya ako nakipag break sa kaniya. Hindi ko pa nababalitaang babalik na ang Queens deck ay gusto ko na makipag break sa kaniya. It's started when he insists that he wants something happen to us the after that nag kagulo na kami kahit pa nag sorry na siya at nangakong hindi na ulit niya 'yon babanggitin.

Sabihin na nating na turn off talaga ako sa kaniya at kahit pa matagal na kami hindi ko gustong may mangyari sa'min dahil takot din ako sa org atsaka hindi pa oras para gumawa ng milagro.

'Pero kay Raffy ok lang?'

Bulong ng isipan ko.

'Walang mabubuo sa'min kaya siguro kampante ako at gusto ko siya at handa na akong harapin ang ibang tao sa relasyon gusto kong pasukin, handa akong maliitin nila o matahin.'

Bulong ulit ng isip ko.

"Hindi ka pa uuwi?"

Tanong ko sa kaniya habang nakaharap lang ang ulo ko patagilid.

"Pinapaalis mo na 'ko?"

"Hindi naman, pero kailangan kong mag review."

Naka salamin ako ngayon dahil mag rereview sana ako kung hindi lang siya dumating.

"I'll leave soon. Tinatamad pa akong tumayo-"

*Ding dong*

Ano? Sino 'yon?

Wala kaming inorder.

Tumingin ako kay Nina.

"Did you invite someone?"

Mabilis siyang umiling.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko at saka binuksan ang pinto.

"Sure ka bang dito 'yon?"

"Oo naman, invention ko 'to kaya alam kong accurate 'to."

Nanlaki ang mata ko sa dalawang taong nasa labas ng pinto ko.

Paano nila nalaman ang bahay ko? Wala pa akong ibang pinag sasabihan kung saan ako nakatira pero nandito sila sa harap ko ngayon.

Tumingin sila sa'kin pag bukas ko ng pinto.

They looked at me from head to toe.

*SLAMMED!*

Bigla kong sinara ang pinto at napa sandal doon.

Yung kaba sa dibdib ko bigla nalang namuo at nanginginig ang tuhod ko.

"Hey, is there's something wrong?"

Nilapitan ako ni Nina kaya agad ko siyang hinawakan sa balikat niya.

"What?"

Iritang tanong niya.

"How do I look?"

Mabilis na tanong ko.

"Ha? As usual."

Simpleng sagot niya at kinunutan ng noo.

"Ha?! I don't know my look in usual-"

"Ano bang nangyayari sa'yo?"

*Knock knock*

Sabay kaming tumingin sa pinto.

"Sino ba 'yon?"

Nilampasan niya ako at saka binuksan ang pinto.

Natigilan din siya sinara ang pinto gaya ng ginawa ko.

"Sinabi mo kung sa'n ka nakatira?"

Mabilis na tanong niya

"Hindi."

"Then why they're here?"

"I don't know, I was about to ask you."

Umiling siya bilang sagot na hindi niya rin sinabi kung saan ako nakatira.

*Knock knock*

Para kaming tanga dahil sa ginagawa namin.

Pwede naman naming papasukin nalang sila pero gulat pa rin kami eh.

"Why are they together-"

"Don't ask me, open the door-"

*Doors opened*

Gulat akong napa atras nang bigla iyong bumukas.

"Hey? What's the matter to the both of you?"

Mataray na tanong ni Raffy

"You both slammed the door."

Iritang sabi rin ni Tyro.

"Paano niyo nalamang-"

"I'm exhausted Nathalie, let's just go."-Tyro

Kelan pa naka balik si Tyro?

"Ano- teka- wait-"

Walang ano ano ay hinila siya ni Tyro palabas ng bahay ko at sinara ang pinto pag labas niya.

Naiwan kami ni Raffy na nakatingin sa sinarang pinto ni Tyro at saka siya humarap sa'kin.

"Why didn't you tell me?"

"How did you know?"

"Kung hindi pa namin trinack ang phone ni Nina mukhang hindi mo rin sasabihin sa'king may iba ka na palang tinutuluyan."

Inikot niya ang paningin niya sa unit ko.

"Kelan ka pa naging interesado sa'kin?"

Tinalikuran ko siya at umupo sa sofa.

"What? Akala ko ba nalinaw na natin 'yang bagay na 'yan?"

Nakita ko ang gulo sa mukha niya.

"Ahh.. parang hindi ko maalala."

"What?!"

Lumapit siya sa'kin at nag cross arm sa harap ko.

Hindi maipinta ang mukha niya.

"Nakalimutan ko rin gaya ng pag kalimot mo sa usapan natin na tatawag ako ng 8 pm."

Bigla siyang napa isip at saka lumambot ang mukha.

"Then let's not talk over the phone."

"Obviously, you're already here uninvited."

Pag tataray ko sa kaniya.

Lumapit siya sa'kin at dumukwang kaya halos maduling ako sa lapit niya at napasandal pa ako sa sandalan nang gawin niya 'yon.

"Am I really unforgiven?"

Napalunok ako sa klase ng boses habang sinasabi niya 'yon.

Mabilis ko siyang tinulak at saka ako tumayo.

Naka jacket at pajama na ako kaya mukhang ang pangit ko ngayon. Ayokong makita niya ako ng pangit tapos mukha pa akong nerd dahil sa salamin ko.

"Chelsea -"

"Don't come closer!"

Mabilis na sabi ko.

"Waegurae?"

(What's the matter?)

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nag lakad nalang ako papunta sa kwarto ko sana para mag palit ng damit pero agad niya akong pinigilan.

"Ano ba 'yon?"

Naiiritang tanong niya.

Nag takip ako ng mukha.

"Are you being conscious again with your look?"

Kasi naman!

Inalis niya ang kamay ko sa mukha ko at saka niya ako tiningnan.

"You're more beautiful than the other."

"So you have other girl?"

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

Napatingin siya sa taas dahil mukhang iniintindi niya ang pinag uusapan namin.

"No, I don't have."

Mabilis na sagot niya nang mukhang nag process na sa utak niya.

"Then why you're ignoring my calls?"

"I didn't ignored it, I just left my phone in my unit."

Why is she with Crenz? It's already late.

"Why are you there?"

She exhaled and explained me what happened before she goes here.

"So she'll comeback tomorrow?"

"Yeah."

Niyakap niya ako na parang pagod na pagod siya.

"Tired?"

"Uhm."

Sagot niya.

Ang bilis ko namang matunaw sa kaniya. Kanina lang iniisip ko na 'tong itigil pero ngayon...

"Let's go to bed."

"You'll let me sleepover tonight?"

Wala namang problema.

"Gusto mo bang iba nala-"

"No! Let's go!"

Hinarap niya ako at saka niya kinagat ang pang ibabang labi ko.

"Raffy!"

Saway ko.

*Tsup*

"Tara."

Inakbayan niya ako at saka pumasok kami sa kwarto ko.