webnovel

39

SANDRA'S POV

Mag iisang linggo na kami rito pero bihira ko pa rin makita si Crenz sa bahay. Ilang gabi ko na siya hindi nakakatabi, actually isang beses ko palang siya nakakatabi no'ng first day lang namin dito. Parang tatlong araw na siyang hindi nag papahinga.

"Ano bang ginagawa ni Crenz?"

Naboboring na tanong ko kay Nemi.

"Di mo alam? May assignment na binigay ang Papa mo sa kaniya at inaasikaso niya 'yon."

Assignment? Hindi ko alam.

Isinalang ko ang isang braso ko para gawing unan sa mesa at saka humarap sa gawi ni Nemi.

"May assignment pa siya diba? 'yong kay Liphyo?"

Nag patuloy lang siya sa pag tatalop ng gulay na lulutuin namin maya maya.

"Tatlo ata ang tengga niyang assignment ngayon. Yung kay Liphyo about sa kapatid niya, kay Liphyo na assignment para kumbinsihin ang may ari ng lupain na 'to na maging source ng org para sa mga goods at ang assignment niya na binigay ng Papa mo. Napapagod ako sa ginagawa no Crenz, imagine kakauwi niya lang galing sa isang assignment tapos dumagdag pa ang dalawang sunod na binigay ni Mr. Homer sa kaniya at yung may Attienza pa."

Lalo lang ata akong nalungkot.

Kakatapos lang no'ng sa barko no'n tapos nag kasakit pa siya no'n, after niyang mag kasakit umalis naman siya para hanapin ang pumatay sa isang Zaylous then after no'n inutusan na naman siya nila Papa. Kung tutuusin ay wala pang pahinga si Crenz at ang pinaka nakakapagod pa room ay ang araw araw na pag babantay sa'min.

Paano niya nagagawa lahat nang 'yon? Ang pinaka highlight pa sa kaniya ay Ina pa siya.

"Anong iniisip mo?"-Nemi

"Hindi na mag re renew si Crenz pag tapos ng contract niya."

Lalo lang ata akong nababaliw sa isiping 'yon.

Sobrang sanay akong nasa paligid ko sila kaya kapag umalis ang isa sa kanila parang ang laking pag babago.

"Sus, lagi mo nga siyang inaaway."-Nemi

"Oo nga."-Cess

Gulat akong tumingin sa likod ko nang marinig ang boses ni Cess. Itong babaeng 'to lagi nalang bigla biglang susulpot.

"Immaturity strike, bitches."

Pag susungit ko sa kanila.

"Kung lalaki ka lang baka binalibag ka na rin ni Crenz."

Natatawang sabi ni Nemi.

Alam ko naman 'yon. Sobra rin ang respeto ni Crenz sa mga babae. Mukha lang hindi halata pero sa simpleng pag gigive way niya kahit sobrang nipis ng pasensya niya mahahalata mo na ginagalang ka niya. Baka nga 'yon na ang highest way of her respect.

"Ano na gagawin ni Crenz ngayon? I mean pag tapos niya sa pag tatrabaho sa'kin?"

Napa hmm si Nemi at parang iniisip kung ano nga ba ang mga posibleng gawin ng isang Crenz Yara.

"Mag paka ina?"-Nemi

"Anong magiging trabaho niya?"

"Bakit trabaho ang iniisip mo? Mag papakasal siya at hayaan nating mag trabaho ang asawa niya."-Cess

Mabilis akong umiling.

"Ayoko, ayokong ikasal si Crenz. Gagamitin ko talaga ang card ko kapag nag pakasal siya."

Sobrang seryoso ako na ayaw kong ikasal si Crenz sa ngayon. Gusto ko mag kagusto muna siya sa isang tao at 'yon ang pakasalan niya at hindi 'yong no choice lang siya.

"Pare pareho tayo ng sinabi. Ang mga lalaki rin natin handang gamitin ang nag iisang card nila para lang hindi ikasal si Crenz at syempre pati na rin ako."-Nemi

"Me too."-Cess

Ano nga ba ang card na sinasabi namin? Iyong card na 'yon ay hiling ng mga successor na pwede nilang gamitin ng isang beses lang. Kailangan pag isipan mo ng mabuti ang hihilingin mo dahil kapag hindi baka masayang lang ang isang hiling mo.

Pwede kang humiling ng pera sa organization or di kaya kasal, basta kahit anong hiling na hindi lalabag sa batas ng organization.

Hindi sa ayaw naming mag ka ama si Charrie, ang amin lang masyado pang bata si Crenz. 18 palang siya kaya para sa'kin hindi ko gusto ang idea na 'yon.

"Wala si Hans?"-Nemi

"Oo, wala rin si JM."-Cess

Mukhang sumama sila kay Crenz.

Tatlong araw na rin sila wala rito sa bahay. Sawang sawa na ako sa mukha ng kambal.

Napa sandal nalang ako sa upuan at humalukipkip.

"Anong mukha yan Pres?"-Jigs

Isa pa 'tong tukmol na 'to, mapapatid litid ko kakasaway sa kanilang dalawa ng kambal niya.

Umupo siya sa harap ko habang may dalang mangga.

"Umalis ka nga sa harap ko, nabubwiset ako sa mukha mo."

Singhal ko sa kaniya.

"Bakit? Ang pogi ko kaya."

Kapag nakikita ko si Jigs naaalala ko 'yong ginawa niya kay Yasy.

"Umamin ka nga Jigs, ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Yasy dati?"

Mula sa naka ngiti at mapang asar niyang itsura bigla nalang siyang sumeryoso.

"Cassandra, bakit inuungkat mo pa."-Nemi

"Hindi ko lang kasi ma gets, gano'n ba talaga ang mga lalaki?"

Hindi ko gustong mag generalized pero mas prone kasi ang mga lalaki sa gano'ng bagay.

"Pfft.."

Natawa ng mahina si Jigs at saka pinasigla ulit ang itsura.

"Dahil bata pa ako masyado akong nag eexplore-"

"At sakaniya mo napiling mag explore?"

"Sandra!"

Saway sa'kin ni Cess at Nemi.

"It's fine guys you can judge me."

Natatawang sagot ni Jigs

"What happen?"

"Ahh.. that time a friend of my father visited our house. May dala siyang bote ng alak at alam ko ang klase ng alak na 'yon kasi sobrang dami kong alam pag dating sa alcohol liquor. Wala si mommy and kasama ng kaibigan ni Papa ang kaibigan din no'ng bisita. Then nag inuman sila."

Tumingin siya sa kawalan na parang sinasariwa ang nakaraan.

"Huminto sila saglit at lumayo sila Papa sa table para ipakita sa kanila ang mga tanim ni Mama na orchids at iba't ibang bulaklak. Lumapit ako doon sa mesa at kinuha ang alak na nandoon para tikman and when I finished it up I replaced it with another one. Wala si Migs sa bahay dahil nag paparcatice siya sa isang malaking competition. Hindi ko alam kung paano naka pasok ng bahay noon si Yasy basta no'ng nag iinit na ako and I felt I'm into a sexual urges, si Yasy ang napag balingan no'n."

Nag init ang ulo ko sa sinabi niya.

Explanation ba 'to o dahilan niya?

"In just 1 shot?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Cess.

"Yeah."

Pag amin ni Jigs.

"I don't believe it."-Nemi

"Gano'n ba talaga kalakas ang ininom mo?"

Naiinis na tanong ko.

"I told her to leave because my sexual urges are continuing to banging my whole system. She refuse to leave and then ayon, I almost made her naked on my room."

Napakuyom nalang ako ng kamao. I want to slap him.

"Anong klaseng hayok ba ang nag sabi pang umalis muna ang babago bago niya gawan ng kahalayan?"

Tanong ni Nemi.

"Klaseng ako, HAHAHA."

Tinawanan niya kami kaya inis kong binato sa kaniya ang balat ng gulay na binabalatan ngayon ni Nemi.

"Get out of my sight."

Mariing bigkas ko saka siya muling binato ng balat ng gulay.

"Ito si Pres hindi malaman kung anong trip sa buhay, pinag kukwento mo ko tapos pinapa alis mo 'ko? Labo mo naman."

Aniya habang pakamot kamot sa batok at umalis sa harap namin.

"Cassandra."

Nag babantang tono no Nemi.

"Hindi ko kasi gets kung paano niya pa nagagawang ngumiti ng gano'n -"

"Hindi mo dapat ginawa 'yon."

Kinabahan ako sa biglang pag lapit ni Migs na may seryosong tono ng boses.

"What?!"

Inis na tanong ko.

"Dapat inaalam mo muna kung bakit may gano'ng nangyari bago ka mang husga."

"Kinakampihan mo ang kapatid mo?"

Inis na tanong ko.

"Hindi ko siya kinakampihan pero hindi mo dapat siya binato ng mga 'yan matapos mo siyang tanungin at pag kwentuhin."

Whatever!

"He deserves it-"

"He tried to get away from that situation, nakiusap siya kay Yasy na umalis na pero sinundan pa rin siya ni Yasy!"

Mariing paliwanag niya

"But it doesn't mean na pwede niyang pag samantalahan si Yasy."

Nagiging intense ang paligid namin dahil pareho kami ngayon ni Migs na mainit ang ulo sa isa't isa.

"You knew nothing!"-Migs

Bulyaw niya sa'kin kaya tumayo na rin ako para makipag sagutan sa kaniya.

"I have an idea!"

Balik ko sa kaniya kasi kapag nag kwento ang isang tao mag kakaroon ka talaga ng imaginary scenery sa isip mo.

Pinatigil na kami ng dalawa pero walang nag pa patinag sa'min

"You have no idea that's why you're jumping into conclusion!"

"Don't tolerate your brother!"

"I didn't tolerate his acts that time!"

"But you're protecting him right now!"

"HE'S BEEN DRUGGED THAT TIME!"

Sobrang lakas ng sigaw niya na nakapag patayo ng balahibo ko at na digest agad ng utak ko ang sinabi niya.

"Drug?"

Mahinang tanong ko.

Hindi naming napansin pero nakuha na pala namin ang atensyon ng mga kasama namin dito sa bahay.

"MIGUEL!!"

Mabilis at mabigat na hakbang ang ginawa ni Jigs para maka lapit sa kambal niya at saka niya-

*PUNCH*

*PUNCH*

Dalawang beses niyang sinuntok si Migs sa mukha kaya nag kagulo na ang mga lalaki para awatin sila.

"Ano ba kayo! Tumigil kayo."-Attienza

Pero kahit pa hawak nila si Migs at Jigs nakawala pa rin sila at saka sila nag suntukan. Gumanti si Migs sa kaniya ng tatlong suntok na magiging apat sana kung hindi sila muling napag hiwalay nila Mike.

Si Mike at Jhom ay hawak si Migs habang si Attienza at Austin ay hawak si Jigs.

"Mag usap kayo ng maayos! Huwag kayong mag away!"-Nemi

"EH GAGO KASI EH! HINDI KO NAMAN SINABING SABIHIN MO SA KANILA-"-Jigs

"EH MAS GAGO KA! HINAHAYAAN MO SILANG MATAHIN KA SA BAGAY NA HINDI MO GINUSTONG MANGYARI?! NASAN ANG UTAK MO?!"-Migs

"OO NA! WALA NA AKONG UTAK! PERO KAHIT ANONG PALIWANAG ANG SABIHIN KO! HINDI PA RIN NO'N MA JA JUSTIFY ANG KAHALAYANG NAGAWA KO!"

Bigla nalang akong naiyak.

Ito kasi ang hirap sa ugali ko, sobrang bilis kong mang judge without knowing everyone's sides.

Kasalanan ko ngayon kung bakit nag suntukan ang kambal at kung bakit sila nag aaway ngayon.

"HINDI MO BA MATANDAAN?! HALOS MAUBUSAN KA NG DUGO NANG SAKSAKIN MO ANG KAMAY AT BINTI MO PARA LANG PIGILAN ANG KUNG ANO MANG NARARAMDAMAN MO SA LOOB MO?! *Sobs* "

Halos tumigil ang mundo ko nang ang masayahing sina Migs at Jigs ay tuluyang nag pakawala ng luha sa mga mata nila. Alam ko namang seryoso ang bagay na 'to dahil nga tawag ng laman ang pinag uusapan pero hindi ko alam na umabot pa sa puntong kapalit na ang buhay niya para lang pigilan ang sexual urges niya.

"MUNTIK KA NANG MAWALA SA'MIN DAHIL SA HAYOP NA BISITA NI DAD! Hindi mo alam kung gaano kalala ang kaba namin no'ng nakita ka naming naliligo sa sarili mong dugo! Halos wala ka nang buhay no'ng nasa Emergency room ka! NAIINTINDIHAN MO BA?!"

Naka yuko nalang si Jigs habang tinatanggap ang mga salita ng kambal niya.

"Pero hindi ko pa rin dapat ginawa 'yon."

Mahinang sabi ni Jigs.

"Saan ba kasi nang galing ang drug na 'yon?!"-Cess

Galit na tanong ng pinsan nila.

"It's from the visitors, the woman tried to hookup with Dad because of the money. They got busted when I drink the liquor with drug that originally for my father."

Now I get it when he said that he's exploring, he doesn't mean about a sexual intercourse, he meant it by the alcoholic beverages.

"What happened to those sons of demon?"-Nemi

"Nakakulong pa rin sila. Kaya huwag niyong husgahan si Jimiel. Kaya niyang magsisi kapalit ang buhay niya."-Migs

Kumawala siya sa mga naka hawak sa kaniya at saka siya nag lakad palayo sa'min.

CRENZ'S POV

Malapit na kami sa bahay nang mapag tripan kong tumambay muna sa taas ng puno na malapit sa bahay namin.

"Hoy Crenz, ano na naman 'yan?"

Tanong sa'kin ni Hans habang nakatingala sa puno at tinitingnan ako.

"Mag papahinga lang ako saglit."

"Madilim na."-Jm

"Mauna na kayo doon."

Sabi ko sa kanila saka ako kumain ng candy. Ilang araw ko na tinitiktikan ang mga kulto at sa wakas natapos din namin ang problema namin sa kanila. Makakapag pahinga na ako ngayon kahit papaano.

"Aba di ako payag diyan."

Sabi ni Hans at umakyat din ng puno.

"Ako rin."-Jm

At ang ending naming tatlo ay nasa ibabaw kami ng puno at naka sampa sa mga sanga ng puno. May mga dala silang chichirya na mula pa kina Papa na nag asikaso ng gulo na ginawa namin kanina.

"Ang tamlay ni Sandra, may sakit siya?"

Tanong ko kay Hans.

"Hindi ko alam, parang walang naman."

Pero iba kasi ang tamlay niya ngayon.

Narinig namin ang pinag uusapan nila tungkol sa renew ng contract ko sa kanila.

"Ayaw ka niyang umalis.. Pfft.."-Hans

Hindi ko nalang siya pinansin at nag patuloy lang sa pakikinig sa pinag uusapan no'ng tatlo. Lakas ng loob nilang pag usapan ako habang wala ako ah.

"Ayoko, ayokong ikasal si Crenz. Gagamitin ko talaga ang card ko kapag nag pakasal siya."

Napadilat ako sa sinabing 'yon ni Sandra.

Nag katinginan kaming tatlo.

"Pare pareho tayo ng sinabi. Ang mga lalaki rin natin handang gamitin ang nag iisang card nila para lang hindi ikasal si Crenz at syempre pati na rin ako."-Nemi

"Me too."-Cess

Tiningnan ko ng masama si Hans. Hindi ba nila alam ang sinasabi nila? Ang wish card na 'yon ay pwedeng mag salba ng buhay nila tapos gagamitin lang nila sa patapong buhay ko?

"What?"

"Bakit kung pag usapan nila ang card na 'yon parang ang dali lang sa kanilang pakawalan 'yon?"

Inis na tanong ko sa kaniya.

"Bakit sa'kin ka nagagalit?"

Dipensa niya kaya napakunot noo nalang ako at tinitigan ang tatlo habang nag uusap usap sila hanggang sa dumating si Jigs.

"Oh, lumabas ang siraulo."

Natatawang puna ni JM habang prenteng nakaupo at kumakain.

"Umamin ka nga Jigs, ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Yasy dati?"

Tanong ni Sandra na nakapag pataas ng tenga ko.

Anong nangyari kay Jigs at Yasy?

Kunot noo akong nakikinig sa kanila.

"Crenz kasi-*

"Shhh..."

Pag papatahimik ko kay Hans.

"Cassandra, bakit inuungkat mo pa."-Nemi

"Hindi ko lang kasi ma gets, gano'n ba talaga ang mga lalaki?"

Mga lalaki?

Tumingin ako kina Jm na masama ang tingin dahil parang nakukuha ko na ang pinupunto ni Sandra rito.

"Pfft.."

Natawa ng mahina si Jigs

"Dahil bata pa ako masyado akong nag eexplore-"

"At sakaniya mo napiling mag explore?"

"Sandra!"

Saway nina Cess at Nemi kay Sandra

"It's fine guys you can judge me."

Natatawang sagot ni Jigs

"What happened?"

"Ahh.. that time a friend of my father visited our house. May dala siyang bote ng alak at alam ko ang klase ng alak na 'yon kasi sobrang dami kong alam pag dating sa alcohol liquor. Wala si mommy and kasama ng kaibigan ni Papa ang kaibigan din no'ng bisita. Then nag inuman sila."

This time parang gusto ko na talunin ang punong kinauupuan ko kung hindi lang ako pinigilan ni Hans.

"Don't, please."

Nag mamakaawang pakiusap ni Hans sa'kin habang hawak ang braso ko para pigilan akong bumaba.

"Huminto sila saglit at lumayo sila Papa sa table para ipakita sa kanila ang mga tanim ni Mama na orchids at iba't ibang bulaklak. Lumapit ako doon sa mesa at kinuha ang alak na nandoon para tikman and when I finished it up I replaced it with another one. Wala si Migs sa bahay dahil nag paparcatice siya sa isang malaking competition. Hindi ko alam kung paano naka pasok ng bahay noon si Yasy basta no'ng nag iinit na ako and I felt I'm into a sexual urges, si Yasy ang napag balingan no'n."

"In just 1 shot?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Cess.

Nag uusok na ako sa galit, hindi ko alam na may gano'ng nangyari at alam no Hans 'yon pero tinago niya lang sa'kin!

Gusto kong itulak si Hans ngayon dito dahil sa namuong galit sa loob ko.

Hayop ka Jimiel! Gustong gusto na kitang patayin ngayon palang!

"Yeah."

Pag amin ni Jigs.

"I don't believe it."-Nemi

"Gano'n ba talaga kalakas ang ininom mo?"

"I told her to leave because my sexual urges are continuing to banging my whole system. She refuse to leave and then ayon, I almost made her naked on my room."

Napakuyom ako ng kamao. I want to kill him now.

Hindi ko na kinaya at bababa na dapat talaga ako.

"Crenz, nag papaliwanag si Jigs."

"Wala akong pakealam, sisiguraduhin kong hindi na siya humihinga bukas."

"Anong pinag uusapan niyo?"

Tanong ni JM sa'min.

"Manahimik ka. Isa ka pang nag lihim din sa'kin ng nangyari kay Jigs at Yasy."

Nagulat si JM sa sinabi ko.

"Nakiusap si Migs sa'min na huwag ipaalam sa'yo."

Dahilan niya.

Mas lalo ko tuloy gustong talunin ang kinauupuan ko ngayon.

"Anong klaseng hayok ba ang nag sabi pang umalis muna ang babago bago niya gawan ng kahalayan?"

Tanong ni Nemi.

"Klaseng ako, HAHAHA."-Jigs

Aba't gago talaga!

Nagawa pa niyang tawanan ang kagaguhan niya?!

Binato siya ni Sandra.

"Get out of my face."-Sandra

Mariing bigkas niya at saka binato ulit si Jigs

"Ito si Pres hindi malaman kung anong trip sa buhay, pinag kukwento mo ko tapos pinapa alis mo 'ko? Labo mo naman."

Tumayo si Jigs at saka nag kamot ng batok, pero sa pag tayo niyang 'yon napansin ko nag takot, pang hihinayang, lungkot at galit sa itsura niya. Saglit na sulyap lang kinailangan ko para mabasa ang nararamdaman niya.

"Cassandra."

Nag babantang tono ni Nemi.

"Hindi ko kasi gets kung paano niya pa nagagawang ngumiti ng gano'n -"

"Hindi mo dapat ginawa 'yon."

Doon na pumasok si Migs sa eksena.

"What?!"-Sandra

"Dapat inaalam mo muna kung bakit may gano'ng nangyari bago ka mang husga."-Migs

"Kinakampihan mo ang kapatid mo?"

Inis na tanong pa ni Sandra.

"Hindi ko siya kinakampihan pero hindi mo dapat siya binato ng mga 'yan matapos mo siyang tanungin at pag kwentuhin."-Migs

Kung ako ang nasa harap nila baka hindi lang balat ng gulat ang binato ko, baka yung kutsilyo mismong hawak ni Nemi.

"He deserves it-"-Sandra

"He tried to get away from that situation, nakiusap siya kay Yasy na umalis na pero sinundan pa rin siya ni Yasy!"

Inaanalyze ko ang sinasabi nila para alam ko kung ibabalibag ko si Jigs mamaya o babatukan ko lang.

"But it doesn't mean na pwede niyang pag samantalahan si Yasy."

Kapag binabanggit 'yon ni Sandra mas lalo akong na titrigger bumaba rito.

Lumabas na ang mga lalaki mula sa loob para tingnan sila dahil na sisigawan na sila.

"You knew nothing!"-Migs

Sigaw ni Migs na nakapag patayo sa bratinella naming boss.

"I have an idea!"-Sandra

"You have no idea that's why you're jumping into conclusion!"-Migs

Gusto ko silang barahin pareho kasi ang bobo nila pareho mag debate. Kung ako ang prof nila baka binagsak ko na sila sa harap ng klase namin.

"Don't tolerate your brother!"

"I didn't tolerate his acts that time!"

"But you're protecting him right now!"

"HE'S BEEN DRUGGED THAT TIME!"

Bulyaw ni Migs kay Sandra na maging kami rito sa taas ay natahimik at natigilan.

"Drug?"

Tanong ko sa sarili ko.

Maging ako ay nagulat nang lumapit si Jigs kay Migs at-

"MIGUEL!!"

*PUNCH*

*PUNCH*

Umawat na ang mga lalaki sa kanila.

"Ano ba kayo! Tumigil kayo."-Pula

"I think I need to stop them-"-Jm

"Walang bababa."

Banta ko sa dalawa. Ngayon ako naman ang ayaw bumaba. Gusto kong malaman ang buong dahilan. Ayokong kumilos na hindi matibay ang pang hahawakan ko pero kahit anong gawin ni Jigs ngayon, tatamaan pa rin siya sa'kin pag baba ko rito. Naka dipende sa dahilan niya ang magiging tama niya.

"Mag usap kayo ng maayos! Huwag kayong mag away!"-Nemi

"EH GAGO KASI EH! HINDI KO NAMAN SINABING SABIHIN MO SA KANILA-"-Jigs

"EH MAS GAGO KA! HINAHAYAAN MO SILANG MATAHIN KA SA BAGAY NA HINDI MO GINUSTONG MANGYARI?! NASAN ANG UTAK MO?!"-Migs

"OO NA! WALA NA AKONG UTAK! PERO KAHIT ANONG PALIWANAG ANG SABIHIN KO! HINDI PA RIN NO'N MA JA JUSTIFY ANG KAHALAYANG NAGAWA KO!"

"Crenz."

Nag aalalang untag sa'kin ni Hans.

Nalagay na rin ako sa sitwasyon ni Jigs kaya kahit papaano ay naiintindihan ko siya

"Manahimik ka."

"HINDI MO BA MATANDAAN?! HALOS MAUBUSAN KA NG DUGO NANG SAKSAKIN MO ANG KAMAY AT BINTI MO PARA LANG PIGILAN ANG KUNG ANO MANG NARARAMDAMAN MO SA LOOB MO?! *Sobs* "

Nakaramdam ako ng awa para kay Jigs. Hindi niya sinasadya pero nagawa niya, gayunpaman humanga ako nang malaman kong sobrang sinupil niya ang nararamdaman niya.

"MUNTIK KA NANG MAWALA SA'MIN DAHIL SA HAYOP NA BISITA NI DAD! Hindi mo alam kung gaano kalala ang kaba namin no'ng nakita ka naming naliligo sa sarili mong dugo! Halos wala ka nang buhay no'ng nasa Emergency room ka! NAIINTINDIHAN MO BA?!"

"Pero hindi ko pa rin dapat ginawa 'yon."

Mahinang sabi ni Jigs.

Nag sisi rin siya gaya ng pag sisisi ko noon. Pareho kaming bata pa nang mangyari ang mga hindi inaasahang pangyayari sa'min. Pareho kaming nag pigil pero nagawa pa rin namin pareho ang mga hindi namin gustong bagay.

"Hinanap niya si Yasy sa loob ng isang taon para humingi ng sorry sa kaniya pero hindi niya nakita si Yasy. Wala rin silang ideya kung nasa'n si Yasy kahit naka ilang bansa na sila ng napuntahan."-Hans

Pareho rin kaming pinagkaitan ng tyansang makabawi at maituwid ang maling nagawa namin.

Naipit kami sa sitwasyong wala kaming choice kundi ang gawin ang mga bagay 'yon kahit pa pigilan namin. Pag sisihan nalang ang nangyari ang tangi naming magagawa.

"Life is really cruel."

Bulong ko sa sarili ko.

Nag explore siya at ang pangit ng timing ng pag eexplore niya pero nailigtas niya ang magulang niya nang hindi sinasadya, kaya lang muntik nang ang buhay niya ang maging kapalit.

Talagang wala pa akong alam sa mga pinag daanan nila, gano'n din naman sila sa'kin, kaya lang kahit gustuhin kong malaman ang pinag daanan nila, hindi naman ako ang klase ng tao na itatanong ang problema mo unless trip kong tanungin ka.

Hindi na ako nag salita pa matapos umalis ni Migs.

Isa nalang ang gusto kong malaman ngayon, 'yon ay kung pinaliwanag ba ni Jigs kay Yashica ang mga bagay na 'yon o hinayaan ni Jimiel na mali ang isipin ni Yasy pa tungkol sa kaniya gaya nalang nang pag tutol niyang sabihin ni Migs kina Sandra ang totoo.

Naiintindihan ko siya at ang mag hanap ng dahilan kung bakit ko siya sasaktan pa ay hindi ko na magawa.

Tatlong beses niyang pinigilan si Yasy pero nag pumilit pa rin si Yasy.

Una nang paalisin siya

Pangalawa nang sundan siya ni Yasy sa kwarto niya at

Pangatlo nang saktan niya ang sarili niya.

Hindi ko rin naman maisip na si Jigs ay gagawa ng gano'ng kahalayan sa babae. Totoong marami siyang pinapakilig at nilalanding babae pero binilinan ko na sila na huwag tangkaing mambastos ng babae kundi pipilipitin ko ang leeg nila.

Sumusunod naman sila sa'kin kasi bantay sarado sila sa'kin.

Nag desisyon akong bumaba at gano'n na rin ang ginawa no'ng dalawa.

Tahimik lang ang mga nasa labas.

Pag lapit ko sa kanila agad silang nagulat sa presensya ko.

"Crenz"-Sandra

Mukhang takot din sila kung may narinig ako o kung ano man.

"Bakit?"

Tanong ko saka upo sa ginawa nilang tambayan.

Pakiramdam ko pinapakiramdaman din nilang ang gagawin ko.

"Anong meron? Para kayong mga tangang naka tingin sa'kin? May nangyari ba?"

Nag katinginan silang lahat.

"A-ano? W-wala 'no."-Sandra

Tiningnan ko si Jigs na agad nag iwas ng tingin.

"May ginagawa kayo guys diba?"

May tonong nag aalangang sabi ni Nemi

"Uy anong ulam? Gutom na ko."

Masayang tanong ni Jm na nakapag lighten ng atmosphere sa kanila.

"Huwag mo na subukang tumulong, Pilsamor."

Bantang tono ni Austin.

"Oh? Bakit? Anong ginawa ko?"

Mga nag si alis naman sila para bumalik sa mga ginagawa nila pwera kay Pula at Jigs na hindi ko malaman ang ginagawa since umupo ako patalikod sa kanila.

"C-crenz."-Jigs

Mula sa malalim kong pag iisip ay napabalik ako sa kasalukuyan.

Mag tatapat ba siya sa'kin ng tungkol kay Yasy?

Hindi naman siya obligadong gawin 'yon tutal hindi naman niya alam na pinsan ko si Yasy.

"Master."

Seryosong sabi ko sa kaniya.

"Ha?"-Jigs

Nag tali ako ng buhok at humarap sa kaniya, agad siyang napalunok nang makita niyang ang ginagawa ko.

"Master ang tawag mo sa'kin hindi Crenz."

Iba nga talaga ang dating kapag ang masiyahing tao ay naging ganito kaseryoso.

"M-master."

Matapos kong mag tali tumayo ako at lumapit sa kaniya.

Pinukpok niya ang tuhod niya sa hindi ko malamang dahilan.

"Raya-"

Gusto akong pigilan ni Pula pero pinahinto ko siya gamit ang kamay ko sa harap ng mukha niya.

"Na contact ko na ang may ari ng lupa. Pupuntahan natin siya bukas."

Parang nabuhayan ng loob si Pula.

"Talaga?!"

Mukha ba akong nag bibiro? Bakit kailangan pa niyang kumpirmahin?

Hindi ko nalang siya sinagot at tiningnan si Jigs.

Walang emosyon pero pakiramdam ko na iintimidate siya sa'kin.

"May ipapakuha ako sa'yo."

"Ha?"

"Hindi mo 'ko narinig?"

Ayoko lang kasi ng paulit ulit ako.

"A-ano 'yon?"

"Nakalimutan ko ang lalagyan ng candy ko sa posohan."

Nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"Ha? Posohan?"

May takot na tanong niya.

"Oo, baka pwede mong kunin kung wala ka namang ginagawa?"

Ang takutin siya ang pinaka best way ko nalang ngayon para iparamdam sa kaniya ang takot na naramdaman ni Yasy nang mga oras na 'yon kahit pa magkaiba ang mga takot na 'to.

"Posohan?"

Pag uulit niya na hindi na maipinta ang mukha.

"Sasamahan kita-"

"Sinabi ko bang mangealam ka?"

Tinaasan ko ng isang kilay si Pula.

"M-master."

Angil niya

"Sabihin mo kung hindi mo gagawin para mapatulog kita mag isa sa may Kayo."

Tukoy ko sa malaking puno na madalas kong tambayan.

"Yara"-Hans

Gusto niya rin ba akong pigilan?

Tiningnan ko si Hans.

"Padalhin mo ng flashlight."-Hans

Napangisi ako.

Mabuti naman at nag kakaintindihan kami.

"Gagawin ko na."-Jigs

Umalis na sa harap ko si Jigs at pumasok sa loob, mukhang kukuha ng flashlight.

"Natatakot siya."-Pula

"Alam ko."

"Ba't mo-"

"Sinabi ko nang huwag kang mangealam."

Umalis ako a harap niya at bumalik sa pag kakaupo sa harap nila Sandra.

"Ano yan?"

Turo ko sa sugat ni Sandra sa braso.

"Just a scratch from farm."

"Mag long sleeves ka sa susunod."

Nang umalis na si Jigs ay tumayo na rin ako.

"Sa'n ka pupunta?"-Nemi

"Mag papahangin."

Sagot ko saka sumunod may Jigs papunta sa posohan.