webnovel

37

HANDRIKO'S POV

Tapos na kaming kumain lahat nang magkayayaan na maligo sa may poso.

"Hoy teka, dalhin niyo tong galon!" Sigaw ni cess sa kambal dahil ang kambal ang pasimuno sa paliligo ngayong alas nueve ng gabi.

"Ako na mag dadala"-Attienza

Kinuha niya ang mga galon na kaya niya lang hawakan at tumulong na rin sila Jhom.

Hindi ako pwedeng sumama sa kanila dahil nandito si Sandra sa bahay. Halos lahat ng lalaki ay sumama pwera sa'min ni Jerick.

Bahala silang mag igib diyan.

"C'mon! Let's play!"

Umupo agad ang mga babae sa ginawang upuan at mesa nila Darwin kanina katulong din ang Ilan sa mga kasama namin.

"Di ka sasali Hans?"-Sandra

"Next game na lang."

Sagot ko dahil feeling ko may hindi inaasahang mangyayari ngayong gabi.

Nag latag na sila ng cards habang ako ay naki upo lang sa kanila.

"Nasa'n pala si Crenz at Nemi?"-Sandra

"Ah.. sabi niya mag papa confine daw muna siya-"

"Confine?! Bakit?"-Sandra

"Diba nga nilalagnat pa rin siya hanggang ngayon. Kulang na kulang na sa vitamins ang katawan no'n. Himala ngang pumayag siya mag pahinga eh."

Tumango sila.

"Kapag si Papa ang nag sabi, feeling ko na oobliga si ate na sumunod."-Darrin

Mukha nga.

"Sabagay ok na rin 'yon kesa mag kikikilos siya. Kung alam ko lang talaga na may kahinaan si Crenz-"

"Hey kid, isa ka sa kahinaan ni Crenz. Kayong dalawa ni Attienza."

Biglang singit no Princess.

Pfft! Para talaga siyang si Yara mag salita, bihira pero lakas ng impact.

"Shut up nerd."

Pag tataray ni Sandra.

"Haluh Pres! Katabi kita mamaya?"-Cess

Natigilan si Sandra.

"Hindi babalik si Nemi?"

Tanong niya sa'kin.

"Hindi raw, mukhang mag papatulong siya kay Nemi saglit, pero bukas nandito na rin yan si Nemi."

Sagot ko habang binabalasa ang mga nailapag na nilang cards.

"Consistent si boss 'no? Mapa Manila at probinsya, itim pa rin ang damit."-Jerick

Natawa kami ng mahina. Totoo nga naman.

"Pero nag suot siya ng jacket diba? Ibang kulay, kanino 'yon? 'yong sinuot niya sa byahe?"-Sandra

Oo nga 'no.

"Kay Jhonzel 'yon."-Jerick

"Buti sinuot niya"-Cess

"May sakit siya kaya lamig na lamig siya. Hindi niya rin naman kokontrahin pa si Liphyo dahil mag iingay lang ang isang 'yon."

Sagot ko sabay lapag sa cards.

"Sino na?"-Jerick

"Ikaw na red tide"-Cess

Bigla akong natawa.

"What? Hahaha red tide?"

Natatawang tanong ko.

"Mas madalas pa siyang duguin kesa sa'ming mga babae eh."

Natawa lang din si Jerick.

"Hindi kaya may sakit ka, Jerick?"

Biglang tanong ni Sandra.

Pati tuloy ako na curious.

"Wala, simula pagka bata talaga ganito na ako. Pero no'ng nasa ibang bansa kami nila Jhonzel hindi ako nag kaka nosebleed kasi malamig ang klima doon."

Sabagay.

"So climate lang talaga ang kalaban mo? Balita ko mas madalas ka pang absent dahil nag gagala kayo ng parents mo ah? Mukha namang kinakaya mo ang summer."-Sandra

"Syempre gala 'yon. Umaraw man o bumagyo sasama ako."

Oo nga naman, kahit naman ako siguro.

*Ring*

Nag ring ang phone ko.

Caller: Daniel

Agad kong sinagot. Dumungaw pa nga saglit si Sandra para tingnan kung sino tsaka bumalik sa pag lalaro.

"Hello?"

Tumunog ang cellphone ko as sign na gusto niyang makipag video call kaya wala akong nagawa kundi ang I accept 'yon.

"Hel-"

"Riko!"

Nagulat ako sa tumawag sa'kin. Hindi si Daniel ang bumungad at sumagot sa'kin.

"Axel!"

Nakuha ko ang atensyon nila Sandra at saka tiningnan ang kausap ko. Dalawa sila ni Cess ang dumungaw sa screen ko.

"What the hell Riko! Ang gwapo mo, parang nababakla ako sa'yo ah?"

Gago talaga! HAHAHAHA natutuwa akong naka balik na siya rito.

"Teka! Patingin nga kung gaano kagawapo si Zimmer!"

Lumipat ng pwesto ang camera at napa singhap kami nang mag pakita si

"Drei!"

Sabay sabay na sabi naming tatlo.

Napuno ng tuwa ang loob ko dahil sa kanila.

"Hi Cassey! Long time."

Bati ni Drei kay Sandra na parang na estatwa ngayon.

Biglang may humablot ng phone ko.

"Bakit kayo lang? Ako rin dapat."

Sabi ni Darrin at saka tinapat ang mukha sa screen ko.

Nako pooo! Mag kakagulo na yan sa kabila.

"What the- DARRIN!"

As usual nag kagulo nga sila sa kabilang linya.

Nang silipin namin ang cellphone ay ilan na silang nakikita ko sa screen.

Axel, Drei, Raffy, Chelsea, Dan, Mika, Shin at Nina.

"Ang ganda mo!"-Drei

"Sino siya?"-Shin

"Parang gusto ko tuloy sumunod diyan"-Raffy

"Hi Dada! I miss you!"-Nina

Ang gugulo nila. Ang dadaya nga lang nila dahil nag sama sama sila nang wala kami.

Bigla kong na realize, si Drei nandito na so it means nandito na rin si Ryker. Kaya pala parang nanigas 'tong si Sandra kanina.

Bigla nalang kumirot ang puso ko ng kaunti.

Gusto kong bumalik si Ryker pero kapag naiisip kong siya ang hinihintay ni Sandra parang gusto ko nalang manahimik.

Bumati si Darrin sa kanila.

"Teka? Sino yang nasa gilid?"

Natigilan silang lahat sa tanong ni Darrin at tiningnan ang gilid nila.

"Ahh.. si Arya."

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Tinutok nila kay Arya ang camera.

"Hoy babaeng bugnutin mag hello ka sa kanila."-Nina

Doon lang tumingin sa camera si Arya at saka ngumiti.

Parang malalaglag ang puso ko sa ngiti niya.

"Hello."

Maikling aniya at saka bumalik ang tingin sa cellphone niya.

"Ayiiieeh!! Si Hans oh namumula!"

Nanguna pa sa pang aasar si Sandra.

"A-ano? Hindi ah."

Nag simula na silang asarin ako kay Arya.

Pinapatigil ko sila pero sige pa rin sila sa pang aasar.

"Ang lakas ng loob mo para pormahan si Arya, Handriko. Ang hirap kaya intindihin ng babaeng 'to-"

Bigla nalang may lumipad na tissue sa mukha ni Axel.

"Sige siraan mo ko."

Lahat kaming naka kita ay nabigla at natawa sa ginawa ni Arya na 'yon.

"Nasa'n pala sila Jimiel?"-Axel

Oo nga pala, mag bestfriend nga pala sila.

"Nasa posohan, naliligo silang mga lalaki."-Sandra

"Where's Crenzy?"-Nina

Natigilan ang mga nandoon at lahat sila naka tutok ang tingin sa'min, maging si Arya na nag cecellphone kanina ay tumingin din sa'min.

Hmmm.. mukhang interested nga siya kapag si Crenz na ang usapan.

"She ate a cookie while we're traveling-"

"Then?"-Raffy

Hindi kaya ako patayin ni Raffy kapag nalaman niyang hinayaan kong makakain si Crenz ng cookie na may peanut?

"Hindi namin nakitang may halong peanut ang cookies na kinakain niya."

Agad umarko ang kilay ni Raffy. Kinakabahan ako sa kaniya. Higit sa kanilang lahat, si Raffy ang pinaka kinatatakutan ko dahil kapag usapang Crenz mas seryoso siya kesa sa'min, mas devoted siya kesa sa'min. Kulang na nga lang itali niya Crenz sa katawan niya para maprotektahan siya.

Siya talaga ang pinaka loyal na kaibigang nakilala ko at sobrang hangang hanga ako sa kaniya kapag usapang loyalty na. Taas kasi rin ng respeto niya kay Crenz kahit pa mag away sila lagi lang siyang nasa tabi ni Crenz at hindi papayag na may manakit sa kaniya kundi makakatikim ang taong 'yon ng fist of hell.

"Where is she now?"

Seryosong tanong ni Raffy.

Wala ni isang nag tangkang mag salita sa kanila at parang pinapakiramdaman nila ang gagawin ni Raffy.

See? Lahat kami may takot kay Raffy.

"Sabi ni Tito mag pahinga raw siya sa kabilang bahay. Kasama niya si Nemi at Charrie."

Kumunot ang noo nila pwera kay Raffy.

Yeah right, hindi nila kilala si Charrie.

"Who's Charrie?"-Nina

"Her daughter."-Raffy

"WHAAAAAT?!"

Sabay sabay na tanong nila habang naka tingin kay Raffy.

Paanong nalaman ni Raffy na may anak si Crenz?

"Bakit lahat kayo nag rereact? Kilala niyo bang lahat si Crenz?"-Sandra

Nag katinginan sila.

"I saw her in video meeting. Siya 'yong sumagot kay Mr. Tan."-Drei

Naka hinga ako ng maluwag, mukhang alam na nila ang sasabihin nila.

"Masyadong matunog ang pangalan niya sa org, sino bang hindi makaka kilala sa kaniya?"-Axel

Oo nga naman.

"Pero totoo bang may anak siya?"-Nina

"Yep, 5 years old."-Sandra

"5 YEARS OLD?!"

Para silang nag bilang dahil sabay sabay ang tanong nila.

"Teka, ilang years na siya sa org?"-Daniel

"Mag fo 4 years na."

Sagot ko.

"Ibig sabihin may higit isang taon nalang siya para mag pakasal."-Axel

Buti pa sila alam nila ang batas ng org, pero itong si Yara parang ewan lang dahil hindi alam na may gano'ng batas.

"Mag papakasal siya?"-Nina

Halata sa mukha nila ang pag tutol.

"Hindi ako maka paniwala. Sino ang ama?"-Chelsea

"Oo nga, ano 'yan may anak siya pero walang tatay?"-Nina

Lagot ako kay Crenz nito.

"Hindi rin namin kilala ang tatay, sabi niya pinoprotektahan niya ang mag ama kaya-"-Sandra

"Ano?!"-Nina

Kahit ako at hindi ko kilala kung sino ang ama ng bata.

"Hindi maikakailang anak niya 'yong bata dahil kamukhang kamukha niya."-Sandra

Nag katinginan ang mga nasa kabilang linya.

"Anyway, we'll hang this now"-Drei

Tama yan Drei, salamat.

"Ok! Enjoy kayo! Welcome back!"-Sandra

Lahat kami ay nag paalam sa kanila at winelcome sila.

"Crenz really create her own name in the org. Everyone know her."-Sandra

Kahit hindi siya si Crenz Yara ay makakagawa pa rin talaga siya ng sariling niyang pangalan dahil sa kakaibang ugali niya.

Nag sibalik sila sa upuan nila at nag continue mag laro.

"Wow Jerick, may ka call ka rin ah?"

Pang aasar ni Sandra dahil may ka tawagan din ito habang meron din kami.

"Si Mama lang 'yon. Game na!"

Bumalik sila sa laro.

Maya ay umingay na ang paligid dahil dumating na ang mga baliw.

"Oo na Jigs, manahimik ka na."

Reklamo ni JM

"Oh bakit?"

Tanong ko sa kanila nang lumapit na sila sa'min.

"Pre, may multo sa posohan. Nakita ko talaga 'yong tabo bigla nalang lumutang sa ere tapos nag buhos ng tubig. Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako."

Kitang kita nga namin ang goosebumps niya.

"Yuck!"

Pag iinarte ni Sandra.

"Guni guni mo lang 'yon"-Cess

"Totoo talaga."

"Namamalikmata ka lang kasi duwag ka sa multo."-Migs

Umiling si Jigs. Mga basa pa silang lahat.

"Mag bihis na nga kayo-"

"Ganito ba talaga sa mga probinsya? Nakakatakot talaga."

Takot na takot na sabi ni Jigs habang lumalayo sa'min para makapasok sila sa bahay at makapag bihis.

"Totoo ba 'yon Darrin?"

Tanong ni Sandra

"Hindi ko alam kung totoo kasi hindi ko pa na encounter pero hindi lang siya ang unang beses na nag sabing may lumilipad na tabo sa may posohan at parang naliligo pa kasi sa loob ng tabo may tubig din. 'Yong mga ibang ka baryo namin sabi sa'min kapag gabi raw talaga may naririnig sila o nakikitang may naliligo sa posohan dahil nga sa pag lagaslas ng tubig doon kahit walang tao."

Bigla akong kinilabutan.

Biglang umurong palapit sa'kin si Sandra at humawak pa ng kaonti sa braso ko.

Sandra, hindi lang ikaw ang natatakot.

"Nakakatakot"-Cess

"Kapag gusto mo ng kasama sa posohan, sabihan mo lang ako."

Nakangiting sabi ni Darrin kay Cess.

"No, thanks."

Pormal na tugon ni Cess.

Teka? Wag mong sabihing gusto ni Darrin si Cess? Ano 'to Chelsea the second?

Ako alam ko naman na may gusto si Chelsea kay Raffy noon palang kaya nag worry talaga kami no'ng bumalik si Raffy after ng break up ni Chelsea at Daniel.

Hindi ko alam kung alam ba ni Daniel na gusto ni Chelsea si Raffy. Kung totoo man 'yon, walang kasalanan si Raffy doon dahil inosente naman ang isang 'yon sa relasyon no'ng dalawa.

"Why you're so mean to Darrin?"

Irap ni Sandra kay Cess.

"I am not, magalang ko siyang tinanggihan."

Depensa ni Cess.

"Straight ka ba Darrin- *Pak* Aray!"

Hinampas ako ni Sandra nang tanungin ko 'yon.

"Minsan walang kwenta ka mag tanong."

"Why? Gusto ko lang malaman."

"Mukha bang hindi?"

Irap sa'kin ni Sandra

"Straight? Ano straight?" Inosenteng tanong ni Darrin.

"Iyon 'yung hindi nag kaka gusto sa kapwa babae, 'yung lalaki lang talaga ang nagugustuhan, gano'n."

Paliwanag ko.

"Ahh.. hindi ko alam eh, hindi pa ako nag kakagusto sa lalaki."

Bigla kaming na intriga.

"Eh sa babae?"-Sandra

Tingnan mo 'to, akala ko hindi interesado kung maka hampas naman sa'kin. Napaka bayolente talaga niya.

"Hindi rin."

Sagot niya.

"Pero open minded ka naman?"

Tumango siya.

"Tinanong ko rin si ate na kung sakaling mag kagusto ako sa babae, ayos lang ba sa kaniya?"

Medyo lumapit kami sa kaniya para hintayin ang sagot niya.

"Then anong sabi niya?"

"Hindi niya nasagot eh, bigla kasing may naghanap sa labas ng bahay."

Laglag balikat kaming lahat na nakikinig.

"Pero sa tingin mo ok lang sa ate mo?"

Tumango naman siya.

"Oo naman kasi kung hindi malamang pinag sabihan niya na ako."

"Bakit mo naman naitanong 'yon?"

Tanong ni Jerick.

"Ahhh.. kasi hindi pa ako nag kakagusto sa lalaki so baka hindi talaga lalaki ang gusto ko kaya tinanong ko kay ate. Pero nililinaw ko na ah, wala pa talaga akong nagugustuhan."

"Eh crush?"-Ako

"Wala rin."

"Asexual ka"-Cess

"Pfft!"

Tatlo kaming mahinang natawa nila Jerick dahil sa sinabi ni Cess.

"Hindi naman siguro. Parang ganiyan din kasi si Crenz, sinasabi niyang hindi pa siya nag ka gusto pero mukhang siya lang ang hindi nakakaalam na gusto nga niya ang taong 'yon."

Tumango si Sandra

"Mukha ngang gano'n si Crenz. Pero sino 'yong nagustuhan niyang mukhang hindi niya alam na gusto niya?"

Natigilan ako. Alangan namang sabihin kong si Ryker 'yon.

"Hindi ko kilala pero alam ko 'yong itsura. Dini deny naman ni Yara 'yon."

Tumango nalang sila.

"Eh bakit kasi ang bait bait mo kay Cess?"

Tanong ko ulit kay Darrin.

"Ahh.. kasi siya lang ang pinaka tahimik sa inyo. Ayoko namang ma boring siya habang nandito kayo kaya kinukulit ko siya."

Ahhh.. kaya naman pala. Masyado lang siguro kaming tamang hinala.

"Huwag mo siyang problemahin kasi kaya niyang sumaya kahit mag isa siya."

May sumipa sa ilalim ko kaya napa "aw" ako.

"Ginawa mo pa akong baliw."

Seryosong sabi niya sa'kin.

Tinawanan lang namin siya.

"18 ka na diba Cess?"-Sandra

"Uhm."

Tango niya.

"Then same age naman tayo Darrin."

Tumango rin si Darrin.

"Ahhh.. ok lang 'yan, ang nagustuhan ko nga 4 years ang gap sa'kin eh."

Biglang sabi ni Sandra.

Medyo masarap siyang busalan sa sinabi niyang 'yon.

"Oh? Buti di ka nagustuhan."

Inosenteng sagot ni Darrin.

"HAHAHAHAHA"

Natawa talaga kami sa sinabi niya.

"Mag kapatid nga kayo ni Crenz. Minsan mas gusto namin siya kapag tahimik siya kesa sa mag sasalita siya dahil laging savage ang lumalabas sa bibig niya."

Natatawang pinigilan ko na lang si Sandra.

"Inosente rin siya gaya ng ate niya, tingnan mo processing pa rin sa utak niya ang sinasabi mo at ang tinatawanan namin."

HAHAHA.. mag kapatid nga talaga, halatang iisa nag kinalakihan eh.

CRENZ'S POV

Isang buong araw nga akong tulog sa isang kwarto. Walang maingay at hindi nila ako ginising kahit pa kakain na. Dinadalhan lang nila ako ng pagkain kahit pa naka swero na ako.

Hindi tumabi sa'kin si Charrie dahil mukhang sinabihan nila Mama na kailangan kong mag pahinga dahil may sakit ako, marunong naman umintindi ang matalino kong Charrie.

Lumipas ang November 1 at nag papahinga lang ako at ngayon Nov. 2 na. Hindi pa rin ako pinayagan nila Mama na umalis kaya pinapunta ko nalang si Nemi ulit dito sa bahay.

"Anong balita?"

Tanong ko agad pag pasok niya.

"2nd day natin dito diba may naka away si siraulong JM, ayon nag kakainitan pa rin sila no'ng kaibigan ni Darwin."

Oo nga pala, may nakaaway pala 'yong baliw na 'yon.

"Iba pa?"

"Uhm.. uwing uwi na si Sandra kasi bumalik na sila Drei."

May kakaibang ngiti ang nakita ko kay Nemi.

Wait? Namamalikmata ba ako?

Hindi ako nagulat sa pag balik nila Drei pero ang kakaibang ngiti Nemi ang kinagugulat ko ngayon.

Gusto kong mang usisa pero hindi ko gawain 'yon.

"Tapos? Ano pa-"

*Knock*

Nagulat kami ni Nemi pareho kasi wala rito sila Mama o si Papa dahil pareho silang nasa bayan at si Charrie naman ay na kay Dada sa bukid.

"Si Hans?"

Tanong sa'kin ni Nemi

"Di 'yon pupunta ngayon dahil pinapa bantayan ko si Sandra sa kaniya."

Si Nemi ang tumayo dahil nasa swero ako ngayon. Tiningnan ko ang papel na mga na search ni Princess habang wala ako doon. Medyo marami nga siyang nakalap.

"Sino-"-Nemi

Binuksan ni Nemi ang pinto at hindi na siya nakapag salita kaya napatingin din ako doon habang hawak ko pa rin ang papel.

"Drei?"

Magkaharap ngayon si Drei at Nemi.

"Hi."

Simpleng bati ni Drei sa kaniya.

"A-ah-"

"Hoy, tabi nga kayo diyan."

Parehong pinatabi sila ni

"Nina???"

Gulat na tanong ko.

Anong ginagawa nila rito?

Pag tabig ni Nina sa dalawa ay sinalo siya ni Drei dahil muntik pang ma out of balance si Nemi.

Sumunod na pumasok si Raffy, Chelsea at Daniel

Tekaaaaaa!! Anong ginagawa nila rito?!

Sinara nila ang pinto nang makapasok sila at saktong pag sara nila ng pinto ay pag bukas ulit no'n at pag pasok ni Hans at Charrie sa loob.

"Yara, gusto ni-"

Natigilan din si Hans sa pag sasalita nang makita niyang maraming tao sa loob ng kwarto ko at mga seryoso ang mukha.

Tumakbo sa'kin si Charrie dahil mukhang natakot sa presensya nila Nathalie.

Naka paligid lang sila sa'kin.

"Tita Raffy!"

Nang mapansin ni Charrie si Raffy ay agad siyang tumakbo palapit kay Raffy at mabilis naman siyang binuhat ni Raffy.

Ngayon mukhang alam ko na kung bakit sila napasugod dito. Mukhang dahil kay Charrie dahil may siraulong nag kwento ng tungkol kay Charrie.

Tiningnan ko ng masama si Hans.

"Hindi ako, hindi ako."

Iling iling niya habang may hand gesture pa.

"Hoy, babae? Mag papakamatay ka ba talaga?"

Seryosong tanong ni Nina.

"Hello?"

Nag aalangang bati ko sa kanila.

Hindi ba pwedeng bumati muna sila bago nila ako gisahin?

"Labas lang kami."

Paalam ni Hans at hinila palabas si Raffy na bitbit si Charrie at si Nemi na naguguluhan kung bakit nandito sila Nina.

Pag sara ng pinto ay bigla akong pinag pawisan ng malamig.

"Ngayong nakita ko nga ang bata hindi nga maipag kakailang anak mo 'yon. Pero the hell Crenzy! Gusto kong malaman kung paano at bakit hindi namin alam?"

Alam ko namang gulong gulo na sila.

"Biglaan lang din ang lahat-"

"Biglaang nabuntis ka?! Sino tatay niyan?!"

Napangiwi ako kasi feeling ko ang sagwa pakinggan.

"Hindi niyo kilala-"

"Tell me who is he so I can kill him."

Seryosong sabi ni Drei.

Hindi ko masungitan si Drei kasi isa rin si Drei sa bihirang ngumiti na taong nakilala ko at grabe talaga ang pagiging seryoso to the point na pati ako na iintimidate deep inside pero hindi papatalo.

"He doesn't know Charrie exist."

Mahinang sagot ko.

"Is that child the reason why you went far?"

Oo.

"Uhm, at isa lang siya sa dahilan kung ba't ko ginawa 'yon."

"Kailangan mong mag pakas-"

"Alam ko na 'yon, iyan lang ba ang pinunta niyo rito?"

Medyo naiiritang tanong ko.

"I think you don't have a right to be irritate at this point."-Drei

Eh kasi naman.. ayoko na kasi pag usapan.

"Ikaw? Bumalik ka lang ba para sermunan ako?"

Tanong ko kay Drei

"Na wala naman sana sa plano ko kung hindi ko lang nalaman na may anak ka habang wala kang asawa at nag papahinga ka ngayon dahil nag kasakit ka, pruweba lang na hindi mo inaalagaan ang sarili mo."

Parang bawat salitang binibigkas niya ay binabaon ako sa lupa.

"Aksidente lang din 'yon."

"The hell Crenzy! Lahat nalang aksidente?"

"O edi Sige sinadya ko na para maparusahan ako ng org niyo at sapilitang mag pakasal kahit ayaw ko pa at magkasakit ngayon, masaya na kayo?"

Sarkastikong sagot ko.

"Yara naman hindi mo ba naiisip na nag alala kami-"-Daniel

"Kaya nga hindi ko pinaalam sa inyo para hindi na kayo mag alala."

"At sa tingin mo masosolve ng pag lilihim mo ang lahat?"-Nina

"Wala rin naman kayong magagawa sa problemang 'yon. Pinoprotektahan ko si Charrie at gano'n din ang tatay niya."

Napahilamos si Nina sa mukha niya at pag tanggal niya sa kamay niya ay kumislap ang luha niya.

Agad akong nag iwas ng tingin.

"Crenz! Ano ba talaga kaming mga nasa paligid mo?! Mukha lang pa kaming biro sa'yo?! Kahit pa barahin mo kami na hindi ka naman nanghingi ng tulong o hindi mo kailangan ng presensya namin at tulong, gusto pa rin naming ligtas ka sa kinamumuhian mong organization na 'to! Ginagawa namin ang lahat para tulungan ka kahit ayaw mo! Alam mo ba kung gaano kahirap pasukin 'yang mundong ginawa mo para sa sarili mo?! Hindi kita sinusumbatan pero sana bigyan mo rin ng consideration ang effort namin kahit konti lang."

Huminga ako ng malalim.

"Ako 'to, kaya ko ang sarili ko at hindi ko gustong makialam kayo. Kung mamamatay ako labas na kayong lahat doon. Gaya ng sinabi mo hindi ko hinihingi ang tulong niyo-"

"KASI HINDI NA DAPAT HINGIN PA 'YON CRENZ! KAIBIGAN KA NAMIN KAYA TUTULONG KAMI KAPAG NAKIKITA NAMING MAY PROBLEMA KA! OO HINDI MO KAMI GUSTONG MAKIALAM PERO HINDI NAMAN KASI HINIHINGI 'YON CRENZ. For your information."

Nagulat kaming lahat sa sigaw na 'yon no Chelsea.

Si Chelsea ang pinaka akala kong hindi gaanong makikialam sa sitwasyon ko.

Gaya nga ni Nina nag pahid na rin siya ng luha.

RAFFY'S POV

Dining namin hanggang dito sa labas ang sigaw ni Chelsea.

"She really holds it back."

Sabi ni Hans habang na iiling.

Pinalabas muna namin si Charrie at Nemi para hindi nila marinig ang sinasabi nilang lahat sa loob.

"She did... For a long time."

Maging ako ay nailing dahil doon.

Si Chelsea kasi hindi talaga kokontrahin si Crenz hanggat may iba pang sumasaway kay Crenz pero this time kasi ibang usapan na ang pag kakaroon ng anak ni Crenz.

"Hoy Zimmer, baka akala mo nakakalimutan mong hinayaan mong kumain si Crenz ng bawal sa kaniya."

Medyo na alerto ang katawan niya.

"H-ha? Hindi naman namin alam na may gano'n sa cookies na 'yon atsaka hindi ko alam na kumain siya no'n, kay Sandra 'yon."

Dipensa niya.

Inambahan ko siya na agad naman siyang nag takip para protektahan ang sarili niya.

"Kahit na, I told you to keep an eye to Crenz."

"Oo na, mali ko na nga. Sorry na. Marami silang binabantayan ko, dalawa lang ang mata ko."

Mas lalo ko lang ata siyang inambahan.

Gusto ko siyang suntukin ngayon pero naiintindihan ko naman ang point niya kaya binaba ko na ang kamay ko.

"Pasalamat ka at pumayag siyang mag pahinga ngayon."

He lowered his guard.

"Crenz is really in trouble."-Hans

Isa rin yan sa pinag hahandaan niya habang nasa ibang bansa siya. Kahit mukha siyang walang balak sabihin ang tungkol kay Charrie, alam na alam kong pinoproblema niya kung paano niya sasabihin kina Daniel ang pagkakaroon niya ng anak.

"They're both crying."

Sabi ko.

"Who?"-Hans

"Sino pa ba edi 'yong dalawang babae."

Halata na kaya sa boses nila at halata rin sa boses ni Crenz na nag aalangan siyang mag sabi ng bagay na ikaiiyak pa no'ng dalawa sa loob dahil hindi niya rin gusto kapag umiiyak ang isang tao nang dahil sa kaniya.

"Kailangan ba talagang mag pakasal siya? Wala na bang ibang paraan?"-Hans

"Si Crenz lang ang nakakaalam. Alam mo naman na kahit ako ay hindi ko kilala ang ama ng bata pero 100% sure na dugo niya ang nanalaytay sa dugo ng bata."

Kahit pa kulitin ko si Crenz kung sino 'yon hindi niya talaga sasabihin sa'kin kasi alam niyang may gagawin ako kaya nanahimik lang talaga siya.

"Paano si Ryker?"

Bigla naming narinig mula sa loob, tanong 'yon ni Daniel.

Nag katinginan kami ni Hans at saka sabay na pumasok sa loob. Pareho kaming gustong malaman kung ano ang balak niya kay Ryker.

Kahit pa hindi niya alam na may gusto sa kaniya si Ryker, gusto pa rin naming malaman kung anong magiging plano niya sa lalaking 'yon.

"Ano ba dapat gawin ko kay Ryker?"

Takang tanong niya.

"Stop it guys, she's clueless."

Sagot ko sa kanila.

"Stay out of here Raffy! You're the one to blame also."-Chelsea

Biglang bumahag ang buntot ko.

Sinisisi nila akong wala akong sinabi sa kanila eh papatayin naman ako ni Crenz kapag nag kwento ko.

Ngayon nararamdaman ko na ang sinasabi ni Tyro na kapag hindi siya nangialam sa away ni Crenz ay lagot siya sa'kin at kapag nangialam naman siya siya ay patay naman siya kay Crenz.

Ngayon na fifeel ko na rin maipit.

Napatikom nalang ang bibig ko.

"Wala kasalanan si Raffy at Hans dito. Ako ang nag sabing manahimik sila."

Seryosong sabi ni Crenz

"Then tell us what's your plan."-Drei

"Ano pa ba? Edi mag papakasal ako."

Sabi niya saka tingin sa papel na hawak niya.

"As easy as that?"-Nina

"ANO BA?! ANO BA KASING GUSTO NIYONG GAWIN KO?! DIBA GUSTO NG ORGANIZATION NA MAG PAKASAL AKO DAHIL SA BATA?! NGAYONG SUMANGAYON AKO NAG KAKAGANIYAN NAMAN KAYO! BAKIT PARE PAREHO NALANG ANG REACTION NIYONG LAHAT?! SINUSUNOD KO NA KAYO AYAW NIYO PA, KAPAG HINDI AKO SUMUNOD AYAW NIYO RIN!"

Tindigan ang balahibo namin sa pag sigaw niya. Ngayon nalang ulit niya kami sinigawan.

Medyo napa atras ang mga lalaki namin pero kaming mga babae ay hindi natinag.

"Bakit ba kasi hindi ka nag ingat?!"-Nina

"Ano bang sinasabi mo?!"-Crenz

"Na dapat walang nabuo."-Chelsea

Napayuko si Crenz

"Nangyari na, tapos na."

Bulong niya

"Ano 'to? Biggest twist mo?"-Nina

"Alam mo kung gaano ka brutal ang org, Crenz"-Chelsea

Gusto kong sumagot pero this time feel na feel ko naman na wala akong karapatang sumingit.

"Hayaan niyo na akong problemahin 'to."-Crenz

"Hindi ka namin gustong mag pakasal ngayon nang dahil sa may anak ka!"-Chelsea

"Guys! Ginugulo niyo si Crenz."-Hans

Natahimik naman sila.

"Makinig kayo this time-"-Crenz

"Lagi kaming nakikinig sa'yo Crenz, kaya this time ikaw naman ang makinig sa'min."-Chelsea

"May more than 1 year pa ako para makapag plano. Hayaan niyo ako at makinig kayo sa'kin -"

"CRENZ-"

"CHELSEA! Alam ko ang tumatakbo sa isip niyo. Gusto niyong isakripisyo ko ang ama ng bata para hindi na ako kailangang mag pakasal pa at iyon ang bagay na hinding hindi ko gagawin. Sinabi ko na sa inyong pinoprotektahan ko 'yong taong 'yon at hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kaniya."

"At sa sarili mo ok lang na may mangyaring masama sa'yo basta maprotektahan 'yong dahilan ng gulong 'to?"-Nina

Napahilamos si Crenz sa mukha niya sabay tanggal ng swero niya.

"Crenz."

Lumapit ako sa kaniya.

Nag aalala ako sa pag tanggal niya.

Kumuha agad ako ng bulak para sa pinag kabitan ng swero at dinikit doon.

"Hayaan niyo nalang akong ayusin 'to, please lang huwag na kayong makialam."

Ngayon ko lang ulit narinig mag please si Crenz.

"Ano ba kasing plano mo? Mag papakasal ka talaga?"-Daniel

"Hindi ko pa alam. Ang dami kong problema kaya huwag niyo na akong gisahin ngayon."

"Alam ba ni kuya Mil?"-Nina

Umiling si Crenz.

As expected, nanahimik nga talaga siya.

"So hindi rin niya alam. Alam mo ba 'yung tipong ingat na ingat kami sa'yo tapos ikaw pala 'tong gagawa ng sarili mong kapahamakan? O alam mo man lang bang pinoprotektahan ka namin? Kasi parang hindi."

Sarkastikong tanong ni Nina sabay pahid sa luha niya. Sobra nga kaming napalapit kay Crenz, sobrang devotion kaya hirap sila ngayong tanggapin ang nangyayari.

"O baka sinasadya mo talagang gawin ang mga bagay na 'to para lumayo kami sa'yo? Taboy na taboy ka na ba talaga sa'min Crenz Yara?"-Chelsea

Now they're accusing her.

Hindi ako pwedeng sumagot kasi siguradong ibabalibag ako ni Crenz kapag nag salita pa ako.

"Oo."-Crenz

Nagulat akong tumingin sa kaniya.

"Crenz, don't do this."

Bulong ko sa kaniya.

"What?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Nina.

"Sinadya kong hindi sabihin sa inyo dahil wala akong pakealam kung anong mararamdaman niyo."

Seryosong aniya at tumingin pa ng diretso sa mga mata nila Nina.

"Yara! Don't get too far."

Saway ni Hans

"Bakit? Gusto nila ng totoo diba? Hindi ko sinabi sa inyo dahil rinding rindi na ako sa pangingialam niyo at gusto kong lumayo na kayo sa'kin -"

Mabilis nag walk out si Nina.

"Guilt will torment you and regret will kill you."

Madiing sabi ni Chelsea sa kaniya at lumabas na rin.

"Crenz! What are you talking about "

"So they can stop."

"But that's not the proper way to stop them."-Drei

Lumapit si Drei sa kaniya at nakipag fist bump.

Kilalang kilala namin si Crenz. Bata palang kami itinataboy na talaga niya kami kaya alam namin kapag sinabi niya ang mga bagay na 'yon.

It's either she wants us to stop or change the topic.

"Haaaay nako Crenz. Sundan ko muna 'yong dalawa."

Sukong sabi ni Hans at saka lumabas.

Pati ako sumasakit ang ulo ko sa pinag gagagawa niya.

"Gumawa ka na naman ng pag sisisihan mo"-Daniel

Iling niya at saka sabay silang lumapit sa prutas na nasa side table, silang dalawa ni Drei.

Ang daming sinasabi tapos kakain lang pala 'tong dalawang kulugong 'to.

"Uy sakto nagutom din ako sa byahe."

Syempre nakigulo na rin ako sa kanila.

Matapos naming kumuha ng prutas ay umupo kami sa gilid ni Crenz.

"Ano yan?"

"Yung assignment."

Pati ako tiningnan ang mga papel.

"Huwag na."

Kinuha niya sa'kin ang papel, alam niya kasing makikialam ako.

"But seriously Crenz, ayaw ka naming mag pakasal. Mapipilitan akong gamitin ang card ko kapag pinag patuloy mo 'yan."-Drei

"Tama na, basta gagawa ako ng paraan."-Crenz

Bumukas ulit ang pinto.

"Hey, kelangan niyo tong makita."

Masayang sabi ni Hans, kaya kaming mga chismoso ay tumayo at dumungaw sa terrace.

"Plastic nila ah?"-me

"They can't resist it."-Drei

We saw Nina and Chelsea playing with Charrie. Actually nag aagawan pa nga sila sa kung sino ang bubuhat sa bata.

Lahat kami ay sabay sabay na tumingin kay Crenz.

She's smiling.

"Grabe, grabe talaga impact sa'tin ni Crenz."

Hindi makapaniwalang sabi ni Drei.

"Tapos siya parang wala lang pake sa'tin."-Daniel

"Stupid, I may not look like I care but I'm worried to all of you. All of you are stressing me out."

Irap sa'min ni Crenz.

HAHAHAHA..

"Sweet"-Hans

"Cringe"-Drei

Natawa lang kami ni Daniel.

"Umuwi na nga kayo"-Crenz

"Ano? Kararating lang namin." Reklamo ko.

"Bukas ng gabi nalang kami uuwi. Let us stay far a while."-Drei

"At dito kayo mag hahasik ng kawalang hiyaan?"-Crenz

"Why? Let us meet Tito and Tita too."

Sagot ko. Miss ko na rin sila Tito ah.

"Bahala kayo."

Pumasok na siya sa loob.

"We won."

Nakangising sabi ni Drei at saka sumunod sa loob.

Gano'n din ang ginawa namin.

Kahit pa mukha kaming tinataboy ni Crenz, deep inside gusto niya rin kami makasama pa.

Crenz has a attitude na iba ang gusto ng loob niya sa sinasabi ng bibig niya, dipende sa ekspresyon niya at alam namin kung paano siya basahin.