webnovel

21

LIPHYO'S POV

Nitong mga nakaraang araw, masyado akong nababalisa.

Naka tingin lang ako sa kisame habang nag iisip ng mga bagay bagay.

Na operahan naman na si Kathy at nag papagaling sa kwarto niya. Lately, sinusubukan kong umuwi ng maaga para matulungan siya sa mga kailangan niyang gawin.

Pero ang hindi maalis sa isip ko ay ang iniisip ni Raya sa'kin ngayon.

Simula no'ng nag away kami sa beach, hindi na kami nag kibuan. Balak ko rin sana siyang kausapin no'ng nasa meditation kuno kami pero umatras ang dila ko.

Lagi nalang ako ganito. Kapag naiinis o galit ako, kung anong maisip ko bigla ko nalang sasabihin na hindi pinag iisipan kung makakasakit ba ako.

The guilt is killing me every night since that day.

"Argh!"

Napa sabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa katangahan ko.

"Teka? Bakit ako lang ang kailangang maguilt? Sinabi niya sa'king siya ang papatay sa pamilya ko."

Biglang kumunot ang noo ko

"Pero kasi kung umoo nalang ako- haist! Ano ba Liphyo! Umayos ka nga!"

Kahit anong excuse ko sa sarili ko hindi pa rin mababago 'yong mga nasabi kong hindi naman dapat.

"Should I talk to her first? But it's not all my fault. Nagulat din ako.. ano ba?!"

Dumapa ako para sumigaw sa unan.

"Ahhhhhhh!!"

Halos ganito na ako gabi gabi. Pinadyak ko pa ang mga paa ko para lumabas ang guilt sa loob ko.

Kahit papaano kasi nakakatulong.

Matapos suntukin ni Raya si Tyro that day para nalang akong natauhan dahil sa ginawa no'ng babaeng 'yon sa kaibigan niya.

Nadamay lang si Tyro dahil sa sinabi ko pero siya 'yong nasaktan imbes na ako.

Doon ko lang nakitang naging brutal si Raya.

Gusto ko siyang tawagan pero wala naman siyang cellphone at ang hirap kayang makuha ang number niya. Kung wala lang kami sa assignment, hindi niya ako tatawagan para sa spare earpiece.

May contact pala siya sa'kin tapos nag dadamot siya sa number niya.

"Nag damot ba siya? Parang hindi ko naman talaga hiningi ah."

Bigla akong napa isip. Hindi ko naman talaga hiningi pala 'yon kasi baka maging assumera nanaman siya.

Kakaiba pa naman ang pagiging prangka niya.

Wala sa itsura niya pero maraming basic na bagay ang hindi niya alam gawin. Para siyang Hindi dumaan sa pagiging nursery or kinder. Mga bagay na kaya nang gawin ng mga bata pero hindi niya magawa.

One time nga nakita ko siyang nakatingin sa lobong sumabit sa puno eh, sobrang tagal niya talaga 'yon tiningnan, wala siyang pake kung pinag titinginan na rin siya ng iba.

Hindi ko masabing isip bata siya dahil ang utak niya masyadong advance. Hindi siya matalino sa klase pero ayos lang kasi madiskarte siya.

Pero siguro kung mag aaral siya at bawasan ang tulog niya, baka makahabol siya. Balita ko kasi last rank siya sa lahat.

Wala akong makausap ng matino kina Mike ngayon.

Si Mike kasi ang utak niya na kay Raya

Si Jerick panay ang gala kasama si tita

Si Jhom panay ang banggit sa babaeng nakilala niya no'ng nasa US pa kami at

Si Austin nanliligaw ng artista.

Hindi ko rin naman sila nasasamahan minsan pag uwi dahil sa mas maaga akong umaalis sa kanila at dahil nga sa lagay ni Kath.

Tumingin ako sa orasan.

Pa 8 palang naman, 9 pa naman mag sasara ang mga mall.

Balak ko kasing bumili ng ingredients for baking.

Lately nakakahiligan ko ang matatamis.

Nag bihis ako at kinuha ang susi ko.

Nag spray ng konting pabango at tumingin sa salamin.

"Sino nalang ang tatawagin nilang gwapo kung hindi ako isinilang"

Ngumiti ako sa harap ng salamin at saka lumabas ang dimples ko. Hindi naman gano'n ka lalim, sakto lang, patunay lang na kulang kulang ako.. HAHAHAHAHAHAHA..

Bumaba na ako para mag paalam.

"Mom! Aalis lang ako saglit bibili lang ako ng ingredients-"

Palabas palang ako, humarang na si Mommy.

"Ma?"

"How many time do I have to tell you that before you leave, you must kiss me first?"

Mataray pero may pag tatampong aniya

"Ma.. I'm not a kid anymore. I'm a grown up Man"

Gusto ko 'yong nandito sila ni Dad pero ayoko kapag tinatrato ako ni Mommy na parang bata.

"Does it mean you don't love me anymore?"

Heto na naman kami.. ang hilig talaga mag drama ni Mommy

Para matapos na ang usapan, kiniss ko nalang ang noo ni Mom.

"You're so sweet my little boy"

Inayos niya ang suot ko

"How about my kiss son?"-Dad

Nandidiri akong humarap kay Dad

"Kinikilabutan ako Dad."

Naka ngiwing ani ko

"Same here hahaha"

Lumabas na ako ng pinto

"Saglit lang ako sa mall Pa. Kapag dumating na si Allen pa sabi sa kaniya na sabay na sila ni Kath mag dinner kasi inaantay siya ni Kath."

Mag katabing tiningnan ako ng mga magulang ko papunta sa motor ko

"How about you? Kakain ka na ba sa labas or dito nalang?"-Mom

Napaisip ako.

"Hindi ko po alam."

Baka kasi wala rin akong matripan kainin sa labas dahil sa wala naman akong kasama.

"Mag titira ako ng food for you"-Mom

"Thanks Mom"

Nag suot ako ng helmet at pinabuksan ang gate sa hardinero namin.

"Bye Jhon!"

Hindi ako sumagot pa at nag drive na papunta sa pinaka malapit na mall.

Nag park ako at pumasok sa loob.

Kaya lang, lahat ng hinahanap ko wala doon. Kung wala ang item, iba naman ang brand.

Gusto ko pa rin 'yong lasa ng bini bake ni Mama'la sa'min no'ng mga bata pa kami.

Lumabas ako ng mall at nag tungo sa ibang mall.

Mas malaki tong mall na 'to kumpara sa nauna kong pinasukan.

Nag park ako at pumasok din sa mall.

Hinanap ko agad ang ingredients na kailangan ko.

"Bakit naman ganito karami ang bibilhin mo?"

"Uuwi ako sa'min sa sembreak."

Nabibingi na ata ako. May mga familiar na boses akong naririnig.

"Ikaw lang?"

"Dami mong tanong"

Dahan dahan akong lumingon sa mga pinanggagalingan ng boses.

Si Raya nga at kasama si

"Mike?"

Sabay tumingin sa'kin ang dalawa

"Jhonzel? What are you doing here?"

Masayang tanong niya.

Bakit mag kasama silang dalawa? Nag di date na ba sila? Kailan pa?

"Buying a few ingredients"

Kahit naguguluhan ako ay sinikap kong maging maayos sumagot.

"Mag bi bake ka?"

Tanong sa'kin ni Raya.

Biglang kumabog ang puso ko at parang nanlambot ang tuhod ko sa biglaan niyang pag pansin sa'kin.

Pinukpok ko ang tuhod ko ng pasimple dahil parang hindi ko na kaya pang mag lakad kahit isang step sa sakit at lambot nito.

Bakit parang wala lang sa kaniya 'yong nangyari sa'ming away habang ako na guguilty pa rin hanggang ngayon.

"U-uhmm.."

Tango ko

"Kumain ka na? Namumula ka nanaman? Kinikilig ka na naman ba?"

Pwede bang huwag niya na muna akong kausapin? Kasi nag wawala ang sistema ko sa presensya niya.

"Ano nanaman ba? Gusto mo nanaman ba ng away?"

Pag tatapang tapangan ko.

Nginisian niya ako ng pasinghal at saka ako nilampasan.

"Pre? Ayos ka lang? Ang init ng mukha mo."

Pag papaalam ni Mike nang hawakan niya ang mukha ko.

"Ayos lang ako, sumakit kasi tiyan ko kanina."

"Sure ka? Halika na, sumabay ka nalang sa'min"

"A-ano? Gagawin niyo pa akong third wheel sa date niyo. Ayoko nga"

Tinapik niya ang balikat ko

"We're not dating. Not yet"

Pero bakit sila mag kasama?

Tulak tulak ni Mike ang push cart habang nakasunod kay Raya.

Nilagay ko sa ilalim ng push cart ang basket ko.

"Oh? Akala ko ayaw mo sumama?"

Natatawang tanong ni Mike

"Kararating ko lang din naman, sasamahan ko na kayo"

Gusto kong makita kung ano pang gagawin nila.

Bakit ba? Under ako ni Raya kaya siguro naman may karapatan at kaibigan ko si Mike.

"Anong iniisip mo at tatango tango ka diyan? Para kang tanga"

Seryosong tanong sa'kin ni Raya.

"Pwede bang kumuha ka nalang ng kailangan mong bilhin. Mag cacamping ka ba at ganito mga pinamimili mo?"

Tinaasan niya ako ng kaliwang kilay niya

"Wala ka na ro'n"

Tinalikuran niya ako

I gritted my teeth.

Wala talaga siyang kwenta kausap, nakakainis.

"Pfft.. gano'n na ba kayo ka close at ganiyan kayo sa isa't isa?"

Napangisi naman ako.

Naalala ko ang mga pagdikit dikit ko kay Raya noon.

Nahalikan ko na rin ang leeg ni Raya.

Mula sa pag kakangisi literal naman na napangiti ako.

"May nangyari bang maganda sa inyo ni Kath? Bakit ganiyan ngiti mo?"

Si Kath? Bakit naman nadamay ang babaeng 'yon?

"Wala 'no. Sabay na kayong pumunta dito ni Raya?"

Tumango siya

"Yep, after naming mag dinner"

Nagulat ako sa sagot niya

"Nag dinner kayo? As in kayo lang?"

"Hindi naman sa -"

Natigilan siya

"-Yeah, nag dinner kaming dalawa kanina, as in kami lang"

Wow!

Just Wow!

"Natagalan mo 'yang babaeng 'yan?"

Pag paparinig ko kay Raya kaya tiningnan niya ako ng seryoso

"Kumpara sa'yo, mas may sense naman siyang kausap"-Raya

Napanganga ako. Gusto ko talagang itanong kung ako ang sinasabihan niya. Siya nga 'tong walang kwenta lagi kausap eh.

Tinawanan naman ako ni Mike kaya bahagya ko siyang siniko. Medyo natinag naman siya konti pero ngisi ngisi pa rin.

"Haist! Kunin mo nalang lahat ng kailangan mo. Hindi ko iiwan ang kaibigan ko sa'yo"

Nag cross arm siya sa harap namin

"Mga bading"

Aniya saka kami tinalikuran.

"Aba sira-"

Pupuntahan ko na sana si Raya pero hinila lang ako ni Mike.

"Tingnan mo 'yang attitude mo, kaya ka nasasabihang bading eh"

"Bakit ako lang? Dalawa tayong sinabihan ah"

"Tss.. nadamay lang ako 'no"

Tinulak niya na ang cart.

"Bakit ako sinabihan?"

Tanong ko sa sarili ko. Matapos ko mag tanong ay sumunod na ulit ako kay Mike at bahagya siyang binunggo pagilid para matulungan ko siyang mag tulak.

"Kanina pa ba kayo dito?"

Napangiti siya

"Hindi, alam mo ba kanina may tumawag sa'kin tapos iniwan ko siya saglit tapos pag balik ko punong puno 'yong cart na dala niya ng kung ano ano mula dito. Siya lang ang nakilala kong babaeng hindi ka matatagalan sa kahihintay kapag kasama mo pero ma sistress ka naman dahil sa mga pinamili."

Iba talaga si Crenz, matagal ko nang alam 'yon.

"May cart na pala kanina bakit hindi pa kayo pumila-"

"Kuha lang siya nang kuha kahit hindi maganda ang brand kaya tinulungan ko siya. Kumuha ulit kami ng panibagong cart"

Grabe iba talaga 'tong si Mike, parang babae kung maging konserbatibo.

"Grabe"

Iling iling ko

"Hindi kayo pwedeng mag sama kapag may kailangang bilhin sa mall.. pareho kayong kuha lang nang kuha-"

"Ano? Hindi naman ako gano'n 'no. May specific brand akong kinukuha-"

"Mag lolokohan pa ba tayo? Kung wala kang dalang listahan paniguradong kung ano ano lang ang dadamputin mo."

"Ehem.. ibang usapan na ata 'yon?"

Nag iwas nalang ako ng tingin.

Huminto si Mike kaya napahinto rin ako dahil tumama ang tiyan ko sa handle.

"Ano ba 'yon?"

Sinundan ko ang tingin niya.

Nakita namin si Crenz na naka baling pa gilid ang mukha na parang kasasampal lang sa kaniya.

Isang lalaki ang nasa harap niya at mas malaki sa kaniya, mataba at mukhang gangster.

May pinunasan si Raya sa mukha niya at pag baba ng kamay niya at saka namin nakita ang dugo sa likod ng kamay niya.

"Raya."

Nag madali akong lumapit sa kaniya at inilayo siya sa lalaki.

"Anong ginawa mo?!"

Inis na sigaw ko doon sa lalaki.

Kaya ko siyang patulan dito at wala akong pakealam kung matalo ako ang mahalaga mabangasan ko siya.

"Tapang mo pare ah!"

Tinulak tulak niya ako kaya sabay kaming napaatras ni Raya.

"GAGO KA AH!"

Sigaw ko sa kaniya.

Sinubukan niya akong sapakin pero yumuko ako at pumailalim ako sa mga braso niya at tinulak siya ng buong pwersa para mapa atras siya.

"LIPHYO!"

Sigaw ni Mike

Siniko niya ako sa likod kaya napadaing ako pero kahit nasaktan ako hindi ko nalang ininda.

*Insert sounds of dropped cans and cracked bottles*

Naitulak ko siya sa estanteng may mga bote at lata na naka display.

Dumami ang tao sa paligid pero wala akong pakealam.

Nag iinit ang buo kong katawan sa kaniya.

Tatayo na sana siya nang sinipa ko siya pa balik sa pag kakahiga.

"Tama na"

Hinawakan ni Raya ang balikat ko kaya agad akong humarap sa kaniya.

"Ayos ka lang?"

Hinawi ko ang buhok niya para makita ang buo niyang mukha. Pinatingala ko pa talaga siya para makita ang buo niyang mukha

Wala pa ring kahit anong emosyon sa mata niya pero wala akong pake dahil nakikita kong namumula ang pisngi niya at may dugo ang gilid ng labi niya.

Tumingin siya sa gilid ko.

"YUKO!"

Hinila niya ako payuko.

*SMASH*

Isang mabilis na pagkilos ang narinig ko pag yuko namin.

Sinipa ako ni Raya pag yuko namin at nag kalat ang bote sa pagitan namin. Kung hindi ako sinipa ni Raya baka ako na ang na basagan no'n sa ulo.

"HOY UY! *WHISTLE* TUMIGIL KAYO!"

Lumapit sa'min ang mga guard.

Sasapakin pa sana ako no'ng lalaki nang pigilan ni Mike ang kamay niya.

"Tumigil ka na."

Seryosong tono ni Mike.

"Sino ka ba?!"

Malakas siyang tinulak no'ng dambuhalang nakalaban ko.

Halos ilang metro rin ang inatras niya.

"SINABING TUMIGIL KA NA!"

Sigaw sa kaniya ng mga guard doon.

Pinalayo siya ng mga guard sa'min. Gusto pa sana niya kami lapitan pero pinaatras na siya ng mga Guard.

"Raya"

Tumayo agad ako para lapitan siya pero nauna na siyang tumayo at nilapitan si Mike.

"Ayos ka lang?"

Tinayo niya si Mike.

Napahawak naman ako sa braso ko dahil nakaramdam ako ng kirot doon.

"Dugo?"

Tiningnan ko ang baba ng siko ko at may bubog pa nga doon.

Agad kong tinago ang braso ko at lumapit kay Mike.

"May sugat ka"

May bubog din ang kamay niyang naipang tukod niya sa sahig kanina.

"Ma'am, Sir dadalhin po muna namin kayo sa clinic para ma gamot ang sugat niyo, mag usap nalang po tayo kapag na gamot na kayo."

Nakatingin kami sa guard na lumapit sa'min.

"May baril 'yong lalaki sa likod niya"

Seryosong sabi ni Raya kaya agad nag tayuan ang balahibo ko.

Tumalikod ako at humarap kay Raya para protektahan siya.

"Anong ginagawa mo?"

Seryosong tanong niya

"Nag papaka lalaki"

Hinawi niya ako sa harap niya.

"Hindi pag papaka lalaki 'yang ginagawa mo. Pag papaka tanga 'yan. Sinabi ko na sa'yong unahin mo ang sarili mo bago ang iba. Pareho tayong mapapahamak sa ginagawa mo"

Gusto ko lang naman ligtas siya.

Umalis ang gwardiya sa harap namin at nag madaling lumapit sa mga kasamahan niyang umaawat sa lalaki.

"Lahat naman ng gawin ko sayo, mali"

Gigil na sabi ko sa kaniya.

Marahas kong tinanggal ang bubog na nasa likod sa baba ng siko ko dahil sa gigil ko. Inis na nga ako kay Raya tapos dumadagdag pa ang kirot no'n.

Letseng buhay to oh!

"MAY BARIL!"

Sigaw ng isang costumer kaya naalarma kami at nag madaling humarap sa kaniya.

Tumili na ang ibang mga babae sa gulat at nerbyos.

"Tabi!"

Mabilis na kumuha ng lata ng meatloaf si Raya at bago pa man naitutok sa'min ang baril ay nakita ko nang umikot ikot sa ere ang latang binato ni Raya at...

*BAG!*

Ang lakas ng pagkakabulagta ng matabang 'yon sa sahig dahil sa tumamang lata sa noo niya.

"Nabasag ata bungo no'n"

"Haluh ang galing! Saktong sakto!"

"Ang galing no'ng babae"

Usap usapan ng mga costumer at iba pang taong nandoon.

"Pasensiya na po"

Paumanhin sa'min ng isang babaeng maayos ang uniform, mukhang manager dito.

"Kung may reklamo kayo sa'min kausapin niyo nalang ang lawyer namin."-Mike

"Kukunin ko nalang po ang number niyo tapos bukas na bukas din po kakausapin namin kayo. Pasensya na po ulit"

Nag bigay ng card si Mike. Bahagya pang nagulat ang manager pero maya maya lang din ay umalis na siya.

Lumapit si Raya sa isang Crew.

"Paki tabi nito, bibilhin ko 'to bukas"

Napapikit nalang ako at napakamot sa talukap ng mata ko dahil sa inuna niya.

Humarap siya sa'min at nag labas siya ng itim na panyo.

Ano pa bang expect mong kulay ang ilalabas niya?

Walang bubog ang kamay ni Mike pero dumudugo 'yon. Pinaikot ni Raya sa sugat ni Mike ang panyo niya at maayos na itinali 'yon.

Naramdaman ko ang pag tulo ng dugo sa braso ko pero hindi ko nalang pinansin.

Nakakita ako ng pamilyar na pigura.

"Tyro!"

Sigaw ko kay Tyro nang mamukhaan ko siya.

Nakangisi siyang lumapit sa'min.

"That was intense Yara"

Natatawang ani nito.

"Masaya bang manood?"

Tanong ni Raya

"Why? Sabi mo huwag akong makialam sa gulo mo"

May asar sa tono nito.

"Tama 'yon kasi kung nakita kita kanina at tumulong ka, dalawa kayong babatuhin ko."

Ayan nanaman siya sa pagyayabang niya

"Nina will kill me if she'll learned about these"

Nagagawa pa talaga nilang tumawa?

Grabe!

"Pre, dalaga ka ata ngayon.. dinudugo ka"-Tyro

Sabay kaming napatingin sa dugong tumulo sa sahig.

"Iiwan ko na sa'yo si Vizarro. Dalhin mo sa hospital kung kinakailang"

Utos niya kay Tyro saka siya lumapit sa'kin at hinawakan ang sugat ko.

"ARAY! ANO BANG GINAGAWA MO!"

Ang sakit! Sariwa pa ang pagkakabaon no'n tapos hinawakan niya.

"Sino ba kasing nag sabi sa'yong bunutin mo 'yong bumaon diyan? Gusto mo bang maubusan ng dugo?"

Hinila niya ako.

"ARAY!- Uy Mike! Tatawagan kita mamaya ah! Ingat kayo!"

Sabi ko sa kanilang dalawa habang hinihila ako ni Raya

"Masakit ah!"

"Manahimik ka."

Hindi ba siya nandidiri? Dugo ko kaya ang hawak niya.

Nilayuan kami ng mga tao.

"Sa'n mo ba ako dadalhin?"

Tanong ko habang hila niya ako palabas ng mall.

"Manahimik ka"

Paano ko malalaman kung saan kami pupunta kung mananahimik lang ako?

"Sabihin mo sa'kin kung saan tayo pupunta para-"

"Kay Raffy. Doctor si Raffy kaya manahimik ka na. Akina susi mo. Sa'n ka naka park?"

Tinuro ko ang bandang unahan lang na parte at iniabot sa kaniya ang susi ng motor ko.

Pag dating namin sa gilid ng motor ko...

"Bakit ba kasi nangialam ka pa?! Ayaw mong mapahamak ang pamilya mo at ayaw mong pakelaman ka namin pero ikaw 'tong nangingialam sa'min?! Sasabihan mo kaming huwag mangialam sa desisyon mo sa buhay mo pero-"

Napa tigil siya at tinulak ang noo ko gamit ang palad niyang hindi naka hawak sa'kin.

"Ah!"

Napahawak ako sa noo ko at tinitigan siya ng masama.

"Huwag kang mag reklamo. Pahamak ka lagi."

"Eh ano ka pa? Napaka lapitin mo sa disgrasya. Bakit ka ba sinapak no'ng gagong 'yon?"

"Wala ka nang pakealam do'n-"

"Pinag tanggol kita kaya sabihin mo sa'kin"

"Hindi ko sinabing gawin mo 'yon"

"Kahit sinong matinong lalaki gagawin 'yon. Ano ba 'yang tumatakbo sa utak mo? Sino ang hindi mag aalala kung napapahamak na ang kaibigan mo?"

Gigil at matalim na tingin ang pinukol niya sa'kin.

"Hindi kita kaibigan, kakilala lang kita at isang obligasyong gusto kong takasan kung pwede ko lang gawin!"

Binitawan niya ang sugat ko at nag hubad siya ng jacket at pinulupot sa braso ko.

Hindi ko alam pero iba ang nakikita ko sa mga sinasabi niya.

"Nag aalala ka sa'kin?"

"Ano ka ginto? Nag aalala ako sa sarili ko, kapag may nangyari sa'yo ako pa mananagot."

Higit isang buwan ko na rin pala siya nakaka away, ang bilis ng panahon, mag dadalawang buwan na rin pala.

"Pero nag aalala ka pa rin sa'kin"

May pang aasar na sabi ko sa kaniya habang inaayos niya ang motor.

Pag ayos niya sa motor ko ay bumaba siya at marahas na pinasok sa ulo ko ang helmet ko.

"Ano ba? Kanina ka pa nakakasakit ah"

Pinisil niya ang braso kong may sugat

"Aaahh!!"

Walang emosyon siyang tumalikod sa'kin at saka kinuha ang isa ko pang helmet.

Pag tapos niya isuot 'yon

"Sakay na."

Utos niya nang matapos niya painitin ang makina no'n.

Umupo ako sa likod niya at saka kumapit sa may tiyan niya. Hindi naman na bago sa kaniya 'to dahil hindi naman 'to ang unang beses na inangkas niya ako.

"Tyansing ka na naman"

Singhal niya

"Uy ikaw bata ah, kung ano ano na natututunan mo."

Asar ko

"Kalalaki mong tao-"

"Hindi nga sabi ako ikaw na kayang hindi kumapit o kumpit sa likuran. At saka tingnan mo naman ang itsura ko, ang sakit kaya"

"Hindi ko kasalanan kung pakelamero ka. Huwag mo akong sabihan ng hampaslupa-"

"Oo na oo na.. mali na nga ako doon. Sorry na, nabigla lang ako doon sa sinabi mong aalis ng bansa eh tapos binantaan mo pa 'ko"

Pahina nang pahinang ani ko.

"Nag sorry ka ba talaga? Ba't may kasamang sumbat?"

"Dapat ano- dapat mag sorry ka rin. Pamilya ko 'yon-"

Pinaandar niya ng mabilis ang motor.

"Wala pa naman akong inutos sa'yong ikinapahamak mo diba? Kung ayaw mong pumunta sa ibang bansa edi hindi ka namin pipilitin."

Natuwa ako sa sinabi niya

"Talaga? Possible 'yon?"

"Possible 'yon kung dito ka lang sa bansang 'to mag titraining. Mas mahirap ang training dito. Patay lang ang sumusuko. Pero ikaw ang bahala"

Napalunok ako sa sinabi niya.

Hindi na ako nakapag salita sa dami ng nasa isip ko.

Huminto kami sa isang mataas na building.

Pumasok kami at binati ng mga guard doon.

"Good evening Sir, good evening Ma'am Crenz"

Tumango lang si Raya

"Wow! Kilala ka nila dito?"

"Madalas ako dito dahil dito nakatira si Sandra"

Mangha kong tiningnan ang buong paligid.

"Ang ganda ng lobby dito"

Nag mamadali lang nag lakad si Raya kaya nag madali rin akong sinundan siya.

Sa isang gold na elevator kami pumasok.

Tinapat niya sa scanner ang isang card.

"Wow! Ngayon lang ako nakapasok sa ganito."

"Sino sa'tin ngayon ang hampaslupa?"

Nginusuan ko siya.

Bakit ba kailangan niya pang ulit ulitin 'yon?

Nahihiya kaya akong harapin siya.

Sumara na ang elevator at saka niya tiningnan ang braso ko.

"Tsk.. wala pa 'to sa nakuhang bubog no'ng lalaki sa likod niya matapos mong itulak."

Kinapa niya ang likod ko.

"Anong ginagawa mo?"

Naiilang na lumayo ako sa kaniya pero hinila niya lang ulit ako at kinapa ang likod ko.

"Hindi ba masakit likod mo?"

"Malamang masakit"

Parang gusto kong ulitin ang nangyari at siya ang ilagay sa posisyon ko kanina.

"Ah!! Kanina ka pa ah!"

Pinindot niya ang likod ko. Pakiramdam ko nag kapasa ako doon.

"Tsh.. makakapag model ka pa kaya kung bangas bangas ka na?"

"Naaah.. I'm planning to quit modeling. I want to start a business, gusto kong ipatikim sa mga tao 'yong cupcake na kami lang ni Grandma ang nakakagawa."

Tiningnan niya ako.

"Ok, may mapapala na sa'yo ang magulang mo atleast kahit papaano may masasabi ka nang may nagawa kang mabuti sa buhay mo"

Para akong pinupukpok ng martilyo habang pinapa realize niya sa'king wala pa akong ambag sa magulang ko at sakit pa ako sa ulo.

"Nakaka inspired- tss.."

Singhal ko sa kaniya.

Bumukas ang elevator

Nag madali naman siyang lumabas.

Dalawang mag kabilang dulo lang ang pinto.

Dumiretso siya pa kanan kaya sinundan ko siya, pero napahinto siya kaya tumama ako sa likod niya

"Ano ba?"

Reklamo ko sa kaniya

"Ikaw bumangga sa'kin-"

"Eh huminto ka eh"

Eto nanaman kami. Walang katapusang bangayan.

"Nakalimutan ko kung saang pinto"

"Ano?"

Nag papalit palit kami ng tingin sa dalawang pinto.

"Sumigaw ka nga, sabihin mo Rafflesia"

Tinuro ko ang sarili ko tapos tumango siya.

No choice namang sumigaw ako.

"RAFFLESIA!"

Biglang lumagabog ang pinto sa kanan namin kaya napatago ako sa likod ni Raya.

"Anong ginagawa mo?"

"Parang ang haunted naman ng floor na 'to"

"Tsh.. huwag ka ngang bakla pwede?"

Bumukas ang bandang kaliwang pinto at lumabas doon si Raffy na naka bathrobe at may towel sa ulo.

Sumandal siya sa pinto at saka seryoso kaming tiningnan.

Nag iwas agad ako ng tingin dahil sa itsura niya.

"Why do you have to shout that name?"

May iritasyong tanong niya sa'min.

Bigla akong tinuro ni Raya.

"You deceived me"

Bulong ko sa kaniya

"Gano'n talaga kapag hampaslupa"

Nginisian niya ako saka ako nilampasan.

"Sesanghe! Wae sonhe piga mud-eun iyu?"

(Oh my god! Why there's a blood in your hands?)

Gulat na tanong ni Raffy

Teka? Ano raw?

"Tsh.. hindi akin 'to, sa kaniya"

Tinuro ako ni Raya

"Buti pinapasok kayo dito. Pumasok na kayo"

Pumasok na si Raya.

Nag aalangan pa akong pumasok dahil sa itsura niya, nag iwas nalang ako ng tingin.

"Hoy! huwag kang feeling gentleman diyan, pasok na para matuloy ko na pag sashower ko"

"Pumasok ka na, ako na mag sasara"

"Whatever"

Narinig kong pumasok na siya kaya humarap na ako sa pinto niya.

"This is nice"

The place is really good. Pero kung papipiliin ako kung saan ako titira in future, hinding hindi sasagi sa isip ko ang tumira sa condo. I'll build my own house with my own money and with complete paper of house and lot.

Pumasok na ako sa loob at sinara 'yon.

Pag pasok ko doon may bitbit nang medicine kit si Raya.

"Dapat sa bahay nalang ako nag pagamot-"

"Pwede bang manahimik ka kahit limang minuto lang kapag kasama mo 'ko?!"

Eh gusto ko 'to eh.

"Umupo ka na!"

Utos niya kaya umupo ako sa tabi niya.

"Umurong ka! Bakit sumisiksik ka sa'kin?!"

"Ba't ba ang init ng init ng dugo mo sa'kin?!"

Nag susukatan na kami ngayon ng sama nang tingin.

"Matuto ka kasing makinig!"

"Babalik nanaman tayo-"

"YAH!! GUEMANHAE!! MUNTIK KO NANG MALUNOK 'TONG TOOTHBRUSH KO KAKASIGAW NIYO!"

Sigaw niya mula sa CR.

Umurong ako saka marahas na kinuha ni Raya ang braso ko.

Mag rereklamo pa sana ako pero pinigilan ko nalang saka siya may pinindot sa may baba pa ng sugat ko.

"Aww!"

Teka ano 'yon?!

May isa pa akong sugat doon?

"Tsk.. bakla.. sumandal ka diyan at pumikit ka.. imaginin mo na kinakain mo ang paborito mong pagkain"

Bigla akong napangisi

"Ano ako, bata?"

Natatawang tanong ko sa kaniya.

"Para sa bata lang ba 'yon? Parang hindi naman"

Eto nanaman kami, mag uusap ng malumanay tapos mamaya mag sisigawan na naman.

"Oo-"

"Tumatalab sa'kin 'yon kapag ayaw kong maramdaman 'yong kirot."

Nawala ang ngiti sa labi ko.

Parang ang lalalim ng pinang huhugutan niya.

"Kung ayaw mo ng pagkain, edi mag isip ka ng malalim na bagay para hindi mo maramdaman 'tong ginagawa ko-"

"Ah!"

Napahigit ako sa kamay ko nang tanggalin niya ang kung ano doon.

Sabay naming tiningnan ang nahugot niya.

"Bubog ba 'yan?"

Nilapit namin ang mukha namin doon.

Bigla niyang binawi ang kamay niya at tinago 'yong nabunot niya.

"Anong ginagawa mo?"

"May na tira pa doon sa loob niyan"

Tumingin ako sa pinag hugutan niya.

"What the fuck?!"

Tumingin agad ako sa kaniya.

"Anong ginawa mo Raya?! Kaya pala masakit!"

Hinawakan niya ang braso ko na parang gulat siya.

"Malikot ka kasi kaya iba nabunot ko"

Feeling ko kapag sa kaniya pa ako mag papagamot, mamamatay na ako.

"Ayoko na!"

"Konti nalang-"

"Laman ko 'yong nabunot mo! Nababaliw ka na ba?!"

Ang sama ng tingin ko sa kaniya dahil sa ginawa niya.

"Hindi ko naman sinasadya-"

"Kay Raffy na ako mag papagamot, mamamatay ako sa'yo"

Binawi ko ang kamay ko.

Maya maya lumabas si Raffy na may towel pa rin sa ulo at naka damit na.

"Nag away ba kayong dalawa? Nag sapakan kayo? Sino nanalo?"

Tanong ni Raffy

"Hindi ah, may nakaaway lang kami sa mall"

Sagot ko dahil mukha namang walang balak sumagot si Raya

"May sumapak sa prinsesa ko? That fuckin' wench! Who's that?!"

Naka pamewang siyang humarap sa'min.

"U-uhmm pwede bang paki ayos muna ng sugat ko?"

May panibago kasing dumugo dahil sa ginawa ni Raya.

RAFFY'S POV

Siraulo 'yong sumapak kay Crenz ah. Parang gusto kong manapak ngayon.

"It's just a simple wound, Crenz can do that"

Umiling si Attienza.

"Wae?"

"Natanggalan niya ako ng laman-"

"Pwede bang gawin mo nalang 'yan? Mamamatay na 'yan oh"-Crenz

"Hoy! Bunganga mo"-Liphyo

Gusto kong mainis pero kapag nakikita ko 'tong dalawa mag away, natutuwa ako.

Inayos ko na ang mga kailangan ko.

"Bikyeo"

Pag papaalis ko kay Crenz

Umalis naman siya at pumunta ata sa kusina.

Inasikaso ko na si Attienza

"Bakit mag kasama kayo?"

Ganitong oras? Mag kasama pa rin sila?

"I'm buying my ingredients in mall then I accidentally bump into them"

"Bump into them? Who?"

"My friend, Mike Vizarro. Nasa mall din kanina si Tyro, sinusundan ata si Raya"

That asshole?! He don't even bother to protect my princess!

"Ikaw? Sigurado ka bang hindi mo sinundan si Yara?"

Umiling siya saka napa ngiwi dahil sa sakit ng sugat niya.

"Nakisali ka sa away nila?"

Mula sa pag kakatingin sa sugat niya ramdam kong tumingin siya sa'kin.

"I can't help it"

Tama nga si Crenz, pakelamero nga siya.

"You should not do that. Crenz is not that weak"

Bumuntong hininga siya.

"But she's still a girl-"

"A word girl doesn't suit her."

Napahinto ako saka napa isip. Bakit ba ako nag papaliwanag sa kaniya.

Bumalik na ako sa pag gamot sa kaniya.

"Huwag mo nalang pakelaman si Yara, asikasuhin mo ang pamilya mo. Tanungin mo sila kung may problema sila, mag bigay ka ng time sa kanila"

Payong kakilala lang hehehe..

"Mukha namang ayos sila eh at lately mas nakaka bonding ko naman sila. Mukha namang walang problema"

Tinapos ko na ang pag bebenda sa sugat niya.

*BLAG!*

Napatayo kami saka ako napatakbo para tiningnan ang kusina.

As expected..

"Ano nanamang anghel ang sumapi sa'yo?"

Inayos ko ang mga kumalat na kaldero.

"Hoy, nakikibahay bahay na nga lang tayo naninira ka pa ng gamit"

Mukhang may gusto na namang gawin si Crenz pero hindi niya magawa dahil sa may hindi siya alam gawin.

"Tell me, what do you want? Pwede mo namang sabihin sa'kin, gagawin ko naman"

Ang pagiging inosente niya minsan ang dumadagdag sa ka cute an niya pero minsan nakakabwiset din.

"Hindi ako 'yon"

Napa tawa nalang ako ng mahina saka binalik sa stove ang kawali.

"Then who's it?"

"Chelsea?"

Ano raw? Nandadamay pa siya ng taong wala dito.

"Kelan pa nagkaroon ng kaluluwa ni Chelsea dito?"

Tinuro niya ang ilalim ng mesa.

Kinakabahan ako sa ginagawa ni Crenz, pakiramdam ko tuloy may multo dito sa bahay ko.

Sabay kaming sumilip ni Liphyo sa ilalim at.

"Chelsea?"

Ngumiti siya sa'kin habang nasa ilalim siya ng mesa.

"Annyeong"

Kaway niya sa'min.

Napakamot nalang ako noo.

"Get out"

Nakahinga ako ng maluwag, akala ko may multo na.

Lumabas naman siya.

Naka salamin siya at naka pantulog.

"How'd you-"

"Secret?"-Chelsea

Paano nakapasok 'tong babaeng 'to dito? Nababaliw na rin ata siya.

"Crenz?"

Tanong ko kay Crenz.

"Bakit ako? Kararating lang namin, ikaw kanina ka pa nandito at saka bahay mo 'to 'no"

Oo nga, pero hindi ko alam

"I can cook"

Naiilang na presinta ni Chelsea.

"Whatever-"

"Pwede niyo ba ako gawan ng-"-Crenz

"Sure"-Chelsea

"-granada?"-Crenz

"Tsk.. dumito ka na nga bata. Nanggugulo ka lang diyan"-Liphyo

"Gusto mong ibalibag kita?"

Seryosong sabi ni Crenz kay Liphyo.

"Mag silayas nga kayo sa kusina ko"

Hinila ko silang lahat papunta sa sala at saka pinaupo sila.

"Chelsea, kung inaabangan mong umuwi dito si Drei hindi ko alam kung kelan 'yon at mag paalam ka kung pupunta ka, akala ko may multo na dito at ikaw Crenz."

Huminto ako saglit. Haaaaay.. ang cute niya.

"Ano bang gusto mong kainin?"

"So unfair.. bakit kapag dating kay Crenz nagiging mahinahon ka?"-Chelsea

"Just a few reminder sweety, you've done it first"

Lahat naman kami nagiging tuta ni Crenz kapag kaharap namin siya eh.

"Did I?"

"You did"

Inirapan niya ako

"So kelan kayo hihinto sa pag tatalo at lutuan ako ng gusto ko? Pwede namang ako nalan-"

"No no no../ we can handle Crenz"

Sabay na sagot namin ni Chelsea

Kapag hinayaan naming si Crenz ang kumilos sa kusina baka walang matira sa gamit ko.

"Uh? Pwede na ba akong umu-"-Liphyo

"No/You can't!"

Sagot ulit namin.

Kapag umuwi siya, uuwi na rin si Crenz.

Natatawang tiningnan kami ni Liphyo

"Nakakatuwa.. paano niyo naging kaibigan si Raya, ang gaganda niyo kaya"

Natatawang sabi ni Liphyo

"Kapal.. ikaw paano mo naging kaibigan 'yong apat, mukha ka kayang unggoy"

"Pfft!"

"Ang gwapo ko kaya-"

"Ang ganda ko kaya"

"Sino nag sabi?"

"Sabi ni Mike"

"Naniwala ka naman?"

"Mas kapani paniwala siya kesa sa'yo"

Tinalikuran ko nalang sila.

"Sama ako"

Sumabay sa'kin si Chelsea pa punta sa kusina

"Ano bang gustong kainin ni Crenz?"

Nag labas ako ng ice-cream at toppings.

"Anong gagawin mo?"-Chelsea

"Hindi tatanggi sa ice cream si Crenz. Kapag sinunod natin ang gusto niyang kainin ngayon, aabutin tayo ng alas dose"

"Ok"

Napapikit nalang ako nang may nakalimutan ako.

Sinilip ko 'yong dalawa.

Naka pikit si Crenz habang patuloy pa rin silang nag tatalo.

"Liphyo? Nag dinner ka na ba?"

Singit ko sa away nila

"Not yet"

"What do you want to eat?"

"Bakit ako hindi mo tinatanong?"-Crenz

"Because what you want to eat is not easy-"

"Pwede ko naman gawi-"

"Ayaw mo ba ng Ice cream?"

Diretsyong tanong ko sa kaniya.

"A-ah.. *ehem* kung meron edi 'yon nalang"

"Tsk.. bata"

"Mag oorder nalang ako-"

"Pwede niyo bang dagdagan ng french fries at burger?"-Crenz

Parang good mood siya ngayon ah..

"I don't have allergy so whatever food you will order will be fine with me"

Tumango ako saka bumalik sa kusina.

"Ikaw na mag order"

Sabi ko kay Chelsea

"Bakit ako?"

"Oorder ka o matutulog ka kay Sandra?"

"Napaka gandang kondisyon"

Inirapan niya ako at saka umalis.

"Attitude?"

Gumawa na ako ng dessert para kay Crenz.

*RING*

Tumunog ang cellphone ko sa may sala kaya kinuha ko muna at saka bumalik sa kusina.

"Yoboseyo koreana!"

Tsk.. asshole.

"Gusto mo na bang mamatay? Bakit nanood ka lang kanina? Nabangasan ang prinsesa ko"

Tumawa siya sa kabilang linya.

"I almost use my needle gun for that crazy bastard, mabuti nalang pumalag si Attienza."

At talagang tuwang tuwa pa siya ah.

"Dapat ginawa mo na"

"Alam mo hindi ko alam kung sino susundin ko sa inyo. Kapag nakialam ako, kay Yara ako patay tapos kapag hindi ako nakialam sa'yo naman ako patay. Ano bang trip niyo?"

Napangisi ako

"Basta 'yong hindi siya mababangasan. Nasa'n na 'yong hayop na 'yon?"

"Nasa kulungan na"

"1 or 2?"

"1 pero bukas sisiguraduhin kong nasa 2 na 'yon"

Ang tinutukoy naming 1 at 2 ay ang kulungan kung saan pinapasok ang mga nag kakaatraso sa'min. Kapag sinabing 1, sa batas ng bansa 'yon at sa kulungan nila, kapag sa 2 naman sa batas namin 'yon at kulungan namin. Iilan nalang ang nakakalabas sa kulungan namin lalo na kapag kinakanti ang mga member ng royal.

"Good.. pupunta ako sa kulungan bukas para makapag practice."

"Tsk.. kung ano ano inaalala mo, alalahanin mo ang special mission mo at huwag mong buntutan si Yara. Gusto mo bang masipa palabas ng organization? Kapag may nangyaring masama sa pinapabantayan sa'yo, sigurado na ang kamatayan mo"

Napairap nalang ako

"Alam mo namang hindi pa siya bumabalik diba?"

"Edi pabalikin mo na."

"Kung gano'n lang kadali matagal ko na sanang ginawa."

"Gumawa ka na ng paraan-"

"Malapit na 'yon. Bigyan niyo lang siya ng oras at huwag niyo na akong pakelaman sa pag sunod ko kay Crenz. Sinusulit ko nalang ang pagiging malaya saglit kasama siya, magiging busy na kami pareho, soon"

Naiisip ko palang na magiging mas matindi pa ang lahat nanghihina na ako.

"Ok.. anyway. Nakita mo na ba 'yong young doctor na kinukwento mo sa'min?"

Ah.. 'yon? Tsk.. hindi ko pa makita ang kaluluwa niya bwiset siya.

"Not yet.. don't worry kapag nakita ko ulit ang pangalan niya, ipapakilala ko siya sa inyo."

"Ok??? Alam mo minsan lumayo ka kay Crenz para hindi ka maging weird gaya niya."

Napairap nalang ako. Iyong taong 'yon? Mayaman na 'yon. May sariling shop na dito 'yon at talagang dinudumog ang business niya.

"I'm not weird, your best friend is weird"

"Wait-what? Si Chelsea? Wae?"

"We found her hidding under my kitchen table. I don't even know when-"

Tumawa siya

"Kwentuhan mo lang ng tungkol kay Drei, alam mo naman 'yon."

"Lahat ng alam ko tungkol sa tukmol kong kapatid, nakwento ko na sa kaniya."

"Just repeat it."

Lintek na mag kaibigan to.

"Why did you call?"

"Just checkin' our princess if she's good"

Sinilip ko 'yong tatlo sa sala

"She's good.. magaling pa siyang mambara"

"With Liphyo?"

"Kanino pa ba?"

Tumawa siya

"Ok, goodluck! Ay oo nga pala naka balik na pala si Yashica.. nag kita na rin sila ng baby ko at ni Yara. Just wanted you to know."

Tumingin ako kay Crenz at nakatingin din siya sa'kin.

Tinaasan niya ako ng kaliwa niyang kilay kaya inirapan ko siya.

Kinuha ko na ang ice cream niya at binigay sa kaniya at bumalik sa kusina.

"Iniwan nila si Crenz? Himala?"

"I don't know yet. Pinapunta ako ni Nina kanina para sundan si Yara eh"

Huminga nalang ako ng malalim.

"Ok, bye"

Pinatay ko ang tawag saka kumuha ng ice pack para sa pasa ni Crenz.

Naka upo silang tatlo sa sala

"Put this on your bruise later"

Sabi ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin dahil naka tutok ang atensyon niya sa pag kain ng ice cream.

"Bakit ka ba kasi sinapak? May ginawa ka ba?"

Inosente siyang tumingin sa'kin

"Sinapak ka? Akala ko kinamot mo lang yang-"

"Manahimik ka nga Chelsea" Utos ko sa kaniya

"Mian"

Bumalik ang tingin ko kay Crenz

"Hindi ako sinapak. Sinampal ako at tinatamad akong mag kwento"

Napakamot nalang ako sa leeg ko

"Hindi naman siguro ikaw ang naunang manakit diba?"

"Tsk.. hindi ako nananakit ng kung sino sino. Mas alam mo 'yon higit kanino man"

Napa buntong hininga nalang ako.

"Hindi raw nananakit pero nang babalibag"

Bulong ni Liphyo

"That's what you called self-defence. Hindi ako nananakit pero hindi ako tanga"

"Owwwwww"-Chelsea

Binato ko ng unan si Chelsea saka sinamaan siya ng tingin. Ngumiti lang siya sa'kin ng matamis.

"Bumalik na pala si Yashica? Nag kita raw kayo kanina?"

Tumango lang si Crenz

"Really? Edi sasakit na naman ang ulo ni Crenz-"

"Pula?"

Tumingin kaming lahat kay Crenz

"Why?"

"Naks! Aminado"-Chelsea

Tips naman kung paano patahimikin si Chelsea kahit isang oras lang.

"May assignment kami"

Bigla akong na curious. Bakit sinasabi kay Liphyo? Dahil ba under niya si Liphyo?

"Oh tapos? Edi goodluck"

"Tsk.. may buntis ngayon sa organization na hindi kasal at manganganak na ata siya next month."

Natigilan kaming lahat sa sinabi ni Crenz.

"Seriously?"-Chelsea

"Diba bawal sa inyo 'yon?"

Inosenteng tanong ni Liphyo

"Bawal nga. May parusa na ang mga elders sa babaeng 'yon."

"Anong hatol?"

"Papatayin ang bata"

Halos mag tindigan ang balahibo ko sa sinabi niya.

Parang nakukuryente ang buo kong katawan.

"Common member ba 'yan?"-Chelsea

"Oo"

"Bakit mo ba sinasabi sa'kin?"-Liphyo

"Papipiliin kita. Kami ni Nemi ang aayos ng problema ng kapatid mo o ikaw ang aayos no'n? Hanggat kaya ko ayokong may mag buwis ng buhay dahil sa kasalanan ng iba."

Tumingin kami kay Liphyo na naguguluhan

"What do you mean?"

"Nakabuntis ang kuya mo at ang magiging pamangkin mo ay mamamatay kung hindi pakakasalan ng kuya mo ang babaeng nabuntis niya. Bibigyan kita ng pagkakataong kausapin muna ang kuya mo para kumbinsihin siya-"

"Teka teka.. parang hindi ko pa mainti- nakabuntis si Allen? Are you sure about that? Parang hindi naman si Allen ang tinutukoy niyo. Hindi gano'n si Allen. I double check niyo dahil baka nag kamali lang kayo."

May alangan na sa ngiti ni Liphyo.

"Kausapin mo siya. Subukan mong mag investigate o pigain mo siya. Kung gagawin mo 'yon, hindi mo na kailangan pa ng pruweba galing sa organization. Sinasabi ko 'to sa'yo para wala kang maisumbat sa'kin sa future. Bilang under ko, obligasyon mo ring tulungan ako. Tungkol na 'to sa pamilya mo kaya binibigyan kita ng chance makapag isip. May dalawang araw ka lang para alamin 'yon. May isa ka pa palang problema tungkol sa kapatid mo."

May pag aalala nang tumingin sa kaniya si Liphyo

"May alam na ang kapatid mo tungkol sa organization."

"Shit/crap" sabay na bigkas namin ni Chelsea

"Nabasa mo naman ang rules na kapag may nakaalam patungkol sa organization na 'yon at hindi member, mamamatay 'yon. This time wala kaming kasalanan dahil ang kapatid mo ang umalam. Huwag mo ulit kaming sisisihin"-Crenz

Napa masahe nalang ng noo si Liphyo.

"Anong kailangang gawin ni Allen?"

"Divorce"-Crenz

"Ano? Walang divorce dito sa Pilipinas"

Kunot noong tanong ni Liphyo

"Hindi mo alam? Sa ibang bansa naka rehistro ang kasal nila dahil 'yon ang gusto nang asawa niya"

LIPHYO'S POV

Masisiraan na ata ako ng bait. Parang wala na akong maintindihan. Parang hindi si Allen 'yong sinasabi ni Raya pero sa pagkakakilala ko kay Raya wala siyang oras makipag biruan at hindi rin siya basta basta nang uungkat ng mga bagay patungkol sa organization dahil sabi nga nila, hindi rin trip ni Raya ang organization na 'yon.

Ilang beses na kami nang away patungkol sa Ka selfish an ko kaya alam kong hindi nag bibiro si Raya pero kasi si Allen?

Paano si Kathy?

Don't get me wrong. I'm done with Kath but she's still my friend.

"Wala akong alam. Maraming nangyari bago sila ikasal kaya hindi ko alam."

Gano'n na ba talaga kagusto ni Allen ang mag kaanak? 'yong utak ko parang sasabog na. Iniimagine ko na ang gagawin nila Mom, siguradong lagot si Allen kay Papa kung totoo nga 'to.

"Mahirap 'yan kung may anak ang kapatid mo sa asawa niya."-Raffy

Umiling ako

"Gusto na niyang mag ka anak pero hindi pa gusto ni Kath dahil nag aaral pa siya."

"Maybe that's the reason why your brother got other woman pregnant"-Chelsea

Hindi ko alam ang gagawin ko. Tumingin ako kay Raya na nanghihingi ng tulong. Ang bigat ng pakiramdam ko, parang maiiyak ako sa sobrang bigat.

Pwedeng mamatay ang kapatid ko kung hindi niya pakakasalan 'yong babaeng 'yon.

"Huwag mo akong tingnan. Mag desisyon ka sa buhay mo dahil 'yan ang sinabi mo sa'min"

Can somebody hug me tight? I'm being emotional again.

"Bago manganak si Ana, kailangan nilang mag pakasal. Kung mag kakaaberya man bago maipanganak ang bata, kami na ang bahala doon. Kailangan na nilang mag divorce bago next month."

Ngayon ko lang ulit naramdaman ang kirot sa braso ko.

"Anong gagawin niyo kung hindi ko nasabi sa kaniya sa loob ng dalawang araw?"

Binaba ni Raya ang bowl na nilagyan kanina ng ice cream at kinuha ang icepack saka dinampi sa gilid ng labi niya.

"Hindi mo na kailangan malaman. Lahat gagawin namin para maisalba ang mag ina dahil nasa iisang organization kami."

Bakit gano'n?

"It's unfair. Paano kung pinikot si Allen no'ng babae?"

Umiling si Raya

"Kung tutuusin rape ang nangyari. Waitress ang babae at costumer ang kuya mo. Mahirap din ako at alam kong minsan ang batas, nabibili. Kayang baliktarin ng pera niyo ang lahat pero huwag na kayong mag tangka, dahil gagamitin ko lahat ng koneksyon ko para makulong ang kuya mo kapag namatay ang bata."

Hindi naman gano'n si Allen. Alam kong hindi niya babaliktarin ang batas.

"Na-naiintindihan ko. Sa loob ng dalawang araw, hayaan niyo akong kausapin siya at huwag kayong gagawa ng kahit ano."

Hindi na sumagot si Raya. Mukha namang nag kakaintindihan na kami eh.

"May choices ka pa rin naman eh"-Chelsea

"Choices?"

"Yeah.. it's either you convince him to marry Ana or he'll die. I'm not threatening you ah, it's just I'm making everything clear."-Chelsea

Nahihirapan ako.

"Tatlo kayo nila Nemi ang nasa assignment na 'to diba? Bakit tatlo kayo? Kayong dalawa lang ni Nemi or kayong dalawa ni Cess magagawa na 'yon, so bakit tatlo pa kayo?"-Raffy

Tatlo nga pala silang kinausap ni Mr. Principal no'ng nag meditate kami.

Bakit nga ba tatlo sila?

"Iyong assignment ko. May isa nang nakakaalam ng totoo kung sino ang nawawalang anak ni Mr. Montilla at related 'to sa kasong 'to dahil nakapaligid lang sa kuya ni Pula ang isa sa sampung may special mission at kailangan kong malaman 'yon."

Nakapaligid kay Allen? Nasa trabaho ba ni Allen?

"So it's supposedly Princess and Nemi lang?"

Maarteng tanong no Chelsea

"Nasa special mission din naman ako at iba ang may hawak sa'ming nasa special mission. Confidential ang nilalakad namin lalo na sa mga hawak naming mission. Ako lang ata ang nag iisang nag sabi kung anong mission ko eh-"

"'yong mission mo? 'yong mission mo nag babakasyon pa at wala pa atang balak bumalik. KAUSAPIN mo na kasi nang makabalik ka na rin sa trabaho mo"-Chelsea

Inirapan siya ni Raffy

"Nakausap ko na siya at ang sabi niya huwag daw naming pag usapan. THE END"

Pag didiin niya.

Nakatingin lang kami ni Raya sa kanilang dalawa.

Hindi ko alam kung matatawa o kakabahan dahil sa sitwasyon ko ngayon eh.

"Si Tanda ba may hawak sa inyo Rafflesia?"

Tanong ni Raya na halos ikasalubong naman ng kilay ni Raffy.

"Pfft.."-Chelsea

"Your innocence is pissing me off"-Raffy

Parang wala lang kay Raya ang sinasabi ni Raffy dahil wala namang nag bago sa itsura niya. Para pa rin siyang nakatanaw lang sa plain na bagay.

"Si Mr. Tan nga ang may hawak sa'min. Sampu kami pero ang isa ay hindi pa nag papakita sa'min, halos Lima palang ang kilala ko habang ang apat ay nasa ibang bansa para sa mission nila pero nakita ko na sila. May isang bukod tangi lang na hindi pa nag papakita. Lalaki siya at kasing edad lang ata natin, 'yon kasi ang pag kakasabi ni Mr. Tan sa'kin."

Huminga ng malalim si Raya

"Pwede ko kayang makausap si Tanda para sa assignment ko?"

"Ekis"-Raffy

Medyo nakukuha ko naman ang pinag uusapan nila.

"Wae?"

"Kung tungkol sa assignment mo 'yan, hindi ka niya tutulungan dahil confidential nga 'tong sa'min. Hindi kami sakop ng sino man sa inyo at ang makakapag manipula lang sa'min ay ang mga binabantayan namin. Bago pa ko bumalik dito, alam ko na lahat ng mga ginawa mo sa org. o mga gagawin palang para sa org. Sinubukan ko nang alamin 'yang sa'yo pero sinabihan ako ni Mr. Tan na huwag mangingialam kung hindi kasali sa 10 Royal Protector ang tutulungan ko. Mag kakaroon ng bias kapag ginawa ko 'yon-"

"Pero ang taong kailangan mong protektahan, pwede kang utusang mag labas ng confidential file?"

Nag kibit balikat si Raffy

"Kaya kong gawin 'yon kahit pa hindi ko mission ang taong 'yon kaya lang syempre tinitingnan ko pa rin kung worth it ang taong pag bibigyan ko, baka mamatay nalang akong hindi pa nakikita ang siraulo kong alaga"

Napangisi lang si Raffy

"Hahanapin ko nalang ang mga wala sa list kaysa umasa sa'yo. Wala rin naman akong balak mag patulong sa'yo. Inaalam ko lang kung anong meron sa grupo niyo at kung bakit wala kayo sa listahan ng mga members ng R.O. Mukha talagang tangong tago kayo."

"Matagal na kaming guardian ng mga kailangang bantayan, pero noon naman nasa list pa rin kami-"

*RING*

Tumunog ang telephone ni Raffy.

"Wait lang"

Paalam niya sa'min saka sinagot ang tawag.

"Liphyo fighting! Tawagan mo lang si Yara kapag hindi mo na kaya"

"Tss.."

Napangiwi nalang si Chelsea sa kaniya.

"Gusto kong mabuhay ang bata at natatakot ako sa gagawin ng organization niyo kung sakaling mag matigas si Allen. Si Kathy.."

Napahinto ako dahil parang ako ang nasasaktan para sa kaniya. What will happen to Kath?

"Kung gusto mo 'yong babae bakit hindi ka nag reklamo no'ng ikinasal siya sa kuya mo"

Mula sa pag katulala ay bigla akong napabaling ng tingin kay Raya.

"Anong gusto? Anong sinasabi mo? Imbento ka"

"In denial"-Raya

"Huwag ka ngang-"

"Nakita ko kung paano ka mag alala no'ng nasa hospital kayo"

"Malamang, parte na siya ng pamilya ko. Kaibigan ko siya at asawa siya ni Allen kaya walang reason para hindi ako mag alala"

Kumunot ang noo niya

"Bihira lang mag kamali ang kutob ko dahil minsan lang naman ako kutuban tungkol sa nararamdaman ng iba."

Itong babaeng 'to, lagi talagang nakakainis.

"Labas ka na doon kung meron man o wala-"

"Bakit naman ako labas, eh gusto kita"

Seryosong aniya kaya halos mapasinghap ako at tumigil ata ang mundo ko.

Pakiramdam ko nag init ng paligid.

"What?"

Pati si Raffy na may kausap sa telepono ay napa silip sa'min.

Diretso lang siyang nakatingin sa'kin.

Wala ring masabi si Chelsea at gulat lang ding nakatingin sa'min.

Bakit pakiramdam ko nag iinit ang puso ko?

Tumulo ang pawis ko mula sa gilid ng patilya ko.

Hindi ko mapigilan ang pag tibok ng puso ko nang mabilis. Sa mga salitang binanggit niya, pakiramdam ko hindi ako patutulugin no'n buong mag damag.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko saka napatanong sa sarili ko kung 'kailan pa?'

Tumingin ako sa may dibdib ko saka bumalik ng tingin sa kaniya.

Katapusan ko na.