webnovel

Reincarnated in 1880

A girl named Viatiere Alonzo in junior highschool died by a car accident. Suddenly there were a flash of light and all she knew was she were about to hit by a running carriage. Luckily, there was someone came and save her. She was reincarnated in early era of Philippines in 1878 in the persona of Catalina Victoria Lopez.

meow_meoww · ย้อนยุค
Not enough ratings
24 Chs

KABANATA XXII

Dr. Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Ang ginagalang ng lahat ng mga Pilipino mula noong hanggang ngayon. Ngunit lingid sa kaalaman ng ilang mga tao ay ang taong ito na magiging future bayani ng Pilipinas ay natalo ko sa debate! Aba, apakagaling ko naman!

Nandito na ako sa aking kwarto. Kaagad na kaming umalis pagkatapos ng debate. Pumunta na rin sa kaniyang silid si Fiona at ako naman ay pumunta na rin dito. May ilang oras pa ako para pumunta sa simbahan. Ang susunod na pagaaralan naman ay tungkol sa relihiyon at simbahan. Ang mga kababaihan ay required na maging alagad ng simbahan kaya wala akong magagawa.

Idinako ko na ang aking mga panyapak sa simbahan. Kasabay ko rin ang ilang mga estudyante kanina sa UST. Sabay sabay kaming pumasok sa kumbento at nilinya na kami isa isa ng isang Madre.

"Ve, sígueme" (Humayo kayo at sundan niyo ako)saad ng madre at kaagad naman namin siyang sinundan

Napunta kami sa isang silid na may puting dingding at may malaking krus sa taas ng black board. May mga upuan siyang katulad sa simbahan at mesa. Umupo na ako sa aking upuan at biglang nagtaka ako nang makitang nakaluhod silang lahat at nagdadasal. Kaagad na naman akong lumuhod at baka mapagalitan pa ako ng madre at nagdasal.

'Ah... Pano bang dasal ang gagawin ko?'

"Mahal na Panginoon, kayo po'y aming pinapupurihan, nagsisisi pi kami sa aming mga pagkakasalang nagawa at patawarin niyo kami sa aming pagkakasala...."

Tinapos ko ang dasal na iyon at pagkabukas ko ng mga mata ko ay nakaupo na pala silang lahat.

'Shuta naman! Nakakahiya talaga!'

"Mukhang napasarap ang ating binibini sa pagdadasal" sarkastikong sambit ng Madre habang tumatayo ako at lumilipat na sa upuan para umupo

Narinig ko naman ang mga mahihinang tawa ng mga kaklase ko pero hindi ko na ito pinansin.

"Bueno, halinat magsimula na tayo sa ating talakayan. De paso,(Nga pala) sa mga hindi nakakakilala sa akin, ako nga pala si Madre Soledad" pagpapakilala niya at nagsimulang tumalikod at may isinulat sa black board.

Isinulat ni Madre Soledad and mga salitang 'fides caritate formata' na ang ibig sabihin ay charity and good works at pati narin ang salitang 'salvación' na ang ibig sabihin ay kaligtasan. Humarap siya sa amin at hinampas hampas ang kaniyang manipis na pamatt sa kaniyang palad. Naglakad siya ng paikot sa amin at tinitigan kami isa isa.

"Natalakay na natin ang mga salitang iyan sa simbahan at napagaralan kahapon. Ngayon, sino sa inyo ang nakaalala pa sa lekturang ito?" mariing usal ng Madre

Kita ko ang bawat tensyon sa paghakbang palang ng Madre sa amin. Halos lahat ng mga kaklase ko ay napapa-lunok laway sa sobrang kaba. Ang madreng ito ay hindi simple, nakikita ko sa mga mata ng mga kasamahan ko ang takot, marahil napakahigpit niya at sobrang strikta.

Nagulat ang lahat nang may narinig kaming malakas na tunog mula sa pamatpat na inihampas sa mesa ng isang magaaral.

'Phew, nakakakaba! Katabi ko pa man din ang hinampasan ng mesa.'

"Ikaw!" malakas na wika ng Madre

"P-Po?" nanginginig na wika nito at dahan-dahang tumayo

"Maaari mo bang sagutin ang tanong ko?"

"O-Opo---"

Natigil siya sa pagsasalita nang muling hampasin ng Madre ang pamatpat sa mesa niya.

"Hazlo correctamente!(Ayusin mo!)" sigaw ng Madre

"Ang napagaralan po natin kahapon ay tungkol sa kabutihang gawa na dapat gawin ng isang tao upang maligtas." sagot ng babae

Napatungo ang Madre at dahan-dahang lumingon.

"Bueno, Beatrina. Maaari ka nang umupo" wika nito

"Lingid sa kaalaman ninyo, ang paraan lamang upang kayo ay maligtas ay sa pamamagitan ng mabuting gawa. Mas malaki ang tulong niyo sa simbahan, mas malaki ang tyansa na kayo'y maligtas." saad ng Madre

'Huh? Bakit mabuting gawa? Parang may mali. Hindi kase ako isang katoliko sa panahong buhay pa ako. Isa akong kristyano na di nalalayo sa pagiging protestante. Hindi ba maliligtas ka kapag tinanggap mo si Kristo sa buhay mo bilang Diyos at tagapagligtas? Hindi sa mabuting gawa! Kailangan kong maipabatid ito sa lahat!'

"Kasama sa mabuting gawa ang---"

Hindi siya natapos sa pagsasalita nang itinaas ko ang aking kamay.

"Anong problema binibini?" tanong niya. Mukhang nainis din siya dahil ininterupt ko ang kaniyang pagsasalita. Agad na akong tumayo at hinarap siya.

"Hindi po ako sang-ayon sa sinabi niyo" sagot ko

Nagulat ang lahat sa sinabi ko. Alam nilang maaari kong ikapahamak ang anumang sinabi ko at malalagot ako kay Madre Soledad.

"Insolente! (Walang galang!) Saan mo nakuha ang lakas ng loob mong taliwasin ang simbahan?" inis na tugon niya

"Maling paniwalaang ang mga mabubuting gawa lang ang maliligtas dahil ang katotohana'y tayo'y maliligtas kapag tinanggap mo si Kristo bilang tagapagligtas at Diyos mo." matapang kong sagot

"Hindi ka ba nagbabasa ng Bibliya? Nasulat doon na kailangan mong gumawa ng mabuti sa kapwa mo! Malinaw na malinaw!" dagdag nito

"Hindi mo rin ba alam ang bersikulong nakapaloob sa Mga taga-Roma kabanata sampu talata siyam a kung ipagtapat mo sa iyong bibig, "si Jesus ay Panginoon," at naniniwala sa iyong puso na binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay, maliligtas ka. Sapagkat sa iyong puso ay naniniwala ka at nabibigyang-katwiran, at sa iyong bibig ay ipinagtapat mo at ika'y maliligtas." sagot ko

"Saan mo iyan nabasa? Wala akong matandaang may ganiyan sa Bibilya, huwag mo akong lolokohin at kabisado ko ang bawat bersikulo ng Bibliya"

"Ganito yun ginang kung hindi mo naiintindihan. Kung sa mga gawa ang basehan ng kaligtasan, paano na ang mga mahihirap? Madaling gumawa ng kabutihan kung ikaw ay mayaman. Madaling tumulong dahil ikaw ay may kayamanan ngunit pagmasdan mo ang mga mahihirap? Sa tingin niyo ho ba ay may pagasa pa silang maligtas? Hindi ko po tinututulan ang katolisismo ngunit nais ko lang pong linawin na pantay pantay po tayong nilikha ng Diyos. Bastat tinanggap mo si Kristo sa buhay mo, mahirap ka o mayaman, maliligtas ka" sagot ko

May isang pumalakpak sa akin hanggang sa nadagdagan na ng nadagdagan ito at buong klase na ang pumapalakpak sa akin. Ngumiti ako sa kanila ngunit natigil ang kasiyahan nang may malakas na tunog nanaman kaming narinig na galing sa pamatpat.

"Silencioso! (Tahimik!)" sigaw ni Madre at natahimik ang lahat

Nanlilisik ang mga mata ni Madre Soledad na tumingin sakin at mariing itinuro ako.

"Ikaw, labas!" galit na saad niya

'Huh? Bakit ako papalabasin?'

"Pero----"

"Vete! (Labas!)"

Hindi na ako nangatwiran pa at agad na akong lumabas ng silid. Tahimik ang loob ng kumbento at wari ko'y lahat ng mga estudyante ay nasa kani-kanilang mga silid at ako tong pinalabas dahil sa katigasan ng ulo. Ngayon ko narealized na mali ang ginawa ko. Pumunta ang mga Espanyol para sakupin ang Pilipinas dahil sa 3 G's; Gold, Glory and God. Ipinamana sa atin ng mga Espanyol ang relihiyong Katoliko kaya dapat ipreneserba ko muna siya dahil isang kayamanang makakilala ang bawat isa sa Panginoon.

Dahan-dahan akong lumakad at nagmuni muni muna sa paligid. Narinig kong may naghagikgikan sa paligid kaya naman napasilip ako at laking gulat ko nang makita ko si Rizal na may kasamang babae.

'Confirmed! Babaero nga talaga si Rizal!'

"Jose, kay bilis naman" mahinhing sabi ng babae

Inilabas ni Rizal ang isang bulaklak at inilagay ito sa kaniyang gilid ng tenga.

"Napakaganda mo Orang, ang iyong tindig ay siyang kaakit-akit.." wika ni Rizal

'Yuck! Bakit ba nanatili ako dito para marinig ang paglalandian nilang dalawa? Kadiri talaga!'

Dahil sa sobrang kadirihan, natabig ko ang isang paso doon dahilan para mawalan ako ng balanse at matumba sa harap nila. Tumingin ako sa taas at nakita silang gulat na gulat.

Nagbuntong hininga si Jose nang makita ako.

"Ikaw lang pala, Catalina." wika niya

Gulat na tumingin si Leonora kay Rizal at lumipat sa akin at nagtaka.

"Magkakilala kayo?" tanong niya

Ang babaeng ito ay si Leonor Valenzuela, ang palayaw ni Rizal sa kaniya ay "Orang" at siya lang naman ang ikaapat na babae ni Rizal, nauna si Julia Celeste Smith, sumunod si Segunda Katigbak, pagkatapos ay si binibining L o si Vicenta Ybardaloza(take note, teacher to ni Rizal! Napakaharot talaga!) at siya, si Leonor Valenzuela ang pangapat na biktima. Kawawang mga babae, pinaasa ni Rizal. Nagtataka kayo kung bakit ko kilala sila? Madali lang, dahil pinaassignment samin ng teacher namin sa A.P and guess what? May isang dosena siyang babae! Confirmed babaero talaga, tsk tsk!

"Hindi ko yan kilala!" inis na sambit ko habang pinapagpag ang saya ko

"Huwag kang maniwala, Orang. Ang babaeng iyan ay may gusto sa akin at ngayon ay nagkukunwaring hindi ako kilala para hindi niya mapahiya" wika ni Rizal

'Ano? Anong sabi niya? Ako, may gusto sa kaniya?'

Sa sobrang galit ko ay kumuha ako ng isang dakot ng lupa na medyo basa na galing sa paso at inihagis sa kaniya

"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ko at binatuhan siya ng lupa

Sakto namang tumama sa damit niya iyon dahilan para mapatawa ako malakas. Kala niya ah.

"Kahit kailan hinding hindi ako magkakagusto sa mga katulad mong babaero! Kaya ikaw, Leonor, magingat ingat ka sa mga lalaking tulad niyan, hindi mo alam kung ano binabalak niyan sa'yo" babala ko kay Leonor

Pumagitna si Rizal at hinila niya palikod si Leonor. Ay naks, possesive!

"Huwag mo ngang sabihan ng hindi magaganda si Orang" inis na turan niya

"Aba, ako pa talaga ang sinisi mo? Ikaw nga tong nagsisinungaling sa jowa---este kasintahan mo na may gusto ako sa'yo? O baka naman pinagtatakpan mo lang na pangalawa ka lang sa ranggo ng pagsusulit at ako naman ang nasa unang pwesto" sarkastikong sambit ko

"Ikaw.. grrr.."

"Tumigil ka na"

Pinigilan siya ni Leonor kaya naman napangiti ako sa kaniya. Kasing tangkad niya lamang si Rizal maganda nga ang kaniyang tindig. Mukha naman siyang mabait kaya di niya deserve si Rizal.

Tahimik akong tumalikod sa kanila. Hindi ko na pinansin ang mga pinagsisigaw ni Rizal sa kalayuan at naglakad na lamang papunta sa aking silid. Pagkapasok ko ay isinalampak ko na agad ang mukha ko sa kama at nagpagulong gulong.

'Waahhh, ang malas malas ko ngayon! Andami kong problemang dinadanas! Andaming nangyareng hindi maganda pero sa kabilang banda naman ay may maswerteng nangyare, gaya nang nakaperfect ako sa quiz. Galing ko talaga!'

Hays, ano kayang susunod na mangyayare bukas?