Papalabas na ako ng silid-aralan nang bigla namang may sumigaw ng pangalan ko mula sa kalayuan.
"Catalinaaaa!"
Napalingon ako sa kaliwa at nakita ko si Fiona na tumatakbo papunta sakin. Napangisi nalang ako nang narealized kong may kadamay na ako sa kawalan ng asal. Nagtinginan ang ibang mga estudyante sa amin dahil sa lakas ng boses ni Fiona. Agad akong sinalubong ng yakap ni Fiona at sa sobrang higpit ay hindi na ako makahinga.
"Catalinaaaa huhuu, buti nahanap na kita!" sambit niya
Iniaalis niya ang pagkakayakap sakin.
"Paano mo ako nahanap?" tanong ko
Ngumiti siya sa akin dahilan para magtaka ako. Wala namang may alam na dito ang aking silid-aralan.
"Hinanap kita. Pinuntahan ko ang lahat ng gusali hanggang sa nakita kita dito" nakangiti niyang wika
'Ay grabe, kung ako sa kaniya magtatanong nalang ako. Pero kanino nga ba siya magtatanong? Sabagay, wala rin namang ibang mapagkakatiwalaan niya kung hindi ang kaniyang sarili.'
"Salamat sa paghahanap sakin" nakangiti kong sambit
"Waah, walang anuman!"
Sabay kaming naglakad pababa ng gusali para umalis. Maraming mga estudyante na rin ang bumalik sa kanilang dormitoryo. Habang naglalakad kami ay may nakita kaming umpok ng mga estudyante sa gilid at mukhang may tinitigan sila.
"Anong nangyayari dun?" tanong ko kay Fiona
"Ah, tinitigan nila ang mga pangalan kung anong ranggo sila nakapabilang. Ayos lang kung hindi ka nakasama sa unang sampu, binibini. Naiintindihan ko dahil kakapasok mo palang sa unibersidad na ito." sagot niya
'Hmmm, pero interesado akong malaman kung sino ang top 1 sa rank ng pagsusulit para malaman ko kung sino ang aking kalaban.'
"Ah, nais kong mabatid kung sino ang nasa unang ranggo. Gusto mo ba akong samahan?" wika ko
"Si(Yes).." sagot niya
Hinila ko ang braso niya at sumiksik kami sa kumpulan ng mga estudyante. Bumungad sa harap ko ang isang malaking karatula at napahawak ako sa aking bibig sa gulat.
Narinig ko ang mga bulungan sa tabi ko.
"Sino si Catalina?"
"Kamang hamangha! Nawala sa unang pwesto si Jose ng isang binibini?"
"Anong nangyayare bakit isang binibini ang nasa unang pwesto?"
'Hindi maaari... Ang nasa unang ranggo ayon sa karatula ay.... walang iba kung hindi ako!"
"Catalina..." Tumingin ako kay Fiona na paiyak na sa sobrang tuwa.
"Manghang mangha na ako sa'yo. Pwede mo ba akong maging aprentis?" masayang sambit niya habang yakap-yakap ako
Napalingon kami nang biglang may isang lalaking sumigaw mula sa kalayuan.
"Hindi maaari! Ako? Nalagpasan ng isang binibini? Hindi makatarungan!" sigaw nito
May isang lalaki sa tabi niya na tinapik-tapik ang kaniyang likod para pakalmahin siya. Grabe g na g!
"Sino si Catalina Victoria Lopez? Sino ang babaeng iyon?!" sigaw ulit ng lalaki
'Hayss, mukhang mapapaaway pa ako nito ng wala sa oras.'
Bigla namang humakbang si Fiona na nanlilisik ang mga mata sa galit.
"Ano bang problema mo ginoo? Bakit ganiyan ka makapagsalita huh?" galit na usal ni Fiona
"Tumahimik ka Fiona, hindi ikaw ang kinakausap ko!" sigaw pabalik ng lalaki
Bigla naman akong nagtaka kung bakit kilala nila ang isa't-isa.
"Ikaw, isusumbong kita kay Don Francisco. Sasabihin ko na pumapatol ka sa isang binibini!" pagbabanta ni Fiona
'Go Fiona, ikaw na ang bahala!'
"Gusto mo rin bang isumbong kita sa iyong ina? Baka nalilimutan mong may kasalanan ka pa sa kaniya" nakangisi nitong sagot
"Abat---" Pinipigilan ko si Fiona na magsalita at humakbang na ako.
Taas noo akong lumakad at binigyan ko siya ng isang matalim na tingin
"Ako si binibining Catalina, may problema ka ba sakin?" malamig kong tanong
Nagsimulang magbulungan Ang ilang mga estudyante at napangisi naman yung lalaki. Tinuro niya ako gamit ang kaniyang hintuturo.
"Ikaw si Catalina? Kung gayon ay hinahamon kita sa isang debate!"
"Ah talaga? O sige, tinatanggap ko ang hamon mo" sagot ka
Napasinghap ang lahat sa kanilang narinig. Nagtataka akong tumingin kay Fiona at napailing lang siya.
"Mag-iingat ka Catalina, si Jose.. Wala pang nakakatalo sa kaniya sa pakikipagdebate." bulong ni Fiona
'Ano naman, like I said, ayoko lang na tinatapak-tapakan ako ng kahit na sino. Lalaban ako hanggat kaya ko.'
"Binibini, ang lakas ata ng loob mong kalabanin ako. Mukhang bago ka lamang dito at hindi mo pa ako kilala. Hayaan mong magpakilala ako sa'yo. Ako si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, mas kilala ako sa pangalang Jose Rizal at tawagin mo akong Jose. Ako ang laging makakakuha ng unang pwesto kapag may pagsusulit at tinanggap mo ang hamon ko ngayon." pagsasalaysay niya
'Totoo? S-Siya s-si... OMG SIYA SI DR JOSE RIZAL!!! How is this even possible? Magkakalaban kami ni Rizal sa isang debate! Kawawa naman ako, talo na ako agaaaaaaddddd!!'
"Oh, bigla ka bang natakot nang makilala mo kung sino ako? Bago ka nga lang rito ngunit tanyag na ang pangalan ko sa buong syudad!" pagmamayabang niya
'Tama naman ang sinabi niya pero dapat umisip ako ng dahilan para hindi niya ako maliitin!'
"Huh! Sinong may pake kung sino ka. Ang tanong dito ay bakit pumapangalawa ka lang?" sagot ko
Naramdaman kong nainis siya sakin at biglang tinuro si Fiona.
"Fiona, ikaw ang umisip kung ano ang paksa ng aming debate, magmadali!" sabi ni Jose
"Ang paksa ay kung ano ang mas mahalaga sa relasyon, oras ba o pagtitiwala?" sambit ni Fiona
'Woah! Grabe naman ang debateng ito! Bakit tungkol sa pag-ibig pa! Hays, mas malaki ang advantage ni Rizal dahil marami na siyang naging karelasyon, oo, maharot eh! Eh ako? Anong panlaban ko? Sana all may kalandian, sana all talaga!'
"Hahayaan kitang pumili ng panig mo binibini" nakangisi niyang tugon
'Hmmmp! Minamaliit mo ba ako? Alam mo bang nasa panahon ako ng hugoterot hugotera? Hindi niyo ba alam na humihugot kami araw araw?'
"Oras ang sa akin" sagot ko
Again,nagulat nanaman ang mga chaka dahil sa sagot ko. Narinig ko namang tumawa si Rizal kaya naman inirapan ko na lang siya.
"Talagang nagpapatalo ang ating binibini. Sadyang kampi sakin ang langit at alam kong nasa magandang panig ako" sabi niya
"Tsk, tignan nalang natin" sagot ko
Pumagitna sa amin si Fiona at unti-unting nagsidatingan ang mga estudyante sa amin at pinaligiran nila kami. Itinaas na ni Fiona ang kaniyang kamay.
"Handa..."
'Parang wrestling lang ang peg?'
"Na!" ibinaba niya na ang kaniyang kamay
"Ako ang mauuna" ani Jose
Humakbang siya at tumingin sa mga tao habang nagsasalita. Mukhang bihasang bihasa na siya sa pakikipagdebate sa iba.
"Nais kong simulan ito sa isang mailking palala. Ang pagiibigan ay hindi mabubuo, kung walang pagtitiwala. Sa pagtitiwala unang umuusbong ang isang relasyon, at at ito ang sikreto ng pangakong pang-habang panahon. Aanhin mo ang pag-ibig kung wala namang pagtitiwala? Aanhin mo ang oras subalit hindi ka na masaya sa kaniya? Aanhin ang oras kung ipinagkakaila mo na siya?" unang sagot ni Jose
Naghiyawan ang mga tao sa husay ni Jose. Talaga nga namang napakagaling niya! Magkakarhyme pa ang mga sinasabi. Dinudugo na tuloy ang ilong ko.
"Nakita mo kung paano kita nilampaso sa una palang? Tignan natin ang iyong isasagot." mayabang na saad ni Jose
'Grr.. Nakakainis. Hinahangaan pamandin kita noon, ibang iba talaga ang mga ugali ng mga bayani at sadyang taliwas sa mga description sa mga textbook tungkol sa kanila.'
Humakbang ako at tinignan ko siya sa mata. Huminga na din ako ng malalim at nagsimulang magsalita.
"Batid ko ang iyong daing ginoo, pero bakit sa pagtitiwala'y nakukulangan parin ako? Walang pag-ibig na nawawalan ng oras. Oo, ang pagtitiwala ang siyang punot dulo ng pagiibigan pero paano nga ba nabuo ang pagtitiwala? Syempre sa mahabang samahan. Mahalaga ang oras kaysa pagtitiwala dahil kapag may oras ka sa kaniya nakikita ng karelasyon mo na mahalaga siya sa'yo. Di tulad ng nagtitiwala kalang. Pero sigurado ka bang ganun din siya sa'yo? O baka ikaw lang ang nagtitiwala sa relasyon niyo?" sagot ko
Nagulat ang mga tao at maya-maya'y naghiyawan narin ito. Nahalata kong nagulat din si Rizal sa aking sagot. Nainis siya at kaagad na humakbang.
"Ang pagtitiwala ay sagrado, ito'y pundasyon ng isang nagmamahal na puso. Ang selos at galit ay maiwawaksi kung may pananampalataya ka sa iyong iniibig. Mahal mo nga pero nagdududa ka, paano mo masasabing iniirog mo ang isang tao kung pinagwawari mong agad na siyay nagkasala? Anong pag-ibig na mayroon kayo? Kung kahit isang segundo lang wala sa tabi ay iniisip mong iniwan ka na ng irog mo? Madaling gumawa ng usapan, madaling gumawa ng kwento ngunit kapag wala kang tiwala sino ang naloloko? Naniniwala agad sa mga haka-haka ng walang pruweba, ano sa tingin mo ang tawag sa relasyong puno ng pagdududa? Kapag mahal mo ang isang tao, kahit malayo siya at walang oras sa'yo, handa mong panindigan na may relasyon kayo at iyon ang tunay na pagmamahalan sa mundo." sagot niya
Mas ginanahan ang mga tao at ang ibay nalilito na anong kung panig sila. Humakbang uli ako paharap at tinignan si Jose sa mata.
"Hanggang kailan ba ako maghihintay? Hanggang kailan ba ako magtitiwala? Kung alam niyang mahal niya ako, edi sana ako ang prayoridad niya. Wala siyang oras sa akin pero ako tong tangang naghihintay sa kaniya. Hanggang kailan ba? Hanggang kailan niya ako bibigyan ng oras, kung kailan tapos na? Oras ang mahalaga dahil doon ko malalaman kung may pag-ibig ngang talaga! Hindi yung nagtitiwala ka sa isa, mamaya may mahal na palang iba at sa pagtitiwala mong sobra, hindi mo alam nasa bisig na siya ng iba at mas masaya pa kaysa sa nakaaran niyong dalawa"
Narinig ko ang mas malakas na hiyawan at doon napatahimik si Jose. Tumingin naman ako sa mga taong nakapalibot samin.
"Mas maiging may malabis na oras ka sa inyong pagiibigan kaysa naman maging isa at ika'y bitawan. Mas madaling sabihin na may pagtitiwala ka sa kaniya, ang tanong hanggang saan ka tatagal kapag nawala na siya? Hanggang saan ka maghihintay kapag nawala na ang oras niya. Walang patutunguhan ang relasyong iyon, kalaunay manlalamig na. Kung ang oras mo sa kaniya ang iyong pinahalagahan, asahan mong mas tatagal ang inyong samahang magkasintahan."
Nagpalakpakan ang mga tao at agad kaming nagbow ni Jose. Kita ko sa mga mata niya ang halong pagkagulat at pagkadismaya.
"Sa tingin niyo, sino ang nanalo?" malakas na sigaw ni Fiona
"CATALINA! CATALINA! CATALINA!" sabay sabay nilang hiyaw
Napa-face palm si Jose sa pagkalungkot dahil natalo ko siya.
"Akala ko ba, isang henyo ang anak na lalaki ni Señor Francisco?" tanong ko
"K-Kilala mo ang ama ko?" gulat na tanong niya
Napahagikgik naman ako.
"Ang mga ama natin ay mga matalik na magkakaibigan. Hindi mo ba ako naaalala? Ako ang anak ni Don Lorenzo Lopez, si Catalina" wika ko
"H-Hindi maari!" gulat niyang sambit
Maya-maya'y may dumating na propesor at sinita kaming lahat. Biglang nabuhayan si Jose at lumapit sa propesor.
"Ginoong Fuentes, nais ko lang pong itanong kung bakit nasa ikalawang pwesto lamang ako sa ranggo? Hindi bat ako ang nakakuha ng pinakamataas na marka?" tanong ni Jose
"Anong sinasabi mo? Nasagutan lahat ng tama ni binibining Catalina ang mga katanungan sa pagsusulit. Kung hindi ka naniniwala ay maari mong tignan kung ito'y tama. " sagot ng propesor
Nagulat kaming lahat sa ibinalita ng propesor.
'Ano? Nakaperfect ako sa quiz? Aba,ang galing ko naman!'
"Catalina, labis mo akong pinapahanga!" masayang tugon ni Fiona
"Catalina..."
Napalingon ako kay Jose at nakayuko siya habang nakatikom ang kaniyang mga kamay.
"Simula ngayon, ikaw na ang aking katunggali at tandaan mo ito, sa susunod na pagsusulit ay ako naman ang nasa unang pwesto ng ranggo, naiintindihan mo?" wika niya
"K"