webnovel

Reason To Stay [MR Series #4] (Taglish)

MysteryRomance#4 Xyria Haimeni Melendes and Veil Ace Gomez are friend's. They are known each other because of the party. Well, then. Veil is a heart broken man and he can't move on to his first love. He's always drunk at night and go home at the middle of the night. Sometimes he's actually want to suicide because of his first love. He got mad at her but he's still loving her. One time. Xyria Haimeni. Are joyful and careless girl found his friend in the bar. Are the two friends are going to a lovers? You'll see it soon.

ItsMeJulie · ย้อนยุค
Not enough ratings
41 Chs

Chapter 8

"Wake-up babe," Napa irap ako nang pinitik nya ang noo ko at tiningnan sya ng masama.

"Anong babe at kailan naging tayo?" Patanong ko sa kanya at inirapan sya na ikinatuwa naman nito.

"Don't worry, ibibili naman kita nang engagement ring dahil tinadhana talaga tayo sa isa't isa," Namamanghang sambit nito at kumain ng pizza gamit ang tinidor.

Hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa bibig nya at napilitan lang din akong pumunta dahil ayaw naman nya magpa pigil. Napaka spoil brat! Halatang hindi sanay gamitin ang kanyang kamay upang kuhanin ang Pizza.

"Ano ba ang pag-uusapan natin, para naman maka alis na ako" Naiinip na ako at gusto nang maka alis para hindi na makita pa ang pagmumukha nya.

"Next year tayo ikakasal,"

Napakunot ang noo ko, "And so?"

"Kaya busy na ang Mommy at Daddy ko upang ma ayos ang mga papers na kakailanganin, pero mas maganda kung mas mapapabilis para naman matawag na kitang akin," Mahaba at dere-deretsong sambit nito at hindi man lang kumurap. Talaga bang pinaghandaan niya ito.

Bakas ang gulat sa mukha ko nang tingnan ko sya, sa huli ay sinamaan ko na lang sya nang tingin. Is he obsessed to me or what?

"Stranger, hindi kita kilala at malay ko ba kung killer o holdaper ka, delikado ang magiging buhay ko kung sayo ako ikakasal," Sarkastikong sambit ko at kumuha ng tissue matapos uminom ng Juice.

"Relax, woman. Wala ako sa mga binanggit mo at malinis na tao ang kaharap mo ngayon at nagpakilala na din ako," Uminom na din ito at inilagay ang table napkin sa lamesa nang maayos bago ako iniharap.

"That's for all today, Ms. Future Wife, See you around," Hindi man lang ako nakapag salita nang umalis ito sa harap ko. Nag iwan ito nang bill kaya naman wala akong ginawa kung hindi umalis nalang din.

***

Pagkalabas ko ng Restaurant ay agad bumungad ang sasakyan ni Veil. Hindi ko malaman kung bakit, kaya naman nilapitan ko ito at kinatok ang bintana sa pwesto ng Driver seat.

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko, bihira lamang kami magkita dahil may kanya-kanya na din kaming ginagawa.

"Looking for my girlfriend," Napa irap ako at handa na sanang umalis nang tawagin niya ako ulit. "Sumabay kana sa amin, para maipakilala na din kita," Dagdag nito kaya wala akong ginawa kung hindi buksan ang backseat at naupo doon.

Nag cellphone ako at nag I scroll lamang. Iang minuto pa ang lumipas at wala pa din ang gf nya kaya naman nagsalita na ako.

"Puntahan mo na kaya at baka matagalan pa tayo, kinakailangan ko na din mag apply ng trabaho nang hindi ako nabo-bored sa bahay," Sambit ko habang nag re-retouch sa backseat.

"Ang daming sinasabi," Nagulat ako ng padabog nito sinara ang pinto at sinunod naman nito ang utos ko. Natuwa ako doon at pinagpatuloy ang aking ginagawa.

Ilang minuto pa ay pumasok na silang dalawa, "This is Aisha, and this is my friend, Xyria" Pagpapakilala nito agad.

"Hello, tamang tama naiku kwento ka nya sa akin lagi. Totoo ngang napaka ganda mo" Nagulat ako sa pag approach nito sa akin ngunit hindi ko pinahalata.

Ngumiti na lang ako ng peke at tiningnan sya sa mga mata. Nakangiti ito ngunit halatang peke lang, napangisi ako ng patago bago tinanggap ang kamay nya.

"It's my pleasure to meet you, Aisha." Sambit ko at bumitaw na din agad.

Yun lang at nag usap na silang dalawa, sobrang ingay nang girlfriend nya at kulang na lang ay tapalan ko na nang tape ang bibig ng babae para manahimik na.

Mabuti na lamang at ibinaba na sya sa kanila dahil parehas kami ng condo ni Veil kaya naman lumipat na ako sa unahan at doon naupo. Pinagpagan ko na muna iyon.

"Ang talkative naman ng girlfriend mo, clingy din masyado." Sarkastikong sambit ko at humarap sa kanya. "Babe, kiss me please" Pang-gagaya ko sa boses ng babae kanina at natawa naman ito.

"Stop copying her, hindi bagay sa'yo" Umirap na lang ako at hindi sya pinansin. Nagpatugtog na lang ako para naman hindi masyadong tahimik.

***

Nang makarating ng condo ay agad ako nahiga sa kama nya at kumunot ang noo nito sa akin. "Bakit hindi ka sa akin mag apply?" Pag uumpisa nya.

"Ano kaba, bago pa din ba sayo?"

"Ang alin?" Mas lalo syang nagtaka kaya naman napabangon na ako at binigyan sya nang tingin nang 'Are-you-serious' look ngunit hindi nya pa rin iyon na gets.

"Patayan ang I a-apply ko hindi trabaho nang normal,"

"Hindi pwede-"

"But it doesn't make sense," Pagputol ko sa sasabihin nya. "I was born to fight, Veil." Pagdidiin ko sa pangalan nya at nanahimik naman ito saglit.

Napabuntong hininga sya at alam kong malalim iyon kaya naman napatingin ako sa kanya na bihis na. "Fine, do what you want."

Napangiti naman ako at magsasalita na sana nang may sabihin pa sya. "But don't let yourself die,"