"Alam mo bang napaka feelingero nya?" I almost rolled my eyes at natawa naman ang kaibigan ko na si Lia.
"Baka naman nag pe-pretend lang din sya tulad mo?" Tanong nya habang kumakain ng fried chicken. Talaga namang pinapak nya nalang dahil ayaw nyang mag rice at diet sya.
Nagkibit balikat ako. "Sana nga at parehas kami ng iniisip nya, he looks good pero hindi sya yung tipong tao na mag ma-match sakin,"
"Because of Veil?" Ngumisi ito at nanlaki ang mata ko.
"No!" Agad na deny ko na ikinahalakhak ito at muntik pang mabulunan kaya naman binato ko sya ng tissue.
"Grabe naman sa defensive girl, hindi halata ha," Ngingising-ngisi na sambit nito habang umiinom ng Iced Tea
"No way, kaibigan ko lang sya," Simpleng sambit ko habang sa iba naka tingin.
Pinanliitan ako ng mata ng kaibigan ko at bigla itong nagseryoso na humarap sa akin. Kinabahan naman agad ako.
"Sigurado kana ba?"
Napakunot ang noo ko. "Sigurado saan?"
"Na wala kang gusto dyan sa best friend mo?" Hindi agad ako nakapag salita. Iniisip ko pa lang na magkakagusto ako sa kanya ay parang malabo, pati mag kaibigan kami at hindi ko kayang isugal ang friendship namin para doon.
"No," Umiling ako na parang sigurado.
***
Humilata agad ako sa kama ng maka uwi nang may biglang kumatok sa kwarto ko.
"Nandyan si Ace, bumaba ka." Sambit ni Kuya Sean kaya naman dali dali akong bumangon at tiningnan ang aking itsura sa salamin bago lumabas.
"Anong ginagawa mo dito?" Taka na tanong ko nang makita siyang naka prenteng upo sa living room.
"Binibisita ka, na miss ko na ang best friend ko," Agad naman itong lumapit sa akin at niyakap ako kaya naman niyakap ko din sya pabalik.
"I miss you too, prend. Kamusta naman kayo ng bebe loves mo?" Isang ngisi ang natanggap nya sakin na ikinairap naman nito.
"Ikaw yung kasama ko ngayon, pero sya ang topic natin?" Sumeryoso ang mukha nito kaya naman natakot agad ako at iniba agad ang topic.
Marami pa kaming pinag usapan hanggang sa mag dinner ay dito na din sya kumain habang kausap sya nila mom and dad.
"Kamusta ang pag-aaral mo?" Pag uumpisa ni Mommy
"Ok naman po tita, na ma-maintain ko pa rin naman po ang grades ko kasabay nang pag t-training,"
He was trained to be brave and fight. Halos araw araw ko syang nakikita sa training room noon sa kanila at minsan si Aiseline ang nagtuturo sa kanya.
"That's good. Are you in a relationship?" Tanong naman ni Daddy kaya agad naman itong nabulunan at umuubo-ubo pa.
I looked at him with a disgusted face at kinuha sya ng tubig para makainom at mahimasmasan.
"He is," Ako na ang sumagot kaya sabay sabay nila akong tiningnan kaya napakunot ang noo ko. "What's wrong?"
"Honey, hindi ikaw ang tinatanong namin" Sambit ni Mommy kaya napa irap ako ng palihim.
"Yes po tita,"
"Ilang buwan na kayo?"
"Mag 3 months pa lang po,"
"Going 4?"
"Siguro po,"
"Napaka swerte mo at hindi ang anak ko ang naging girlfriend mo, dahil hindi rin naman ako papayag-"
Tumayo na ako ngunit bigla kong nadali ang tuhod ko sa tabi ng upuan kaya napamura ako sa utak ko. Hindi ko nalang pinakinggan ang sinasabi ni Mommy at tumayo na nang ayos.
"Careful," Sambit ni Veil pero inirapan ko lang sya bago alis na doon.
I shouldn't be careless kung hindi ay mapapahiya ako. One time na broken hearted ang kaibigan ko na iyon ay hindi naging maganda ang sinabi ko.
*Flashback*
"You know what, stop crying. Sino ba naman kasing may sabi na seryosohin mo yung kakakilala mo pa lang. Tapos ngayon ay iiyak-iyak ka at sasabihin kung bakit ka ipinagpalit ng babae na yon? Kung hindi mo inunang sundin yang puso mo edi sana hindi ka nasasaktan ng ganyan ngayon." Halos mapairap ako ng sabihin ko iyon at ngayon ay nakita kong seryoso na siyang naka tingin sa akin.
"Do you still care for me if I'm stupid." Kumunot ang noo ko sa sinabi nya at hinihintay ang sagot ko.
"I am," But I shouldn't care
*End of flashback*
Napailing na lang ako sa aking naalala noon. The careless b*tch girl is now carying people who is important to her life and that is me.
I'm slowly changing but in a bad ways, I'm still a bad girl and pretending to be a good girl. So I don't care if you hate me or not because this is me.
And that's why my only friends are Veil and Lia because they accept me of who I am at hindi nila sinasabi na magbago ako para lang magustuhan ng iba.
And I'm thankful for them and lucky to have them. I didn't know what to do if one of them are leaving without telling me because I love them so much and they're willing to stay. And we have each other thru ups and downs so I wanted to be true and love them how they will love me.
How lucky I am