webnovel

PRIDE of Friendship

"Sa pag ibig walang tama o mali, walang kasariang pinipili kapag mahal mo ipaglaban mo. LOVE IS LOVE!"

lyniar · วัยรุ่น
Not enough ratings
94 Chs

Chapter 73: Do Whatever You Want!

Isang oras pa ang nakalilipas...

"Daddy! Wala pa po ba si Barbie?" Bungad ni Kenny ng dumating sya from barangay hall.

Busy si Bruce sa study room sa pag babasa ng ilang papeles.

"Wala pa. Nag luto ako ng paborito mong sotanghon painitin mo nalang baka kasi lumamig na."

"Daddy!"

"Ano?!"

"Bakit relax lang kayo diyan at di nag aalala?"

"Kanino ba? Kay Barbie?"

Kenny sighed "sige po ako na... Ako na ang susundo kay Barbie."

"Tumigil ka!"

"Ho?"

"Tumigil ka wala kang gagawin kung ano. Hindi mo rin susunduin si Barbie dahil ihahatid sya dito mismo ni Aljon. Tumawag si Barbie kanina at sabi nya maya-maya pa sya makakauwi may gagawin lang daw sya. Kaya kumalma ka!"

"Po? Pano ko kakalama daddy kung wala dito sa bahay si Barbie."

"Ano?"

"Babae po si Barbie baka nakakalimutan nyo."

"Huh! Ano bang sa tingin mo ang ginagawa ko?"

"Don't get me wrong dad pero... Dahil lang may bayad si Barbie kay Aljon pinayagan nyo sya? Kailan pa kayo naging ganyan?"

"Sige sabihin mo! Mukhang pera?! Yun ba? Ha?! Kenny!"

"So-- Sorry po dad."

"Hindi lang ako nag sasalita pero hindi ka karapat dapat maging SK Chairman kung puro kakitiran ng utak yang pinaiiral mo. Hindi sa lahat ng bagay yang pride mo ang nangigibabaw sayo. Matuto kang makinig sa iba! Kaya parati kayong nag aaway ni Barbie eh minsan nga naisip ko matalino ka pero bobo ka sa judgement mo."

Hindi naman na nakapag salita si Kenny sa sinabing iyon sa kaniya ng daddy nya.

"Alam kong may gusto ka kay Barbie pero tandaan mo mga bata pa kayo hindi lang sya ang babae sa mundong ito. Hindi rin parating naka dikit sayo si Barbie gaya ng gusto mo may sarili syang buhay. At tandaan mo hindi natin sya pag mamayari hinabilin lang sya satin ng nanay nya. Kaya umasta ka ng naayon sa lugar hindi parating ikaw ang masusunod."

"Sorry po dad."

"Tiwala, yan ang kailangan hindi ang judgement mo o ng iba."

"Opo."

"Lakad kumain ka naron."

"Opo."

At the same time...

"Talaga? Ako lang ang kinausap ni Stella?" Pagulat na sambit ni Barbie habang pababa sila ng hagdan ni Aljon.

"Um. Kahit nga ang tutor nya ayaw nyang kausapin gusto nya parati kasama ako pag may kakausap sa kaniyang iba. Di gaya mo na sya lang ang kumausap sayo."

"Wow! I just gave her my gummies then were okay na?"

"Maybe? Mahilig kasi talaga sya sa mga sweete. Bilin pa nya bago ka umalis bigyan daw kita ng binake nyang cupcakes."

"She knows how to bake? Sa ganung age nya?"

"Um. Matalinong bata si Stella kaya minsan kapag tinuturuan sya ng tutor nya nagagalit sya kapag paulit ulit. Yun kasi ang pinakaayaw nya ang ituring syang bata."

"But she is a kid."

"Yeah. But in her point of view she not a kid anymore."

"Oh... I see. Matured na syang agad kaya siguro ayaw nya ng masyadong kausap o kahit friends."

"Um."

Nasa kitchen na yung dalawa at napansin ni Barbie na kahit yung kusina na ng mga ito ay napakalaki.

"Dati bang mall ang bahay nyo?"

"Hahaha... Silly. Here tikman mo yung cupcakes ni Stella masarap yan."

"Um. Thanks."

At napa wow nga si Barbie ng matikman ito.

"Daig nya pa ko ako mag fry lang ng itlog di ko pa ma perfect."

"Hehe... It takes time para ma perfect ang lahat. Sadyang advance lang mag isip si Stella na kahit mahihirap na gawain eh napapadali nya."

"Yeah. Kaya from now on... Idol ko na sya."

"Now you're interested to her not to me?"

"Sayo? Senior?"

"Tsk! Can you just call me Aljon? Para kasing ang tanda-tanda ko naman kapag Senior ang tawag mo sakin."

"But, you're older than me."

"Yah, I know feeling ko kasing senior citizen na ko kapag "senior" ang tawag mo sakin kulang nalang magkaroon na ko ng discount sa pharmacies."

"Hahahaha... Okay Aljon."

Aljon smiled.

"Ah, nga pala... Bukas kailangan ko rin bang mag dala ng gummy candies?"

"Hmm?"

"Eh kasi babalik ako dito bukas and kinausap ako ni Stella dahil sa gummies kong binigay. So do you think ibang flavor naman ng gummies ang dalhin ko?"

"Yes! I would love that." Bungad na sambit ni Stella na kinagulat nung dalawa lalo na ni Aljon.

"Oh, Stella. Why are you here?"

"I heard you and Ms. Barbie talking here eh so I went down to see you guys."

Napatingin si Aljon kay Barbie at ganoon rin ito sa kaniya.

"Ohh... Do you need something?"

"Nothing. I just want to say goodbye to Ms. Barbie."

"Nako, okay lang you don't need to make paalam pa to me. You can rest na and thank you sa cupcakes it taste so good. Bukas I will buy you another batch of gummy candies."

Stella hugged her at nagulat yung dalawa sa ginawa nito.

"Thanks."

"We--Welcome."

"See you tomorrow?"

"U... Um."

At pag uwi nga ni Barbie sa kanila nanonood ng tv si Kenny at di man lang sya pinansin.

"Nak, andito ka na pala." Sambit ni Bruce.

Nag mano namang ka agad si Barbie "sorry po ngayon lang ako."

"It's okay. Maaga pa naman sige na mag bihis ka na ng pambahay para makakain na tayo ng dinner."

"Opo. Pero ayos lang po ba si Kenny?"

"Ah, wag mo ng pansinin yan may toyo yan."

"Po? Bakit po?"

"Don't bother. Hayaan mo lang sya sige na."

"O-- Okay po."

At habang nataas nga ng hagdan si Barbie nakamasid sya kay Kenny na hindi man lang sya pinansin.

"Problema nya? Nag mamaktol na naman."

"."

Natapos na nga ang hapunan at si Barbie ang nag prisinta mag hugas ng pinggan.

Inilagay lang ni Kenny yung mga pinagkainan nila sa lababo at di kumibo kay Barbie at umalis.

"Wala man lang syang sasabihin? Okay lang na makabasag ako ng plato ngayon?"

"Tsss! Bahala nga sya!"

***

Lumipas ang mga araw parati paring na punta si Barbie sa bahay nila Aljon at hindi pa rin sila nag kikibuan ni Kenny.

"Sige mauna na kayong bumaba susunod na ko." Sabi ni Bruce.

At sabay pa nga si Barbie at Kenny nag bukas ng pintuan ng kotse at lumabas.

"Bye Uncle." Masayang sambit ni Barbie.

"Sige po dad." Ang gloomy na sambit naman ni Kenny.

"Sige nag aral kayong mabuti."

Habang papasok ng school yung dalawa bumungad naman sila Baron at Thew na sumabay na rin.

"Na miss mo ba ko Bie? Sorry di na ko nakaka pasok ng klase...." Sambit ni Baron na ininterupt ni Thew.

"Manahimik ka nga! Wala naman syang pakialam."

Pabulong bulong si Baron kay Thew "bad mood pa silang dalawa? Ang aga wala agad sa mood."

"Kung ikaw naman ang makikita mababadtrip talaga ko."

"Heh!"

Habang nag lalakad naman yung apat napansin sila ng mga students.

"Wow! Ang cool nilng tignan no?"

"Oo nga eh, ang swerte nung girl may tatlong pogi syang kasama."

"Maganda rin naman kasi yung girl. Pag kakaalam ko Barbie yung name nya at transferee sya."

"Bagay sa kaniya yung name na Barbie ang ganda nya kasi."

"Kaya nga eh, ang natural pa ng looks nya."

"Ahem. Excuse me, pero sino yung sinasabi nyo?" Sambit nung isang babae na visitor sa school nila.

"Yung babae po na kasama nung mga poging boys."

At napatingin nga yung babaeng nag tanong dun sa tinitignan ng student na pinagtanungan nya.

"Holy moly! Are they models?"

"Po?"

"Ang ganda ang ang gugwapo nung apat na parang mga anghel na bumaba sa langit."

"Ho?"

At iniwan na nga nung babae yung mga students na nag kukwentuhan.

"Problema non?"

Dali-dali namang lumapit yung babae dun sa apat nila Barbie.

"Hi!" Aniya pero hindi sya pinansin nung apat.

Kaya nag madali sya at hinarangan ang mga ito.

"What the?! Anong problema nyo mamang?" Sabi ni Baron.

"Huh! Ako manang?! Huh! Hoy!"

"Wag nyo na po syang pansinin but can you move aside po? Malelate na po kasi kami." Sabi ni Thew.

"O-- Okay. Pero teka lang!"

"Manang, bingi po ba kayo? Nag mamadali na po kami."

"Shhhh... Ahm... Mabilis lang ito. My name is Desa andito ko sa school nyo para kumuha ng students para maging model ng product namin."

Walang kibo yung apat at nag pa tuloy sa pag lalakad.

"He-- Hey! Guys!!! My angels!!!"

"Bawal sumigaw sa school ko!" Bungad ni Mr. Tang.

"Ku-- Kuya."

"Good morning Ms. Desa." Sambit ni Drei.

"Morning. Kuya, yung apat na yon kilala mo ba sila? I want them to be my models."

Napatingin si Mr. Tang kay Drei at ganoon rin ito sa kaniya.

"You know her?"

"Her? Ah... Si Barbie?"

"Kilala nyo po si Ms. Barbie?" Tanong ni Drei.

"Ah, hinde... I just heard sa mga students kanina pinag uusapan kasi sya eh. At ang ganda nya para sa angel at... Kung titignan parang parehas kayo ng ilong kuya."

"Hmm? Ilong?"

"Ha... Ha... Ha... Baka po namamalikmata lang kayo Miss. Wala pong katulad ang ilong ni Director Tang."

"Whatever! Basta gusto ko yung apat na yon para sa company natin. Kaya ngayon palang nirerecruit ko na sila kuya. Lalo na si Barbie feeling ko malapit na akong agad sa kaniya."

"No way! Drei see her out. At wag na ulit papapasukin dito."

"Wait what? Kuya!!!"

"Drei!"

At sa pilitan na ngang pinalabas ni Drei si Desa ng Academy.

"Sorry Ms. Desa napag utusan lang po."

"Tsss! Let me go! Kaya kong mag lakad!"

"Di po pwede kailangan po nasa may kotse na kayo bago ko kayo bitawan."

"Hayssss! Mababaliw talaga ko sa inyo ni kuya."

"Pasensya na po Miss."

"Tigilan mo nga ko sa kaka Miss mo naiirita ko mag kasing age lng tayo pero kung umasta ka parang ang tanda-tanda ko na mukha ba kong Manang?"

"Manang? Wala po akong sinabing ganun."

"Heh! Sabihin mo kay kuya na I wont stop hangga't di ko nakukuha yung apat na yon na maging models ko lalo na si Barbie. May something sa kaniya na gusto ko kaya sabihin mo sa magaling kong kuya humanda sya sa pag babalik ko!"

Kasabay nun ang pag sara nya ng kotse at kumaripas na ng pag andar.

Drei sighed "kung alam nyo lang yung something na yon ay lukso ng dugo. Tsk! Mahihirapan lalo ngayon si Director na itago si Barbie sa mga relatives nya kapag nag pumilit na naman si Ms. Desa. Hayssss.... Sumasakit ang ulo ko s kanilang pamilya!"

Kinatanghalian,

Kasabay kumain ni Barbie sila Dana at Gaile sa may garden.

"Oh? Nag hahanap ng model yung kapatid ni Director Tang?" Sabi ni Gaile kay Dana habang nakupo sil sa damuhan.

"Um. I heard that kanina sa nga students."

"Mayamang pamilya talaga ang mga Tang no?"

"Yeah... Sinabi mo pa dami nilang resorts kaya."

"Oo nga daw totoo ba yung may nga kapatid sa labas si Mr. Tang? Gaya nung mga nasa dramarama na nag aagawan ng mga mana."

"I'm not sure about that eh di masyadong public ang buhay nila Mr. Tang kaya nga tawag sa family line nila "the silent killer" ang cool di ba?"

"Cool? Anong cool dun eh killer kamo."

"Not literally speaking kasi."

"Ohhh.... Sorry. Hahaha..."

"Silent Killer sila kasi tahimik silang gumalaw para mabili o mapabagsak business na gusto nila."

"Woah! Ang cool nun."

"Yeah ang savage nila."

Napatingin naman si Gaile kay Barbie na walang imik.

"Huy! Okay ka lang?"

"Oo nga wala ka sa mood kanina pang umaga. Pati si Kenny parang madalang sya mag salita these past few days."

"Nag away na naman kayo?"

"Di ko rin alam dun bahala sya ku g ayaw nya akong pansinin di naman sya kawalan. Humph!" Sagot ni Barbie habang nag bubunot ng damo na para bang bored na bored.

Napa bulong tuloy si Dana kay Gaile "okay lang ba sya? Balak nya atang ubusin ang damo dito sa garden."

"Ewan ko nga rin."

Samantala,

Patapos naman ng kumain si Kenny ng pananghalian nya kasabay si Uno at Sam.

"Pssst! Okay lang ba yan?" Tanong ni Sam kay Uno.

"Ba malay! Ganyan yan kapag stress kaya kung ako sayo manahimik ka nalang kung ayaw mong masapak."

"Tsss!"

"Ay nga pala, muntik ko ng malimutan yung gaganapin ba na christmas party dito lang sa Academy? Ang boring naman pag ganun. Wala bang binabalak ang Student Council? Wala kang narinig Sam?"

"Wala! Eh ano namang problema mo Uno? Ano naman kung sa Academy? Eh madalas dito naman talaga tayo maarte ka!"

"Eh... Ang akin lang naman eh baka mabago bilang bago na ang School Director."

"Well, maraming resorts ang mga Tang malay mo nga isa sa nga resorts nila ang venue ng christmas party natin."

"Sana nga! Excited na ko kung ganun"

"Tapos na ko. Mauna na ko sa inyo." Sambit ni Kenny.

"San-- Sandali lang pre intayin mo kami." Sagot ni Uno na pandalas na ng subo ng kain at hinila na rin si Sam.

At ng maabutan nung dalawa si Kenny may narinig sila sa mga students na nakakasalubong nila.

"Ano raw yon? May announcement sa bulletin board?" Sabi ni Sam.

At dali-dali naman yung dalawa na hinila si Kenny para mabasa yung announcement.

"Ano bang ginagawa nyo?!" Pagalit na sambit ni Kenny.

"Eh? Model? Mag papa audition ang SC?" Sabay sambit nung dalawa.

"Tsk!" Reaction ni Kenny na badtrip na kaya nag pasyang iwanan na yung dalawa pero hawak parin sya ng mga ito.

"Pre! Pwedeng pwede ka dito." Sabi ni Uno kay Kenny.

"Tigan mo ko! At bitawan nyo ang kamay ko kung ayaw nyong mabalian ng buto ng di oras."

Pandalas naman na ng bitaw yung dalawa at umalis na nga rin ng mga oras na iyon si Kenny.

"Di ko talaga maintindihan ang ugali ng taong yon napaka moody daig pa ang babae." Sabi ni Uno.

"Pero pre, what if mag audition tayo?"

"Kenny pre, inatayin mo ko!!!"

"Hoy Uno!!! Mag audition na tayo!!!"

"Heh!!!"

Kinabukasan,

"Po? Ako? Kami? Model?" Pagulat na sambit ni Kenny kay Bruce habang nakain sila ng umagahan.

"Hindi ko alam kung bakit biglang gusto ng director na magkaroob ng audition for student models at sabi gusto raw kayo ni Barbie na kuhanin. Kahit wala ng audition. Alam ko kasama rin sila Baron at Thew bilang mga varsity sila."

"Pero daddy, hindi pa kami na payag ni Barbie."

"Okay po uncle."

"Really? You want to join?"

"Opo no worries."

"Ano?! Gusto mong sumali? Hindi ba at ayaw mo nga na pinipicturan ka. Tapos nag agreed ka na agad?"

"So what? People change!"

"Huh! Fine! Gawin mong lahat ng gusto mo!" Then he left.

"Kenny! Sumabay ka na!"

"Hindi na po dad, mag momotor nalang ako pag pasok at pag uwi simula ngayon!"

At tuluyan na ngang umalis si Kenny.

"Sorry po Uncle parati nalang kaming nag aaway ng anak nyo."

"Don't worry, pinaglihi talaga yan sa sama ng loob eh manang mana sa nanay nya."

"Hehe... Pero... Ayos lang po ba sa inyo na sumali kami sa modeling eklabu na yon?"

"Um. Why not? Sayang naman ang mukha nyong dalawa ni Kenny lalo ka na mala anghel o diyosa ang kagabdahan mo mong taglay... kaya nga na gustuhan ka ng anak ko."

"Po?"

"I mean, gusto... Gusto kang maging baby sister. Ganon! Ha... Ha... Ha..."

"Baby sister po? Nako! Malabo po yung mangyare napaka opposite po ng attitude namin."

"He... He... Yeah."

Pero sa isip- isip nya "baka lovers pwede sa future."

"Uncle?"

"Hmm?"

"Hindi po ba dapat umalis na rin tayo? Mag 7am na po kasi."

"Ah, oo nga! Sorry, nako... Tara bilisan na natin."

"Opo."