webnovel

Chapter 72: Permission

Nakauwi na nga ng bahay ng mga oras na iyon sil Barbie at Kenny.

"Ha? Ayos lang naman ako." Sambit ni Bruce na nagulat sa reaction ni Barbie.

"Po? Sabi kasi ni Kenny emergency raw kaya need na namin umuwi agad."

"Kenny, ano na namang ibig sabihin nito?"

"Ano pong niluto ni ate Chinggay gutom na ko."

Papunta na sana si Kenny sa kitchen na para bang walang sinasabi sa kaniya si Bruce.

"Sandali nga!" Pagalit na sambit ni Barbie na hinarangan si Kenny sa paglalakad nito.

"Mamaya na tayo mag usap!"

"Hinde, bakit mo sinabing urgent kung hindi naman emergency?!"

"I said we will talk later!"

"Ngayon na!!!"

"Tumigil ka!"

Bruce made a facepalm "eto na naman po tayo sa dalawang ire."

"Talk to me! Bakit tayo biglang umuwi?! Nakakahiya kay Senior Aljon!"

"Huh! Nakakahiya? Pero sakin hindi ka nahihiya?"

"Why should I?"

"Ayos ah, dahil ba anak sya ng presidente?"

"Ano bang problema mo? Kanina ka pa nakakainis na!"

"Tsk! Tama na yan! Kenny, maghain ka na at kakain na muna tayo. Tama na yang away nyo! Barbie, mamaya na kayo mag usap no Kenny. Makapaghihintay pa yan!"

"Yes po Uncle sorry po."

"Ha? No... No... It's okay I'm not mad to you ang sakin lang kumain na muna tayo."

"Sige po, pero pwede po bang mag bihis na po muna ako ng pambahay na damit?"

"Ah, oo naman sige."

"Dad, ako na rin po."

"No! You stay here! Maghain ka ng dinner!"

"O-- Opo."

At ng maka sigurado na si Bruce na nasa room na si Barbie kinausap na nya si Kenny na busy na nga sa paghahain ng kanilang magiging hapunan.

"What? Mag papaalam si Aljon na kung pwede si Barbie na pumunta sa kanila? Aba't bakit?"

"Hindi ko po alam nung pinuntahan ko kasi kanina sila Barbie at Aljon kakaunti lang ang narinig ko."

"Pero sa tingin mo para sa kaya yon?"

"Hindi ko po sigurado pero kung ako sainyo tatanungin ko si Barbie about dun."

"Kaya ba nagagalit sya sayo? Dahil sa pinagusapan nila ni Aljon?"

"Hindi po, dahil nag sinungaling ako na may sakit kayo."

Bruce bonked him "sira ulo kang bata ka! Paano kung may sakit nga ko baka hindi na maniwala yon!"

"Sorry na dad hindi ko kasi alam kung ano sasabihin ko kanina para mapaghiwalay ko yung dalawa. Kanina kasi ako nauuma dun sa Aljon na yon feeling close kay Barbara."

"Bakit? Nag seselos ka?"

"Pinagsasabi nyo dad?! Bakit naman po ako mag seselos sa tukmol na yon? Porket anak sya ng presidente? Huh! Wala namang panama yun sakin dad. Kaya hindi ako mag seselos."

"Talaga lang ha? Then why you insisted na may sakit ako para labg umuwi kayo agad?"

"Wa-- Wala po yun... Inisip ko lang po talaga yon dala ng..."

"Ng ano? Selos? Wag ako Kenny, kilalang kilala kita kapag nag sisinungaling ka hindi ka makatingin ng diretso. Pero tama yang ginawa mo bantayan mo ng mabuti si Barbie. Bata pa sya para sa pag bo-boyfriend na yan kung dahil dun kaya nagiging malapit si Aljon mabuti pa ngang ilayo mo sya sa kaniya at kahit kaninong umaaligid sa kaniya. And that includes you!"

"Daddy!"

"Heh!"

"."

Matutulog na sana si Barbie ng gabing yon at di parin sila nag uusap ni Kenny...

Knock... Knock...

"Ahem... Barbara!"

Binuksan ni Barbie ang pinto ag hinila si Kenny sa loob.

"Wha-- What the?"

"Kneel down!"

"Ano? Hoy Barbara, baka nakakalimutan mo ba..."

At pinuwersa na nga ni Barbie na lumuhod si Kenny.

"Ano bang???"

"Kapag tumayo ka diyan sasabihin ko kay Uncle na pumasok ka ng room ko ng walang permission ko."

"Ikaw!!!!"

"Tell me, bakit nag sinungaling ka?"

"Ginawa ko lang ang tama."

"Huh! Tama? Baliw ka na ba? Nakakahiya kay Senior Aljon ipinasara pa nya yung restaurant para lang sating tropa tapos eepal ka?"

"Why you keep insisting hindi na ko nahiya kay Aljon? Eh ano bang paki ko sa isang yon? Sya kamo ang epal!"

"Baliw na talaga ang isang toh! Labas! Baka masapak kita."

"Tell me, do you like him?"

"Ano?"

"Alam kong tomboy ka pero..."

"Shhhh..."

Tinakpan ni Barbie agad ang bibig ni Kenny.

"Baka marinig ka ni Uncle paano kung sabihin nya kay mommy? Napaka mo naman!"

"Mmm..."

Nagkatinginan yung dalawa kaya nagkaroon ng awkward feeling kaya naman lumayo si Barbie kay Kenny.

"Cough! So-- Sorry..."

"Tsss! Ibang iba ka talaga makipag usap pag ako pero pag si Aljon para kang si Maria Clara."

"Wag mo kong artihan di mo ko madadaan sa ganyan. Labas na!"

"Oo na! Ah, nga pala... Kung ano man ang pinagusapan nyonnk Aljon hindi pumapayag si Daddy na sumama ka sa kaniya after class."

Pero kinabuksan...

"Daddy!" Pagalit na sambit ni Kenny na nag punta sa office ng daddy nya dun sa Academy.

"Ano na naman ito Kenny?"

"Pinayagan nyo daw ai Barbara na pumunta sa bahay nila Aljon? Hindi po ba na pag usapan na natin ito kagabi? Bakit nag bago na naman ang isip nyo?"

"Huminahon ka nga munang bata ka. May ginagawa pa ako dito mauna ka ng umuwi ng bahay half day naman kayo ngayon."

"Daddy!"

"Pinayagan ko si Barbie oo, hinayaan ko syang sumama kay Aljon."

"Pero daddy, ang sabi nyo iiwas ko si Barbara kay Aljon tapos kayo ito pinayagan syang sumama sa tukmol na yon?"

"Maupo ka nga! Pinayagan ko si Barbie hindi dahil gusto niya o ni Aljon pinayagan ko si Barbie dahil disidido sya na kumita ng pera."

"Ho? Anong kumita po ng pera? Daddy, ano ba?!"

"Yan ang hirap sayong bata ka lagi kang nag o-overthink sa mga bagay na simple lang. Isa pa, hindi ko basta papayagan si Barbie na sumama kung kani-kanino lang."

"Eh bakit nga po? At anong kumita po ng pera? Hindi ko kayo maintindihan."

"Babayaran ni Aljon si Barbie para turuan ng self defense ang kapatid nito."

"Ho?!"

At the same time sa bahay bila Aljon...

"Wow! Eto ba yung Malacañang." Ang manghang mangha na sambit ni Barbie.

"Nako hindi, bahay talga namin ito."

"Ba-- Bahay? May ganitong kalaking bahay sa province? Wait..."

"Hmmm?"

Sumilip sa labas si Barbie.

"Nasa Manila na ba ko uli?"

"Silly!"

"Hanep naman! Iba talaga kapag anak ng president ang daming guarda loob at labas."

"Um. We need it 24/7."

"Yeah. Pero kayo lang ng sister mo ang nandito? Where is she pala? She knows na? Na I'm here?"

"Ah, oo nag chat ako sa kaniya kanina."

"I see."

CLANG!

"Hmm? Ano yon?"

"Mavick, what's going on up there? Nag tatantrums na naman ba si Stella?"

"I will go and check Sir."

"Um."

"Anong nangyayare Senior?"

"Don't worry we used to it but we can handle it."

"O-- Okay."

"Are you afraid? Gusto mo na bang mag back out?"

"Ha? Hi-- Hindi naman nagulat lang ako."

"Sir Aljon, nasugatan po si Ms. Stella!" Sigaw ni Mavick.

"What?! Call her nurse!"

"Yes Sir."

"Bie, umuwi ka nalang muna ngayon ipapahatid nalang muna kita. Pasensya na."

"O-- Okay..."

"Sorry talaga. I will chat you later."

"Um."

Dali-dali namang tumaas si Aljon para puntahan si Stella at dahil curious si Barbie naki sunod sya.

"Wow! Kwarto lang toh? Pang buong bahay nare eh. Bahay ba talaga itong na puntahan ko isang Mall? Apaka lawak!" Pabulong bulong na sambit ni Barbie.

Tapos pinagmasdan nya si Aljon kung paano nya pakalmahin si Stella na nag tatantrums.

At mga ilang sandali pa...

"Is she okay? Do you want me to you to do the bandage?"

"Barbie? You still here?"

"Um. Di pa ko umalis... Sorry..."

Pero sa isip-isip nya "of course I'm here nakikita nya nga ko di bale nalang kung nakikita nya akong isang standee lang."

"Ahm... You're not allowed here pasensya na."

"Ah... O-- Okay... Ahm... Ibibigay ko lang sana itong gummy candies sa kaniya."

Sinenyasan ni Aljon yung nanny ni Stella na kunin.

"Salamat Bie."

"Walang anuman sige, alis na ko. Bye Stella...."

"I will chat you later."

"Sige Senior. Bye po."

Paalis na sana ng mga oras na yon si Barbie ng bigla syang tinawag ni Aljon mula sa second floor.

"Senior?"

"Can you stay for a bit?"

"O-- Oo... Pero paano si Stella?"

"She wants to talk to you."

"Eh??? A-- Ako? Gusto nyang makausap?"

"Oo, kaya pwede bang dumito ka muna? Kahit na pinauuwi na kita kanina..."

"Ayos lang po. Walang problema! Chill lang!"

Aljon smiled "thank you!"

Next chapter