Chapter 9. Scraped
"SHE did it," Kanon's mom said out of the blue. She got what she meant by that so she felt lighter.
"Thank you for believing me."
"Aside from I believe in you, it was obvious that she did it."
"Paano mo nalaman, 'Ma?"
"Have you forgotten, dear? Your mom was once the only female detective in our province before I fell in love with fashion."
Napanguso si Kanon sa sinabi ng kanyang mama. Oo nga naman. Tubong Sorsogon ang mama niya at dating miyembro ng pulisya. Sikat doon dahil ito lang ang nag-iisang babae sa department na kinabibilangan nito. Ang daming kumukutya rito noon na nararapat ito sa Traffic Department o sa office works pero nagpursige itong maging police detective, at kalauna'y naging matagumpay na nga sa larangan.
"Dapat ay mabali na ang sungay ng batang iyon bago pa tumubo't humaba. Hindi biro ang ginawa niya sa iyo. Kung tutuusin ay isa na iyong malubhang krimen."
"Baka sinasabi mo lang iyan kasi anak mo ako? Biased opinion?"
"Tss!" Sinamaan siya nito ng tingin at nag-focus ulit sa daan. "I'm saying this out if instinct. Sa limang taon ko sa serbisyo, small thing na lang iyang nangyari."
"Paano ka nakasisigurong siya nga ang salarin?"
"Oh, dear, I know you won't lie."
"P-pero, paano nga kung nagsisinungaling nga ako?"
Ngumuso ang mama niya't umiling-iling na lang. "You're not a good liar. At isa pa, hindi totoong wala sa kanya ang cellphone niya."
"Ha? Ang sabi niya'y sira iyon."
"I doubt it. Baka bukas o ngayon nga'y totoong sira na iyon."
"Bakit naman?"
"Hmm... Let's just say instinct."
"Mama!"
Bahagya itong tumawa. "Napansin kong nakabukol iyon sa suot niyang uniform."
"Parang wala naman? Dibdib niya yata iyong napansin mong nakabukol."
Ang lakas ng tawa ng mama niya. "I know what's a breast and what's not. Wala ka kasi kaya hindi ka maka-relate."
"Mama naman," kunwaring reklamo niya. Mula nang matapos mangyari iyong noong nakaraang taon tungkol sa kanila ni Dice ay naging sobrang malapit na siya sa mama niya, na kung minsa'y parang kaibigan ang turing niya rito.
"Hindi bale, baby ka pa naman. They'll grow soon, so, don't worry."
"But I'm not worried! Mas okey sa akin ang ganito. I always hear you complain about your busts kaya."
"Sabagay. But, Kanon, you should be ready and be stronger. Paniguradong laman ka ng tsismis bukas."
Napabuntong-hininga siya.
"Gusto mong mag-absent?"
Kaagad na umiling siya. "Kaya ko, 'Ma. Pero, paano mo nga nasabing nasa bulsa ng uniform ni Lovely iyong cellphone niya? Parang wala namang nakalagay sa blouse niya. Sa loob ba ng bra?" Napangiwi siya matapos sabihin iyon. Not that she's judging women who put stuffs inside their brasserie as if it was a pocket. She just found it weird.
"Sa palda niya. Kaya natanong ko iyon kanina ay para masigurong tama ang hinala ko."
"Bakit hindi mo kaagad sinabi kanina? Hindi totoo iyong cybercrime cybercrime na binanggit mo, 'no, 'Ma?"? panghuhuli niya.
She shrugged. "Panakot ko lang iyon kaya binanggit ko. There's no need for their assistance."
"Sinasabi ko na nga ba. Pero paano na lang kung nabura na niya iyong call logs? Wala na akong proof para patunayan na siya ang nagkulong sa akin sa banyo."
"We still have an alas."
"Alas?" takang-tanong niya. "Ano?"
"What do you want to eat?" biglang pag-iiba nito sa usapan.
"Chicken a la king," she blurted out. Nagugutom na nga yata siya dahil nagawa pa niyang sumagot ng pagkain kahit nasa gitna sila ng pag-uusap tungkol sa nangyari kanina.
Kinabukasan ay hindi pumasok si Lovely. Ang sabi'y nagkasakit ito dahil sa sobrang takot sa nangyari kahapon.
"Kawawa naman si Love, 'no? Na-trauma siguro sa nasaksihan niya kahapon."
"Tumulong na nga, mapagbintangan pa."
"Shh, baka marinig ka."
Ilan lamang iyon sa mga narinig ni Kanon na bulung-bulungan sa hallway nang dumaan siya. Kung inaakala niyang hindi na siya daranas ng matinding bali-balita tungkol sa kanya ay nagkakamali siya. Tama nga ang mama niya na magiging laman siya ng tsismis.
"Kung ako siguro, baka nag-drop out na kaysa makasama ang taong tinulungan ko na nga, inakusahan pa ako."
"Tingnan mo siya, parang wala man lang nangyari sa kanya, samantalang si Lovely Joan, nagkasakit na."
"Pinapapak na lang kasi niya ang salitang 'trauma'."
Nagpatuloy na lang siya sa pagdaan sa hallway at lumabas ng building. Naglalakad na siya sa labas at piniling huwag nang pansinin ang mga bulungan. Kung nagkataong hindi siya natulungan noon unang ma-trauma siya, baka ngayo'y nanginginig na siya sa takot dahil laman na naman siya ng mga balitang wala namang katuturan.
Kailangang mapatunayan niyang totoo ang sinabi niya para mabura ang mga maling paratang sa kanya.
Dahil malalim ang iniisip ay hindi niya namalayan ang nakausling bato. Nadapa tuloy siya at nagasgasan ang magkabilang tuhod. Dahil biglaan ay hindi kaagad niya naikilos ang katawan kaya dinig na dinig niya ang impit na tawanan at bungisngis ng mga estudyanteng nakakita. May iba pang tumigil sa paglalakad, subalit hindi para tulungan siya kundi para tingnan pa ng mas matagal.
Nangilid ang luha niya. Kung dati siguro siya nadapa ay magkukumahog sa pagtulong ang mga nakakita sa kanya. She was like a princess before. Pero ngayon, wala ni isa ang tumulong sa kanya para maka—
Natigil siya sa pag-iisip ng kung ano-ano nang mapansing may nakatayo sa tapat niya. The person was extending his upper left extremity so she could lean on that as support.
Kahit hindi mag-angat ng tingin ay alam niyang lalaki iyon base na rin sa suot na uniporme.
"Tititigan mo na lang ba? Nangangalay na ako."
With her teary eyes, she looked up and her eyes widened out of surprise. Umatras sa pagtulo ang kanyang luha.
"Dice!" Hindi niya alam kung ano ang eksaktong naging tono ng boses niya. Naghalu-halo ang gulat at pagtataka riyon.
"Get up. You scraped your knees. Kailangang ma-disinfect iyan dahil baka magka-infection pa." He sounded really casual but his face was worried.
Napalunok siya't hindi pa rin kumilos dahil sa gulat.
"Nagpapabuhat ka ba?"
Naningkit ang mga mata niya pero kaagad ding umiling. "Kaya ko namang tumayo."
"Nagpapabuhat ka nga."
"I am not. Nagulat lang ako sa pagkakatisod ko kaya hindi kaagad ako nakakilos. Pero—"
"Ang daming satsat. Nag-iinarte pa, eh, halata namang nagpapabuhat ka lang."
Hindi na niya naitago ang pagkabusangot. Hindi nga siya nagpapabuhat at lalong-lalong hindi siya nag-iinarte.
Yumuko ito at umakto na ipi-piggyback siya, pero imbes na gawin ang gusto nito ay mag-isa siyang tumayo 'tsaka iika-ikang naglakad palayo roon.
"I think I sprained my ankle," bulong niya sa sarili.
Napatili siya nang may humila sa kanya at naramdaman niya na lang na umangat ang mga paa niya sa lupa. Ang mukha niya'y dumikit sa dibdib ng binata at nasamyo niya ang mabango at panlalaking amoy nito.
"Dice, ibaba m-mo ako!"
"Huwag ka nang mag-inarte. Dadalhin kita sa clinic."
She frowned and just stayed still. Tutal, mukhang walang balak ang binata na ibaba siya kaya hinayaan na niya itong buhatin siya't ihatid sa school clinic.