Chapter 8. Weird
DAHIL sa nangyari ay hindi muna pinayagang makauwi si Kanon para kwestiyunin. Sinabi niya ang totoo, na si Lovely ang nagkulong sa kanya sa banyo. Kaya laking gulat niya nang ipatawag ito at pulang-pula ang mukha, partikular na ang malalalim na mga mata, na para bang kagagaling lang sa pag-iyak.
Matapos siyang makapagbihis dahil parang hindi siya makahinga sa school uniform niya ay dinala siya sa clinic para tingnan kung may galos ba siya o pasa. At nang masigurong wala, ay sa Guidance Office sila dumiretso.
"Si Devila ang maygawa niyon sa iyo?" ulit ng principal.
"Opo, Sir."
Humikbi naman si Lovely na ipinagtaka niya. Nagsisisi na ba ito sa ginawa sa kanya?
"Why are you doing this to me, Kanon?"
"But, Ms. del Rio, she was the one who reported seeing you being dragged in the gymnasium."
"Po!?" Hindi makapaniwalang lumingon siya sa principal.
"Ang sabi niya'y nakita niya ang isang lalaki na kinaladkad ka papasok ng C. R."
"H-hindi ho totoo iyan! Just as I've said, I went there to meet Lovely. May usapan kaming magkikita roon."
"Bakit kayo magkikita?"
"May sasabihin po siya sa akin."
"Ano iyon?"
"Hindi ko ho alam."
"See? I told you, she hates me that's why she's saying those things!" naghihisteryang bulalas ni Lovely.
Pumikit siya at bumilang ng tatlo. Nang magmulat ay diretsong tumitig siya kay Lovely. "Kung totoong nakita mo akong kinakaladkad sa gym, bakit hindi mo ako tinulungan?"
"I did!"
"You didn't. Because you're just there, and you locked me inside the bathroom."
"I... w-was afraid! The guy was wearing some mask and he looked bulky. Baka madamay ako!"
"Kung totoo nga iyan, bakit hindi ka kaagad tumawag ng tulong?"
"Ms. del Rio! You should be grateful to your classmate! At isa pa, hindi magagawa ng apo ni Mayor iyan." Ayaw mang isipin ni Kanon, pero pakiramdam niya ay may pinapanigan si Principal. Dahil ba iyon sa nanunungkulan sa gobyerno ang lolo ni Lovely?
"Kasi nga, natatakot ako! P-paano kung ako ang balingan ng lalaking iyon? Paano kung pati ako, ikinilong sa banyo?"
"Hindi ka babalingan. At paano ka ikukulong sa banyo kung magkasabwat nga kayo?"
"Is this your true self, Kanon del Rio? Kunwaring mahinhin pero mapamintang..." Lovely mocked her.
Halos hingalin siya sa pagtaas ng boses at sa pagpipigil ng galit. Kahit sino ay hindi magagawang maging kalmado sa ganoong sitwasyon. At hindi siya mahinhin! Sadyang soft-spoken lang talaga siya kaya napagkakamalang mahinhin.
"W-wala akong ginagawang masama sa iyo. Bakit ako ang pinagbabalingan mo?"
"Because you were there, Lovely Joan! You're the one who locked me up and—"
"Keep quiet!" the principal interrupted.
Bumukas ang pinto at ang mama niya ang dumating. She's wearing her usual home clothes, na pinatungan na lang ng mahabang cardigan. At halatang mas mahal pa kaysa sa gamit niyang signature bag ang suot nitong pambahay.
"Kanon!" Nagmamadaling lumapit ito sa kanya, nag-aalala. "Anong nangyari? May masakit ba sa iyo?" She held her face using her both hands as she was checking if she's hurt.
Umiling siya at yumakap dito na parang makakakuha siya ng lakas sa paggawa niyon.
Pinakalma muna silang lahat at pinaliwanag sa mama niya ang nangyari.
"Sigurado ka ba sa sinabi mo?" tanong nito sa kanya pagkatapos.
"Yes, 'Ma. I will never lie about it. What will I gain if I frame Lovely? Totoong siya ang may kasalanan."
Naningkit ang mga matang bumaling ang mama niya kay Lovely.
"Hija," kalmanteng tawag nito kay Lovely. Kakatwang tumahimik ang mga nasa paligid. It must be because of her mom's domineering presence. Kapansin-pansin ang pag-iba ng aura nito habang nakikinig sa nangyari kanina, lalo na nang ngumisi ito.
"P-po?"
"Where's your cell?"
"Ho?"
"Your cellphone," paglilinaw ni Katerina del Rio.
"Nasira po kanina."
"Can I see it?"
"No!" mabilis tanggi ni Lovely.
"Why can't I?"
"I m-mean, it's broken. Ayaw nang mag-on."
"Then, let me have it. I'll ask some of my friends in Cybercrime Department to check on it."
"C-cybercrime? Bakit naman po?"
"Well, to check the call logs and history?" patanong na sagot nito, bahagyang tumaas ang sulok ng labi habang nakatitig sa bandang ibaba ni Lovely.
"Pero bakit sa Cybercrime po?"
Her mom just shrugged. "Where's your phone?"
"Wala na nga po iyong cellphone! Itinapon ko na. 'Tsaka bakit ba ganyan ang tono ng pananalita ninyo, Mrs. del Rio?"
Nagkibit-balikat ulit ang mama niya na parang sinasabi nitong '"Alright, then."
"Tinulungan ko na nga ho iyang anak ninyo pero bakit parang pinalalabas na ako ang may kasalanan?"
Bumuntong-hininga ang mama niya. "Nakita mo 'kamo na kinaladkad ang anak ko, hindi ba?" kalmadong tanong nito nang hindi inaalis ang tingin kay Lovely.
"O-oho."
"Hmm... Weird."
Sabay-sabay na lumingon dito ang mga nasa loob ng opisina—ang principal, ang dalawang guwardya, ang cook at ang ilang faculty members na hindi pa unuuwi. Bumaling naman ang mama niya sa kanya at hinawakan ang kanyang braso. It was like she's checking on her again.
"Why isn't there a sign that Kanon restraint to that guy? Hindi ba't kapag kinaladkad ka ng isang tao ay magpupumiglas ka't kung hindi man magalusan, ay magkakapasa kung saan ka hinawakan nang mahigpit?"
Nanatiling tahimik ang mga nasa opisina. Bumaling ang mama niya sa principal.
"Hindi ba't tama ako, Principal?"
Kaagad na tumango ang principal.
"See?" Bumaling ulit sa kanya ang mama niya't itinaas ang magkabilang braso habang tinitingnan-tingnan iyon. "Ang kinis pa rin ng anak ko, o. Walang galos, walang sugat."
"B-baka nawala na ho iyong pasa."
"Ha!" Pigil ang pagtawa ng mama niya't lumingon kay Lovely. "Hindi ganoon kabilis mawala ang pasa, hija."
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Lovely at ang mama niya nama'y bumaling uli sa principal.
"It's getting late," anito kahit mag-a-alas siete pa lamang ng gabi. "I'll bring my daughter home. Bukas na lang natin ito ipagpatuloy."
Bumuntong-hininga ang principal at pumayag sa gusto nito.
Nang lulan na sila ng sasakyan ay hindi sila nagkibuan, parehas na malalim ang iniisip.
"Did you have a fight with your classmate, Kanon?" basag nito sa katahimikan nang hindi inaalis ang tingin sa daan. Pinauwi na kasi nito ang driver at ang mama na niya ang nagmaneho.
Umiling siya, at nang maalala ang nangyari kanina ay tumango siya.
"About what?"
"It's about a person."
"Then, who?"
"Luna."
"Si Luna?"
Tumango siya. "Pinaratangan niya na binayaran ko si Luna para magpanggap itong buntis."
Napahilot lamang sa sentido ang kanyang mama.