webnovel

Chapter 20

***

Ilang araw ang lumipas. Patuloy ko parin iniiwasan si kuya ash.

Lagi akong nasa labas. Papasok lang ako pag alam kung tapos na silang kumain.

Lagi akong nakatambay sa tabing dagat.

Naging place ko na yun. Bukod sa tahimik, maaliwalas din pag masdan.

Hindi naman na naging makulit si kuya sakin. Hinayaan nalang din siguro niya ako.

Gusto ko na ngang umuwi. Pero pag naalala ko na sa kanila nga pala ako nakatira ay mas gugustuhin ko nalang dito.

Dahil dito malaya akong gawin ang gusto ko. Sa mansyon nila limitado nalang dahil hindi na katulad nun dito.

Tsaka mga katulong lang ang makakausap ko dun kadalasan busy pa sa pagtratrabaho kaya ayun lagi lang akong nakakulong sa kwarto.

E, dito kahit san akong pumunta ay malaya kong puntahan.

Lakad lang ako ng lakad ng mapansin kung makakasalubong ko si jane.

Si jane na laging sunod ng sunod kay kuya.

Kahit hindi naman na siya pinapansin.

Pansin ko yun pero hindi ko alam kung magiging masaya ako dahil hindi na niya pinapansin tong babae nato.

Iiwas na sana ako ng mapansin din niya ko.

"Ohh, hindi ako aware na may baklang gala pala dito sa nilalakaran ko. Umalis ka nga bakla." Insultong sambit niya sakin.

Hindi ko na sana papansinin pero hinawakan niya ang braso ko habang galit na nakatingin sa akin.

"Alam mo bang dahil sayo iniiwasan na ko ni ash. Ang kapal kasi ng muka mo e, palibhasa bakla." Gigil na turan niya sakin.

Peter. Wag mo ng patulan baka ano pang magawa mo.

"Ano magsalita ka. O, baka naman natatakot ka kasi ayaw mo ng maulit yung ginawa mo sakin dati." Seryosong turan niya sakin.

Nalilito akong napatingin sa kanya anong sinasabi niyang nangyari dati.

Kunot noo ko siyang tinignan. "Sinasabi mo."

Tumatawa lang itong parang baliw.

Nga pala hindi ko alam kung pano niya nalaman na bakla ako. Pero wala nakong pakialam dahil hindi ko kinakahiya ang sarili ko. Dahil alam ko sa sarili ko na ako'y marangal.

"O, ano hindi mo talaga naalala. Kawawa ka naman pero mainam din yan kawawa ka naman kasing baliw na bakla ka." Pang iinsulto niya sakin sabay tawa nanaman.

Tumalikod nalang ako sakanya dahil hindi ko gusto ang tabas ng dila niya. Baka ano bang magawa ko.

Saka ano bang mga sinasabi niya. Siya ata ang nababaliw.

"Hahaha. Kawawang bakla hindi maalala ang nakaraan. Gusto mo bang maalala ang nakaraan mo."

Wala sa sariling napatango ako sa kanya.

Tumingin lang siya sakin habang nagpipigil ng tawa. "Sige talon na sa dagat ayan oh, malapit lang naman tayo. Go! Hindi kita pipigilan. Malay mo maalala mo yung nawalang alala mo pag tumalon ka."

Naiinis nako sa babaeng to sumusobra na siya ah.

"Tingin mo ba natatawa ko sa sinasabi mo sakin ha? Kung wala kang sasabihin matino pwede bang tumahimik ka nalang at saka ayuko ng gulo ah."

Tumalikod na ko sa kanya at nagsimulang maglakad ng malinig ko na humiyaw siya at naramdaman ko nalang bigla ang kamay niya sa buhok ko.

Sinasabunutan niya ko.

Pilit kong inalis ang kamay niya sakin pero madiin ang kapit niya sa buhok ko.

Nasasaktan nako kaya walang atubili ko siyang sinikmuraan sa sikmura.

Pigil na suntok ang ginawa ko sakanya para kahit papano ay bumitaw siya sa sabunot niya. Nag tagumpay naman ako dahil kahit mahina ay natumba parin siya habang nasasaktan na nakatingin sakin.

Aalis na sana ako dun ng bigla nalang niya akong binato ng nahawakan niyang bato sa gilid niya. Sapol ako sa likod ko.

Ininda ko din ang ginawa niya sakin.

Ng tignan ko siya ay nakatayo na siya. At nakaka agaw na kami ng atensyon ng mga tao dito.

Akala ko tapos na siya pero hindi pa dahil ng magsasalita ako sa kanya sinabuyan niya ko ng buhangin sa mata na siyang kinapikit ko.

Buti nalang walang pumasok sa mata ko.

Pero naramdaman ko nanaman ang kamay niya sa buhok ko at this time nakahiga nako sa kanya kaya malaya siyang gawin ang gusto niya.

Pero dahil sa pikon ko ay buong lakas siyang tinulak paalis sakin na siyang kinalaglag niya sa batuhan.

Tumayo nako at pupuntahan sana siya para pagsabihan ng tumingin siya sakin habang duguan ang ulo.

Nabigla ako sa nangyari sa kanya hindi ko naman gustong umabot dito.

"Sorry, hindi ko sinasadya." Utal na turan ko dito habang natatakot.

Matalim ang tingin niya sakin pero hindi ako natakot sa kanya bagkos ay humiyaw ako para may makatulong sa amin.

Pero hindi na pala kelangan dahil nakita ko sila tito at ang mga pinsan ko na papalapit sa amin.

Pansin ko agad ang madilim na paningin sakin ni tito zleo.

Magsasalita palang sana ako ng makatanggap ako ng suntok galing sa kanya.

Akala ko isang suntok lang ang gagawin niya pero tinayo pa niya ako at pinagsusuntok.

Inaawat na siya ng mga tao na nasa paligid namin pati sila tito at tita ay umiiyak na sa nangyayari dito.

Hindi ako nanlaban at lalong hindi ako nagsalita.

Ng magsawa na siya ay hiniyawan pa niya ako ng masasakit na salita. "Ano gusto mo nanaman patayin ang anak ko ah, hindi ka na nadala gusto mo nanaman maulit ang nangyari."

Galit na galit siya kita ko yun dahil kung hindi pa siya hinawakan nila tito ay baka nakahiga na ako ngayon dito.

Pansin ko ang mga taong nakatingin sakin. Pero hindi ko alintana ang mga tingin nila dahil tanging kay kuya ash lang ang paningin ko na nakatingin din sakin.

Pansin ko na gusto niya akong puntahan pero nakahawak sa kanya si tita liza.

Ngumiti nalang ako sakanya. Dahil nabibingi na ako wala na akong marinig sa paligid dahil ang tanging naririnig ko nalang ang mga boses ni tito zleo.

"Ganyan kaba talagang bata ka. Wala kang utang na loob kung alam ko lang na uulit kapang saktan ang anak ko. Edi sana pinapatay na kita noon pa man."

Ramdam ko ang gigil niya sa akin.

Pero sa iba nakabaling ang atensyon ko.

Parang sumasakit ang ulo ko.

Iba iba ang nakikita ko. Para akong nananginip ng gising dahil sa mga nakikita ko sa isip ko.

Patuloy parin ang salita sa paligid ko pero bigla nalang nabingi ang tenga ko at tanging paghinga ko nalang ang naririnig ko.

Sobrang sakit.

Ang sakit ng ulo ko.

Kung ano ano ang nakikita ko hanggang sa naramdaman kung nawalan nako ng malay.

"Ang sarap talaga dito sa tabing dagat. Pag ako lumaki dito ko gustong magpakasal. Pero sempre kay kuya ashton lang ako magpapakasal."

Nabigla nalang ako ng may bumato sa akin ng buhangin. Ng tignan ko ay si jane pala.

"H-hi jane anong ginagawa mo dito." Ngiting ngiti ako sa kanya.

"Kahit kelan hindi magiging kayo ni kuya ash. Tandaan mo yan bakla dahil kelan man hindi ka magugustuhan nun. Dahil hindi ka babae at higit pa dun hinding hindi ka niya papakasalan." Pang iinsulto niya sa akin.

Lumapit pa siya sakin habang may mapanglarong ngiti.

Gigil akong napatingin sa kanya.

Ng hindi ko napigilan ay bigla ko nalang siyang sinampal ng malakas.

Kita ko sa mata niya na nabigla siya sa ginawa ko sakanya.

Nanlilisik ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

Sino siya sa inaakala niya.

Ng tignan ko ay umiiyak siyang nakatingin sa akin.

Inirapan ko nalang siya. Aalis na sana ako ng mapansin kong malakas ang magiging hampas ng alon sa gawi namin.

Ng tignan ko si jane at nakaupo lang ito habang umiiyak.

Pupuntahan ko na sana siya ng biglang humambas sa amin ang alon ng dagat.

Basang basa ang damit ko dahil sa alon nayun.

Pilit kong lumayo dun at pumunta sa batuhan dahil nakalunok ako ng tubig ng makarinig ako ng mga hiyaw ng tao.

Ng tignan ko sila ay nakatingin silang lahat kay jane na nalulunod ngayon dahil natangay siya ng angos ng dagat.

Hihiyaw na sana ako ng mapansin kung nasisipagtakbuhan na ang mga pinsan ko para puntahan si jane.

Umiiyak lang ako habang dahan dahang pinubuhat si jane ni kuya renz papunta dito malapit sa pwesto ko.

Nakatulala lang ako dahil sa nangyari at natatakot ako dahil ang daming dugo ang umaagos sa ulo ni jane. Nabarog ba siya. Pero bakit.

Patuloy lang ang iyak ko ng makatanggap ako ng suntok galing kay tito zleo.

Tatanungin pa sana niya ako ng hinila na siya ng anak niyang si zack dahil baka maubusan daw ng dugo si jane.

Iyak lang ako ng iyak dito sa gilid ng mapansin ko si tita almira. "Hindi ko po gusto ang nangyari tita."

Ang sama ng tingin niya sakin pagkatapos pinagsasampal niya ako.

Tinanggap ko lahat ng ginawa niya sakin.

Takot na takot ako ng mga oras na yun. Hanggang sa tumingil na si tita sa pananakit sakin. Pero ang atensyon ko ay nandun parin sa nangyari.

Pano kung may mangyari kay jane.

Ang sama kung tao. Paulit ulit na umiikot sa utak ko yan, paulit ulit na lumalabas na ako ang may kasalanan.

Hanggang sa napatingin ako kay kuya ash na malapit sa akin kaya yumakap ako sa kanya habang umiiyak at paulit ulit na nagpaliwanag.

Hindi ko alam ang gagawin ko pero isa lang ang nasa utak ko kasalanan ko lahat ng ito.

-----