webnovel

Chapter 19

***

Masaya ang buhay lalo na kung mahal mo ang kasama mo sa bawat araw.

Sa bawat araw na nagdaan ay hindi nakakasawang kasama ang taong mahal mo.

Naalala ko tuloy yung mga araw na lagi kaming magkasama ni peter.

Lagi kaming nag-lalasing ni peter dito parin sa tagaytagy. Kung pwede nga lang araw araw ay ginawa na namin ang kaso bata parin kami. Pasekreto lang ang pag-inom namin lalo na kapag wala sila tito at tita.

Tuwing bakasyon ang pinakamatagal na pag-stay nila dito ay dalawang linggo pagkatapos nun. Malaya na kaming dalawa ni peter dahil tulad ng nakagawian maiiwan kaming dalawa dito.

Na hindi naman na nila tinututulan. Suportado pa nga nila kami dahil nagiging independent na kami. Lalo na sa edad namin ay dapat na matuto na talaga kaming maging independent.

Pero kahit ganun sakanila parin ang perang ginagamit namin.

Isa din sa dahilan kaya pumapayag sila tito at mama dahil kilala naman nila ang mga tao dito. Higit pa dun talagang maasahan mo sila.

Lalo na sa aming dalawa ni peter lalabas nga lang kami sa mansyon sasalubungin na nila kami.

Daig pa namin ang vip dito dahil subra ang pag-aalaga nila sa amin.

Hindi ko nga alam kung bayad pa ang pinapakita nila o talagang ganun sila nuon pa

man.

Pero naniniwala naman kami na talagang mababait silang tao.

Dahil hindi sila nagdadalawang isip na tumulong at makisama sa mga taong hindi taga sakanila.

Tuwing kaming dalawa lang ni peter dun lang namin nagagawa ang mga kalokohan na suportado ng mga taong taga rito.

Tulad ng pag iinom ng alak.

Minsan pag umuuwi kaming lasing at tinatamad ng umakyat sa kwarto namin ay sa iisang sofa kami natutulog na magkayakap. Minsan kahit hindi kami lasing mas gusto naming matulog duon. Gustong-gusto ko yung pagsasama ng init ng katawan namin at yung paggising ko na nakayakap pa din siya ng mahigpit. Kailan man ay hindi ko naramdaman na nagrereklamo siya sa position namin kahit minsan nahuhulog siya sa sofa dahil sa kalikutan naming matulog.

Sa iisang sofa na yun napagkasya namin ang aming sarili. Tila pa pag nalayo siya sa akin kahit na ilang oras lang ay hindi ko na kakayanin.

Kadalasan ang hilig talaga namin tumambay ay sa mismong bubungan. Inaabot kami ng madaling araw dito dahil sa kwentuhan namin hindi nakakasawa. Kahit naman anong oras ay bukas parin ang bawat bahay dito parang mga zombie ang mga tao dito dahil walang araw na hindi ako natulog dito na hindi nauubos ang taong gising.

Sanay na sanay ang mga tao dito.

Minsan ang pinag-uusapan namin ni peter ay ang future namin.

Na pag dumating yung point na parehas na kaming may trabaho ay magpapatayo kami ng bahay sa iisang subdivision.

O, kung di man kami mismo ang magpapatayo ng bahay na aming dalawa lamang.

Ang dami naming pangarap sa isa't isa na sana matupad.

"Kuya, pano pag hindi tayo nagkatuluyan."

Tumingin lang ako sa kanya dahil sa tanong niya."kung mangyayari yan. Hindi ko din alam ang gagawin."

Tumango lang siya sakin. Akala ko tapos na siyang mag tanong pero hindi pa pala.

"Kuya, kung sakali na hindi talaga tayo para sa isa't isa, anong gagawin mo." Tanong pa niya.

Tumingin ako sa kanya na nalilito. "Parang yan din yung tanong mo ah."

Tumawa nalang ako sakanya dahil sa mga tanong niya sakin.

"E, pano kuya kung dumating nga yun araw na yun. Mag aasawa kaba."

Napalunok nalang ako sa mga maiinit na tanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko pero isa lang ang nasa isip ko.

Yun ay ang hindi sigurado.

Dahil hindi ko naman talaga hawak ang kapalaran ko.

Tanda ko tuloy minsan may nagtanong sakin.

'Kung sakaling pag hiwayin kayo ng mahal mo sa buhay anong gagawin mo. Lalo na at mali ang relasyon ninyo dahil ang lalake ay para lang sa babae at ang babae ay para lang din sa lalake at yan ang katotohanan at higit pa dun nakatadhana na ang kapalaran natin simula ng pinanganak tayo sa mundong ito."

Para sakin tama naman siya. Pero dahil ako ito si ashton medellín ito. Gagawin ko ang alam kong tama para sakin.

Naniniwala naman ako na ang babae ay para lang sa lalake at ang lalake ay para lang talaga sa babae.

Ang sagot ko jan nasa sainyo na mismo yan dahil kung talagang nagmamahalan kayo kahit ipagkait na lahat sa inyo mananatili kayo sa pwesto ninyo na kayo talaga.

At naniniwala ako na 50/50 ang nakatadhana satin.

50% ang nakatadhana na sa atin simula ng tayo ay pinanganak.

At.

50% din ang siyang atin mismo na tayo mismo ang magdedesisyon sa gusto natin.

Dahil kahit may nakatadhana na mismo satin kung hindi naman tayo gumagalaw at hinahanap ito wala din saysay ang 50% na nakatadhana sayo dahil nakontra na siya ng 50% na siyang gusto mo.

Kaya dahil jan maraming nagsisi dahil nasa sainyo na pala ang nakatadhana sa inyo pinakawalan pa ninyo dahil mas pinili ninyo ang kagustuhan ninyo.

At marami din naman ang masaya dahil sinunod nila ang gusto nila kesa sa mga taong panay husga lang ang natatanggap nila.

Sabi nga kung san ka masaya dun ka.

Papayag kaba kung nakatadhana ka sa taong hindi mo mahal. Sempre gagawa ka ng paraan pipiliin mo ang taong mahal mo kaya makokontra ang nakatadhana na satin at dahil mas lamang ang kagustuhan natin siya ang nagwawagi.

Kaya kahit na madali para sakin nahihirapan parin akong magdesisyon para sa aming dalawa.

"Kung dadating ako sa puntong yan, mas pipiliin ko nalang maging masaya hindi dahil hindi tayo nagkatuluyan kundi dahil itutuon ko nalang ang lahat ng atensyon ko sa siyang ikakasaya ko at yun ay ang makasama ka."

"Kaya kung sakali man na mag aasawa ako, hindi ko alam ang isasagot ko sayo dahil simula ng makasama kita hindi ko naisip na mawawala ka sakin."

Tumikhim muna ako tsaka tumingin sa kanya.

"Dahil kung sakaling magkahiwalay talaga tayo mas pipiliin ko nalang maging mag isa habang buhay wag kalang alisin dito...dito sa puso ko."

Ayuko talaga sa ganitong usapan. Bumibigay talaga kasi ako.

Lalo na pag naiisip ko lahat ng pangyayari sa buhay namin, dahil kahit ano talagang gawin namin meron at meron parin na pipigil sa kagustuhan namin.

Hanggang sa dumating ang siyang kinakatakutan ko.

Umaga nun at masayang masaya ang lahat.

Lalo na kaming dalawa ni peter dahil ito na ang huling araw nila dito.

Sempre maiiwan kami dito at gaya ng dati pumayag naman sila ng walang pag aalinlangan.

Pero ilang oras na ang lumipas hindi ko napapansin si peter.

Tumutulong kasi ako dito kila tita na maghanda.

Ganito kasi sila dumating man o umalis maghahanda sila ng pang salo-salo sa lahat.

Sa dami nga ay kulang nalang pati mga turista dito sa tagaytay ang pakainin namin.

Iba talaga pag mayaman ka. Balewala nalang sayo ang pera.

Patuloy lang ang pagluluto dito ng may marinig kaming ingay sa labas.

Hindi lang basta ingay dahil hiyawan mismo ang naririnig namin.

Hindi na sana namin papansinin dahil busy kami sa pagluluto at tsaka baka nag-eenjoy lang ang mga tao kaya maiingay.

Pero biglang dumating ang mga pinsan ko at sinabi ang nangyayari sa labas.

Dali dali kaming tumakbo sa labas habang nakikita ang kompulan ng mga tao.

Una kong napansin si peter na siyang sinasaktan ni tita almira.

Ang hindi ko maintindihan kung bakit hinahayaan lang nila mama.

Lumapit agad ako kila tita at pinigilan ito.

"Anong ginawa ng anak ko sayo. Kung may mangyayaring masama sa anak ko tandaan moto babalikan kita." Dugtong pa ni tita bago tumalikod.

Pansin ko na kunti nalang ang tao dito.

Nawawala sila tito at ang iba kong pinsan.

Ng balingan ko si peter ay mugtong mugto ang mga tao at panay galos ang katawan.

Ng makita niya ako ay yumakap agad siya sakin at iyak ng iyak.

Bukang bibig niya ang salitang 'hindi ko sinasakya. Siya ang nauna dinepensahan ko lang ang sarili ko'

Paulit ulit lang niyang sinasabi nag katagang iyon hanggang sa mawalan siya ng malay.

Nag aalala ako sa nangyayari dahil hindi ko alam pero natatakot akong malaman.

Anong ginawa ni peter. Bakit ganun nalang ang galit ni tita almira kay peter. At ang pinaka nalilito ako ay bakit ganun nalang ang dami ng tao kung ang tagpo lang naman ay pinahihiya ni tita si peter.

Meron pabang nangyari bago ang tagpong nakita ko.

Kung meron man sana hindi malala tulad ng naiisip ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

Gusto kong tanungin sila tita pero kapwa ko ay wala din silang alam.

Dinala ko nalang si peter sa loob ng mansyon ng mabigla ako sa sinabi mismo ni mama.

"Nasa ospital si jane. Dinala siya ng mga pinsan at tito mo. Sumama din ang ama mo dahil malala ang nangyari sa kanya."

Yan lang ang mga katagang binitawan niya bago niya ako iniwan.

Napalingon nalang ako kay peter at halo halong tanong ang naiisip ko.

Na sana hindi totoo.

-----