webnovel

Chapter 18

***

Ang dami kung nagawa ngayong araw kakahintay kay kuya.

Ala una na ng tanghali pero ito ako naghihintay parin sa pagdating niya.

Panay ang labas ko lalo na pag may naririnig akong humihinto na sasakyan sa mismong tapat ng mansyon na ito.

Baka kasi si kuya ash na.

Lumipas pa ang mga oras ay wala paring ashton ang nagpapakita sakin.

Panay ang tanong sakin nila tita kung bakit andito lang ako sa labas.

Ngiti lang ang sinusukli ko sa mga tanong nila.

Paminsan minsan sinasagot ko na wala akong kasama.

Pero alam ko naman na alam na nila kung bakit.

Si kuya marvin bago mag-inuman kinakabihan ay umalis siya kinabukasan kaso hindi ko alam kung kelan ang balik. O, kung babalik paba.

Sa ngayon siya na kasi ang umaasikaso ng mga business nila lalo na at nagkaroon ng problema kaya kelangan niyang puntahan.

Namimiss ko na din siya dahil siya lang ang nakakaintindi sa akin.

Gusto ko naman siyang tawagan kaso baka makaabala lang ako sakanya lalo na at may trabaho siyang ginagawa.

Napangiti nalang ulit ako ng makita ko na ang sasakyan nila tito zleo na siyang ginamit nila kuya ash.

Tatakbo na sana ako para salubungin siya kaso biglang lumabas si jane na nakakabit sa braso ni kuya.

Nabigla ako sa pangyayari.

Hindi ko alam kung tutuloy paba ko. O, hindi na.

Nakatingin lang ako sa kanila lalo na kay kuya ash. Kitang kita ng dalawang mata ko kung pano ngumiti si kuya. Kung pano niya kausapin si jane na walang pag-aalinlangan, kung paano niya hayaan na hawak-hawakan lang ni jane ang braso niya.

Mabuti pa si jane nagagawa yan sa mismong harap nila tito.

Samantalang ako magagawa ko lang kay kuya yun ng palihim. Ng kaming dalawa lang.

Gusto kong tumakbo at iwasan silang dalawa dahil nasasaktan ako sa nakikita ko.

Nasasaktan ako kung paano tignan ni kuya si jane, kung gaano sila kasayang dalawa na hindi alintana ang nasa paligid nila.

Naiinggit nanaman ako.

Na sana babae din ako.

Na sana malaya ko ng masasabi kay kuya na mahal ko siya.

Na sana hindi nako matatakot na baka mandiri siya sa akin dahil hindi ako babae.

Na sana susuportahan pa mismo ako ng mga taong nasa paligid ko.

Na sana hindi nako natatakot magmahal.

Lahat ng yan ay sana nalang dahil kelan man hindi mangyayari ang kagustuhan ko.

Dahil ito ako ngayon, nakatayo habang tinitignan sila na masayang nag-uusap.

Mabuti pa sila masaya, hindi alintana ang sasabihin ng nasa paligid nila.

Siguro nga hindi talaga kami para sa isa't isa.

Dahil hindi naman ako babae tulad ni jane.

At kelan man hindi ako magugustuhan ni kuya.

Hindi niya mapapansin ang nararamdaman ko.

Dahil kelan man hindi siya magmamahal ng katulad niya.

Ako lang siguro yung makulit na.

baka sakaling magmahal din siya ng kapwa niyang lalaki.

Na baka magkagusto din siya sa akin.

Na baka may pag-asa maging kami.

Na baka mahalin din niya ko tulad ng pagmamahal ko.

Puwede bang ganun lang kadali yun.

Na sana magkatotoo lahat ng ito.

Tumalikod nalang ako sakanila habang patuloy na umiiyak.

Umiiyak na walang boses. Nasasaktan na walang karapatan. Nahihirapan sa sitwasyon na wala namang may kagustuhan.

Maglalakad na sana ako papasok sa bahay ng marinig ko ang boses ni tito zleo. "Peter, pasuyo naman anak. Pwede bang idala mo sa loob to."

Nakangiti si tito habang kinakausap ako.

Napansin ko na tumingin si kuya sa gawi ko. Kita ko sa reaction niya na nabigla siyang makita ako.

Hindi ko nalang siya pinansin.

Ngumiti nalang ako kay tito at nagtanong. "Ito lang poba tito."

Naiilang ako dahil pansin ko na nakatingin parin sakin si ash.

Hindi ko alam kung bakit pero naiilang ako sa tingin niya.

May nilabas pa si tito na mga gamit na sa tingin ko mga binili nila sa pinuntahan nila.

"Oo, yan lang. Salamat."

Tumango tango nalang ako kay tito at inisa isa ng pinasok ang mga gamit.

Pabalik balik lang ako hanggang sa huling gamit na ipapasok ko ng mapansin kong nakatayo lang si kuya ash malapit sa sasakyan.

Kunot noo akong napatingin sa kanya.

Anong tinutunganga niya jan.

Ano mag-assume nanaman ako na ako ang hinihintay niya.

"Peter, kung anong nakita mo mali lahat yun. Sumama siya dahil sinama siya ni tito." Panimula niya.

Sinong niloloko niya ako.

Kahit naman hindi siya magpaliwanag alam kona ang totoo.

Nagsawalang kibo nalang ako.

Kukunin ko na sana ang isang bag ng bigla niyang kinuha ito.

Tumalikod nalang ako at hindi na siya pinansin.

"Peter, galit kaba sakin." Sunod na tanong niya.

Hindi parin ako nagsalita.

Panay lang ang lakad ko habang nakasunod lang siya sakin.

Ng natapos nako ay lumabas nako ng bahay.

Nakasunod lang sakin si kuya ash.

Ng bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ko.

Napahinto ako sa paglalakad pero hindi ko tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.

"Peter akala ko ba maayos na tayo."

Kunit noo ko siyang hinarap. "Maayos naman tayo kuya ah."

Kita ko sa mata niya na may gusto siyang sabihin.

"May sasabihin ka paba." Tanong ko dito.

Umiling iling lang siya sakin.

Aalisin ko na sana ang pagkakahawak niya sa akin ng bigla nalang niya akong niyakap.

"Akala koba magpapansinan na tayo."

Pansin ko sa salita niya na nasasaktan siya.

Pinilit kong hindi umiyak pero hindi ko kaya.

Tuluyan ng tumulo ang luha ko.

"Ano bang pinagkakaganyan mo?" Mahina niyang tanong sakin.

"Wala kang alam!" Sigaw ko dito na siyang kinabigla niya.

"K-kuya, suntukin mo nga ako...bugbugin mo nga ko, yung mas masakit kesa sa nararamdaman ko ngayon." Hangulngol na iyak ko dito.

Pansin ko na tumahimik siya. Nalilito siguro siya sa sinasabi ko.

"Sa akin kaba galit." Tanong niya sakin.

Umiling iling lang ako habang tinatanggal ang pagkakayakap niya sa akin.

Tumalikod nalang ako sakanya dahil hindi ko na kaya at baka masabi ko pa ang hindi dapat.

"Kausapin mo ako peter! Ano aalis ka nanaman, tatalikuran mo nanaman ako. Kuya mo ako!" Ramdam ko sa boses niya na naiinis siya sakin.

Tumayo lang ako at hindi naglakad.

"Oo alam ko. Kuya kita at kapatid mo lang ako. At kahit kailan ay hindi ko na mababago yun." Malamig na sambit ko dito.

Tumingin lang ako sa kanya at pansin ko na nalilito siya sa sinasabi ko.

Yumuko nalang siya ng mapansin niyang nakatingin ako sakanya.

"Matagal ko ng gustong sabihin sayo ito...sinusukan ko dati.. kaso hindi ko nagawa dahil natakot ako. Natakot ako na baka magbago ang pagtingin mo sakin at iwasan mo ako ng tuluyan, takot na takot akong mawala ka. Dahil Makasama lang kita ay ayos na sa akin."

Nakatingin lang siya sa akin habang nangingilid ang luha.

"Sorry, pero pinilit ko namang pigilan ang nararamdaman ko para sayo. Dahil alam ko na lalake ka at lalake din ako. Pero hindi e... hindi ko napigilan. Hanggang sa dumating si jane. Sobra akong nagseselos, pero hindi ko pinapahalata sayo. Hanggang sa tuluyan ka ng hindi namansin sakin." Garalgal na ang boses ko pero tinuloy ko parin.

"Alam mo bang sobra akong nasasaktan na minsan hinihiling ko nalang na sana...na sana babae nalang ako tulad ni jane. Kasi pakiramdam ko wala akong kwenta sayo."

Lumuluha na din siya tulad ko dahil siguro naawa siya sakin..dahil minahal ko siya at hindi niya mababalik ang pagtingin ko sakanya.

"Tanggap ko naman na hanggang kapatid lang ang turing mo sa akin. Pinilit kong huwag masaktan pero anong magagawa ko, mahal talaga kita e at talo ako dahil minahal kita. Alam mo bang kung ano-ano ang mga naiisip ko, para lang kalimutan tong kalokohang nararamdaman ko sayo."

Iyak lang ako ng iyak habang nakatingin sakanya hindi ko na kaya to.

Nasasaktan ako sa maaaring sabihin niya sakin.

Na baka tama nga ako..na hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko sakanya.

Humarap lang ako sakanya at pilit na pinapakalma ang sarili kahit na sirang sira na ako.

"Ngayon, alam mo na ang lahat. Anong masasabi mo?" Nasasaktang tanong ko sakanya.

Ayukong marinig dahil baka ikamatay ko.

Ang daming pumapasok sa isip ko na baka nga wala talagang pag-asa na hindi talaga niya ako mahal na napaka assuming ko para tanungin siya kung anong masasabi niya sa pagtatapat ko.

Pero wala e, kahit 1% lang umaasa ako na baka mahal din niya ako na baka may pag-asa kahit na sa tingin ko hinding hindi mangyayari.

Mas lalong lumakas ang iyak ko ng makita ko siyang dahan dahang umiiling.

Hindi niya magawang magsalita.

Kahit sa simpling iling lang niya nasasaktan ako.

Libo libong karayom ang tumutusok sa puso ko. Tama nga ako hindi niya din ako matutunan mahalin.

Huminga muna ako ng malalim pagkatapos umiling.

Tumalikod nalang ako..talikod na siyang yumarak sa puso ko.

Sa huling sandali narinig ko pa ang boses niya na tinawag ako. "P-peter."

Gusto ko siyang lingunin at sabihing baka pwedeng pagbigyan niya ako. Na pwede bang mahalin din niya ako.

Na kung pwede lang.

Pero nagmatigas ako dahil wala naman na akong magagawa. Dahil kelan man hindi niya ako matutunang mahalin.

-----