webnovel

Bring Me

"Shailesh!", My friend called me as soon as I arrived. She is now sitting under the tree.

We are here at our school. No one will teach us because there are so many activities to do here. There are games prepared. There are also booths and something else.

Nadaanan ko ang long time crush ko na si Yoshen habang naglalakad ako palapit sa kaibigan ko. Ito na naman si heart, parang gustong kumawala sa dibdib ko.

Binilisan ko nalang ang paglalakad hanggang sa makarating ako kay Kate (name ng friend ko). Umupo muna ako at nakipag-kwentuhan sakanya.

Sumulyap ulit ako kay Yoshen at nakita kong nakatingin siya saakin? Pero imposible naman 'yon, hindi niya nga ako napapansin ehh. Inilibot ko na lamang ang aking paningin at tiningnan ang ibang estudyante na busy sa pag-aayos ng kanilang mga booths.

"Good morning, students. Narito tayo ngayon dahil sa pagsisimula ng ating festival this year. May inihanda kaming mga palaro para sa inyo, lahat po ay pwedeng sumali." Pagsisimula ng aming SSG V-Pres. Marami pa siyang sinabi ngunit hindi ko na pinasin yun dahil nakatingin lang ako kay Yoshen. Btw, siya pala yung SSG President ng school namin. He's also the son of the owner of this school.

Nang matapos na si Kailey (name ng SSG V-Pres.), nagsimula na ang mga palaro. Maraming sumali, pati mga kaibigan ko nakilaro na din. Ako nalang ang naiwan dito habang nanonood sakanila. Minsan nga natatawa ako dahil may nadadapa nung laruin nila ang patintero. Oo, parang bumalik lang kami sa pagkabata.

May ilan pa silang palaro pero hindi ako sumasali. Sabihin man nilang kj ako, I don't give a care. Bahala sila diyan, basta wala ako sa mood.

"Ang lalaruin naman natin ngayon ay ang bring me," wika ni Kailey.

Nagsimula ulit ang palaro. Maraming siyang pinakuha. May pagkakataon nga nung sinabi niyang " bring me, something sweet" maraming tumakbong couples, sweet daw kasi sila ehh HAHA.

"Bring me, your crush," wika ulit ni Kailey at saka tumingin saakin. Nakangisi siya saakin. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Nakita kong napatawa siya dahil sa inasta ko.

She's also my friend. Siya at si Kate lang ang pinagsabihan ko ng tungkol kay Yosh.

Napapikit at napatili ako nang may bumuhat sakin at tumakbo bigla. Iminulat ko ang mga mata ko ng tumigil siya at maraming tumili. Ina-adjust ko pa muna ang mata ko upang makita kung ano ang tinitilian nila. Nang naging maayos na ang mga mata ko, sumalubong ang mukha ng taong mahal ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang gusto nitong lumabas saaking dibdib. Para bang wala na akong nakitang ibang tao o narinig man lang dahil nakatingin lang ako sakanya.

"And the winner is... Yoshen Candovar. Ayieeee, sana all, pres. HAHAHA," nabalik ulit ako sa sarili ko nang magsalita si Kailey.

Huh? Ano bang sinasabi niya? Uhh wait… diba kanina ang sabi ni Kailey ay dalhin sa kaniya yung crush namin? OMG!? So it means ako yung crush ni Yosh? Hala! Ni-crushback na ako, yung nagbabasa hindi pa, charot lang mga bb. Alam ko namang dadating ang oras na papansinin din kayo ng crush nyo. Pero kung hindi na talaga, uncrush mo na tapos hanap ka ulit ng bago haha kidding.

The End.