webnovel

The Haunted Mansion

WARNING: Typos and Grammatical errors ahead. If you don't want to read about killings, you can move on to the other stories. There are words that can be trigger to readers and bawal sa mga sensitibong tao.

Rose POV

I'm Rose and nandito ako sa isang lumang bahay kasama ang walo kong kaibigan. Si Daisy, Janine, Leslie, Fredelyn, Jeremie, Hero, Nor, and Santiago but we prefer to call him Oli.

"Rose, alis na tayo dito!" wika ni ate Leslie. Siya yung pinakamatanda saamin pero yung height niya pangbata, charot, peace tayo ate HAHA.

"Ano ka ba? Nandito na nga tayo tapos hindi pa tayo tutuloy? Saka ikaw ang nagyaya saamin na pumunta dito hindi ba?", tuloy-tuloy na sabi ni Fredelyn. It's true though haha si ate ang nagyaya saamin dito kasi ang boring daw saka para makapag-bonding din daw kami.

"Mag-iingay lang ba kayo diyan? Bukas na yung pinto. Look oh", wika ko at tinuro yung pintuan.

"Wait... sino ang bumukas n'yan?", nagtatakang tanong ni Janine na sinang-ayunan naman ng iba.

Napatigil naman ako at napagtanto ang kanyang sinabi. Tiningnan ko sila at nakita kong parang kinakabahan sila.

"Alis na tayo? Hehe," wika ulit ni ate Les pero hindi siya pinansin ng iba at naglakad na papasok sa lumang bahay.

Naramdaman kong parang may nakatingin sakin. Inilibot ko ang aking paningin at wala naman akong ibang nakita kundi ang mga kaibigan ko lang.

Nagkibit-balikat na lamang ako. Siguro ay guni-guni ko lamang iyon.

Hindi ko namalayan na naiwan na pala ako ng mga kasama ko. Dali-dali naman akong tumakbo palapit sakanila.

"Bakit ba nang-iiwan kayo? Hindi niyo pa sinabi saakin na nakapasok na pala kayo sa pangit na mansyong ito", wika ko at nandidiring tiningnan ang buong bahay.

"Tinawag ka kaya namin pero hindi ka naman nakikinig at nakatulala ka lang", usal ni Daisy na nasa tabi ko na pala.

"Stop the chitchat guys, nandito tayo para mag-bonding, hindi mag-away," wika naman ng camera shy na si Hero.

"Kaya nga, kalma lang ha?", pagsang-ayon naman ni Nor.

"Agreed", wika naman ni Oli.

Tumahimik nalang ako at hindi na sila pinansin. May nakita naman akong hagdan kaya pumunta ako doon. Tinatawag nila ako ngunit hindi ako nakinig.

Pagkaakyat na pagkaakyat ko, may narinig akong parang nahulog na bagay. Inisa isa ko ang mga kwarto doon pero wala naman akong nakita.

Pabalik na sana ako sa baba ngunit may narinig ulit akong tumutugtog. Kinabahan ako. Isang kwarto lang naman ang nakitaan ko ng piano at iyon ang nasa pinakadulo.

Hindi na sana ako pupunta sa kwarto na iyon pero parang may humihila saakin para silipin 'yon.

Pagkarating ko doon ay bigla na lamang tumigil ang tugtog. Binuksan ko ang pinto at lumikha ito ng malakas na tunog.

Dahan-dahan akong naglakad papasok. Pagdating ko sa may piano ay tumugtog ulit ito kahit na wala naman akong nakikitang nagpapagana nito.

Aalis na sana ako ngunit biglang sumara ang pinto.

"Ahhhhhh", sigaw ko ng may biglang humila ng kamay ko.

Titignan ko pa sana kung sino 'yon ngunit ang sumalubong saakin ay isang kutsilyo. Isinaksak niya ito saaking leeg kaya sumirit ang aking dugo.

Naririnig ko ang pagtawag saakin ng aking mga kaibigan ngunit wala na akong lakas para humingi ng tulong.

Narinig ko rin ang tunog ng isang bagay. Para siyang chainsaw. Bago pa magdilim ang aking paningin, naramdaman ko ang paglapat ng bagay na iyon saaking tiyan.

FREDELYN'S POV

(Nung time na umaakyat pa lang si Rose sa hagdan)

Tinawag namin siya ngunit hindi siya tumitigil sa pag akyat. Napahawak na lang ako sa aking sentido dahil sa katigasan ng kanyang ulo. Napag-usapan na namin kanina na huwag lalayo sa isa't isa pero hindi siya nakinig.

"Ahhhhhh," rinig kong sigaw niya. Tiningnan ko ang mga kasama ko at nakita kong nabigla din sila kagaya ko.

Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at umakyat na. Nagmamadali kaming lahat dahil nag-aalala kami sakanya.

Nang makarating kami sa taas ay binuksan namin lahat ng pinto na makikita namin habang tinatawag ang pangalan niya.

Wala siya sa mga kwartong 'yon.

Napatingin ako sa huling pintuan na hindi pa namin nabubuksan. Sa hindi mawaring dahilan, bigla na lamang bumilis ang tibok ng aking puso.

Kinakabahan ako...

I knocked on the door and I call her name. "Rose? Nandiyan ka ba? Hello? Rose?", paulit-ulit ko iyong sinabi ngunit walang sumasagot.

Binuksan ko ang pintuan gamit ang aking nanginginig na kamay. Naglikha ito ng nakakatakot na ingay kaya napapikit ako.

I'm scared...

Dahan-dahan akong naglakad habang nakapikit ang aking mga mata. Naririnig ko din ang mga yapak ng aking kaibigan. Naroon sila sa kabilang banda. Kaliwa't kanan kasi ang daanan sa palapag na ito.

Ilang hakbang lamang ang ginawa ko at narinig ko ang isang nakakatakot na tunog likha ng isang kagamitan sa musika.

Naramdaman ko na mas bumilis ang tibok ng aking puso. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata.

Sa tapat ko ay nakita ko ang isang katawan na hindi na masyadong makilala dahil binalatan ang kaniyang mukha. Labas din ang kaniyang mga lamang loob kasama na ang puso.

"Wahhhhhhhh," nabigla ako sa aking nakita. Kasabay ng aking pagsigaw ay ang pag-agos ng aking mga luha. Nakilala ko ang kaniyang suot na kuwintas. Meron kaming gano'n. Siya ang kaibigan namin. Siya si Rose.

DAISY'S POV

Narito kami ngayon sa kabilang pasilyo at binubuksan ang lahat ng makikita naming kuwarto. Inilibot ko ang aking paningin sa aking mga kaibigan at napansin na wala si Lynlyn. Isisigaw ko na sana ang kaniyang pangalan nang may marinig kaming ingay sa kabilang pasilyo.

Dali-dali kaming tumakbo papunta roon at nakita namin siyang nakatulala sa isang direksyon. Tiningnan namin kung saan siya nakatingin at naluha sa aming nakita. Wala na ang isang kaibigan namin. Sino ang gumawa nito sakanya? Halang ang kaniyang kaluluwa. Wala siyang awa.

Nilapitan ko ito at mas lalo akong naiyak. Ayaw kong tanggapin. Hindi ko kaya... hindi.

"G-guys, sino 'yang nakatayo sa gilid?", rinig kong utal na wika ni ate Leslie.

Naramdaman kong natigilan din ang aking mga kaibigan. Nanatili lamang akong nakatingin sa aking matalik na kaibigan at patuloy sa paghikbi.

"U-umalis na tayo, b-bilisan niyo!", nanginginig na usal ni Jeremie. Narinig ko ang kaniyang mga yapak papalayo. Sumunod din ang iba ko pang kaibigan ngunit hindi ako sumunod.

Hindi ko kayang tumayo. Nanghihina ang aking mga tuhod. Naririnig ko ang mabagal na hakbang ng kung sino man ngunit hindi ko ito binigyan ng pansin.

Nakatitig lamang ako sa katawan ng aking kaibigan. Ilang segundo lang ang lumipas ay naramdaman ko ang isang malamig na bagay na nakatutok saaking sentido. Natigilan ako.

Isa itong baril...

Napapikit ako nang mas lalo niyang idiin ang bagay na iyon sa aking sentido. Wala na akong magagawa. Hindi ko kayang tumayo dahil sa sobrang panghihina ko. Hindi rin ako makatakbo dahil alam kong wala rin naman akong takas.

Biglang humangin ng malakas kasabay nito ay ang pabagsak na pagsarado ng pintuan. Nanginginig ako sa takot.

"Are you ready to die my love?" Wika niya.

Napatigil ako nang marinig ko ang kaniyang tinuran. Kilala ko ang kaniyang boses. Isa siya sa pinagkakatiwalaan ko. Siya ang taong mahal na mahal ko pero bakit siya naging ganito?

Marami pa akong katanungan saaking isip ngunit hindi ko na ito natapos nang biglang maramdaman ko ang pagtama ng isang bagay saaking likuran.

"Sayonara." Huling narinig ko bago magdilim ang aking paningin.

To be continued...