webnovel

Confrontation!

Editor: LiberReverieGroup

Sa Royal City.

Unti-unting lumilipas ang mga segundo habang patuloy na nagpapapain si Marvin kay Glynos.

Nanatili siya sa Stealth, nagpapanggap na hinahanap niya si Glynos, pero mas mahaba pa ang pasensya ng Shadow Prince kesa sa inaakala ni Marvin.

Sigurado siya na nasa bandang likuran niya na si Glynos. Ganito ang gawain ng mga Assassin.

Dahil kampante si Glynos sa kanyang Stealth, siguradong maikli lang ang distansya nila sa isa't isa.

Habang nagpapatuloy ito, marami nang ipinakitang kakulangan at butas si Marvin.

Marahil ang iba ay hindi na makapagpigil na umatake kapag sila ang nakakita ng mga butas na iyon.

Pero pinigilan ito ni Glynos.

Mahinahon siya tulad noon.

Nainip naman si Marvin dahil dito.

Lumipas muli ang kalahating oras. Hindi magtatagal, eepekto na ang ikalawang sumpa.

'Hindi kaya hinihintay niyang umepekto ang ikalawang sumpa bago niya ko subukang patayin?'

Nanlumo si Marvin.

Dahil posible ito.

Kahit na naging arogante ang Shadow Prince magmula noong nag-ascend ito, sa larangan ng pag-assassinate, siya pa rin ang pinakamahusay sa lahat noong ikatlong Era.

Syempre, malakas rin naman si Marvin sa aspeto na ito. Sa katunayan, sigurado si Marvin na kayang-kaya niyang talunin ang Shadow Prince sa direktang laban dahil sa kanyang mga PK skill.

Simple lang ang dahilan. Hinahasa ng mga manlalaro ang kanilang mga PK skill at mga taktika sa gamit ang mga matitinding laban. Eksperto si Marvin sa ano mang larangan, maging mga Instance, Story Quest, Duel, o War.

Tunay na makapangyarihan ang mga god. Sanlibong taon silang nabubuhay at nakaranas na ng napakaraming labanan. Pero hindi sila katulad ng mga player na may pagkakataon mabuhay uli pagkatopos mamatay.

Hindi rin sila agresibo.

Sa tantya ni Marvin, ang mga pinakamahusay na manlalaro ng larong – Feinan Continent – ay halos pareho na sa mga god ang mga karanasan nito sa pakikipaglaban nang makalahati ng mga ito ang laro.

Sino mang manlalaro ay magkaroon ng instinct at combat skill pagkatapos mamatay nang napakaraming beses, lalong-lalo na ang mga expert gaya ni Marvin.

Kaya naman, sa isang direktang laban, sa parehong level, hindi kinakatakutan ni Marvin si Glynos!

Pero kailangan niya munang makakuha ng pagkakataon.

Pinapatagal lang ng Shadow Prince ang laban. Kahit na patuloy na nagpapakita ng kakulangan si Marvin, pinigilan ni Glynos ang kanyang sarili.

Nainip naman si Marvin dahil dito.

Lalo pa at siya naman ang makatatanggap ng pag-atake. Kahit papaano ay nararamdaman ng Hellhound na nasa paligid na si Glynos, pero mahirap para dito ang hanapin ang eksaktong lokasyon nito.

Tungkol naman sa malawakang magic, maging ang Blazing Fury man o ilang magic scroll na dala niya, sa tingin niya ay walang kahit alin dito ang eepekto kay Glynos.

Dahil sisimulan pa lang ni Marvin ang pag-cast, siguradong nakalayo na ang Shadow Prince.

Mabibigyan pa si Glynos ng babala.

'Konting tyaga pa,' pangungumbinsi ni Marvin sa kanyang sarili.

Dahan-dahan siyang papalapit sa daan papasok ng siyudad.

Mahigpit na nakasara ang gate ng siyudad, at wala na rin ang mga gwardya sa city wall.

Masyado syang kinakabahan. Wala siyang magawa. Kahit na mahusay si Marvin sa pag-assassinate at counter-assasination, ang Shadow Prince ang kalaban niya. Nanganganib si Marvin lalo pa ngayon dahil dehado siya sa laban na ito.

Kapag umepekto na ang sumpa, kung walang magliligtas sa kanya, o papatay kay Glynos, hindi niya alam kung kaya pa niyang depensahan ang kanyang sarili.

Nag-alala si Marvin habang iniisip ito.

Biglang mayroon siyang mga naalala:

Ang gulat noong nag-transmigrate siya, ang mabilis na pagkalma at pakikibagay niya sa mundong ito, ang nag-aalalang reaksyon sa mukha ni Anna, si Wayne na umaasa sa kanyan, ang buong White River Valley…. At ang malamig na reaksyon sa mukha ni Hathaway bago siya umalis!

Tila natigilan siya nang maalala niya ang mukhang iyon.

Hindi pa niya naisip ito noong una, pero ngayong maaari siyang mamatay, naramdaman niyang napakaganda pala ng reaksyon na iyon sa kanyang mukha.

At sa pananaw ni Glynos, naging kakaiba ang pagkilos ni Marvin.

Para bang nanigas ito at nag-iba ang pagkilos na para bang hindi sinusunod ng kanyang katawan ang kanyang isipan.

'Umeepekto na ba ang sumpa?'

'Hehe, mataas pala talaga ang kanyang resistance. Mabuti na lang at hindi ako naging pabaya at ipinagpatuloy ko ang pagsunod sa kanya. Paano na lang kung nakabalik siya sa Feinan? Walang makakapagsabi kung makakahanap ang grupong iyon ng paraan para matanggal ang sumpa ng Nightfal.'

Kampanteng ngumiti si Glynos.

At bigla siyang nawala.

Isang simpleng pahigang paghiwa ang pumunterya sa leeg ni Marvin!

Nang maramdaman ang malamig na awra sa kanyang likuran, biglang nagising mula sa pag-alala si Marvin.

'Kumilos na siya?'

Natuwa siya! Agad na kumilos ang kanyang katawan at ginamit ang curved dagger para umatake sa kanyang likuran!

"Clang!"

Isang malinaw na ingay ang umalingawngaw. Hindi makapaniwala si Glynos nang maharangan ng Blazing Fury ang kanyang Nightfall!

Ngumiti si Marvin.

Sa lalim ng alitan ng dalawa noon. Umabot na ito sa punto na alam na ni Marvin ang halos lahat ng tungkol sa Shadow Prince!

Kasama na dito ang mga kaugalian at atake nito.

Hindi niya inaasahan ang unang pag-atake nito kanina, dahil isa itong mapangahas na desisyon ni Glynos.

Pero sa pagkakataon na ito, handa na siya. Kahit na bahagyang lumulutang ang kanyang isipan, mabilis pa rin ang naging reaksyon ng kanyang katawan!

Dahil ito sa Superior Reflex specialty na humalo sa kanyang natural na kakayahan; sadyang pambihira ang bilis ng kanyang reaksyon!

Bago pa man makapag-isip si Glynos, umatake na muli si Marvin!

Inulan si Glynos ng mga atake ni Marvin.

Sa pagkakataong ito, umikot na si Marvin at umatake na!

Walang magawa ang Shadow Prince kundi salagin ang mga ito!

Sinubukan niyang gumamit ng spell para makatakas, pero dahil narito na siya sa harap ni Marvin, hindi na siya pinakawalan nito.

Mabangis ang pag-atake ng kanyang mga curved dagger, kahit na hindi ito kasing liksi ng straight dagger sa isang malapitang laban, mas mabagsik naman ito!

Hindi naman gaanong lumaban si Glynos kay Marvin. Sa kanyang pananaw, hindi magtatagal, mamamatay rin si Marvin dahil sa mga sumpa.

At ang katawan niya ay mayroong hindi bababa sa 5 puntos ng Divinity at sapat na Divine Source.

Kung matalo ang avatar niyang ito, malaki ang mawawala sa kanya!

Kaya naman, naging maingay siya sa pakikipaglaban at sinalag lang ang mga mabagsik na atake ni Marvin!

[Vanish]!

Sinamantala ni Glynos ang maliit na agwat nila at agad na gumamit ng Vanish.

Pero hindi niya inasahan na noong paglitaw niya sa gate, mabilis naman na susunod si Marvin sa kanya!

Shadow Escape!

Para bang isang anino na nakabuntot sa isang tao.

Umabot na sa sukdulan ang pwersa ni Marvin. 

Pareho silang level 18, pantay rin ang kanilang taglay na Divinity, at ang mga attribute ng avatar ng Shadow Prince ay bahagyang mas mababa kumpara sa kanya.

Kung hahayaan pa siyang makatakas ni Marvin, hindi na nararapat sa kanya ang katagang Godly Player.

Noong magtagpo sila, sinamantala ni Marvin ang malapitang laban nila para kumuha ng isang hibla ng buhok at gumamit ng Night Tracking.

Dahil sa gabay na binigay ng Night Tracking, hindi niya na maaaring patakasin si Glynos!

Sa tingin ni Marvin, ang pulang linya ay patungo kay Glynos. Kinakabahan si Glynos at tinangkang sapilitang tumakas

Ngumiti ng mabagsik si Marvin. Hinarangan niya ang daan patungo sa papasok ng siyudad.

Sa sumunod na sandali, gumamit siya ng [Night Beheading]!