webnovel

Twelve Curses

Editor: LiberReverieGroup

"Pop!"

Sa isang iglap, namula ang paningin ni Marvin.

Hindi mabilang ang mga logs na lumabas sa kanyang harapan.

Isang matinding sakit ang naramdaman ni Marvin sa kanyang ulo at halos himatayin ito!

Mabuti na lang at matatag ang kanyang willpower. Kinuyom niya ang kanyang ngipin at ininda ang sakit.

"Glynos!" sigaw ito, kasabay ng biglang pagtalikod, gamit ang Blazing Fury intake niya ito!

Ngumiti lang ang Shadow Prince sa harap ng mapaghiganting curved dagger ni Marvin. Malinaw na wala itong balak kalabanin ito nang harapan.

Isa siyang Assassin, at ang kalaban niya ay isang Ranger. Kahit na sa puntong ito, hindi pa rin niya hahayaang malamangan siya ni Marvin sa isang harapang laban.

"Woosh!"

Biglang nawala ang Shadow Prince sa kanyang harapan!

Namumutla ang mukha ni Nana, agad namang lumapit si Orland na nasa tabi!

Hindi nagtagal ang lihim na pag-atake na iyon, pero malaking pinsala ang tinamo ni Marvin!

'Mabuti na lang… 4th rank na ako!'

Nakakuha na siya ng Fatal Injuries Immunity nang maabot niya ang 4th rank Night Walker!

Kahit pa masaksak ng dagger ang kanyang puso, at makatamo ng matinding pinsala, hindi siya agad-agad mamamatay dahil dito.

Namumutla na rin si Marvin, nabalot ng malamig na pawis ang kanyang noo.

Hindi ang matinding sakit na nararamdaman niya ang pinakamalaki niyang problema.

Ang pinakanakakatakot dito ay nasugatan siya ng Nightfall!

Ang sino mang tamaan ng Nightfall ay makakatanggap ng labing-dalawang nakakatakot na sumpa!

Masama na ang kondisyon ni Marvin. Isa pa, siguradong hindi agad aalis si Glynos. Kahit na matagumpay nitong tinamaan si Marvin, hindi ito lalayo. Nanganganib si Marvin!

"Sir Marvin!" Sigaw ni Nana. "Ang kamay mo!"

Makikita ang mga senyales ng petrification sa kaliwang kamay ni Marvin.

Sumimangot si Marvin.

Ang unang sumpa, Petrification.

Kaya niya itong indahin.

Matapos niyang ibigay ang katawan ng Red Dragon kay Constantine, naghanap siya ng ilang Master Alchemist para gumawa ng ilang magic potion, at isa sa mga ito ay ang Anti-Petrification Potion!

Mayroong mataas na resistance ang mga Dragon sa Petrification.

Sa puntong ito, hindi na nagdalawang isip si Marvin na inumin ang Anti-Petrification Potion!

Agad niyang inubos ito!

Lalo pa at nasa bingit na siya ng kamatayan, kaya naman hindi na inalala ni Marvin kung malaki ang sinayang niya o hindi.

Isa pa, higit sa kalahating dosena pa ang potion niyang iyon!

Pagpasok ng potion sa kanyang katawan, isang kapangyarihan ang kumalat sa kanyang mga buto, kamay at paa.

Himalang gumagaling na ang kanyang kaliwang kamay.

Pero hindi pa rin maipinta ang mukha ni Marvin.

Pinigilan niya lang pansamantala ang problema. Hindi lang isa ang Petrification na dala ng Nightfall.

Base sa kanyang karanasan sa pakikipaglaban sa Shadow Prince, pagkatapos masugatan ang sino man ng Nightfall, isang oras ang pagitan ng unang sumpa at ng ikalawa.

Dahil hindi alam kung ano ang kasunod na sumpa, kamatayan na ang naghihintay para sa mga pangkaraniwang taong tinatamaan ng Nightfall!

Ang [Nightfall] ang pinapangarap na Artifact ng mga mga masasamang Assassin. Gustong-gusto ni Glynos na sinasaksak ang kanyang kalaban at iwan ito. Pagkatapos, saka niya papanuoring mamaay ito dahil sa mga sumpang kalakip ng Nightfall.

Pero hindi niya binalak na umalis ngayon.

Patuloy na tumahol ang Hellhound.

Tila nararamdaman nito na nasa paligid pa ang Shadow Prince.

Pinagmasdan naman ni Marvin ang bawat sulok ng patyo.

Unti-unti nang dumidilim ang kalangitan at ang Great Wizard na si Orland ay nag-cast na ng kanyang sariling Barrier, kasama sa loob sina Nana at Marvin.

Tila walang kayang sumira sa ginintuang Barrier ni Orland. Pero alam ni Marvin na kung gugustuhing makalusot ng Shadow Prince sa Barrier na iyon para atakihin muli siya, madali lang ito para sa kanya.

Kailangan niyang maging alisto.

Matira ang matibay ang laban na ito, pero hindi ito ang nais na laban ni Marvin.

Dahil habang lumilipas ang oras, mas pabilis nang pabilis ang pagitan nang mga sumpa. Sa tuwing eepekto ang isa sa mga sumpa, unti-unting bibilis ang pagdating ng kasunod!

Paikli nang paikling ang pagitan ng mga ito. Kung tutuusin, kung mabuhay ka hanggang sa dulo, magkakaroon ng labing-dalawang sumpa ang nakakabit sa katawan mo!

Sa ganoong sitwasyon, hindi ka na maililigtas kahit ng mga Great Druid.

Marahil isang Apostle ng Nature God o ng Dawn Lord na lang ang makakapagtanggal ng labing-dalawang sumpa nang sabay-sabay at maililigtas ang buhay ng taong iyon.

Pero ang dalawang Ancient God na ito ay mahimbing nang natutulog. Hindi rin madaling humagilap ng Apostle nito dahil mahirap makahanap ng mga tagasunod ang mga god na ito.

'Gusto akong patayin ni Glynos…'

Nararamdaman ni Marvin ang pagdurugo ng kanyang likod at nanlamig at nanigas siya.

Nagpaikot-ikot sa patyo ang kanyang mga mata.

Ginamit na niya ang Listen kaya kahit ang pag-ihip ng hangin sa damuhan ay nararamdaman niya.

'Naging pabaya ako… Hindi ko inakalang personal na kikilos si Glynos dahil sa mukha niya.'

'At kung ganoon, siguradong iniwan niya ang kanyang Divine Source.'

Isang mabagsik at malupit na reaksyon ang makikita sa mga mata ni Marvin.

Hindi kasing taas ng Shadow Prince ang kanyng Perception, at kahit na level 18 na lang si Glynos, napakalakas pa rin ng Stealth nito.

Pero hindi rin mapapansin ng Shadow Prince si Marvin kapag nag-Stealth ito!

'Mukhang pwede kong magamit 'yon…' Palihim na isip ni Marvin.

Tinanguan naman ni Marvin si Orland.

Sa isang iglap bigla siyang nawala!

Shadow Escape!

Dalawang beses naman tumahol ang hellhound, nag-aalala. Pero sinunod pa rin nito ang utos ni Marvin at nanatili sa Barrier.

Madilim na madilim sa labas ng Barrier.

Gamay ng mga Night Walker ang kadiliman!

Nagtago sa isang sulok si Marvin, agad niyang binalot ang kanyang sugat at nag-Stealth.

Sa katunayan, pain ang kanyang paggamit ng Stealth.

Sa Perception nito, hindi mahahanap ng Shadow Prince si Marvin dahil gamit nito ang Eriksson's Brooch.

Hindi rin dapat kalimutan na tinalo na dati ni Marvin ang Shadow Prince!

'Pwede ko lang siyang painin para lumabas siya sa lungga niya…'

Pilit na ngumiti si Marvin.

Kailangan niyang kumilos kaagad.

Dahil dehado si Marvin sa laban na ito kapag lalo pang tumagal ng laban.

Ang unang sumpa ay Petrification at mayroong potion si Marvin para labanan ito.

Pero paano ang ikalawang sumpa?

Ang pangalan ng bawat isa sa labing-dalawang sumpa ng Nightfall ay pumasok sa isip ni Marvin. Bawat isa sa mga ito ay nakamamatay para sa isang pangkaraniwang tao.

Kung hindi dahil sa Devil Bloodline ni Marvin, pati na sa kanyang Divinity, marahil namatay na siya.

Naalala niya ang anim sa mga sumpa: Petrification, Black Death, Crystallization, Bleeding, Poison, at Mutation.

Hindi alam ni Marvin ang anim na iba pa dahil apat na oras lang siya tumagal dati bago siya tuluyang namatay.

Hindi pa siya nagkakaroon ng pagkakataon na matutunan ang tungkol sa anim na iba pang sumpa.

Pero ang unang anim na iyon pa lang ay masakit na sa agad sa ulo.

'Sana Bleeding o Poison ang maging kasunod…'

inakabahang nag-iisip si Marvin habang naka-Stealth.

Kung isa sa dalawang ito ang magiging kasunod, mayroon siyang solusyon para dito. Kapag Bleeding, ibig sabihin ay hindi gagaling ang sugat at tatlong beses na mas mabilis ang paglabas ng dugo mula sa sugat.

Marami siyang Hemostatic Potion at mga benda para dito, kasama na ang isang Healing Ointment. Makakaya niyang labanan ang sumpa. Habang mataas naman ang resistance ni Marvin kung Poison ang magiging kasunod. Marami rin siyang antidote kaya siguradong kakayanin niya ito.

Kung Mutation, Black Death, o Crystallization ito, malalagay sa panganib si Marvin.

Babaguhin ng [Mutation] ang iba't ibang bahagi ng kanyang katawan… maaari ring magbago nang tuluyan ang kanyang buong katawan.

Pwede siyang maging palaka o ano pa man…

Mas nakakatakot naman ang [Crystallization]. Dahan-dahang magiging kristal ang kanyang katawan hanggang sa mabasag siya.

Ang [Black Death] naman ay isang sumpa ng kamatayan. Ganito ang naging pangalan nito dahil may mga kakalat na tila itim na sinulid ng gagamba mula sa kanyang puso.

Malaking problema ang ano man sa mga iyon para kay Marvin!

'Magkakaroon lang ako ng tyansang mabuhay kung makakabalik ako sa Feinan!'

Sa puntong ito, pinilit huminahon ni Marvin.

Ipinatawag na niya ang mga Dark Knight. Nagtipon ang mga ito sa patyo at pinilit ang Great Wizard na si Orland na bilisan ang pagbuo sa Spece-Time Lighthouse para sa plane na ito.

Hindi maganda ang lagay nito. Pero basta maglagay siya ng malinaw na lokasyon, siguradong mapapansin ni Hathaway na may nangyayaring mali dahil sa kanyang Intellegence.

Kapag nangyari iyon, marami pang solusyon. 

Habang iniisip ito, nagdesisyon na si Marvin.

Bago umepekto ang ikalawang sumpa, mayroon siyang kulang-kulang isang oras para hanapin at patayin ang Shadow Prince!

Kahit pa may pinsala siyang natamo, kampante siya na basta mahuli niya si Glyns, hindi siya kayang tapatan nito dahil gabi.

Kakaiba ang pakiramdam sa Royal City kahit na mapayapa ang gabing iyon.

Isang kurpyo ang ipinatupad ng palasyo.

Walang makikitang tao sa mga kalsada.

Nagtatago si Glynos sa isang madilim na lugar, makikita ang pagkatuso sa kanyang mga mata.

Nararamdaman niya ang mahinang awra na nasa kapaligiran.

'Mukhang mayroon na siyang Fatal Injuries Immunity at nagawa niyang labanan ang unang sumpa.'

'Isa rin siyang Ranger na sa sobrang lakas ng kanyang Stealth ay hindi ko siya mahanap gamit ang aking Perception. Siguradong mayroon siyang magandang item.'

'Sayang…. Kawawa naman dahil nararamdaman ko kung nasaang direksyon ka dahil umabot ka na sa limitasyon ng kapanyarihan sa plane naito. At mukhang hindi mo rin alam na bukod sa pagkakaroon ng sumpa dahil sa Nightfall, nagkaaroon rin ang sino mang tamaan nito ng kaunting awra ng Nighfall.'

'Kahit na hindi ka mahanap ng Perception ko, masusundan ko pa rin ang awra ng Nightfall!'

Pagkatapos isipin ito, isang nakakatakot na reaksyon ang makikita sa mga mat ani Glynos.

'Isang malakas na Ranger na mayroong Night Walker advancement class… Siguradong magiging mas makapangyarihan siya kapag umabot siya ng Legend Realm.'

'Kailangan ko na siyang mapatay bago pa mangyari iyon!'

Dahan-dahan niyang sinundan ang awra.

Sa kadiliman, maingat na kumilos si Marvin, makikita ng kumpiyansa sa kanyang mga mata.

Alam niyang hindi siya tuluyang naitatago ng kanyang Stealth mula sa Shadow Prince, pero ginamit niya ito bilang pain.

Sa pagkakataong ito, handa na siya.

'Glynos, dahil naglakas loob kang kumilos, hindi kita hahayaang makalabas ng plane na ito nang buhay!'

Determinado si Marvin!

Sa Royal City, dalawang anino, isa sa harap at isa sa lkod, ay ay ibang iniisip.

Samantala, sa isang sulok ng Arborea, anim na pigura ang sunod-sunod na lumitaw mula sa kalangitan.

"Sana may oras pa," sabay-sabay na bulong ng anim na anino.