webnovel

My Native Wife 2:Jason and Lara [Tagalog Completed]

How really important it is to follow even the simplest of instruction? Well, it could mean life and death. Lara Sandoval, a newbie journalist slash meticulous woman was assigned to cover her first ever magazine show in Benguet. The supposed to be work with pleasure turned to be a disaster. Her life became miserable after she disobeyed the simplest of instruction. And the only way to get away from the mess was to marry a marrying age man in the clan. However somewhere middle of it the man fell in love with her but she just wanted to pretend to save her career. ✔This story is a sequel to My Native Wife. ⓓDISCLAIMER: This story is not intended to publicize someone's life. Please be informed that I created this based on my wildest imagination. Again and again, THIS STORY IS MERELY A FICTION. Like this story on Facebook! ⓕ http://www.facebook.com/mynativewife

AZKHA · ย้อนยุค
Not enough ratings
9 Chs

Chapter 5

Habang kasalukuyang naglibot sa mga magagandang tanawin ang team ni Lara, si Jason nama'y nagmumuni-muni sa nangyari at para bang hindi makapaniwala na nagkita sila uli ng insekiyurang babae. Ang liit talaga ng mundo at dito pa mismo sa liblib na lugar sila nagkita uli. Well, aminado naman siyang maganda talaga ang babae pero naiinis lang talaga siya sa mga maaarte. Natuturn-off kasi siya sa ganoong klaseng babae na kapag pakawalan sa bundok ay hindi na mabubuhay. Napailing nalang siya nang 'di namalayan sa mga bagay na naiisip niya.

"Ang liit ng mundo, ano?" Pinutol ni Gab ang pagmumuni-muni ni Jason. Nakangiti pa ito habang papalapit sa kaniya sa balkonahe.

"What do you mean, bro?" Patay-malisya niya. Mahirap na baka makarating pa sa lolo nila ang isyung ito. Kapag nagkataon, tiyak na tapos ang maliligayang buhay-single niya.

"Huwag mo nang ikaila. Alam ko ang nangyari sa inyong dalawa ni Lara kanina. Well, excited lang naman ang asawa ko sa natuklasan niya." Tinapik pa nito ang balikat ni Jason at tumawa nang makahulugan.

"Ano?" Parang namutla nang bahagya si Jason sa narinig niya. Alam na kaya ng lolo nila ang nangyari sa kanila ni Lara? Hindi niya napigilan ang sariling mabalisa, tanging dalangin niya na sana'y hindi pa ito nakarating sa lolo nila. Napasapo nalang siya sa kaniyang noo habang paroo't-parito sa balkonahe.

"Relax lang, bro. Ganiyan din ang pakiramdan ko noon eh. What a cliche! Pupuwedeng mangyari sa'yo ang nangyari sa'kin last year." Lalo pa itong tumawa nang malakas.

"Tumigil ka nga!'' Asik nito kay Gab.

"Whoa! Relax. Binibiro lang kita eh." Itinaas pa ni Gab ang mga kamay niya na waring sumusuko.

"Then, it's not funny!"

"Alright. Sorry na. Natutuwa lang talaga ako sa mga nangyayari. Pero sigurado naman akong hindi mangingialam ang asawa ko sa bagay na 'yan."

"Sana nga. Pero kailangan kong makasigurado."

"Baka pauwi na sila kaya abangan mo nalang para matiyak mo."

"Right! You're right. Diyan ka lang, huwag kang susunod." Wika nito habang kumaripas ng takbo palabas.

Nag-abang siya ng may kalayuan sa bahay nila. Mahirap na baka makita pa sila ng lolo nila at maghinala. Inabot siya ng 20 minuto bago niya natanaw ang grupong pauwi. Hindi na niya natiis at sinalubong niya ang mga ito. Binati siya ng mga kasamahan ni Lara pero deadmahan lang silang dalawa.

"O kuya, saan ka pupunta?" Tanong ni Ariya sa kaniya.

"Ikaw ang sadya ko. I wanna talk to you." Seryoso niyang tugon. Kinabahan naman si Ariya sa tinuran niya.

"Uhm, Ms. Lara, you better go ahead. I guess we have an import matter to discuss."

"Okay, no problem.''

Hinayaan nila munang makalayo si Lara saka sila nag-usap.

"So, what now?" Bungad ni Ariya.

"I have a favor to ask..."

"Uh hmmm."

"I know I caused so much trouble on you last year but please, don't tell apo about Lara, okay?"

"So, you're afraid that it might happen to you. Hmmm, this is funny!" Hindi napigilan ni Ariya na humagalpak sa kakatawa sa reaksiyon ng pinsan niya.

"Please, I beg you. I don't want another trouble again. What happened to you last year is more than enough." Malungkot na wika ni Jason.

"Don't worry. I'm not holding a grudge nor planning to revenge, okay? I promise, I will not meddle your love life."

"Thank you." Sa sobrang tuwa, niyakap niya ito nang 'di oras.

Sa kabilang banda, walang mapaglagyan ang inis ni Lara. Padabog siyang naghanap ng maisusuot para sa kaniyang gagawing interview ng pamilya. Hindi siya makapaniwalang may mga professional pala sa mundong 'to na antipatiko. Ni hindi man lang siya binati o nginitian kahit plastic man lang! Nanggagalaiti talaga siya sa sobrang inis.

"Grrr! Akala mo kung sino!" Wika niya habang pilit na hinihila ang kaniyang damit na kinain ng zipper ng maleta .

"Okay lang po ba kayo, Ms. Lara?" Parang natakot ang P.A. niya sa tinuran nito.

"I'm okay. I just can't simply take that arrogant. Please prepare my script and let's get this done before I lose my temper."

"Okay, Miss." Dali-dali namang sumunod ang P.A.

Napunit ang damit na dapat niyang suotin kaya nagpalit nalang siya ng casual wear. Bagama't ordinaryong skinny jeans at white blouse lang suot niya, bagay na bagay pa rin ito sa kaniya. Siguro sadyang bagay lahat ng puwedeng maisuot para sa isang sexy at magandang tulad niya.

Samantalang naghahanda din ang pamilya sa ganang sarili, si Lara nama'y nagrerehearse muna ng mga sasabihin habang inaantay na matapos ang pagseset-up ng mga gamit nila.

"Guys, are we all set?" Tanong ng director nila at nagsenyasan naman ang crew ng 'ok'.

"Okay, let's do this. Lights...camera...and action!" Sigaw ng director.

"Good day! Today, we're going to interview our beloved native fellow men about their culture, tradition and lifestyle. We're going to ask them one by one. It's really amazing to know that our beloved native here are able to speak English, so we'll be using English in this interview. Now, let's begin with the respected leader of the tribe, Apo Endo." Mahabang panimula ni Lara.

Isang masayang pag-uusap ang naganap sa pagitan ni Lara at ni Apo Endo. Marami talaga siyang natutunan tungkol sa kultura ng tribo nila at pati mismo ng personal na buhay nito. Sunod na kinapanayam niya ay ang mag-asawang Gab at Ariya dahil wala ang mga magulang ni Jason. Nagbakasyon ang mga ito pagkatapos agad ng reunion ng pamilya. Nang mapag-usapan nila ang buhay pag-ibig ng mga ito, namangha talaga siya dahil nagawang baguhin ni Ariya ang negatibong saloobin ni Gab pagdating sa usaping commitment.

"Wow! How inspiring to hear such story! By the way, how did you guys meet?" Bakas sa mukha ni Lara ang excitement.

"Well, it's a long and complicated story! But to make it short, honestly, it was a shotgun marriage. Whe he was on vacation here, unintentionally, he did something very serious with regards to our tradition that couldn't be forsaken nor disregarded." Wika ni Ariya habang naglalambing ito sa asawa niya. Hindi tuloy maiwasang mainggit si Lara. Naisip niya na sana siya ay magkaroon din ng magandang love story.

"Would you mind telling us?"

"I'm sorry, it's a family secret." Tugon naman ni Gab.

"Oh! It's okay. Anyway thank you for sharing your story with us. Up next when we return, let's hear the story of their very own doctor slash bachelor, Dr. Jason Attiw."

"And cut!" Sigaw ng director.

Kinabahan ng bahagya si Lara sa kaniyang huling linya. Hindi niya mawari kung bakit. Dahil ba makakaharap niya uli ito o dahil hindi parin mawala ang pagkadama niya ng hiya sa nangyari. Gayunpaman, nagtatanong ang isip niya kung bakit hanggang ngayon ay bachelor parin ang lalaki. Siguro babaero ang isang ito.

Maya-maya pa'y nagresume ang taping nila kaya bilang panimula~

"Welcome back! Now let's call on our last interviewee, Dr. Jason Attiw.''

Laglag ang panga ni Lara sa sumunod na nangyari. Hindi niya inaasahang magbeso ito sa kaniya. At may ibinulong pa ito.

"This is how the socialite welcomes a guest, right? May beso, hindi ba?"

Antipatiko! Naturingan pa man ding professional pero bakit wala itong modo? Kung 'di nga lang recorded ang pangyayari, matagal na niya itong nasampal eh. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. Naramdaman niya kasing may mainit na likidong umakyat hanggang pisngi niya. Mahirap na baka masira pa ang big break ng career niya.

"I~It's an honor to hear your story Dr. Attiw. L~Let's sit." Nauutal si Lara sa kapipigil ng kaniyang damdaming nagpupumiglas sa sobrang pagkabanas. Wala siya pokus habang nagsasalaysay ang binata sa tungkol sa pagiging netibo at dokor nito. Gusto na niya matapos ang diyalogo nila, kaya minadali niya ang kanilang usapan.

"Oh, you forgot to ask why I'm still a bachelor, Ms. Lara."

Nabigla siya sinabi ng lalaki kaya hindi siya nakapagsalita.

"I hate fussy, crabby, and demanding woman. Especially, a woman who can't survive in the jungle. Unfortunately, I still can't find a woman who can survive here. Maybe, I would rather DIE single if that's the case." Pagdiriin nito habang nakatitig kay Lara.

"Wow! What a word coming from a doctor! Well, may you find that ideal woman of yours."

"Gusto mo, ipaghahanda kita ng malilibingan mo?" Dugtong niyang wika sa isip.

Oo, sapol na sapol siya sa sinabi ng binata. Pero nakapawalang hiya naman niyang magpasaring kay Lara. Mapanghusga! Alam ba niya ang buong pagkatao nito? Natapos ang taping pero hindi parin sila nagkibuan off cam. Matindi talaga ang tensiyon sa pagita nila.