Palibhasa'y maaga silang nagising, naisipang magjogging nila Lara at ng mga kasama niya. Kailangang mapanatili nila ang healthy lifestyle lalo na at lagi silang nakaharap sa camera. Siyempre, hindi magpapahuli ang mag-asawang Gab at Ariya na nakanaugaliang ding tumakbo araw-araw. Malamig ang lugar kaya lalong kailangan nilang mag-unat ng kalamnan. Nang marating nila ang talon, lalong napahanga sila sa biyaya ng kalikasan.
"Whoa! Ang sarap maligo!" Bulalas ni Lara nagmamadaling lumusong.
"Ako din!" Wika naman ni Ria na P.A.
"Naku, Miss Lara baka 'di mo matagalan ang lamig. Ala sais pa oh, balik nalang kayo mamaya." Awat ni Ariya pero mukhang desidido ang dalawang maligo. Hanggang sa nagsilusungan na rin ang mga kasama nila.
"Halika ka, Mrs Ramos! Ang sarap maligo." Anang naman ng director na nakangisi pa at mukhang wiling-wili sa tubig.
"Go ahead. Sumama ka sa kanila." Wika ni Gab sa asawa niya habang nakapulupot ang mga kamay at braso nito sa baywang niya. Napangiti nalang si Ariya sa sweetness ng asawa.
"Magluluto pa ako eh." Tugon niya dito taglay ang matamis na ngiti bagay na hindi nakaligtas sa paningin ng mga kasama nila.
"Ang sweet naman talaga oh. Maligo muna kayo." Pinutol naman ng cameraman ang sweetness nila.
"Sige, kayo nalang. Magluluto pa kasi ako eh."
"Naku, ayaw mo lang mapalayo sa asawa mo eh. Kayo bahala." Kantiyaw ang sumunod na nangyari.
"Sige, mauna na kami para makapagluto." Sabay talikod ng mag-asawa at nilisan ang lugar.
Mga ilang minuto ang lumipas, umahon na si Ria at mukhang hindi na nakayanan ang lamig. Nagpaalam itong mauna nalang, pero si Lara mukhang nilubos-lubos na niya ang pagligo kasama ng lima pa. Para bang ngayon lang siya nakaligo ng talon at ninanamnam niya pa ang bawat bagsak ng tubig sa pisngi niya. Ang iba nama'y nagtaya-tayaan pa sa tubig na parang mga bata. At nang 'di na niya nakayanan ang lamig ng tubig, nagpaalam si Lara sa mga kasama nila para maunang umuwi.
Sa kabilang banda, napaaga ang uwi Jason at mukha atang walang kaalam-alam na may bisita pala sila. Dire-diretso siya sa kuwarto niya at naligo sa banyo. Hindi naman niya pinansin ang mga bagahe sa tabi ng kama.
Nagtaka naman si Lara kung bakit ang tagal naman ata maligo ni Ria. Mahigit dalawampung minuto na itong nakauwi at bakit hanggang ngayon ay nadatnan niya parin itong nasa banyo.
"Ria, pakibilisan naman. Nilalamig na ako eh." Wika niya habang nangangatog sa ginaw.
Lumipas na lang ang sampung minuto, wala paring lumabas. Kinatok niya puro bigo parin siya. Kinabahan tuloy siya baka may nangyaring masama sa P.A. niya sa loob ng banyo. Mabuti nalang hindi nakalock ang pinto. Dali-dali siyang pumasok para alamin ang nangyari sa loob.
"Ria, anong nang...INANG KO!!!" Napatili si Lara sa nakita niya. Sino itong nilalang na ito at paano ito nakapasok sa kuwartong ito? Hindi malaman kung tatakbo ba siya o pipikit. May nakita siya at siguradong hindi ito katawan ng babae. Para siyang naparalisa sa nakita niya at hindi niya maigalaw ang katawan.
"AHHH!!!" Sumigaw din ang lalaki nang mapagtantong may pumasok sa banyo niya at ito'y isang babae.
"AHHH!!!" Napatili uli si Lara at pumikit nang parang may nakita siyang kakaiba.
"Sino ka? Paano ka nakapasok dito?" Lalong nangatog si Lara sa nakita niya.
"For the love of righteousness, cover yourself!" Tulerong wika ni Lara. Dali-dali namang naghagilap ng tuwalya ang lalaki.
"Explain yourself!" Patuloy ni Lara.
"What! Are you nuts? I should be the one telling you that. How did you get here in my room?" Wika ng lalaki habang binabalot ng tuwalya ang katawan. Sa sinabing iyon, hindi napigilan ni Lara na tanggalin ang kaniyang mga kamay sa pagkakatabon nito sa mga mata niya.
"Baliw kang...IKAW!!!" Bulalas ni Lara nang mapagsino ang mala-Adonis na nilalang sa harap niya.
''Ikaw?'' Nalilitong tugon ni Jason.
Samantalang napatakbo si Ariya at Ria sa narinig na sigaw ni Lara, kaya dali-dali nilang tinungo ang kuwartong kinaroroonan nito. Nahuli naman nila ang dalawang nasa banyo at nagtatalo.
"Well apparently, you do know each other." Sumingit si Ariya. Napalingon naman ang dalawa sa direksiyon nina Ariya at Ria.
"Apparently." Sagot ni Jason.
"No!" Asik naman ni Lara.
"Of course, I know you! You're my patient and I have your records."
Nang marinig ni Ariya ang mga katagang iyon, naghugis-bilog ang kaniyang mga labi na para bagang nauunawaan niya ang mga pangyayari. At dahil walang patid ang pagtatalo ng dalawa, inawat niya ito.
"Guys, I'm sorry. It's my fault putting you in this awkward situation. Anyway, let's forget this happened. Isipin nalang natin, walang nangyari. Besides, I believe we're all matured enough to act like teens, right? Kuya, bisita natin sila galing ng NeoTV para sa documentary ng tourism ad. Lima lang kasi ang rooms natin kaya dito muna silang dalawa ni Ria. Wala ka kasi kahapon kaya dito ko sila dinala kaysa naman sa bayan sila magstay. Doon ka nalang muna kay apo." Alam ni Ariya na nakakahiya talaga ang nangyari pero kailangan niyang mabaling ang atensiyon ng dalawa.
"No, problem." Tumalikod na ito at lubas ng kuwarto habang nakakuyom ang mga palad sa inis.
"I'm sorry Ms. Lara, hindi ko inaasahan na uuwi si kuya Jason nang maaga. Pasensiya na talaga." Dispensa niya.
"Okay lang. Pumasok din kasi ako bigla eh."
"Mukhang 'di ko na kailangan ipakilala kayo sa isa't-isa at magkakilala na pala kayo."
"Sa kasamaang-palad."
"Naku, hindi naman masama iyon. Anyway, babawi ako sa inyo. Tara, kain na tayo. Nagluto ako ng specialty namin na Safeng at Sabusab."
"Sige." Matipid na sagot ni Lara dahil hindi pa humupa ang pagkapahiya niya.
Naging masaya naman ang agahan nila bagama't may tensiyon sa pagitan ng dalawa. Nasarapan ang lahat sa ipinaghain ni Ariya sa kanila. Pagkatapos ay nagsimula na silang magshoot. Pero imbes na interview, napagpasiyahan nalang nilang unahin ang mga magagandang tanawin na pag-aari ng mga Attiw gaya ng rose at strawberry farm, mga gulayan at ang talon.
A/N:
Safeng or sabeng tastes and smells just like the German Sauerkraut. The main difference lies with the fact that Germans use Cabbages, while Igorots add Sweet Potatoes or Cassava. And though it has a strong smell but it tastes great. Sabusab is mixed dish using fermented rice, sliced meat, green onions, ginger and moistened with Tapuey.
ⓒcredits to Google and Hizon Attiw for the native surname.