Lulan si Lara ng van kasama ng cameraman, director, personal assistant at ilang staffs papuntang Benguet kung saan sila gagawa ng documentary. Nakasunod naman sa kanila ang OB van na may mga kargang kagamitan sa taping. Kung umalis sila ng alas kuwatro ng madaling araw, tiyak na hapon na sila makakarating. Mahaba-haba ang biyahe nila at tatagal sila doon ng limang araw, kaya naman napakarami niyang dalang gamit. Siyempre mas marami ang pampaganda at mga mamahaling damit. Gusto niya kasing maging mas glamuroso siya tingnan sa documentary. Habang mga kasama niya'y abala sa pagmamasid sa dinadaang magagandang tanawin, siya naman ay hindi magkanda-ugaga sa pagreretouch ng make-up. Walang kapaguran sa pagduduldol ng mga kolorete sa mukha at paghahagod ng tingin sa sariling repliksiyon sa salamin. Habang ang iba'y manghang-mangha sa paligid, siya naman ay manghang-mangha sa sa nakikita niya sa salamin. Pambihira! Siya na ata ang pinakaself-conscious na nilalang sa buong sangtinakpan.
Mga alas singko ng hapon nang marating nila ang lugar. Napakaganda! Iyon ang diskripsiyon ni Lara sa lugar. Habang ang mga kasama niya ay abala sa pag-baba ng kanilang mga gamit, hindi naman napigilan ni Lara ang sarili sa pagkamangha. Mataas ang lugar kaya matatanaw mo ang mga karatig na mga bundok. Matatanaw mo rin ang rose farm at strawberry farm sa kabilang ibayo.
"Whoa!" Tanging nasambit ni Lara habang ibinuka niya ang kaniyang mga braso at umikot-ikot at sinasamyo ang mabangong amoy ng kalikasan. Napapapikit pa siya sa sarap ng pakiramdam. Naisip niya, sa wakas walang atribida sa buhay niya dito at walang Agnes.
"Hello, welcome to our place." Bati ng isang babae. Natigilan si Lara sa ginagawa niya at lumingon sa pinanggalingan ng boses.
"Oh, hi! I'm Lara Sandoval." Magiliw niyang nainilahad ang kamay sa babeng nakatingi. Kayumanggi ito pero lutang parin ang kagandahang Pilipina.
"Are you the person whom our manager had contacted with?" Patuloy ni Lara.
"Yes. Just call me Ariya. Nice to meet you Ms. Lara. You must be the journalist, right? Well, how do you find the place?" Inabot naman nito ang kamay ni Lara.
"Yeah, and nice to meet you too.'' Luminga-linga ulit siya sa paligid. ''It's awesome! I feel like living in a world without problem." Masaya niyang sambit.
"I'm glad that you like our place. Oh, let's go inside so you guys can rest. You must be very tired of the long trip."
Tinungo din ni Ariya mga kasamahin ni Lara at binati ang mga ito. Pagkatapos ay pumasok na sila bahay. Inihatid sila ni Ariya sa kani-kanilang magiging silid. Dahil pito lahat ang mga kasama ni Lara, iyong tatlong lalaki nagsama-sama sa iisang malaking silid. Ang director naman ay kasama ng cameraman sa silid na dalawa ang kama, palibhasa'y maarte ang director at ayaw niya ng siksikan. Si Lara naman at ang kaniyang personal assistant na si Ria ang magkasama.
"I hope you and your assistant will be comfortable in one bed, Ms. Lara. I'm sorry for the inconvenience. Our house has only 5 rooms." Wika ni Ariya.
"No, it's okay. We're totally fine. We are the ones to feel sorry for bothering you and your family."
"Oo nga po Ms. Ariya." Sang-ayon naman ng P.A. ni Lara.
"It's okay. It would be tiring if you travel everyday from town to get here. I bet you have a certain schedule to be followed. And oh, I'm already married with one child. So, Ms. is no longer my title." Pagtutuwid niya.
"Oh!" Nagulat naman si Lara sa sinabi ni Ariya. Hindi kasi halata sa pangangatawan niya.
''Sorry.'' Dispensa naman ng P.A.
"Don't be, I just said it, just so you guys know. Anyway, magpahinga muna kayo. Balikan ko nalang kayo dito pagready na ang hapunan."
"Thanks.'' ''Salamat po.'' Halos magkasabay na tugon ng dalawa.
Napahanga si Lara sa interior design ng kuwarto. Kahit traditional Igorot house ang bahay pero napaka cozy ang loob. Talagang pinasadya ang bahay na 'to dahil pinaghalong traditional at modern ang disenyo. May sarili din itong banyo yamang may sarili silang tangke ng tubig na magsupply sa buong bahay. At kapansin-pansin din na napakamanly ng ayos nito. Siguro lalaki ang nagmamay-ari ng kuwartong 'to.
Tatlumpong minuto ang nakalipas, niyaya na sila ni Ariya para maghapunan. Dahil malaki naman ang mesa at malaking pamilya daw ang mga Attiw kaya nagkasiya silang sampu, kasama na si Ariya at asawa niyang si Gab ganundin naman si Apo Endo. Bago sila kumain ay isa-isa silang nagpakilala at masayang tinanggap ang mga ito.
"Sana nagustuhan niyo ang hain namin." Wika ni Ariya.
"Naku! Miss este Mrs. Ramos, minsan lang kami makakain ng ganitong klaseng pakbet na nakapasarap pa." Wika ng director.
"Oo nga Mrs. Ramos, swak talaga partneran ng pritong tilapya." Wika naman ng cameraman.
"Pasensiya na kayo ah, 'di kasi namin tantiya ang oras ng dating niyo at wala pa man ding kuryente dito at wala pang signal kaya 'yan lang naluto namin. 'Di bale bukas, maghahanda tayo ng kakaibang dish na dito niyo lang matitikman." Dispensa ni Ariya.
"Mrs. Ramos, puwede bang magpaampon nalang dito? Marami kayong pagkain dito eh. Tiyak na 'di ako magugutom."
Pagkasabi niyaon ng driver, nagtawanan ang mga kasama nila palibhasa'y matakaw ang isang 'to kaya naman 38 na ang sukat ng baywang.
''We're glad that you've chosen our place." Putol naman ni Apo Endo.
"Napakaganda po talaga dito, parang paraiso kaya ito po ang napili ng NeoTV." Tugon naman ng director.
"Oh by the way, bukas po magsisimula na po kami sa pag-iinterview." Sabad naman ni Lara.
"I suggest, after lunch nalang ninyo gagawin 'yan kasi hindi pa sure kung anong oras ang dating ni Jason. Nasa bayan kasi siya at may inasikaso." Wika naman ni Gab.
"Sure, no problem. Kunan nalang muna namin ang mga magagandang tanawin saka kami mag-interview." Sumang-ayon naman ang director.
"Okay, do what's best for the project and enjoy your staying here." Wika ni Apo Endo.
Napakasaya ng hapunan! Masaya pala kapag sasama-samang kumain at may tawanan. Pakiramdan ni Lara, parang nanauli siya sa panahong kasama niya ang parents niya sa probinsiya.Pagkatapos maghapunan habang papasok si Lara sa kuwarto nila, nakita niya si Ariya na magiliw na kinakarga ang anak. Hindi niya maiwasang mapangiti.
"Oh, ang cute ng baby. Ilang buwan na siya?" Hinihawakan ni Lara ang kamay nito.
"2 months pa lang si Gabriyah." Tugon ni Ariya.
"Anong feeling ng may anak?"
"Masaya. Rewarding lahat ng paghihirap mo." Napangiti naman ito habang tinitingnan ang anak niya.
"Gusto kung magka-anak, pero takot kasi akong magkaroon ng karelasyon. Kasi ang mga lalaki ay walang commitment."
"Baka hindi mo pa talaga nakilala ang para sa'yo. Dahil kapag magmahal ka ng isang tao, magagawa nitong baguhin ang iyong pananaw. Kahit pa iyong waring mahirap baguhin.'' Biglang sumabad si Gab sa likuran nila. Tinungo ang asawa't masuyong niyakap.
"Siguro nga. Sana nga mahanap ko ang taong iyon." Sabay buntong-hinga niya.
"Oo naman, mag-antay ka lang. Oh wait...may ipakilala sana kami sa'yo kung okay lang. As friend lang naman." Parang may nais ipahiwatig si Ariya sa asawa sa kindat nito, at mukhang nauunawan naman siya nito.
"Oo nga, friend lang." Sang-ayon ni Gab.
"Okay kapag may time." Wika ni Lara na napipilitan dahil mukhang hindi siya lulubayan ng mga ito.