"Teka lang!"
Sambit ni Ames sa lahat.
"Yes Ms. Ames?"
Tanong ni Nicole.
"Who come up with this idea?"
"Si Kate po!"
Buong ngiti naman tumingin si Kate kay Ames.
Nagulat si Professor John ng madinig nya ang pangalan ni Kate.
'Sya ang nakaisip nito?! At her age?!'
Dalawa lang ang nasa isip ni Professor John na reason kung bakit naisip ito ni Kate.
Una naniniwala sya na inosente yung batang cheater.
Pangalawa malaki ang galit nya sya cheater at may balak itong ipahiya sya.
'Jusmiyo, anong klaseng tao ba itong si Kate?'
"Bakit mo naman naisip ito Kate?"
Tanong ni Ames sa bata.
"Para po exciting! Hehe!"
At kitang kita sa mata nito na nag eenjoy sya sa nangyayari.
At lalong nagtaka si Professor John.
'Kaya ba ako isinama dito ni Ms. Ames para makilala ko ng husto si Kate?'
"Exciting pala ha!"
Nag taas ng kamay si Kate.
"Yes Kate? May sasabihin ka ba?"
"Ms. Ames, pwede pa po ba akong mag suggest?"
"Ano na naman ang isasuggest mo Katherine!"
Napataas na ang kilay ni Nicole. Buong pangalan na ni Kate ang binanggit ni Ames, malamang nakukulitan na ito kay Kate.
Simula ng si Ames na ang nag lead hindi na nakialam si Nicole. Tahimik na lang itong naupo at hinayaan kay Ames ang lahat. Mas mabuti ito.
"Ms. Ames pwede po ba na maglagay ng timer for every questions?"
"Bakit mo na man sinuggest yan?"
"Para po exciting!"
'Exciting na naman! Lakas ng trip ng batang ito!'
"Okey sige maganda nga yun! Five minutes for every question!"
"Ay, wala pong thrill yun! Pwede po bang gawin po nating ten!"
"10 minutes?!"
"Hindi po! Ten Seconds po!"
Hindi makapaniwala si Professor John kay Kate.
'Sinong makaka sagot ng ganung kabilis, lalo na sa Math?!'
'Malamang malaki ang galit nitong si Kate dun sa cheater kaya gusto nyang ipahiya ito?'
"Seriously Kate!"
Sabi ni Ames sa kanya na naka kunot na ang noo at naka pamewang pa!
"Ehem! Ms. Ames hindi po ako tumututol kay Kate! Agree po ako na magka time limit na ten seconds!"
Sabat ni Teacher Orly ng buong ngiti.
Hinarap ni Ames si Teacher Orly.
"Teacher Orly, kung ikaw ba ang pasasagutin ko dyan within a period of 10 Seconds, magagawa mo ba?"
"Pag nagawa mo, sige papayag ako! Kung hindi, manahimik ka na lang!"
Natahimik si Teacher Orly. Alam nyang imposible ito pero gusto lang naman nyang mag suggest, masama ba yun?
Tumaas ulit ang kamay ni Kate.
"Ms. Ames, sige po 30 seconds na lang po!"
Napakamot na lang sa ulo si Ames.
'Langya naman pati sa timer may nagkaroon ng tawaran!'
"Ms. Ames, excuse me po! May suggestion po ako!"
"Yes Teacher Erica, speak! Ano yun?"
"Bale po gawin natin 1 minute ang time for every question except for Math problem! Sa Math naman po I suggest 5 minutes time!"
"Well, maganda ngang suggestion yan!"
"Let's use it and let's start!"
Nagtaas muli ng kamay si Kate.
"Bakit na naman Kate? May suggestion ka na naman ba?"
"Ms. Ames pwede din po ba akong mag ask?"
"Oo naman! Sige ikaw na ang unang magtanong!"
"Eunice, here's my questions.
Question 1. Who is Napoleon Bonaparte?"
"Question 2. How many bones are there in a new born babies?"
Question 3. What is a pi.
Nagulat sila sa mga tanong ni Kate.
Hindi sila nakapagsalita.
'Bakit tatlo agad? At ang hirap na agad ng start na mga question na ibinigay nya!'
Pero mas nagulat sila sa ng tumapat si Eunice sa mike.
"Answer 1. Napoleon Bonaparte is a French military leader and an emperor!
Answer 2. There are a maximum of 350 bones in a new born baby.
Answer 3. A pi is the ratio of circle's circumference to its diameter! and its equivalent is 3.1416!"
'Nasagot nya?!'
'At nasagot nya ng wala pa sa time?!'
Hindi makapag salita ang lahat kaya muling natanong si Kate at muli ring nasagot ni Eunice ang mga tanong.
Sunod sunod ang tanong ni Kate at sunod sunod din ang sagot ni Eunice.
Lahat sila nanunuod na lang sa palitan nila ng tanong at sagot.
Ang hindi nila alam sinasadya ni Kate bigyan ng sunod sunod na mahihirap na tanong si Eunice para mawala ang kaba nito at mag focus sa exams nya.
Kaya pagkatapos ng lampas sa 100 questions ni Kate kay Eunice, huminto na ito.
"Mukhang ready na po si Eunice, Ms. Ames!"
"Ha! Anong ibig mong sabihin Kate"
"Tapos na pong mag warm up si Eunice, pwede na pong mag start ang exams!"