Nagulat si Ames sa binalita ni Jeremy.
"Totoo ba yang sinasabi mo? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?!"
"Yes po Tita! Si Kate po ang nagsabi sa akin! Ngayon ko lang din po nalaman!"
'Loko 'tong si Nicole, may nangyayari pa lang ganyan sa school bakit hindi sinasabi sa akin! Paano na pag nalaman ni Edmund na may nambubully sa mag ina nya at wala akong malay sa mga pangyayari?'
'Haaist! Naiimagine ko ng mag aamok yun!'
Nasa Maynila sya ng mga oras na iyon at kasalukuyang may lunch date sa isang college professor. Matagal na syang gustong makausap ng taong ito pero hindi sila nagtatagpo.
Siya si Professor John dela Cruz, Math Professor sya sa isa sa pinaka malaking at nabibilang na isa sa pinaka magaling na state university sa bansa. Samantalang sya naman ay kilala na isa sa top 10 na pinaka mahusay at pinakabatang professor ng panahong ngayon.
At hindi maintindihan ni Ames kung bakit sya gustong makausap nito.
Nabalitaan kasi ni Professor John ang tungkol sa sunod sunod na pagkakapanalo ni Kate sa Math competition at gusto nya itong ma meet at maalok na sana dun magaaral sa school kung saan sya nagtuturo.
Kaya nya gustong makausap si Ames.
At ngayon nagkatagpo na sila, hindi naman alam ni Ames kung ano ang gagawin nya para sana mai set sa ibang araw ang lunch date nila.
"Uhm.. Professor John.."
Kinabahan na si Professor John ng makita ang mukha ni Ames. Halatang may emergency ito.
'Jusko, sana po huwag mag re set!'
"Yes, Ms. Ames? May problem po ba?"
"Actually meron, kaya pwede bang sabihin mo na sa akin ng diretso ang pakay mo!"
Kanina pa kasi sila dito at sa sobrang tagal nilang nagaantay sa pagkain, ni hindi pa nito nagawang sabihin ang pakay nya.
"Pasensya na po Ms. Ames!"
"Tama na ang paghingi mo ng pasensya! I'm giving you 5 minutes! Pag hindi mo pa sinabi I'm sorry but I need go!"
"Waiter yung bills!"
Nataranta na si Professor John. Hindi alam ang gagawin.
"Ms. Ames tungkol po kay Kate, gusto ko pa sana syang makita!"
Tininingnan sya ni Ames. Binabasa ang kilos nya.
"Okey!"
Agad na sagot nito pagkaabot ng bayad.
Nagalinlangang si Professor John sa sagot ni Ames.
"Okey?"
"Yes, Okey! Not unless na may gagawin ka ngayon?"
"Wala po Mam! Free po ako today!"
"Good! Tara na!"
Dali dali syang tumayo at sumunod naman si Professor John kahit hindi nito alam kung saan sila pupunta.
"Saan po tayo tutungo Ms. Ames?"
Tanong nya pagka upo sa kotse.
"Sa San Miguel!"
"PO?!"
"Bakit po?"
"Para ma meet mo si Kate! Diba yan ang gusto mo?"
Pag dating nila sa school, nagulat si Nicole at lahat ng mga teacher na naroon sa malaking meeting room ng dumating si Ames at si Professor John.
"I'm sorry, may meeting ba kayo?"
"Ms. Ames! Hindi ko alam na darating ka! Wala po kaming meeting, nandito kami para sa special exams Eunice!"
"Special Exams?"
Napataas ang kilay ni Ames.
"Uhm medyo mahabang kwento po!"
"Nasaan nga pala si Kate? Pumasok ba?"
"Yes po! Present po ako!"
Sabi nito ng patakbong lumapit kay Ames kasunod si Jeremy at si Mel.
Nagulat si Nicole ng biglang sulpot ni Kate.
"Kate nandito ka pa?!"
Sabay tingin sa dalawang kasunod nya.
"Bakit andito pa kayo? Naguwian na ang lahat ah!"
Wala ng mga estudyante kaya hindi nya akalain na andito pa ang mga ito marahil ay nalaman nila ang nangyari at nagaalala sila para kay Eunice.
"Eh gusto po sana namin manuod pwede po ba? Promise po behave po kami!"
"Sige na papasukin mo na sila! Kahit ako na cu curious din!"
Sabi ni Ames.
"Okey, since andito na tayong lahat ipapaliwanang ko ang nangyari at kung bakit kina kailangan kayong magpunta dito."
"Siguro naman kilala nyo kung sino ako? at kilala nyo rin kung sino ang batang ito?"
Sabay turo kay Eunice na nasa tabi nya.
"Ito si Eunice from Grade 8 star section at narito sya because of an accusation that she cheated on her exams!"
"At narito sya dahil gusto nyang iprove that she's innocent!"
May biglang nagtaas ng kamay
"Yes?!"
"Mam principal, simpleng cheating lang yan bakit kailangan andito kaming lahat? Hindi naman kami involve sa nangyari!"
"Hindi mo ba kayang desisyunan yan ganyang maliit na bagay?!"
"Pwede naman, kaya lang, ako ang nanay ng batang involve at ayokong masabihan akong bias, that's why we come up with this solution!
Kailangan ni Eunice itake ang lahat ng exams nya to prove her innocent. At kasama kayo sa magtatanong!"
Hindi maintindihan ni Professor John bakit sya isinama dito ni Ms. Ames.
'Problem ito ng school nya at wala akong pakialam!'
Isa lang ang interest nya at si Kate yun.
Tiningnan nya ng may pagka dismaya si Eunice pati na rin si Nicole ng malaman nitong sya ang ina.
'Mukha talaga syang guilty!'
Habang pinagmamasdan kasi nya si Eunice, hiyang hiya ito at namumula pa! Tapos kagat kagat ang labi at hindi alam ang gagawin, kaya laging nakatungo.
Hindi kasi inaasahan ni Eunice na darating si Jeremy. Ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib nya.
'Anong gagawing ko, anong gagawin ko?'
'Juskolord sana huwag nya kong masyadong titigan baka matunaw ako!'