Nakabalik na sila Kelly sa Manila at bumalik na rin sa kani-kanilang mga trabaho.
"Ihahatid ka na muna namin tutal maaga pa naman." Ang sambit ni Kian kay Kelly.
"Oo nga bunso para di ka na mag commute." Sabi naman ni Kevin.
"Oh, eh ikaw Kevin? Hindi ka ba malelate?" Ang tanong naman ni Kim.
"Di pa tol maaga pa ko inagahan ko lang talaga kasi maaga kayong lahat aalis eh syempre ako rin."
"Sira! Edi naka pag pahinga ka muna sana." Sambit ni Keith pag labas niya.
"Eh? Papasok ka na?" Anila.
"Um. Matagal tagal na rin akong naka leave madami na kong kailangang habuling klase."
"Kuya, teacher ka naman at di ka students kaya di mo kailangang mag habol." Opinion naman ni Kelly.
"Ay, oo nga no? Teacher nga pala ko. Hahaha..."
"Naging tatay ka lang nalimutan mo ng guro ka." Sabi ni Kim.
"Hehe..."
Honk... Honk...
"Hmm? May bisita kayo?" Sambit ng mag kakapatid maliban kay Kelly.
"Um. My new bf."
"Anooooo???!" Sabay-sabay sambit ng mga kuya ni Kelly.
Makalipas ang 30mins...
"Ehhh??? Mga kuy's naman!" Pagalit na sambit ni Kelly sa mga kuya niya pag karating nila sa café.
"You can't drive this atv car! Kaya kukunin ko ang susi mo!" Ang pagalit na sambit ni Kian.
"Tama si kuya, bunso oo nakita naming marunong kang mag drive nyan pero nag aalala pa rin kami sayo." Sabi naman ni Kevin.
"Pero kuya! Atv car na nga lang yan eh nakita nyo naman nakarating ako ng maayos dito."
"Oo dahil nasa likod mo kami." Sambit ni Kim and he is talking about na ang kotse nila ay nasa likuran ni Kelly.
"Pero kuya! Marunong naman talaga ako eh tsaka pinag ipunan ko yan para mabilis ko!"
"Pero baby sis, marami ng sasakyan kang nakakasalumuha paano kung wala kami sa likuran mo? Sinong mag babantay sa pag mamaneho mo?" Opinyon ni Keith.
Nasa loob naman at nakamasid yung mga crew ni Kelly habang nag chichikanhan "naririnig nyo?" Ang sabi ni Abbie isa sa crew.
"Di nga eh pero parang pinagagalitan nila Sir Kian si Ma'am Kelly." Ang sabi naman ni Berry na cashier sa café.
"I think dahil sa bagong atv car ni Ma'am Kelly di ba ayaw nila Sir na mag dadrive sya?" Sabi ni Enril isa sa taga gawa ng mga milk shake and milk tea.
"Anong meron dito?" Sambit ni Leny ang secretary ni Kelly.
"Miss, tignan nyo kinagagalitan nila Sir Kian si Ma'am Kelly." Sabi ni Abbie.
"Ha?"
Mabalik sa labas...
"Basta! Hindi ko ibabalik ang atv car na yan! Matagal na kong nag aaral mag drive nyan kaya ayoko! Hindi ko ibabalik si AC
kahit anong sabihin nyo!"
"AC???" Sabay- sabay na sambit ng mga kuya ni Kelly.
"At sino naman si AC? Manliligaw mo?!" Sabi ni Kim.
Bumulong naman si Kevin kay Kim "tol, yun yung atv car ni Bunso. Yun rin yung bago nyang bf na sinasabi."
"Ha?"
"Um."
"Anak ng!"
"Sige! Wag mong ibalik babayaran ko sayo ang pinambili mo dyan dodoblehin ko pa wag mo lang gamitin!" Sambit ni Kian na seryoso na at parang napipikon na sa nga katwiran ni Kelly.
"Ayoko! Kahit bilhin mo pa si AC ng 1million hindi ko sya ibibigay kuya! Nag paalam na ako kay Mama kaya wala na kayong magagawa!"
"Ano?!"
"Bunso makinig ka ha, delikado ang mag drive at di yan motor. Alam naman naming gusto mo ng magkaroon ng sasakyan pero di kasi yan safe." Sabi ni Kevin.
Hinubad ni Kelly ang helmet nya at ng mga oras na yon andoon na rin si Leny kaya binigay nya rito yung helmet .
"I'm done here. You talk to them ate Leny." Then she left.
"Kelly!!!" Pahabol na sambit ni Kian.
"Ahm... Ako nalang ang kakausap sa kaniya hayaan nyo na muna sya. Pero kung nag aalala kayo para sa kaniya eto lang ang masasabi ko sa inyo hindi nyo talaga sya mapag babawalan sa gusto nya lalo na't matagal na nyang hinihintay ang atv car na yan."
"What do you mean by that?" Tanong ni Keith.
"Alam nya kasing hindi nyo sya papayagan na mag drive kaya bago sya bumili nyan nag enroll sya sa driving class para lang matuto mag drive at para pag nalaman nyong may sasakyan na sya papayagan nyo na syang mag drive."
"May driving license na sya?" Sabay-sabay sambit ng mga kuya ni Kelly.
"Kailan pa? Bakit di mo sinasabi sakin ang tungkol dyan Leny? Hindi ba ang sabi ko ang lahat ng tungkol kay Kelly ay sasabihin mo sakin." Sabi ni Kim na para bang nagagalit kay Leny.
"Sorry. I know, pinagkatiwala nyo sya sakin pero... nung nakita ko kasi syang masayang masaya syang natuto syang mag drive... pati ako naramdaman ko ang galak nya lalo na nung nakakuha sya ng license nya sobrang saya nya na para bang nanalo sya sa lotto kaso hindi nya masabi sa inyo kasi natatakot sya. Ayaw niya kasing nilalabag nya kayo kasi ayaw niyang nagagalit kayo sa kaniya pero sana this time pag bigyan nyo na si Kelly naging mabait at responsable naman syang lumaki kaya sana maintindihan nyo sya. Sige mauna na ko sa inyo."
At pag pasok nga ni Leny sabay-sabay silang na pa buntong hininga.
"Hindi sa kinakampihan ko si Kelly parati pero tama si ate Leny eh this time pag bigyan na natin sya. Mukhang alam naman talaga ni Bunso ang ginagawa nya at least kapag emergency at sya lang ang nandoon sa sitwasyong need ng driver maasahan na natin sya. Isa pa, nag paalam sya kay Mama at wala na rin tayong magagawa pa sa bagay na yon. Kelly is like Mom's attitude kapag mag desisyon na di na talaga mababago." Sambit ni Kevin.
"Sakin ayos lang din kung san masaya si Kelly dun nalang din ako. Tsaka naka pag drive na ako ng atv car na ganyan at masasabi kong nag enjoy talaga ako bukod sa ang lakas maka an
gas ng datingan nyan. Mahiram nga minsan. Hehe." Sabi ni Keith.
Binatukan naman ni Kian si Keith "Hehe... joke lang naman tol."
"What do you think Bro? Ayos lang ba sayo?" Tanong ni Kim kay Kian.
Inihagis naman ni Kian yung susi ng atv car ni Kelly kay Kevin at sumakay na ng kotse.
"Sige na ibigay mo na yan kay Kelly uli." Ang sabi ni Kim.
"Um. Intayin nyo ko dito." Sagot ni Kevin.
"Bilisan mo malelate na kami." Pahabol na sambit ni Keith.
"Oo!"
At sa Office naman ni Kelly...
"I think na convince ko naman ang mga kuya mo." Sabi ni Leny kay Kelly.
"Sa tingin nyo? Pero mukhang galit na si kuya Kian kanina eh ayaw nya kasing sinasagot sya."
"Don't worry sa una lang yan sa kinalaunan magiging okay na din ang kuya Kian mo sa driving mo."
"Sana nga... gustong gusto ko kasi talaga yung ATV car eh. Feeling ko yun talaga ang sasakyan na para sakin.
Chime!
"Then, sayo na!" Bungad ni Kevin pag pasok nya.
"Kuya!"
"Aha, its me your poging kuya Kevin. Here, catch!"
At nasambot naman ni Kelly yung susi nya sa ATV car "eh?"
"Yes. Payag na kaming mag drive ka pero mag iingat ka parati alam mo namang hindi mo kami parating kasama para bantayan ka."
Tumayo si Kelly sa kinauupuan nya at niyakap ang kuya Kevin nya "thankyou kuya!!!"
"No worries, basta tandaan mo mag iingat at wag magiging reckless driver. Okay?"
"Um. Pero ayos lang kila kuya Kim and kuya Keith? Lalo na kay kuya Kian na mag drive ako?"
"Oo nag pa s'ya na kami at mag pasalamat ka sa secretary mo na magaling mag convince na pati si kuya Kian eh na convinced."
"Um. Salamat ate Leny."
"Wala yon basta para sayo boss kita eh."
"Hehe..."
"Siya sige na baka mainip na sila kuya sa baba."
"Um. Ingat kayo."
"Lalo ka na mag ingat ka lalo't nag dadrive ka na ngayon wag mong kakalimutang mag helmet. Ate Leny ikaw ng bahala sa alaga mo."
"Um. Wag kayong mag alala lagi ko syang paalalahanan."
"Salamat. Sige alis na ko."
"Bye kuya."
"Um."
***
Mag iisang linggo na ng huling makausap ni Patrick ang Lolo daddy nya at hindi nya parin alam kung paano nya kukumbinsihin si Kelly na sumama sa kaniya para sa request ng Lolo daddy nya.
"Young Master? A— Ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Mr. Johnsen kay Patrick na mukha ng haggard sa kakaisip ng pwede nyang gawing reason at sa dami niya ring files na need pirmahan at basahin.
"Ayoko na! Pagod na ko!!!"
"Young Master hang in there!!!"
Ring... Ring... Ring...
Sinagot ni Johnsen yung telepono "yes po sasabihin ko po. Sige po."
"Sinong tumawag? Kapag client o kahit anong meeting sabihan mo si Ms. Maricar na s'ya ang maki pag usap ayoko munang umattend."
"Ahm...pero Young Master hindi po basta client ang gustong maki pag meeting sa inyo."
"Ha?"
"Dahil ang Old Chairman po ang official na ka meeting nyo!"
"Ano???!"
"Sorry Young Master pero sa Sunday 3pm sa bahay po ng Old Chairman kapag hindi raw po kayo pumunta kasama si Ms. Kelly wag na daw po kayong mag papakita sa kaniya at higit sa lahat s'ya raw po ang pupunta sa bahay ng mga Dela Cruz kapag hindi nyo sinunod ang kautusan nya."
"Anooooooo?!!!!"
Click.
Biglang pumasok si May sa office ni Patrick na may dalang box na may lamang cake "Baby Bro!!! I'm ba...ck... What happened? May nakakaway ka ba? Mr. Johnsen anong nangyare dito habang wala ako?"
"Ahm... wala naman po everything goes well pero di po kasi makali at makatulog ng ayos ang Young Master."
"Ha? Why?" Hinawakan nya ang noo ni Patrick "you okay? May sakit ka? Gusto mo bang tawagan ko si Dr. Gian?"
"Ate, okay lang ako."
"Eh bakit ganyan ka? You looked so pale and haggard."
"Ahm... Ma'Lady, ako nalang po ang mag papaliwanag sa inyo."
At makalipas nga ang ilang minutong pag uusap nila May at Johnsen.
"What? Bakit biglang gusto makita ni Lolo daddy si Kelly?"
"Ahm... sa tingin po ni Young Master dahil sa engagement sa mga Galvez.
"Ohhh... I see, mukhang gustong makilala ngayon ni lolo si Kelly sure akong pinamanmanan niya si Patrick at may nalaman syang tungkol kay Kelly."
"Opo Ma'Lady yun rin po ang tingin ni Young Master kaya ayan po balisa po sya at di malaman ang gagawin."
"Did our gramps do something to him?"
"Ahm... so far wala naman po kaso tumawag po kanina ang assistant ng Old Chairman at ang sabi kapag di kasama ni Young Master si Ms. Kelly sa Sunday dun po sa bahay niya ang Old Chairman raw po ang pupunta sa Dela Cruz residence."
"Huh! He's still the Old Cocky Chairman I know. Hayyy... Don't worry I will go there now ako ng bahalang kumausap sa Old Chairman ikaw na munang bahala sa Young Master."
"Yes Ma' Lady."
Samantala sa lugar ng Old Chairman...
"Yes Chairman, everything is all prepared." Sambit ni Teejay ang assistant.
Naglalaro ng golf ang Old Chairman at tumira at kahit may edad na sya malakas parin syang mag laro "Yes! Nakita mo yon Teejay? Sa tingin mo matatalo ko sa golf si Ms. Dela Cruz?"
"Po?"
"How's everything?"
"Ahm... Everything is prepared po base on your plan at nakabalik na rin po ng bansa si Ma'Lady May."
"Ohhh... is she coming?"
"Opo and she is using the family chopper to come here."
"Huh! Gaya ng inaasahan..."
"Don't worry Chairman like what I have said ready na po ang lahat."
"Good! Now let see kung anong gagawin ng mga apo ko especially Patrick."
Don Patricio Y. Santos o kilala bilang ang Old Chairman at ang founder ng SM Inc. at ang lolo daddy ng mag kakapatid nila Richmond, May at Patrick. At kahit na alam nitong ampon itong si Richmond kinikilala niya parin itong apo niya. Hindi na rin nya itinuloy pa ang engagement ni Richmond kay Sweet na naunang kay Patrick na engaged. Nalaman kasi ni Don Patricio na may ilegal na gawain at may binabalak ang mga Galvez sa kumpanya kaya from today onwards si Richmond na ang Vice President ng SM Inc.
"What? Are sure about that Lo? Si kuya Richmond talaga ang gagawin niyong Vice President?" Ang pagulat na sambit ni May habang kasama ang lolo nya na nanonood ng movie doon sa movie theater sa mansion ni Don Patricio na mala sinehan sa laki.
"Shhh... wag kang maingay nasa exciting part na babarilin na diyan si Cardo."
"Tsk! Kahit kailan talaga kayo."
"By the way, you know that Dela Cruz girl na kinahuhumalingan ng kapatid mong si Patrick, right?"
"Lo, kung aapihin nyo si Kelly kaya nyo papupuntahin dito kami nila mom and dad ang makakalaban nyo."
"Oh really? Hahahahaha..."
"Why are you laughing?"
Clap... Clap...
Sa pag palakpak na yon biglang nawala yung pinapanood nila at bumukas lahat ng ilaw.
"Eh? Hindi nyo na papanoorin? Malapit ng mabaril ang bida."
"Isn't boring?"
"Po? Pero di ba parati nyo yang pinapanood?"
"Teejay!"
"Chairman."
Sa isip-isip ni May "Teejay? May bago syang assistant?"
"Oh by the way, Teejay meet my one and only granddaughter her name is May."
"Hi! Nice to meet you Mr. Teejay."
Teejay bowed his head "its my pleasure to meet you Ma'Lady."
"Thanks for taking care of our lolo daddy."
"No worries Ma' Lady trabaho ko pong pangalagaan ang Chairman."
"Okay enough chatting patuloy nyo nalang yan mamaya gutom na ko. Teejay anong lunch?"
"Gaya po ng request nyo we have letsong manok, letsong kawali, crispy pata at ang paborito nyong buttered shrimp and crabs and lastly aligue rice."
"Wait... What? Are you kidding me? Akala ko ba trabaho mong alagaan si Lolo daddy bakit puro pang pa high blood ang mga pinaluto mong pagkain para sa kaniya?!"
"But Ma'Lady yun po ang request ng Chairman."
"I know! Pero hindi pwede ang mga yon kay Lolo daddy may hypertension s'ya mataas ang cholesterol nya at higit sa lahat 89years old na sya!"
"Alam ko pong lahat ng mga yan Ma' Lady! I just want to make the Chairman happy."
"Huh! Happy? Baka ikaw ang gustong maging happy bakit may masama ka bang binabalak kay Lolo daddy? Lo, listen to me I know hindi namin kayo nabibista madalas pero we are always concern to you at hindi ko papayagan na yang bago nyong assistant ang mag aalaga sa inyo fire him now!"
Napatingin si Don Patricio kay Teejay at para bang nag kakaintindihan silang dalawa at ng biglang... "Lo? Lolo daddy!"
Nasalo namang agad ni Teejay ang nahimatay na si Don Patricio "don't worry kami na pong bahala sa Lolo nyo." Then he ring the bell ng may ilang mga staff ng mansion ang nag buhat sa Old Chairman.
"Wait!!!"
"Ma' Lady kami na pong bahala sa Chairman umuwi na po muna kayo."
"Huh! Ano? Umuwi? Ako?"
Pak!
At di na nga nakapag timpi si May at sinampal nya si Teejay.
"How dare you to tell me what to do?! I'm the family member here! Kaya ako ang masusunod dito!"
"."
Matapos ang pangyauari kanina tinawagan agad ni May si Patrick kaya nag madali itong pumunta sa mansion ng lolo daddy nila pero hindi kasama si Kelly.
Sa kwarto ni Don Patricio,
"Ate..."
"Pat!"
"Kamusta si Lolo daddy?"
Natutulog na si Don Patricio ng dumating si Patrick "okay na si lolo daddy he just need to rest sabi ng Doctor nya."
"Thank goodness."
"Did you bring Kelly here?"
Ang di alam ng dalawa gising ang lolo daddy nila at nakikinig ng usapan nilang mag kapatid.
"Hindi ate, ako lang mag isang pumunta dito."
"Ohh... you still..."
"Um... pero hindi na yun ang importante ngayon baka lalong tumaas ang bp ni lolo kapag nakita si Kelly."
"You think so?"
"Knowing lolo? Naku po! Wag nalang di ko isasama dito si Kelly. Baka mamaya gaya nung mga dramarama sa tv na may offer ng money yung family dun sa babae para lang iwan yung anak o apo nila. No way! Lalong magagalit sakin ang mga kuya ni Kelly."
May bonked him "silly! Masyado kang nadadala sa mga napapanood mo. Di naman ganun si Lolo daddy well, strict sya pero mabait at napaka mapag bigay niyang tao."
"Ah! Basta! Hindi ko isasama si Kelly dito hangga't hindi sinasabi ni lolo daddy kung anong binabalak niya. Sige na aalis na ko."
"Dito ka na matulog, late na rin naman ayaw mo bang intaying magising si Lolo?"
"Di na mukhang okay naman na sya and if I stay here sure akong di niya ko tatantanan."
Sa isip- isip ni Don Patricio "he so stubborn hindi nya man lang ako na miss?"
"Um. I will update you nalang. Pupunta rin mamaya dito si kuya Richmond sayang di mo sya makikita."
"It's okay ate, nabalitaan kong nasa Company na ulit sya kaya... madadalas ang pagkikita namin."
"Are you still mad at him?"
"Sige na ate alis na ko."
May sighed and she know na nanatiling may sama parin ng loob ang bunso niyang kapatid sa kuya Richmond nila.
At nang maka alis si Patrick syang gising naman ni Don Patricio "hindi parin nag babago ang kapatid mo."
"Lolo daddy!"
"I'm awake at narinig ko lahat ng pinagusapan nyo."
"Sorry po... but why you ain't talk to him?"
"It's a matter of time... and I know he's still avoiding and mad at me like your dad."
"Lo..."
Please do read my two other Tagalog Novel Thankies! (^.^)
.
.
• Chasing Her Smile
.
.
• PRIDE Of Friendship