webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 399

Makalipas ang isang oras...

"Tita Kelly, I think we need to go na po.."

"You think?"

"Opo eh. Parang sila naman po ang nag eenjoy knowing na ako po yung bata."

"Yeah..."

Nakamasid lang yung mag tita dun kila Patrick, Dave at Jelseen na nag eenjoy doon sa playhouse.

Nag slide pa nga yung tatlo at nag batuhan ng mga bolang malalambot.

Kelly made a facepalm "sila nga ata ang mga bata. Halika na nga bebe hayaan mo na sila diyan."

"Okay po...Tito Patrick!!! Aalis na po kami enjoy po kayo dito. Bye!!!"

"Ha? Wa— Wait lang!!!"

"Beh, halika na nakakahiya na dito pinag titinginan na tayo." Sambit ni Kelly at umalis na sila ni Jacob na nag mamadali.

"Tita Kelly..."

"Hmm?"

"Yung si Mr. Jelseen mas bata po s'ya sa inyo no?"

"Eh? Halata ba? Baby face ang tita mo grabe ka naman sakin... Huhuhu..."

"Di po sa ganun, what I mean is he looks younger po kesa kila tito Patrick."

"Hahaha... mukha na bang matured ang Tito Patrick mo?"

"Hehe... di naman po pero di pa rin nag babago ang manok ko si Tito Patrick parin po ang gusto ko para sayo."

"Ikaw bata ka talaga! Syempre ang tito Patrick mo lang naman ang close mo eh."

"Are you guys talking about me?" Bungad ni Patrick na nakasunod na agad dun sa mag tita.

"Eh? Bakit andito ka na? Asan na yung dalawa?"

"Tapos na po kayong mag laro?"

Hinawakan ni Patrick yung kabilang kamay ni Jacob at masayang sinabing "baby Boy san mo gusto? I will Huy you anything you want."

"Po?"

"Hoy! Wag mo ngang inispoiled ang pamangkin ko!"

Sa isip-isip ni Jacob "tita Kelly talaga eh kanilang sinabi nya din sakin yun. Bagay talaga sila ni tito Patrick."

"Spoiled? Like you?"

"Ikaw!!!"

"Hep! Tama na po yan. Ahm... gusto ko pong manood ng sine pwede po ba?"

"Aba oo naman basta ikaw malakas ka sa uncle mo. Di ba tita Kelly?"

"Tsss! Tigilan mo yang pag tawag sakin ng tita Kelly! Di bagay!"

"I know kasi dapat wifey yun ang bagay. Right Baby Boy?"

"Opo!"

"Aba't!!! Kayong dalawa!!!"

Nag tatakbo yung mag tito "hoy!!! Intayin nyo ko! Lagot kayo saking dalawa kapag naabutan ko kayo!!!"

Samantala yung dalawa naman ni Dave at Jelseen.

"Ang bagal mo kasi! Ayan di na natin makita kung nasan na yung tatlo!" Pagalit na sambit ni Jelseen.

"Huh! At paano ko naman naging kasalanan? Sino kaya satin yung nawala ang sapatos?" Sagot ni Dave.

"Tsss! Sigurado naman akong pakana yon ng Boss mo!"

"Wala kang ibidensya! Tsaka di lang naman ikaw ang nandun malay mo may nakakuha ng sapatos mo! Oh! Wag mong sasabihin na bata ang kumuha nun may mga magulang sila malay mo nag kamali ng suot."

"Huh! Talaga lang ha?! Pero yung sayo hindi nawala?"

"Ehhh... baka kasi may amoy ang sapatos mo!"

"Wow! Nakakahiya naman sayo!"

"Well!!!"

"Ewan!!! Diyan ka na!"

"Te— Teka!!! Hindi ka ba nauuhaw? Tara muna sa café libre ko."

"Mag isa ka!"

Pero hindi napigilan si Dave pinilit niya pa rin si Jelseen na kinaladkad na nya maisama lang "bitawan mo ko!!! Dave!!!"

"Wag ka ng maarte diyan! Minsan lang ako manlibre kaya lucky day mo ngayon."

"Ayoko!!!"

Samantala,

"Ano?! Bakit mo naman sinabi yon kay Ms. Galvez? Baka mag backout ang mga yon as investors sa bagong factory ng President." Sambit ni Ms. Maricar kay Richmond habang naka upo sila sa lobby ng hotel ng mga Santos dahil inihatid nila si Sweet.

"Let him be! Hindi naman sila kawalan we have other investors."

"Pero paano yon anong sasabihin mo kila Chairman at Madam?"

"Don't worry alam nila mom and dad. Sila rin ang may plano ng mga ito."

"Eh? Plano ng Chairman na ikaw ang ipakasal kay Ms. Galvez?"

"Um. After all ang lolo lang naman ang may kagustuhan ng kasalang ito."

"Ang Old Master?"

"Um. Napagkasunduan ng mga lolo namin na kapag dumating ang araw ipapakasal ang panganay na anak nila dad sa isa't isa."

"Kaya..."

"Aha, kaya walang choice ang mga Galvez kung di ang iatras ang kasal ni Sweet at Patrick. Dahil ako ang eldest son ng Santos."

Biglang naging malungkot si Maricar "ayos lang sayo na ikasal ka sa taong... ngayon mo lang nakilala?"

"Well, it's up to her after all ako yung lalaki."

"What do you mean?"

"Simple lang walang mawawala sakin kasi lalaki ako mas mataas kasi ang pride ng mga babae isa pa kung ayaw niya sakin ayos lang hindi pa rin naman ako ready mag settle."

"Ohhhh..."

"Ayos ka lang?"

"Ha? O— Oo... Ahm... ano... I... I have to go marami pa akong kailangang gawin sa Office."

Pinigilan ni Richmond si Maricar "wait..."

"Sorry Sir, but I need to go may urgent meeting pa po ako."

"Meeting? Po?"

Nag pumiglas si Maricar "I said let go!"

"Maricar!!!"

Hindi na nilingon ni Maricar si Richmond at lumabas na ng hotel.

Richmond sighed "nabahag na naman yang buntot mo."

"Mang Berting!"

"Kamusta po kayo Sir?"

Niyakap ni Richmond si Mang Berting "ayos lang po ako, kayo po? Si Manang Tina?"

"Ayos lang kami. Buti po at nakabalik na kayo."

"Oho, kaso tinarayan agad ako ng anak nyo eh. Mukhang nagalit sa sinabi ko."

"Ah... nako, pag pasensyahan nyo na mainitin talaga ang ulo nyan nitong mga nakakaraang araw binusted nya kasi yung manliligaw nya."

"May manliligaw po si Maricar?"

"Opo Sir, siguro halos tatlong buwan din yun nanligaw kay Maricar ang kaso natuklasan niya na may asawa at anak na pala ito at gusto pa syang gawing kabet."

"Ano ho? Grabe naman yon gusto nyo bang resbakan ko para kay Maricar?"

"Nako, wag na po Sir magagalit lang po lalo sa inyo si Maricar."

"Hehe... Opo knowing her? Nako! Lahat nalalaman nun eh."

"Opo Sir. Ahm... nga po pala pinasusundo po kayo sakin ni Ma' Lady kaya po pala ako nandito."

"Bakit? Alam na ni May na dumating na ako?"

"Opo Senyorito at parang galit nga po eh."

"Haysss... sige na nga po umalis na tayo baka nag tatantrums na yon."

"Hehe... Sige po Senyorito."

"."

Hindi na pinaalis ni May ng mansion ang kaniyang kuya Richmond dahil nag aalala sya sa mga gagawin na naman nito. Kahit alam ni Richmond na gusto na talaga nyang mag bago at bumawi sa pamilya nya.

Gabi na at nakahain na ang kanilang dinner at nag paluto si May ng mga paborito ng kuya Richmond nya.

"Kaldereta ba yan?"

"Oo kuya nag pa luto ako ng mga paborito mo alam ko kasing namiss mo ang mga yan."

"Thanks Sis. Nga pala, si Patrick hindi pa ba sya uuwi?"

"Baka bukas pa may inaayos pa kasi yun sa Bulacan."

"Inaayos? O nanliligaw kay Kelly?"

"Eh?"

"I knew it! Bakit di pa ba sya sinasagot ni Kelly?"

"Alam mo namang hindi pangkaraniwang babae si Kelly. At ano nga pala ang plano mo?"

"Sa ngayon? Wala pa. Inaantay ko pa ang utos ni Dad."

"Hmm?"

Sa isip-isip ni May "why he seem so calm? Nag bago na nga bang talaga si kuya gaya ng sabi nila Dad?"

"May!"

"Ha?"

"Ang sabi ko anong schedule ni Sweet sa company?"

"Ah... Si Sweet? Actually, hindi ko alam pero tatawagan ko si Ms. Maricar sure akong alam nya."

"I think hindi na kailangan."

"Ha? Kala ko ba gusto mong malaman? Ayaw mo na agad?"

"What I mean is di mo na kailangang tawagan si Maricar. Look at your back."

At pag lingon ni May nakita nyang kararating lang ni Maricar "oh, Ms. Maricar."

"Good evening Ma' Lady..." Sagot ni Maricar at ngumiti pero hindi nya nginitian si Richmond but she greet him too.

"Come, join us. For sure gutom ka na rin favorite ni kuya ang mga yan remember?"

"Hin— Hindi na po Ma' Lady kumain na po ako bago ako umuwi dito."

"Ohh... May ka date ka?"

"Kuya!"

Hindi naman pinansin ni Maricar si Richmond "sige po Ma' Lady una na po ako. Tawagan nyo nalang po ako pag May kailangan kayo."

"Um. Have a good night."

"Good night Ma' Lady." Then she left but before she left she just bowed her head towards Richmond at di na mag sabi ng goodnight.

"Mag kaaway na naman kayo no?"

"Aba, wala akong ginagawa."

"Sus! Wag ako kuya! Sure akong may ginawa ka na namang mali o sinabi sa kaniya na di nakakatuwa."

"Hmm?"

"Nako! Mukhang alam ko na! Gawa ng ikaw na ang magiging fiance ni Sweet."

"Ha? Bakit naman sya magagalit? Hindi naman kami wala kaming relasyon."

CLANG!

Nagulat yung dalawang mag kapatid ng bigla silang may narinig na nabasag at pag tingin nila si Maricar iyon na nabagsak ang baso ng tubig na hawak niya.

"So— Sorry po..." Ang ninenerbyos na sambit ni Maricar at nag madali syang pulutin yung pieces ng baso na basag. "Aray!"

Dali-dali namang lumapit si Richmond at kinuha ang kamay ni Maricar na nagkaroon ng sugat "hala kuya! Nag dudugo ang daliri ni Ms. Maricar wait lang kukuha ako ng first aid kit."

"Ma— Ma' Lady!!! Wag na po!!!" Pahabol na sambit ni Maricar pero hindi na sya pinansin ni May.

"Don't worry mababaw lang ito hayaan mo lang na dumugo para kung may maliit na pieces ng basag na baso matanggal." Sambit ni Richmond na pinipisil pisil yung daliri na may hiwa.

Maricar avoid Richmond's hand at tumayo "I can handle myself. Thank you for the concern." She about to leave pero hinarangan sya ni Richmond.

"Ano bang ginawa ko? Bakit galit ka na naman?!"

"Hindi ako galit Sir. Sige po."

Napikon na si Richmond kaya binuhat na nya si Maricar "Si— Sir!!! Lemme go!!!"

"Hinde!"

Natawa naman na kinikilig si May habang nakatago sa may gilid habang dala-dala ni Richmond si Maricar pataas ng hagdan na nag pupumiglas pa rin "Ma' Lady?" Sambit ni Wena

"He— Hello."

"A— Ano pong ginagawa nyo diyan? Hindi po ba dapat gagamutin nyo si Ms. Maricar?"

"Ah... I think di na ko kailangan ni Ms. Maricar mamaya lang okay na rin sya."

"Po? Bakit nasan po sya? Sinamahan po sya ni Senyorito sa clinic?"

"Don't mind them nalang halika mag babarbe que party tayo."

"Ehh??? Ano pong meron?"

"Wala naman, lets just celebrate for kuya Richmond's comeback. Hehe..."

"Ohh... Okay po... He... He..."

Mabalik kila Kelly...

"Anong ginagawa nyan dito?" Bungad ni Kian pag dating nya kasama si Kim.

"Ah... Eh... kuya hindi ka maniniwala pero si Jacob ang nag invite sa kaniya dito." Sagot ni Kevin nakinuha ang pinamilibng mga kuya niya.

"Tsss! Si Siopao?! At bakit? At sino yung dalawa?" Tanong ni Kim na parang na iinis.

"Si Dave yung dating kaklase ni Kelly nalimutan nyo na? At yung isa naman si Jelson pero Jelseen kung tawagin nakilala ko yan nung nasa mall kami ni Kelly sa Manila photographer at pinsan daw ni Patrick."

Sabay lingon naman yung dalawa kay Kevin at sinabing "pinsan?!"

"Oh, mga kuy's andiyan na pala kayo." Sambit ni Kelly at dali-dali namang tumayo sila Patrick at Jelseen.

"Tumayo ka!" Pabulong na sambit ni Patrick kay Dave.

"Ha? Bakit!"

Patrick bonked him "tumayo ka nalang!"

"O— Oo eto na. Ba naman yan!" Sya yung pinag gigitnaan nila Patrick ay Jelseen sa sofa.

"Daddy! Tito Kim..." Sambit ni Jacob at mag mano dun sa dalawa.

"Kamusta ang pag gagala nyo?" Sambit ni Kian habang nakatingin dun sa tatlo na para bang kinikilatis.

"Okay naman po daddy ang saya ko po nag laro po kami sa play house dunmay trampoline and slide po tapos nag dine po kami nilibre rin po ako ni tito Patrick ng bagong remote control na airplane gusto nyo pong makita?"

"Hindi na... Kelly, can we talk?"

"Um."

At umalis muna yung mag kuya at si Kim muna ang humarap dun sa tatlo kasama si Jacob habang inaayos naman ni Kevin ang mga pinamili nila Kian dun sa kusina.

"He— Hello po." Ang ninenerbyos na sambit ni Patrick.

Naupo naman si Kim at nakatingin lang dun sa tatlo "Uncle, sabihin nyo po umupo sila." Bulong ni Jacob.

"Bakit pa? Aalis na rin naman yang mga yan."

"Uncle naman! Bisita ko po sila... namin ni tita Kelly."

"Tsss! Fine! Maupo na kayo."

"Sa— Salamat po." Anila.

"Ang sabi samin ni Kevin nasa mall rin kayo kaya ba sumunod kayo dito?"

"Ahm... ano po kasi..." Kinakabahang sambit ni Patrick na di na nya naituloy dahil biglang sumingit si Jelseen.

"Ako nga po pala si Jelson kaibigan po ako ni Kelly." Gusto nya sanang maki pag kamay pero hindi nakipag kamay sa kaniya si Kim kaya naman na upo nalang at nanahimik.

Napatingin naman si Kim kay Dave kaya kinabahan naman itong bigla "a... ahm... ako po eh..."

"You don't need to introduce yourself wala tayo sa School."

Natameme naman yung tatlo siniko pa nga nitong si Patrick si Dave at pabulong bulong "pagaya ka kasi parati! Copy paste!"

"Sorry na Boss kinabahan kasi ako nakatingin sakin yung kuya ni Master."

"Tsss!"

"Cough! Hindi pa ba kayo aalis? Gabi na baka gabihin kayo sa daan."

"Uncle!"

"Ang akin lang baka gabihin sila mahirap mag drive may mga sasakyan naman kayong dala di ba?"

"O— Opo." Sagot ni Patrick.

"Well then hatid ko na kayo sa labas."

"Hindi na po ayos lang kami nalang."

"Are you sure? O baka naman hinahantay nyo pa si Kelly..." he secretly smirked.

Sabay- sabay namang tumayo yung tatlo "hindi po, aalis na po kami salamat po." Anila at nag madali ng lumabas.

May dala pa naman sanang tsaa si Kevin "eh? Aalis na kayo?"

"Oo gabi na delikado sa daan. Ingat kayo." Sambit mo Kim na para bang minamanduhan pa yung tatlo.

Napailing at na dismaya naman si Jacob "Uncle naman eh!"

"Gabi na at kapag gabi na kailangan nasa kani-kaniya ng bahay."

"Oh? Nasan ba yung tatlo?" Ang sabi ni Kelly pag balik nya.

"Umalis na." Sagot ni Kevin na ibinaba yung tray ng mga tsaa sa lamisita.

Sumenyas naman si Kim kay Kian "okay na kuya."

Nag thumbs up naman si Kian "good."

At nang maka labas naman yung tatlo nag kani-kaniya na sila ng sakay gaya ng nauna kasabay ni Patrick ay si Dave samantalang ito naman si Jelseen ay may dala ring sarili niyang kotse.

"Hindi na kayo pinansin ni Jelson." Sambit ni Dave na s'ya ang driver.

"I don't care! Hindi ko s'ya business partner para paglaanan ko ng oras." Sagot ni Patrick na nasa front seat.

"Sa tingin nyo may gusto rin s'ya kay Master?"

"Wala akong pakialam kung may gusto s'ya kay Kelly o wala. After all, kilala ko si Kelly hindi s'ya basta- basta papatol sa taong kakailan lang nya nakilala. Knowing Kelly? Wala sa isip nya ang makipag relasyon sa mas bata sa kaniya."

"May point ka naman dude pero paano kung gaya mo na purisgido na mapa sagot si Master ganun din si Jelson."

"Kilala ko si Jelson... Hindi yan mahilig maki pag socialize sa iba natutuwa lang yan kay Kelly at pag dating sa relationship di pa yan seryoso."

"Ikaw bahala. Pero napansin kong kahit papaano okay ka na uli sa mga kuya ni Master yun nga lang cold pa rin ang pakikitungo nila towards you."

"I know, and someday I will make sure na mag babago rin ang pakikitungo nila sakin."

"Good luck."

"Anyways, lowbat ang phone ko tignan mo nga kung may message sayo si Ms. Maricar o si Johnsen."

Kinuha ni Dave ang phone nya sa bulsa at iniabot kay Patrick "oh, ikaw na nag tumingin nag dadrive ako. 124365 yan ang password."

"Inuutusan mo ko?"

"Boss naman be considerate nag dadrive ako eh."

"Tsss! Ano nga yung password?"

"124365."

"Easy."

"Makakalimutin kasi ako kaya madali lang password ko."

Nag scroll naman na si Patrick at nakita nya ngang may message si Ms. Maricar at Johnsen "WHAT?!"

Bigla namang napa prendo si Dave "ano ba?! Ayusin mo ang pag dadrive!"

"Sorry... nagulat kasi ako bakit ka naman kasi biglang sumisigaw!"

"Tsk! Bumalik na si kuya Richmond!"

"ANO?!"

Patrick bonked him "nakakabinge!" At binalik ang phone kay Dave.

"Eh dude, nakakagulat naman kasing talaga yon."

"Ano na naman kayang binabalak nila mom and dad? Bakit nila pinabalik si kuya Richmond?..."

Ring... Ring... Ring...

"Dude, natawag si Mr. Teejay."

"Ang assistant ni Lolo Daddy?"

"Oo ang Old Chairman. Baka importante... di naman tatawag si Mr. Teejay kung hindi tungkol sa kumpanya."

"Sagutin mo!"

"Ikaw na kumausap kinakabahan ako eh."

"Tsk! Akana nga!"

At si Patrick na nga ang mismong sumagot at ng makausap nya ito ipinasa naman ni Mr. Teejay sa lolo nya yung phone "Gusto nyong makita si Kelly?!!"

Ang lolo daddy na tinutukoy ni Patrick ay ang daddy ng daddy niya at ang Old Chairman ng SM Inc. kilala ito sa nickname na Mr. STO o Mr. Stick To One. Dahil kapag nag desisyon ito hindi na mababago kahit anong mangyare kahit bigyan nyo pa ito ng napakalaking halaga ng pera. Dahil ang motto nya ay "I can do what I want with my money."

Like it ? Add to library! (*.~)

.

.

Please do read my other Tagalog Novel geysh. Thankies! (:

.

.

• Chasing Her Smile

.

.

• PRIDE Of Friendship

lyniarcreators' thoughts