"KELLY!!!"
Nagising si Patrick sa hospital kung saan ate May nya agad ang una nyang nakita.
"Bro! Anong nararamdaman mo? Sandali lang tatawag ako doctor."
"Sandali lang ate. Nasan si Kelly?"
"Si Kelly? Nasa Pilipinas s'ya."
"Oo alangan naman, nasa Pinas naman talaga s'ya at gusto ko syang makita bago pa man pag bawalan ako ng mga kuya n'ya na makita s'ya kahit sa huling sandali."
"Ha? What are you talking about? As if something is happened to Kelly."
"Ano bang pinagsasabi mo ate? Hindi ba at wala na nga s'ya ayaw na nga tayong papuntahin ng mga kuya n'ya sa burol n'ya eh tapos ayaw rin nila akong maging ama sa twins namin."
Binatukan naman s'ya ni May "alam mo, kahit isang taon kang coma hindi ko maiwasan na batukan ka eh ano bang pinagsasabi mo dyan?!"
"Teka lang, isang taon? A—kong coma?"
"Oo at wala tayo sa Pinas nasa America tayo at yung sinasabi mo kay Kelly nababaliw ka na! Hindi ba kaya ka nga nag punta dine sa America eh para umiwas sa kaniya kasi busted ka."
"Eh?"
"Anong eh? Alam mo tatawag na ko ng doctor para matignan na ka buti naman at nagising ka na" pinaghahalikan n'ya sa pisngi si Patrick sa sobrang gigil n'ya at hindi naman makapaniwala si Patrick sa mga nangyayari.
"So... ibig sabihin ba nito buhay si Kelly?"
"Insane! Aba'y oo naman! Sayang nga at di ka sabay sa kanila na grumaduate halos isang taon na rin ang nakalilipas ng nag chat sakin si Kelly ngayon kasi busy woman na s'ya sabi sakin ni Kevin napaka workaholic raw ayaw mag da-day off gusto parating naalis ng bahay. Pag off naman daw nag susulat ng novels at sikat na syang novelist. Galing nya no?"
Bigla namang lumuha si Patrick habang nag kukwento sa kaniya si May.
"Huy Bro, bakit? San masakit? Sandali tatawag na nga ako ng doctor."
"Kasi kung panaginip ito ayoko ng magising pa kung totoong lahat ng sinasabi mo about kay Kelly."
Kinurot naman ni May ang hita ni Patrick kaya napahiyaw ito.
"AHHHH!!! Ate naman!"
"Oh? Masakit di ba? Sa tingin mo ba nanaginip ka?"
"So... totoo talaga ito ate? Hindi ako nanaginip?"
"Oo nga! Ang kulit eh. Kung ano man ang nasa isip mo about kay Kelly o kung kanino ang lahat ng yon ay isang mahabang panaginip lang dahil isang taon kang naka coma nung naaksidente ka sa sinasakyan mong kotse kasama si Cindy."
"Si... Si Cindy kamusta s'ya?"
"Ayos lang kaso dahil nabangga kayo sa malaking truck naputol ang kaliwa nyang tuhod sa lakas ng impact."
"Ha?"
"Pero wag kang mag alala dahil nasa America tayo kaya nagawan na ng paraan nilagyan s'ya ng artificial na leg. Kinasal na nga rin sya nung nakaraang buwan sa fiancé nya."
"Talaga?"
"Oo, pero bago ko pa makwento sayo ang buong libro ng buhay mo eh tatawagin ko muna ang mga doctor mo sasabihan ko na rin sila mom and dad na nagising ka na sa wakas."
"Teka ate."
"Ano na naman?"
"Si Dad kamusta sya?"
"Okay naman naging successful ang operation nya at he is perfectly fine and healthy now. Isang taon na rin ang nakalilipas nung inoperahan sya and he is doing well sabi ng mga doctor nya."
"Really? Buti naman kung ganoon miss na miss ko na si Dad eh."
"Luh! At kami ni mom hindi?"
"Well, sa panaginip ko kasi lagi ko naman kayo nakakasama lalo ka na."
"Ohhh... kaya pala parang wala ka man lang amor sakin lintek ka. Ako kaya parating andito para bantayan ka."
"Salamat ate."
"Sus... mamaya ikwento mo sakin yung panaginip mo ha? Mukhang interesting eh."
"Um."
Masayang masaya si Patrick dahil ang lahat pala ng nangyaring masama ay isa lang palang mahabang panaginip habang sya ang nasa coma ng halos isang taon dahil sa aksidenteng naganap sa kaniya at kay Cindy na may asawa na pala ngayon.
***
Isang linggo ang nakalilipas...
"Good night mga kuy's una na ko sainyo mag susulat pa ko." Ang sambit ni Kelly na nag mamadaling umalis at iniwan ang mga kuya n'ya sa dining area.
"Kelly!!! Hindi ka pa tapos kumain! Bumalik ka rito!!!" Ang pa sigaw na sambit ni Kian.
"Hayaan mo na kuya dadalhan ko nalang don alam mo naman yun simula ng nagkatrabaho parang lagi nalang nag mamadali." Sambit ni Kevin na inaayos ang pinagkainan ni Kelly.
"Kaya nagiging spoiled yang si Kelly eh lagi mo kasing bine-baby."
"Pero kuya, lambing ko na rin yon sa kaniya tignan n'yo ha? Madalas syang busy ni hindi na nga natin s'ya makasama dito sa bahay kaya kahit man lang pag spoiled ko sa kaniya eh masiyahan s'ya."
"Oo nga naman tol. Sige Kevin ako ng mag dadala ng mga left over ni Kelly sa kwarto nya." Sabi naman ni Keith.
"Kuya, hindi ito ang ibibigay ko tsaka ako na!"
"Aba! Gusto ko ring mag bigay kay Bunso."
"Tigilan n'yo nga yan! Nasa hapag tayo wag kayong mag talo!" Pagalit na sambit naman ni Kim.
"Sorry kuya." Sagot nung dalawa.
"At ikaw Kim! Ibalik mo yang mga prutas sa mesa."
"Tol?" Sagot naman ni Kim na sisimple na sanang aalis pero nakita s'ya ni Kian kaya nagkanda hulog na nga ang mga prutas nyang ibibigay sana kay Kelly.
"Haysss... okay fine! Tayo ng lahat ang mag dala ng pagkain sa kwarto ni Kelly."
"Yon! Salamat kuya." Sabi ni Kevin.
"Tsk! Wala naman akong choice dahil lahat kayo gusto
ng mag bigay ng pagkain kay Kelly alangan namang ako eh hinde? Edi iisipin nun galit ako sa kaniya? Kilala n'yo naman yon napaka matampuhin."
"Oo kuya ganun na nga. Hehe."
"Nga pala, nabalitaan n'yo na ba?" Sabi ni Keith.
"Ang alin na naman?" Sagot naman ni Kim.
"Eh ire naman eh narinig ko lang at nakita ko sa fb."
"Ahhh... parang alam ko na yan." Sabi ni Kevin.
"Ang alin ba kasi yon?" Sabi ni Kian.
"Tungkol ba yan sa mga Santos?" Tanong ni Kevin.
"Mga Santos?" Sabay na sagot nila Kian at Kim.
"Oo, nagising na si Patrick at uuwi na dito sa Pilipinas." Sambit ni Keith.
"Busy nga ngayon sa DLRH pinaghahandaan ang pagdating ni Ma'am May." Sabi naman ni Kevin.
"Ohh... So, magaling na pala si Patrick." Sambit ni Kim.
"Buti nga nagising na yun 1year rin syang comatose aakalain mo pa bang magigising yon isang araw?" Sabi ni Keith.
"Ganun talaga pag marami kang pera ayos lang kahit dun ka na tumira sa hospital." Seryosong sagot naman ni Kian.
"Sa tingin n'yo nabalitaan na yon ni Kelly?" Tanong ni Kevin.
"Kahit naman mabalitaan n'ya matagal na nyang kinalimutan ang lalaking yon. Umalis ng di nag papaalam? Wag na wag ko lang syang makitang sumusunod na naman kay Kelly di ko na talaga mapapalagpas kapag pinaiyak niya na naman ang kapatid natin."
"Pero kuya, di naman naging sila di ba nga hindi ka pumayag." Sagot naman agad ni Keith.
"Wala akong pakialam basta ayoko ng makita ang pagmumukha ng lalaking yon."
Mga ilang oras pa ang nakalilipas...
"Welcome home po Sir Patrick and Ma'am May." ang bungad ng mga kasambahay nila na pinamumunuan ni Manang Tina na at ni Manong Berto na tuwang tuwa dahil nakabalik na ang mga ito sa Pilipinas.
"At last, home sweet home." Sabi ni May.
Samantala niyakap naman ni Patrick sila Manang Tina at Manong Berto dahil miss na miss na n'ya ang mga ito.
"Masaya po kaming lahat na ayos na ang kalusugan n'yo Young master." Sabi ni Tina na naiiyak iyak pa.
"Manang Tina naman eh wag na kayong umiyak di naman ako multo eh."
Binatukan naman s'ya ni May "heh! Alam mo bang iyak ng iyak yang si Manang nung nalamang na aksidente ka? Tsaka yan si Manong Berto parati silang nangangamusta sayo... silang lahat."
Nag agreed naman ang lahat at nag smile kay Patrick "maraming salamat po sa inyong lahat. Sorry dahil pinag alala ko kayo."
"Wala po yun Young Master ang importante ngayon ay ayos na ang kalusugan n'yo." Sagot naman ni Manong Berto.
Inakbayan naman ni Patrick si Manong Berto at Manang Tina "at dahil dyan manlilibre ako ng pizza!"
Tuwang tuwa naman ang lahat pati na si May na pinagmamasdan ang kapatid na masayang ka bonding ang mga kasambahay nila.
"Matagal rin ang lumipas pero hindi nag babago si Young Master." Ang sabi ni Manang Tina.
"Yes Manang, he didn't changed a bit."
"Kamusta po ang kalusugan n'ya?"
"He's doing well Manang may miracle po talaga sinagot po ni Papa Jesus ang mga pray natin."
"Opo Ma'am. Walang araw at walang gabi na di po kami nag dadasal para kay Young Master. Kaya masayang masaya kami na magaling na po s'ya at nakauwi na kayo dito."
"Salamat sa inyong lahat Manang."
"Wala po iyon Ma'am nga po pala na banggit n'yo na po ba kay Ms. Kelly na nakabalik na kayo?"
"Alam na siguro n'ya sa mga oras na ito pero..." pinagmasdan niya si Patrick na masayang masaya ang awra "hindi ko alam kung ano ang iniisip ngayon ni Patrick about kay Kelly."
"Kung anuman po yon sigurado akong alam ni Young Master ang gagawin n'ya lalo pa ngayon na maayos na ang kalagayan n'ya. Tsaka nung isang araw po pala nag punta dito si Ms. Kelly."
"Talaga? Ano pong ginawa n'ya dito?"
"May milk tea shop na ang pamilya n'ya at s'ya mismo ang nag deliver dito ng order ng Mom and Dad n'yo."
"Talaga po? Ginawa n'ya yon? At san yung milk tea shop n'ya malapit lang ba dito sa Village?"
"Yes Ma'am, sabi sakin nila Wena malapit lang dito sa Village eh teka... yung name ng milk tea shop n'ya eh... Coffee n' TeaNapay. Oo yun nga."
"Oh... So catchy ng name knowing her si Kelly nga ang may ari nun."
"Hehe... Um. At alam n'yo ba wala pa ring pinagbago si Ms. Kelly napakabait and down to earth n'ya paring bata at ang ganda-ganda n'ya po."
***
Kahit weekend may lakad si Kelly at ngayong Sabado pupunta s'ya sa mall para samahan si Vince na bumili ng bagong laptop.
"Ayan, ganyan mag day off ka naman wag laging trabaho ang atupagin mo." Ang sabi ni Kian na nasa sala at nanonood kasama pa ang ibang mga kuya ni Kelly.
"Yeah. Ipapaayos ko rin kasi ang phone ko."
"Ikaw? Mag papaayos ng phone?" Ang tanong ng kuya niya na para bang di naniniwala.
"IT ka tapos ipapaayos mo ang phone mo?" Segunda namang sagot ni Kim.
"Kuya, hindi naman porket IT ang tinapos ko eh kaya ko ng gawin lahat di naman ako electrician tsaka luma na yung phone ko baka maka bili na rin pag may na gustuhan ako."
"Wag na! Kami na ng mga kuya mo ang bibili ng phone mo." Sabi ni Kian.
"Oo nga kami na." Sabay sambit naman nila Kim.
"Ba kayo?! Di na ko student mga kuy's kaya ko ng bumili ng mga gusto ko hindi ko na kailangang umasa sa inyo."
"Bunso, kahit naman ba ikaw eh may work na di naman ibig sabihin nun eh di ka na namin responsibility kuya mo pa rin kami kahit mag ka pamilya o tumanda ka kami parin ang mga kuya mo tandaan mo yan." Ang sabi naman ni Kevin.
"Tama si Kevin pero yung about sa pamilya wag na muna ang bata mo pa." Sagot naman ni Kian agad.
"Oo naman kuya baka nga tumanda na ko ng dalaga dahil sa inyo."
"Ayos lang samin yon, basta di ka lalayo samin." Sagot naman ni Kim.
"Haysss... bahala na nga kayo sige na aalis na ko."
"Hatid na kita papunta ako ng DLRH eh." Sabi ni Kevin.
"Kala ko off ka ngayon?" Sabi ni Keith.
"Um. Pero may kailangan kasi akong kunin babalik din ako agad."
"Okay, hatid mo nalang ako kila Vince kuya pede ba?"
"Um. Pede naman di naman ako nag mamadali."
"Okie, motor tayo?"
"No! Nang yan ang suot mo?" Ang sabay sambit ng mga kuya nya.
"Really?"
Naka short at di naman kaiklian above the knee lang ang sukat ng short nya at naka shirt na may hood na color white and white rin na sneakers then bag pack na also white rin lately kasi nahihilig si Kelly sa kulay white.
"Oh? Ano? Pede na?" Ang naiinis na sambit ni Kelly dahil nag palit sya ng pants.
Nag thumbs up naman ang mga kuya nya bilang sagot sa kaniya.
"Haysss... tatanda na talaga akong dalaga bahala kayo!"
"."
Nang makarating sila Kelly at Vince sa mall nag punta muna sila sa isang café.
"Here's your order Ma'am, Sir." Sambit nung babaeng crew na may dalang frappe na order nung dalawa.
"Thanks." Sagot ni Vince dahil wala sa mood si Kelly.
Sighed...
Si Vince na ang nag lagay ng straw para sa frappe ni Kelly "Oh, eto na take a sip para di ka dyan buntong hininga ng buntong hininga."
"Okie..."
"Nag pasama ako sayo para tumingin ng laptop tapos dine agad tayo mag titigil? Yung totoo may ari ka ng milk tea shop pero gusto mong mag ganito sa ibang café? Tsaka ako ang nag pa sama sayo dito sa mall pero parang na baliktad ata."
"Ehhh... kasi nga..."
"Sabihin mo, nabalitaan mo na no?"
"Ang alin?"
Sa isip- isip ni Vince "ay, di nga pala mahilig ang isang ito sa social media tiyak, di niya pa alam ang about sa pagbabalik ni Patrick."
"Vince!"
"Ha?"
"Sabi ko anong flavor ng frappe mo."
"Tsk! Napaka isip bata mo parin kahit kailan. Sige na tikman mo na bago ako."
"Yehey."
At si Kelly na nga ang unang tumikim ng frappe ni Vince at napangiti naman ito sakaniya "silky Kelly..."
"Sabi na choco hazelnuts na naman ang order mo."
"Problema mo? Alam mo namang yun ang paborito ko."
"Of course! Kaya nga yun din ang specialty sa mga milk tea namin eh. Hehe."
"Ahm... Bunso..."
"Hmmm?"
Pinisil ni Vince ang pisnge ni Kelly "aw... ano bang ginagawa mo?"
"Wala lang na miss ko lang na gawin tsaka di mo ba na pansin?"
"Ang alin ba? Bitaw nga!"
Binitawan naman na nga ni Vince si Kelly "wala ka kasi sa sarili mo di mo na pansin na tinawag kita bunso."
"Then?"
"Hindi ba, ayaw mong tinatawag kitang ganun."
Kelly shook her head "you're my kuya rin technically kaya Bunso is fine, bakit lilibre mo ba ko? Hehe."
"Hayyysss... yan tayo eh tigilan mo ko ikaw ang nag yakag dine. Mahal-mahal ng laptop na bibilin ko eh."
"Tsss! Oo na! Di man lang maka libre dine."
"Sa susunod na sahod na, ito naman."
"Tse!"
Click...
"Hmm?" Reaction nila Kelly at Vince dahil bigla silang pinicturan ng crew na nag bigay ng orders nila.
"Sorry po pinicturan ko po kayo may photo corner po kami kasi ngayon para sa nalalapit na V-Day at dahil couple po kayo we're..."
"No, we're not couple or anything mag pinsan lang kami. He... He..." Ang nahihiyang sambit ni Vince.
"Hahahahaha... yan kasi napagkamalan na naman tayo. Hahaha... Sorry miss pero di po talaga kami couple pero you can keep that picture." Sabi ni Kelly.
"So— Sorry po ang sweet nyo kasi kaya..."
"No need to explain we understand ganun talaga madalas kami napagkakamalang mag jowa kahit parehas kaming single. Hehe..." Sagot ni Vince.
"Luh! Di kaya ako single."
"Kelly pinagsasabi mo? Lintek lang ang magtatangka na maging boyfriend takot nya lang samin ng mga kuya mo."
"Tsss! Ewan basta I'm not single!"
"Yes, you're not single cause someone is here for yah." Sambit ng isang lalaki na noon ay kararating lang sa café.
"Go—Good afternoon Young Master" Sabi nung crew na kausap nila Kelly.
Gulat na gulat naman sila Kelly at Vince sa nakita nila "Pa— Patrick?!"
Okay it’s a prank lang po! >_<
.
.
Sorry po kung nalungkot kayo sa pagka wala ni Kelly pero ang lahat po talaga ay isang panaginip lang. Yan po ang surprise ko sa inyo ngayong New Year. Mehehehe...abangan nyo pa po ang mga susunod na kabanata. Have a nice day geysh. Smile na po kayo ah. ^.^