webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 372

Tiiiit... Tooot... Tiiiit... Tooot...

Biglang nabulahaw ang mga kuya ni Kelly at ang mama Keilla nila pati na rin si Patrick na nag iintay sa labas ng operating room dahil biglang parang may strange na tunog silang naririnig mula don sa loob.

"Anong nangyayari?" Ang sabi ni Keilla.

May nakita silang dalawang nurse na lumabas sa isang room na nag mamadali napapasok sa room kung nasan si Kelly na may dalang aparatus.

"Nurse anong nangyayari sa loob?" Tanong agad ni Patrick.

"May nangyari ba sa kapatid namin at yung twins? Okay lang ba sila?" Tanong naman agad ni Kian.

Nung papasok na yung dalawang nurse na may dalang aparatus bigla lumabas si Kevin.

"Sige na akong bahala sa mga ito." Aniya sa dalawang nurse at pumasok na nga.

"Tol, ano bang nangyayari sa loob?" Sabi ni Flin.

"Oo nga bakit ganoon parang nag pa panic na kayo sa loob? At yung dalawang nurse bakit sila mag ganung dala?" Sabi naman ni Julian.

"Nung sasalinan na kasi si Bunso ng dugo na galing kay kuya Keith bigla itong inatake sa puso kaya dito na muna kayo mag pray kayo na malagpasan ito ni Kelly." At pumasok na nga s'yang muli.

"Kevin! Sandali lang! Kevin!!!" Pahabol na sambit ni Kian.

Hindi naman makapag salita at di malaman ni Patrick ang kaniyang mararamdaman.

Nang bigla namang nanlambot ang mga tuhod ng mama Keilla nila.

"Ma!"

Inalalayan agad ng mga kuya ni Kelly ang Mama Keilla nila na nahimatay na ng mga oras na yon.

"Sandali po tatawag ako ng doctor." Ang sabi ni Patrick na parang hinang hina.

Bigla namang tinulak ni Kim si Patrick.

"Kasalanan mong lahat ng ito!" Sinapak niya si Patrick at inawat naman s'ya ng kambal.

"Kuya tama na." Anila Jules at Julian.

"Hinde, kasalan n'ya kung bakit ngayon nag aagaw buhay ang kapatid natin! Tapos si mama ayan?! Bitawan niyo ko!!!"

"Kim tama na!" Sigaw ni Kian.

"Pero kuya!"

Sinapak ni Kian si Kim at kinagulat naman yon ng lahat.

"Sinabi ng tama na!"

"Tigilan n'yo na yan sumunod kayo dadalhin ko na si Mama sa doctor." Sabi ni Flin na buhat-buhat na ang mama Keilla nila.

Dumating naman si Keith na medyo hina pa dahil nga kinuhanan ng dugo.

"Anong nangyari kay Mama, kuya?"

"Nahimatay. Bilis sumunod nalang kayo."

"O— Oo."

At sumunod na nga sila at naiwan si Kian at Patrick na nasa sahig parin.

"Tumayo ka dyan!"

"O— Opo kuya."

Pero bago pa man makatayo si Patrick Sinapak s'ya ni Kian.

"Kala mo ba palalagpasin ko ito? Eto lang ang tandaan mo hinding hindi kita patatahimikin kapag may nangyaring masama kay Kelly. Tandaan mo yan!"

Tapos non iniwan ni Kian si Patrick na hindi na nakapag salita at nakatayo pa kahit marami ng tao ang nakakakita sa kaniya don.

"Baby Bro!" Bungad naman ni May na tinulungan agad ang kapatid. "Ano ba kasing nangyari sayo?"

"Ate!!!"

At naging emosyonal na nga si Patrick habang yakap ang ate May n'ya.

Samantala sa loob ng operating room hindi alam ng Dela Cruz siblings maliban kay Kevin na unti-unting humihina ang puso ni Kelly.

"Bunso, lumaban ka!!!" Sambit ni Kevin na naiyak na.

"Kuya..." sambit ni Kelly na sobrang nanghihina na at para bang nauubusan na ng hangin.

"Lumaban ka inaantay ka na ng twins mo nila kuya at mama. Bunso lumaban ka!"

"Kuya... ikaw ng bahala sa twins pati sa lahat. Mahal na mahal ko kayo..."

"No Bunso! Lakasan mo ang loob mo."

"Kuya... wag kang umiyak ayokong nakikita kang naiyak."

"Kaya nga lumaban ka! Please..."

Ngumiti si Kelly at hinawakan ang mukha ni Kevin para pawiin ang luha nito "kuya... mahal ko kayong lahat..."

Toooooootttttt.....

Sabay ng tunog na yon ang biglang pag bitaw ng kamay ni Kelly kay Kevin at nawalan na nga ito ng pulso.

"Bunso!!!! KELLYYYY!!!!"

Walang nagawa si Kevin kung hindi ang umiyak at isigaw ng isigaw ang pangalan ng bunso nyang kapatid habang pinipigilan s'ya ng kapwa nurse n'ya at pinapanood na i-revive si Kelly.

Sa magkaparehong oras naman kung nasan ang mga kuya ni Kelly...

Clink...

Biglang dumulas sa kamay ni Keith ang baso ng tubig nyang hawak na ibibigay sana sa Mama Keilla nila na nakahiga sa isang kama doon sa emergency room.

"Ano ba naman yan Keith? Sinabi na kasing ako na ang kukuha ng tubig eh di ka pa nga kasi ganoong kalakas kita mo ngang kinuhanan ka ng dugo eh." Sabi naman ni Kim.

"Sorry kuya, ewan ko ba bigla nalang dumulas yung baso."

At ng oras na yon nagkatinginan silang lahat at naalala si Kelly.

"Excuse me po, sino po ang Dela Cruz siblings?" Sabi nung babaeng nurse na pumasok.

"Kami." Sabi nila Kian.

"Ah... Eh... Sino po ang pwedeng makausap?

Sa isip-isip nung babaeng nurse "grabe ang gwapo nilang lahat kaya naman pala pogi rin si nurse Kevin nasa dugo nila."

"Nurse!" Sabay sambit nila Kian at Flin na lumapit na din sa nurse.

"So— Sorry po."

"It's okay, anong gusto mong sabihin? Anong lagay ng mama namin?" Sabi ni Flin.

"Ahm... okay lang naman si Ma'am Keilla mamaya lang po babalikan s'ya ni Doc Ralph. Pero ang nais ko po kasing sabihin eh nahimatay po sa OR si nurse Kevin."

"Ano?!" Pagulat na sambit nila Kian at Flin.

"Kuya anong nangyayari?" Sabi ni Jules.

"Wa— Wala... sige maiwan muna namin kayo kay mama." Sabi ni Flin at niyakag niya yung nurse at si Kian na lumabas muna.

"Nasan si Kevin ngayon?" Sabi agad ni Kian.

"Dinala po s'ya sa isang ward pero kaya po s'ya nahimatay dahil..."

"Ano?!" Anila.

"Ayoko pong biglain kayo dahil kaibigan ko po si nurse Kevin pero kasi po..."

"Alam mo Miss hindi ako nanapak ng babae pero kung hindi mo pa sasabihin..."

"Kian!"

"Sorry kuya."

"Sorry po pero kasi po... wala na po si Ms. Kelly."

Sa gulat nung dalawa sa sinabi nung babaeng nurse nanlambot ang mga tuhod ni Kian at natulala naman si Flin.

"Mga sir?!"

"."

Hindi naman agad sinabi nila Kian sa nanay nila na wala na ang kapatid nilang si Kelly dahil baka kung anong mangyari dito lalo't high blood pa ito.

"Mga tol... ano ng gagawin natin?" Ang nanlulumong sambit ni Keith habang nakaupo sila sa may waiting area at naka upo sila doong magkakapatid na para bang wala sa wisyo.

"Hindi ko alam parang gusto ko na ring sumunod kay Kelly." Ang sabi ni Flin.

"Kuya, wag kang ganyan!" Sabi naman ng mga nakababata nyang kapatid.

"Bago mawalan si Bunso ng buhay inaaalala n'ya parin tayo ayaw nyang nakikita tayong na iyak kaya lumaban tayo kahit na mahirap. Para nalang sa twins ni Bunso." Sabi naman ni Kevin na mugtong mugto na ang mata sa kaiiyak.

"Bumalik ka na sa kwarto mo mahina pa ang katawan mo." Sabi naman ni Kim.

"Ayoko, ayos na ko. Gusto kong kasama kayo kapag iniuwi na natin si Kelly sa bahay."

"Paano natin sasabihin ito kay daddy at mama?" Sabi ni Keith.

"Pag nasa bahay na ang labi ni Kelly. Sa ngayon kasi parehas mahina sila daddy at mama. Kailangan muna natin silang pakalmahin baka ano pang mangyari."

"Bakit kasi?! Bakit nag ka ganon kuya Kevin? Sabi mo okay lang si Kelly nag donate na nga ng dugo si kuya Keith di ba? Anong nangyari? Bakit bigla nalang ganito wala na s'ya?!" Galit na galit na sambit ni Jules.

Napatayo naman si Kevin na para hang susugurin n'ya si Jules "hawak ko ba ang buhay ni Kelly? Sa tingin mo ba kagustuhan kong mawala sya?!" Inaawat na sya ni Kim at Flin dahil nang gigil na ito kay Jules.

"Pero ikaw ang may sabi samin na kumalma lang tapos ganito?!" Sagot naman ni Jules na inaawat naman ni Keith.

"Hoy Julian, tulungan mo nga ko sa kakambal mo." Pabulong na sambit ni Keith kay Julian na malayo ang tingin.

"Tigilan n'yo na yan!" Ang pagalit na sambit ni Kian.

"Kapag di kayo tumigil ako na mismo ang mag sasabi kila mama at daddy wala na kong pakialam sa Health nila. Wala na rin naman kayong pakialam sa mga sinasabi n'yo eh!"

Napatungo nalang sila Kevin at Jules sa takot nila kay Flin.

"Maupo na kayo!" Ang pagalit ng sambit ni Flin at bigla namang sumulpot si Patrick sa harapan nila.

"Mga kuy's..."

"Kuy's? Huh!" Ang sambit ni Julian na hindi napigilan ang sarili at sinapak si Patrick at tinutukan pa ng baril.

"Julian!!!" Sabi ng mga kuya nito at inawat.

"Ang kapal ng mukhang mag pakita pa samin? Matapos ang nangyari kay Kelly?!"

Hindi na makatayo si Patrick dahil ubos na ang lakas n'ya at iyak na rin s'ya ng iyak.

"Patawarin n'yo po akong lahat..."

"Patrick!!!" Sambit ni May at tinulungan agad na tumayo ang kapatid.

"Patawarin n'yo po ako..."

Nakita naman ni May na may baril na dala si Julian.

"Ano? Babarilin n'yo ang kapatid ko? Hindi n'yo ba na isip na hindi ginusto ni Patrick ang mga nangyare?!"

"Huh! Hindi gusto ang nangyare? Nang dahil sa kaniya nag triggered si Kelly alam naman nating lahat na maselan ang pag bubutis ni Kelly pero anong ginawa ni Patrick? Inilihim n'ya kay Kelly na may kasama syang ibang babae sa mansion nyo? At sa mansion n'yo pa talaga?" Ang nang gigil na sambit ni Kevin.

"Pero hindi nga mistress ni Patrick si Cindy pinsan namin s'ya na ayaw lang tanggapin na di sila pwede ng kapatid ko."

"Tama na! Umalis na kayong magkapatid baka kung ano pang magawa namin kay Patrick."

"Babe..."

"Ma'am ano pong nangyayari dito?" Ang sambit ng isang guard sa DLRH na may kasama pang tatlong gaya n'ya.

"Huh! Nalimutan ko, pag mamayari n'yo nga pala ang hospital na ito. Hayaan mo kami na ang aalis at bukas na bukas rin mag papasa ako ng resignation letter."

"Pero kuya hindi mo naman kailangang gawin yon." Sabi ni Patrick.

Lumapit si Kian kay Patrick at sinabi niyang "simula sa oras at gabi na ito wala na kaming kaugnayan sa inyong mga Santos."

Hinawakan ni Patrick ang kamay ni Kian at lumuhod "kuya... wag n'yo namang gawin sakin ito."

Tinanggal naman ni Kian ng pwersahan ang kamay ni Patrick "simula rin ngayon kami ng bahala ng mga kapatid ko sa twins."

"Kuya? Kuya... hindi pwede. Ako parin ang tatay nila wag naman pong ganito."

"Oo nga hindi kami papayag mag sasampa kami ng kaso sa inyo pag ginawa n'yo yon!" Sabi naman ni May.

"Then, magkita nalang tayo sa korte."

At umalis na ang Dela Cruz siblings...

"Kuya...." ang pahabol na sambit ni Patrick.

"Hayaan mo na Bro. Hindi nila magagawa yon. Dahil ikaw ang daddy ng twins kaya ikaw ang papanigan ng korte."

"Pero ate... hindi ko naman na isip na ganito ang mangyayari. Wala na si Kelly!!!"

Umiyak ng umiyak si Patrick at di naman malaman ni May kung paano ico-comfort ang kapatid kaya pati s'ya ay umiiyak na rin habang yakap ito.

Kinabukasan...

Nakaitim na ang lahat ng Dela Cruz siblings pati narin ang ilang kaanak at iyak ng iyak si Keilla lalo ng ipinasok sa bahay nila ang kabaong na may labi ni Kelly.

"Bunso!!!" Ang sambit ni Keilla habang naiyak at inalalayan naman siya nila Kevin.

"Ma, kalma lang baka mapano po kayo." Sabi ni Kevin na umiiyak na rin.

Para lang natutulog si Kelly dahil para lang s'ya nakahiga sa maraming bulaklak na puting carnation na ang ibig sabihin ay purity at goodluck yun ang pinili ng mga kuya niya dahil yun rin ang gusto ni Kelly na bulaklak bukod sa yellow kaya sa baba ng kabaong nyang bukas ay white and yellow na carnation. Parang isang Princess si Kelly si Rica at Faith pa mismo ang nag bihis at nag make up dito kaya para syang natutulog sa puti nyang gown na may hood parin bilang ito ang naging tatak n'ya sa lahat ang maging si Ms. Hoodie.

"Anong ginagawa n'yo dito? Umalis kayo!" Ang nagagalit na sambit ni Keith kila Patrick at May.

"Kuya... kahit sandali lang gusto kong makita si Kelly."

"Hindi na kailangan! Umalis kayo dito!"

"May karapatan rin naman s'ya asawa n'ya si Kelly. Bigyan n'yo naman s'ya kahit konting oras lang." Sabi ni May.

"Hindi nga pwede!!!"

"Let them in Keith!"

"Ma..."

"Hindi matutuwa ang kapatid n'yo sa ginagawa n'yong yan kay Patrick."

"Pero Ma, dahil sa kaniya kaya wala na si Kelly satin!" Ang nagagalit na sambit ni Kevin.

"Itigil n'yo na yang kakasisi n'yo kay Patrick walang kasalanan yung tao kung buhay pa si Kelly baka nagalit na s'ya sa inyong mga kuya nya. Alam nyong ayaw ni Kelly na nag aaway away ang nasa paligid nya kaya bigyan nyo naman siya ng katahimikan!"

Matapos ang sinabing iyon ni Keilla natahimik ang lahat at nakatingin kay Patrick at May na papalapit kay Kelly...

"Honey... patawarin mo ko..." Sambit ni Patrick na iyak na rin ng iyak ng mga oras na yon. "Mahal na mahal kita... " hinalikan pa nya si Kelly sa noo habang na iyak.

"Patrick...." Ang naawang sambit ni May.

Di na nag salita si Patrick at tinitigan nalang si Kelly at iniwan na muna siya ni May na tumabi kay Keilla.

Makalipas naman ang limang minuto ng pagtitig ni Patrick kay Kelly bigla nalang itong nag paalam na aalis na pero parang may kakaiba ditong bigla.

"Sandali lang po tita... Hindi po talaga ako napakali eh yung reaction po kasi ng face ni Patrick."

"Hmm?"

"Para po kasing wala sya sarili tapos mag da-drive sya baka po kung mapano sya."

"Si— Sige baka nga kung mapano yun hayaan mong ihatid ka ni Kevin."

"Ho? Hi— Hindi na po."

"Isang kotse lang ang dala nyo ni Patrick at dinala na nya ito kaya sige na hayaan mo si Kevin na ihatid ka."

"Pero po kasi..."

"Kevin!"

"Opo Ma."

Bigla namang may nag sisisgaw na isang lalaki.

"Si Patrick!!!"

"What happened to my brother?"

"Naaksidente sya at ang kotse nyang sinasakyan dahil nabangga sya ng ten wheeler truck."

"Ano?!!!"

Abangan ang susunod na kabanata! Wag kakalimutang mag vote! Beke nemen powerstone lang po. Char! Mehehehe... >.<

lyniarcreators' thoughts