webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · วัยรุ่น
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 336

Kinabukasan makakalabas na ng hospital si Kelly at nakasalubong nya ang kuya Julian nya na bibisita rin sana sa kaniya.

"Oh, discharge ka na?" Ang sabi ni Julian kay Kelly na kalalabas lang ng kwarto ni Kian.

"Um. Okay na ko kuya inaatay ko nalang si Patrick ibinaba nya kasi yung gamit namin eh."

"Ohhh…san ka ngayon?"

"Uwi po muna ako kila Mama tapos balik po ako dito bukas nalang kailangan ko po raw kasi mag pahinga sabi ng OB ko."

"Ahh…oo nga kailangan mo yun kumain ka na ba?"

"Hindi pa po pero sabi ni Patrick nag luto raw po si Mama kaya dun nalang ako kakain samin. Tara kuya sama ka."

"Pero bibisita pa ko kay Jules pati kay kuya Kian gising ba sya?"

"Ay, katutulog nya lang kuya pati nga si ate Rica eh."

"Ahhh…ganun ba sige mamaya nalang ako pupunta kay Jules na lang muna."

"Wag kang mag alala kuya magiging okay rin si kuya Jules nga pala san ka ngayon na nunuluyan?"

"Hmm?"

"Sabi ni tita hindi ka naman daw umuwi sa inyo. San ka natutulog?"

"Ah…may mabait kasing nag patuloy sakin malapit lang sa inyo."

"Samin?"

"Oo dahil satin sya na nunuluyan ngayon." Ang bungad naman ni Kevin na kararating lang.

"Eh? Samin? Di nga kuya?"

"Pffft… oo sabi kasi ni tita Keilla dun na muna ako manuluyan sa inyo."

"Weh? Talaga ba kuya?"

"Oo nga maniwala ka na nga kasi tanong mo pa kay Mama." Ang sabi naman ni Kevin.

"Oh M!!!"

"Hehe...at nga pala babysis dito na muna ako sa Manila maninirahan."

"Weh? Kuya wag ako funny talaga ko."

"Funny?"

"Um. Funny walain hehe…"

"Bunso ang corny ha sige na umuwi ka na inaatay na kayo dun ni Mama sa bahay ipinagluto ka nya ng paborito mong nilagang baboy."

"Wow! Okay sige na bababa na ko kuya Julian kita kits nalang sa bahay."

"Um. Ingat kayo ni Patrick."

"Okie."

At umalis na nga si Kelly na hindi manlang nag paalam sa kuya Kevin nya.

"Tignan mo ang isang yon nalaman lang na dun ka natuloy samin di na ko pinansin."

"Ehe…masaya lang po siguro sya. Ang cute nya eh noh?"

"Ahhh…oo kaya nga spoiled samin yan nila kuya. Lalo na kay kuya Kim spoiled yan."

"Si kuya Kim?"

"Oo hindi lang halata pero sobrang mapag bigay nun lalo na kay Kelly sya nga halos lahat ang sumagot ng tuition fee nya nung nag aaral si Kelly ng college. Nito lang kasi yun nag aral ng face to face simula kasi pag kabata ni Kelly online class sya eh buti nga nakilala nya si Patrick at ayun nagkaroon sya ngayon ng maraming kaibigan sobrang tahimik at mahiyain kasi yon."

"Oh…buti pa kayo ang dami nyo ng alam sa isa't isa."

Inakbayan naman ni Kevin si Julian "wag kang mag alala unti-unti makikilala mo rin kami hindi naman nag mamadali ang bagay na yon."

"Um."

"Paano, tara na kay Jules? Para makauwi ka na rin maya-maya."

"Sige kuya pero iintayin ko muna si Mommy bago ako umalis."

"Ahhh…oo nga pala hindi sya na tuloy ka gabi."

"Oo may kinailangan kasi syang gawin sa business nila."

"Oh, eh bakit bigla ka namang na lungkot?"

"Ah…hindi naman kuya inaalala ko lang kasi si Jules hindi pa kasi sya nagigising."

"Wag kang mag alala magigising rin sya chill ka lang okay? At andito rin naman ako para bantayan sya minu-minuto."

"Oo kuya salamat."

Pag baba naman ni Kelly sa elevator nakasalubong nya si Patrick kaya inalalayan sya nito "honey naman bakit hindi mo inantay sa taas?"

"Ehhh…kasi excited na kong umuwi."

"Oo alam ko naman yon pero ka di-discharge mo palang ingat naman."

"Haysss…ang dami mong alam kasi nga excited na ko umuwi kasi dun pala nanunuluyan satin si kuya Julian."

"Eh?"

"Ganyan nga rin ang reaction ko kaya excited na ko umuwi."

"Pero honey nakita ko kanina lang si kuya Julian."

"Oo andito nga sya pero uuwi rin naman agad si kuya kaya tara na bilis."

"O—Okay… dahan-dahan lang."

"Bumili pala tayo icecream para kay Jacob may tampo pa yun satin eh."

"Ay, oo sige."

May bigla namang tumawag kay Kelly…

"Hello? Hello?"

*toot…toot... toot…*

"Hmmm? Bakit? Sino yung tumawag?"

"Hindi ko alam wala namang nag salita eh."

"Hmmm?"

Kinuha ni Patrick ang cp ni Kelly at tinignan nya yung number at hindi nga ito naka save sa phonebook ng asawa nya "mag palit ka na ng number at ng phone mag papabili ako kay Mr. Sensen."

Kinuha nman ni Kelly ang phone nya kay Patrick at pinitik nya ang ilong nito "sira ulo ka ba? May tumawag lang na unknown number palit agad? Tumigil ka nga! Umiral na naman yang pagka paranoid mo."

"Ehhh…kasi honey baka kung ano na yan baka mamaya virus yan na dala lang ako dun sa ngayare sa company natin kaya gusto ko lang mag ingat."

"Oo alam ko naman pero wag kang mag alala IT specialist rin ang asawa mo noh kaya wag ka ng oa dyan. Kaya ko namang malamang kung may gustong mag hack ng phone ko."

"Okay pero kasi…"

"Haysss…halika na gutom na ko nag luto raw si mama ng nilagang baboy kaya nasasabik na ko."

"Pero hindi ba yun lang rin ang kinain mo kahapon ?"

Binatukan naman ni Kelly si Patrick at nag walked out "honey!!! Intayin mo ko."

Nakita naman sila ni May at Wendy "mukhang okay na nga si Kelly."

"Yeah…I want to see na my Jules."

"Maka my Jules ka naman parang may relation na kayo ah."

Namimilipit naman sa kilig itong si Wendy "eiii…wag ka nga."

"Haysss… beshie hindi bagay sayo mukha kang tanga."

"Really? Should I change ba my expression ba?"

"Ha? Ewan ko sayo tara na nga tumaas para mabisita mo na si Jules wala ka bang lakad ngayon?"

"Yeah wala kaya dito ako mag hapon."

"Ha? Ano namang gagawin mo dito?"

"Of course babantayan ko ang baby Jules ko."

"Baby?"

"Yes, ang cute noh? Sasabihin ko pag na gising sya na baby ang itawag nya sakin para sweet."

"Ha…Ha… Ha… ikaw bahala."

Pero sa isip-isip ni May "baby? Ano sila sanggol na kulang sa gatas? Ewan…"

Nang makarating naman yung dalawa sa mya VIP room area papalabas na sa room sila Kevin at Julian at nakita naman silang dalawa ni May habang busy naman si Wendy na inaayos yung fruits at ilang gifts nya para kay Jules.

"Babe!" Ang bungad naman ni May kay Kevin at niyakap nya ito agad.

"Babe... kalma director ka ng DLRH baka may ibang makakita satin." Ang pabulong bulong namang sambit ni Kevin kaya nagkaroon naman ng space sa kanilang dalawa ni May.

"So—Sorry nalimutan ko."

"It's okay nga pala…Julian lika…"

Lumapit naman si Julian at ipinakilala sya ni Kevin kay May at kay Wendy na tulalang tulala.

"It's my pleasure to meet you girls."

Kinulbit naman ni Kevin si May dahil nakatulala si Wendy habang nakatingin kay Julian "babe… anyare kay Wendy?"

"Ah…kasi alam mo na nung una ko ring nakita yang si Jules ganyan din ang reaction ko kamukha mo kasi silang dalawa."

"Ohh…Ha…ha…ha…"

Makikipag kamay sana si Julian kay Wendy kaso nakatulala pa ito "ha…ha…ha…sandali lang muna. He…he…" Ang sabi ni May at hinila nya sa isang tabi si Wendy "girl ano ba? umayos ka kakambal yon ni Jules kaya kalma ka lang okay? Nakahiga parin si Jules doon sa loob ng kwarto nya."

"Ye…Yes, na mesmerized lang ako to that man… Girl, he so pogi paano maging si Kelly?"

"Ha? Si Kelly? Girl, kapatid nya sila ni Kelly kaya normal lang sa kaniya na makasama ang ganyang ka popoging kuya nya."

"OMG! They so pogi talaga."

"Aha…ha…ha…ha… girl, paalala lang sakin na yung nurse kaya wag mo ng pag nasahan."

"Gosh! Of …Of course I… I don't make agaw him sayo."

Sa isip-isip naman ni May "talaga lang ha? Pero nung una naman kulang nalang ibaon nya ako ng buhay "sa galit nya sakin."

Samantala nag bubulungan rin naman sila Kevin at si Julian "kuya ang ganda pala ng gf mo."

"Ah…hindi naman masyado pero oo kaya mahal ko yun eh pero syempre mahal ko sya kung ano sya."

"Yan ang Dela Cruz."

"Hoy! Wag mong sasabihin yan kay Kell baka kasi iba isipin nya satin. Alam mo naman yung daddy natin medyo marupok."

"Ay, sorry kuya pero hindi pa ko nagkakaroon ng gf kaya loyal ako kuya."

"Talaga?"

"Oo kuya hindi lang halata. Lam mo na sundalo kasi eh."

Napatingin naman si Kevin kay May at nag ka senyasan sila na para bang gusto nilang ireto sila Julian at Wendy sa isa't isa.

"Ahem… kung gusto mo yung kasama ni May na si Wendy pede yun."

Napalingon naman itong si Julian at pa simpleng sumilay kay Wendy "kaso kuya mukhang yayamanin parang mas magkakasundo sila ni Jules."

"Well, I think mas magkakasundo kayo kesa kay Jules."

"Pero alam ko single rin si Jules ngayon eh."

"Ahh…oo actually crush sya ni Wendy."

"Eh?"

"O—Oo… He…he…"

Lumapit naman ng muli sila May at Wendy kila Kevin at Julian "ahm…Julian right?" Ang sabi ni May.

"Yes Miss."

"Ate May nalang para ka namang iba."

"Ah…sige ate May."

"Nga pala si Wendy okay na sya hindi na sya nangangagat."

"Best!" Ang sabi naman ni Wendy na animo'y nahihiya sa sinabing iyon sa kaniya ni May.

"Aha….ha…ha… joke lang tinatanggal ko lang ang kaba nya kasi kala nya talaga ikaw si Jules sorry kanina kung ang awkward nyo sa isa't isa."

"Ah…okay lang sanay naman na ko. By the I'm Julian." At iniabot nya kay Wendy ang kamay nya at nakipag kamay naman ito sa kaniya.

"He—Hello… I'm Wendy it's nice to meet you…"

Nagulat naman yung tatlo ng bigla nalang niyakap ni Wendy si Julian "ba—be…anyare kay Wendy?" Ang pabulong na sambit ni Kevin.

"Hi—Hindi ko sya kilala babe sorry. Oh my gosh!!! Nakakahiya."

Sinong bet nyo kay Wendy? Si Jules or si Julian? Pili na! Char! Mehehehe...(˘>˘)

-after nyo dito please do read my other novels “Chasing Her Smile” and “Pride of Friendship” penge din po powerstones and comment pede din review . mehehe... update daily po tayo ngayon kaso tig iisa lang po ng chapter kada novels ko. Hehe... (っ^▿^)

lyniarcreators' thoughts