webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teen
Not enough ratings
463 Chs

Kabanata 335

"Anong pinag uusapan n'yo?" Ang sabi ni Kelly.

Nagkatinginan naman ang tropa at nag salita agad si Patrick para hindi maka halata si Kelly na ang pinag uusapan nila ay ang kuya Flin nito.

"A... Ano kasi honey about lang sa company di ba guys?"

"Ah... oo nga pala may dala kami sayong paborito mong eggpie. Babe buksan mo para makakain si Kelly." Sabi ni Vince kay Aliyah.

"O— Oo sandali lamang at nag slice ako."

Inaliw naman ni Vince ang pinsan niya para hindi mag hinala sa pinag uusapan nila ni Patrick "kawsin..."

"Kawsin?" Ang pa tanong na sambit naman ni Julian.

"Ahhh... sa Batangas kasi ganun ang tawagan namin mag pipinsan. Right bunso?" Ang sabi ni Vince kay Kelly.

"Anong bunso? Hoy hindi ako bunso sa mag pipinsan noh."

"Hoy at sino pa sa tingin mo aber? Ikaw ang bunso kahit tanong mo pa kila kuya Kian, ano pusta ka?"

"Tsss.... ano naman pupusta mo? Tsaka lugi na naman ako sayo."

Nakatingin lang naman si Julian at naka ngiti at naaliw sa usapan ng mag pinsan "ahem... excuse me lang ano, nandito rin kami baka di n'yo alam mag pinsan." Ang sabi naman ni Mimay.

"Ehe... sorry po ay nga pala kilala niyo na si kuya Julian di ba? May kakambal sya si kuya Julio ay kuya Jules pala. Yun kasi ang gusto nyang itawag sa kaniya. Di ba nuh kuya?" Ang sabi ni Kelly.

"Ah... O— Oo..."

Bigla namang pumasok na si Kevin para painumin ng gamot si Kelly at na gulat syang andaming tao roon "nurse Kevin!!!" Anila Mimay maliban kay Vince dahil kuya Kevin naman ang tawag nito dito.

"Oh, ayos ah buo ang IT Trops ni Kelly."

"Opo." Anila.

"Anyways, kamusta kayo?"

"Okay naman po kami." Ang sabi ni Mimay.

"Kuya..." ang sabi naman ni Julian ay nag wave ng kanang kamay nya."

"Oh, andito ka na rin pala nag ka sabay-sabay ba kayo?"

"Oo kuya nakita namin si kuya Julian papasok dine sa DLRH." Ang sabi naman ni Vince.

"Ohh... Ahm... Kelly oras na ng gamot mo Patrick ikaw na nga mag pa inum sa kaniya, Julian tara sa labas."

"Sige kuya."

At pagka labas nung dalawa ni Kevin at Julian nag chismisan naman yung mag totropa "hoy parang wala kayo sa hospital ah makatanong kayo kay Kelly wagas. Pero ano nga bang nangyare sa kuya Jules mo?" Ang sabi ni Harvey tapos binatukan sya ni Patrick. "Hehe... curious lang din ako."

Inaabot naman ni Patrick ang gamot ni Kelly "ayos lang problema ko naman talaga yang sila kuya ngayon."

"Pero honey chill ka lang sabi ng OB mo kailangan mo mag relax."

"Nga naman baby girl maselan ang pag bubuntis mo ingat ka okay?" Ang concern na sambit naman ni Mimay.

"Andito naman kami Madam tutulungan namin kayo ni Chairman, di ba guys?" Ang sabi naman ni Dave.

"Yeah..." reaction ng lahat.

"Salamat guys pero ngayon gusto ko nalang muna na sila kuya ang umayos ng gulo nila ayoko ng maistress mapapagalitan ako ni Mama."

"I heard it ija." Ang bungad na sambit ng mama niyang si Keilla na kasama si Faith at Jacob.

"Ma!!!" Ang excited na sambit naman ni Kelly at nag mano naman sila Vince at yung iba pa kay Keilla.

Niyakap naman sya ng mama Keilla niya "kamusta ang pakiramdam mo?"

"Ayos lang po Ma kaiinom ko lang po ng gamot."

"Tita Kelly!!!" Ang mangiyak-ngiyak na sambit naman ni Jacob.

"Oh, naiiyak ka ba?"

"Pfft... kanina pa kasi yan talaga nag yayakag dine eh inantay ko pa kasi sila kuya para alagaan muna yung dalawang bata." Ang sabi naman ni Faith.

"Ay opo nga ate buti nasa Manila po rin ang mga kuya n'yo ah nga pala galing na kayo kay kuya Kian?"

"Hindi pa mas gusto kasi ni Jacob na ikaw muna ang makita."

"Eh? Hahaha... totoo ba yung sinabi ni ate Faith? Luh ka! Baka magalit ang daddy mo mag tatampo yun sayo."

"Humph! Di naman nila ko tinawagan kahapon po kaya ako po ako eh nag tatampo sakanila ni mommy."

"Nako, ireng batang ito talaga nag bless ka na ba sa mga Tito at Tita mo?" Ang sabi naman ni Keilla.

"Ay, sorry po." Nag mano naman siya kila Vince at sa iba pa at ang huli ay kay Patrick at kay Kelly.

"Salamat sa pag dalaw n'yo kay Kelly."

"Wala po yun miss na miss na rin naman po namin sya nag aalala rin po kasi kami sa kaniya eh." Ang sabi naman ni Mimay.

"Nakakatuwa naman kayo at gang ngayon eh mag kaka tropa pa din kayo." Ang sabi naman ni Faith.

"Ah... malalapit lang din naman kasi ang trabaho namin sa isa't isa na palayo lang eh si Harvey bilang sa Batangas na sya nakatira." Sabi naman ni Kelly.

"Sabi ko naman kasi kay Harvey pwede naman sya dun sa company." Sabi naman ni Patrick.

"Hehe ayos lang basta pag may time pwede naman ako bumisita ulit dine sa Manila."

"Oh, tama na muna ang kwentuhan n'yo may dala kami na pagkain kumain rin kayo. Marami kaming dala ni Faith nag bake pa sya ng cake."

"Talaga po tita?" Ang excited naman na sambit ni Dave kaya na pingot naman ni Mimay ang tenga nito.

"Ha... ha... ha... nako wag po kayo makinig dyan mga busog naman po kami."

"Aw... honey naman pero gutom na kasi talaga ako kauo ba hindi pa?"

At saktong sabay-sabay naman na nag alboroto ang mga tyan nila sa gutom dahil di pa kasi talaga sila nakain.

"Wag n'yo pong sabihing tyan ko lang yung nag aalburoto ah." Ang sabi ni Jacob na para bang nag bibiro sa mga Tito at Tita nya.

Nagtawanan naman sila sa sinabing iyon ni Jacob na gutom na din talaga samantala masinsinang kinakausap naman ni Kevin si Julian sa loob ng kwarto ni Jules pero nasa may boundary lang sila nakatanaw lang sa may boarder line bago mismo ang pinaka kama kung nasan si Jules "ayos na sya pero hindi pa natin masasabing ayos ang naging operation nya hangga't hindi pa sya nagigising."

"Pero kuya ang sabi sakin ni Kelly na gising si Jules kanina."

"Oo pero mata nya lang ang naimulat nya pero bumalik rin uli ito sa pagkakatukog nito at gang ngayon di pa sya nagigising."

"Anong mangyayari kung hindi sya magising agad?"

"Sa ngayon under observation sya bro pero don't worry stable naman lahat ng vital sign nya. Nga pala si tita papunta na rin dito nakiki pag usap ka na ba sa nanay mo?"

"Hindi pa kuya hindi pa ako handa ayokong sabihin na naman ni mommy na isasama nya ko sa ibang bansa. Ayokong umalis ng Pinas kuya."

"Bakit hindi mo try na tanggapin sila tita at si Jules? After all family mo parin naman sila well kayo rin naman Family namin pero sana magka ayos na kayo ng Mommy mo at lalong lalo na si Jules hindi natin masasabi ang kahihinatnan ng kinabukasan Bro kaya habang maaga pa matuto tayong mag patawad."

Julian sighed then Kevin pats him "don't worry andito lang kami nila kuya at Kelly we got your back."

"Salamat sa pag tanggap kuya." Ang mangiyak-ngiyak na sambit ni Julian.

"Wala yon para san pa at naging magkakapatid tayo sorry din at matagal ang naging proseso bago tayo nag ka ganito kung hindi pa dahil sa kagustuhan ni Kelly na mabuo tayo magkakapatid baka di tayo ngayon nag uusap ng ganito."

"Salamat talaga sainyo kuya kaya naisip ko na dito na muna sa Manila para parati ko kayong nakikita lalo na si Kelly."

"Talaga? Nako, matutuwa si Kelly kapag nalaman nya yan."

"Opo pero gusto ko sanang kausapin muna si kuya Kian kung pwede po sana."

"Oo naman gusto ka rin makausap ni kuya lalo na ni Mama."

***

Kinagabihan nagkita naman na sila May at ang Mommy nila na si Patricia sa airport.

"Mom!!!" Ang sabi ni May na sinalubong ng yakap ang Mommy nya.

"Baby girl...."

"How are you Mom? Parang namayat po kayo."

"No, nag diet lang ako you know naman sa America madalas instant food ang masarap. Anyway, did you by any chance..."

"Mom! Hindi po ako buntis mataba lang well chubby lang Mommy."

"I didn't say anything baby alam mo naman na ang tama sa mali kaya May tiwala ako sayo. Pero di ka pa ba inaalok ni Kevin ng kasal?"

"Mommy naman eh... pero di pa nga po ang tagal gusto ko nga po ako na mag propose m. Char!"

"Namiss ko tuloy lalo si Kelly sa ganyang pananalita."

"Ehe... Opo na mana ko na nga po ata kay Kelly yung kaka "char" ko."

"Kamusta naman sya? Okay na ba sila ng apo ko?"

"Opo Mom alalahanin nyo di pa kayo pwedeng mag pakita sa kanila hangga't di natin nalalaman kung ano bang problema kay kuya."

"I know kaya nga tinawagan ko na si Ben nag pa imbestiga ako sa kaniya at May nalaman sya na sangkot ang isa sa mga kuya ni Kelly sa nangyayaring issue sa company."

"Sino po sa mga kuya ni Kelly?"

"."

Umuwi na sila Vince at pauwi na rin naman ang Nanay nila Kelly nung gabi ring iyon...

"Honey, sila mama ba na kay kuya Kian pa rin?" Ang tanong ni Kelly kay Patrick.

"Um. Andun pa pero pauwi na rin pupunta naman ang mga yon dine eh don't worry." Ang sagot ni Patrick na inaadjust ang temeperature ng aircon dahil nilalamig si Kelly.

"Honey, kinausap ba ni kuya Julian si Ma? Nakita mo?"

"Oo kanina sumilip ako sa labas eh kausap rin nila sila kuya Kim. Alam ko kinausap rin niya si kuya Kian nag pa salamat."

"Ohhh... sa tingin mo mag kaka ayos na sila?"

"Siguro? Hindi ko rin alam pero wag ka ng mag alala kilala mo naman ang mga kuya mo gagawin nilang lahat mapa saya ka lang."

Mula sa pag kakaupo sa kama basta nalang nahiga si Kelly kaya naman nag alala si Patrick "honey naman mag dahan-dahan ka."

"Ayos lang ako para ka namang bago eh parati ko naman yun ginagawa pag stress ako I just want to fall you know the feeling."

"Oo nga honey pero dahan-dahan naman alam mo namang andine ka sa hospital eh. Baka mamaya dumugo yang sa swero mo."

Bumangon namang muli si Kelly at kinamot nya ang ilalim ng baba ni Patrick na parati nyang ginagawa para Napa kalma ito "honey yan ka na naman eh ginagawa mo na naman akong aso eh."

"Ahahahaha... na halata mo pala?"

"Haysss... yan ang ginagawa mo kay Lottie eh kapag gusto nito mag pakamot sayo."

Tawang tawa naman si Kelly ng bigla syang hinalikan ni Patrick sa pisnge "a—anong..." Ang sambit naman ni Jacob pag bukas nya ng pintuan ng room ng kaniyang tita Kelly nya.

"Ba— Baby..." Ang pautal utal na sambit naman ni Kelly na itinulak si Patrick.

"Tita Kelly...." Ang malungkot na sambit ni Jacob at hinawakan ang kamay ng tita nya na para bang nag susumbong.

Nagkatinginan ang KelRick at sabay nilang sinabi na "Bakit baby? Anong nangyare?"

"Si daddy po kasi..."

"Bakit anong nangyare kay kuya? Honey tignan nga natin si kuya." Ang nag aalalang sambit naman ni Kelly.

"Nothing to worry tita he's okay po. Ayaw nya po akong payagan na bantayan sya."

"Ha?" Ang reaction naman ng KelRick.

Pabulong bulong naman si Patrick kay Kelly "kala ko naman kung ano na..."

"Shhh... wag ka ngang maingay baka marinig ka lalo pang malungkot yung bata."

"Sniff... Sniff... Sniff... naririnig ko po kayo. BOOHOOO...."

Hiyiee geysh... ʕ ͡❛ ͜ʖ ͡❛ʔ

-after nyo dito please do read my other novels “Chasing Her Smile” and “Pride of Friendship” penge din po powerstones and comment pede din review . mehehe... update daily po tayo ngayon kaso tig iisa lang po ng chapter kada novels ko. Hehe... (っ^▿^)

lyniarcreators' thoughts