"Kung gayon ay magmadali na tayo. mas maganda kung mahanap na natin ang bayan na sinasabi mo sa lalong madaling panahon" sinabi ni Zhu Kao habang tumatango.
Hindi sinasadyang matuklasan ng lalaking nagngangalang Li hong ang bayan ng Malaya habang naglalakbay siya sa kagubatan. pagkalito ang kanyang unang naramdaman nang makita niya ang bayan dahil alam niyang ang bayan ng Everest lamang ang bayan dito sa lugar na ito. dahil dito ay sinimulan niyang suriin at imbestigahan ito, ngunit hindi siya naglakas-loob na lumapit sa bayan sapagkat iniisip niya na ito ay isang patibong lamang na ginawa ng mga halimaw dahil nakita niya ang ilang halimaw na labas pasok mula sa bayan.
Nang makita ang mga halimaw at tao na naglalakad palabas ng gate, mabilis siyang umatras at tumakas palayo. nagpasya si Li Hong na bumalik muna sa kanyang bayan upang iulat ito.
Pagkatapos niyang ireport ang tungkol dito, ang konseho ng bayan ay nagtipon ng isang pangkat ng chosen upang siyasatin ang bagay na ito.
Tatlong araw na ang lumipas mula nang sila ay umalis at naglakbay papunta sa bayan na kanilang iimbestigahan. sa loob ng tatlong araw na iyon, ang kanilang pangkat ay maingat na nagka-camping sa kagubatan tuwing gabi. kahit na alam nilang mapanganib ang pagtulog sa labas ng bayan, sina Li Hong at Zhu Kao ay sanay na matulog sa labas. ganoon din ang iba sa kanilang kasama ngunit alinman sa dalawa ay hindi nais na magtagal sila nang walang isang malambot kama na masarap higaan.
"Mas mabuting mag-ingat na tayo dahil ang kaligtasan natin ang pangunahin nating priyoridad .."
Tumango ang iba bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Li Hong.
Nang makapag desisyon ang grupo sa kanilang gagawin, tinawag ni Li Hong ang iba pa upang sabihin ang kanilang pinag usapan.
"Whoosh!"
Habang naglalakad ang grupo at iniisip ang kanilang gagawin, biglang may isang bugso ng malakas na hangin ang umihip sa buong lugar. pagkatapos ay isang malabong silweta ang lumabas mula sa itaas at lumipad patungo sa kaliwang direksyon ng pangkat.
"Hmm?"
Tumaas ang kilay ni Li Hong habang nakatingin sa malabong silweta na lumipad palayo sa kanila. kahit na malabo ito ay nalaman pa rin ng kanilang pangkat na ito ay isang silweta ng isang tao na dumaan sa kanila.
"Isang tao? bakit kaya siya nagmamadali?" nagulat na sinabi ni Zhu Kao.
"Para siyang tumatakbo para sa kanyang buhay" sinabi ng isa sa mga babae na nagngangalang Chen Ruo.
"Hmm.. sa palagay niyo, may nagtatangka kaya sa kanyang buhay?"
"Ang halimaw na iyon siguro ay napakalakas kung kaya nitong patakbuhin ang lalaking iyon ng ganoon kabilis, pero bakit wala tayong nakikita na humahabol sa kanya?"
"Marahil ay nakatagpo ang lalaking iyon ng isang god level monster. base sa kanyang bilis, siya ay nasa isang mapanganib na sitwasyon kanina kaya hindi niya napansin na ang mga halimaw na gumagala sa lugar na ito ay mga mababa ang antas na lamang"
Si Li Hong ay nakatingin sa direksyon kung saan nagmula ang lalaki. dapat kahit papaano ay mayroon nang humahabol sa kanya ngunit tulad ng sinabi niya ay walang sinuman ang nandito.
Si Zhu Kao ay nagkibit balikat na lamang at sinabi,
"Sino ang nakakaalam? siguro ay walang pakialam ang halimaw na habulin siya? walang mangyayari ang pag-iisip natin tungkol dito. wala tayong ideya kung sino siya kaya hindi natin alam kung paano siya tutulungan. tara na"
Sa isang malayong distansya mula sa grupo nila Li Hong, isang malabong silweta ang kumukurap sa paligid ng mga puno na may matinding paggalaw.
Iyon ay si Ye Song.
Paglingon niya, tumingin si Ye Song sa direksyon ng grupo nila Li Hong. siya ay lumingon nang panandalian dahil nais niyang bumalik at balaan ang grupo na iyon ngunit sa huli ay tiningnan na lamang niya ang mga ito sa malayo at patuloy na tumakbo sa direksyon na kanyang pupuntahan.
"Bahala na. hindi ko naman sila kilala kaya wala akong obligasyon na balaan sila .."
Alam ni Ye Song na ang mga natitirang halimaw na nasa dilim kanina ay hinahabol siya. napansin na niya ito nung una pa lamang ngunit hindi na siya nag-abala sa mga ito dahil nagmamadali siya.
Kahit na sinabi niyang wala siyang obligasyong balaan sila, nakonsensya pa rin si Ye Song sa grupo na iyon. sa kanyang puso ay ninanais niya na magiging ligtas ang pangkat na ito at maiwasan ang pangkat ng mga halimaw na humahabol sa kanya.
Isinasaalang-alang ang populasyon ng sangkatauhan, ang bawat isang tao na mamatay ay itinuturing na isang malaking pagkawala.
Dahil dito, tinandaan ni Ye Song ang kanilang mga mukha at gumawa ng isang kumplikadong ekspresyon.
Wala na siyang oras upang isipin ang tungkol sa kung ano-ano dahil mayroon siyang mahalagang bagay na kailangan niyang gawin ngayon ..
Siya ay nagmamadali!
[Natitirang oras: 24 minutes 18 seconds]
-
Si Ye Song ay nagpatuloy sa pagtakbo sa kagubatan ..
Hinahanap niya ang mga bakas na iniwan ng penguin commandos sa kagubatan. sa kabutihang palad, ang kasalukuyang direksyon na kanyang tinutungo ay pabalik sa bayan ng Malaya kaya't masuwerte para sa kanya na ang mga penguin ay tumatakbo sa patungo dito.
Makalipas ang ilang minuto, natagpuan niya sa wakas ang mga sariwang bakas ng mga penguin.
Nang makita niya ito ay dali-dali siyang sumugod sa direksyon na iyon habang nag-iingat sa kanyang likuran dahil sinasabi sa kanya ng kanyang intuwisyon na ang mga anino ng mga halimaw ay nasa likuran lamang niya!
Sa loob lamang ng ilang sandali, nakita ni Ye Song ang ilang mga katawan na nakahiga sa lupa. Nang tingnan niya ito ng mabuti, nakilala niya ang mga lalaking ito na nasa pangkat ni Roy Balboa!
Isang malamig na hangarin sa pagpatay ang biglang lumitaw sa mga mata ni Ye Song nang makita niya ang mga katawang ito. ilang sandali lang pagkatapos niyang suriin ang paligid ay nagpatuloy siya na hanapin ang iba pa.
"Sana maging ligtas kayo!" tahimik na bulong ni Ye Song sa kanyang puso.
-
Sa bayan ng Malaya ..
Nang makita ng mga guwardiya na nagpapatrolya sa tuktok ng pader ng bayan ang mga grupo ng halimaw na nagmamadaling sumugod patungo sa kanilang direksyon, sila ay nagpanic at nagsisigaw!
Ito ang unang pagkakataon na makakita sila ng napakaraming halimaw sa kanilang buhay. dahil dito ay hindi nila alam kung ano ang gagawin sa sitwasyon na ito!
Merry Christmas sa inyong lahat! pasensya na kung irregular release natin, sana maintindihan niyo salamat!!
Creation is hard, cheer me up!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!