webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · Fantasy
Not enough ratings
86 Chs

Pagbabago ng puso!

Si Tango na nakatulala habang tinitingnan ang sangkatutak na halimaw na pasugod sa bayan ng Malaya ay nabawi na ang ilan sa kanyang pandama. pagtingin niya sa paligid ay nakita niya ang mga nagpapatrolyang guwardiya na nakatayo at nanginginig ang buong katawan!

Nang mapansin niya ito ay dali-dali siyang nagbigay ng utos.

"Bilisan niyo at kunin ninyo ang inyong mga sandata! ipagtanggol natin ang bayan laban sa mga mananakop!"

Ang malakas na boses ni Tango ay parang isang wake up call sa kanila. ang mga nakapirming nanginginig na mga guwardya ay nakahanap ng kaunting lakas upang igalaw ang kanilang mga katawan at sinimulang maghanda para sa paparating na labanan.

Kahit na natatakot sila ay wala silang mapagpipilian dito. mas maigi na mamatay habang nakikipaglaban kaysa umupo sa lupa at hintayin ang kanilang kamatayan!

Nang makita niya na nagkaroon ng pagbabago ang mga ekspresyon ng mga nagpapatrolyang guwardiya, napabuntong hininga si Tango.

Alam niyang maliit lamang ang kanilang tsansa na makaligtas sa pagsalakay na ito, ngunit gayon pa man ay nais niyang lumaban hanggang sa huli.

Ang karamihan sa mga tao na nakatira sa bayan ay bago pa lamang at hindi pa nagtatagal na manirahan dito.

Gayon pa man, kahit na nanginginig silang lahat dahil sa takot, pinili pa rin nilang protektahan ang bayang ito mula sa mga halimaw dahil ito na lamang ang kanilang huling pag asa upang makapumahay ng malaya!

Habang ang mga guwardya ay nakatingin sa pasugod na mga halimaw, isang maliit na unggoy ang nagmamasid sa gilid at sinusulyapan sila.

Habang pinagmamasdan niya ito ay isang alon ang umusbong sa kanyang puso.

Ang maliit na unggoy na ito ay ang Ape God na nahuli ni Ye Song, si Coco.

Iniisip ni Coco na ang mga taong ito ay kapuri-puri. kahit na mahina sila, pinili pa rin nilang tanggapin ang kanilang kapalaran at lumaban hanggang sa huli. sa una ay naisip niya na sila ay magpapanic sa takot at magkakagulo sa loob ng bayan habang hinihintay ang kanilang kamatayan kapag dumating ang isang krisis.

Ngunit siya ay nagkamali!

Mukhang minaliit niya ang mga taong ito.

"Ang mga tao ay mga mahihinang nilalang"

Ito ang paniniwala ni Coco buong buhay niya. maliban sa kanyang master, ang ibang mga tao ay tila napakahina at hindi kayang maipagtanggol ang kanilang mga sarili.

Ngunit pagkatapos niyang makita ang mga tao sa kanyang paligid, nagbago ang kanyang saloobin at bigla siyang nagkaroon ng isang pagbabago ng puso.

Kahit na sila ay mahihinang nilalang, mayroon silang isang matatag na puso at hindi mo pwedeng maliitin ito!

Sa pag-iisip na ito, isang mahinang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha, pagkatapos ay lumanghap siya ng sariwang hangin at naglabas ng isang mahabang paghinga.

Pagkalipas lamang ng ilang sandali, isang determinadong ekspresyon ang lumitaw sa mukha ni Coco at sinimulan niyang utusan ang mga armored gorilya na iligtas ang mga taong nagtatrabaho sa labas ng bayan.

Ang mga armored gorilya ay agad na sinunod nang walang pag-aalangan ang utos ni Coco at sinimulang iligtas isa-isa ang mga tao na nasa labas ng bayan.

Si Coco sa kabilang banda ay nagsimula ng isang simulation sa kanyang isipan kung paano papaliitin ang pagkalugi na makukuha nila kapag nagsimula na ang pag atake ng mga halimaw.

Kahit na siya ay mas mahina kaysa sa kanyang dating anyo ngayon, si Coco ay isa pa ring god level monster na namuno sa mga armored gorilya upang makaligtas sa kagubatan.

Nais niyang iligtas ang maraming tao hangga't makakaya niya kaya maingat niyang iniisip kung anong mga hakbang ang kailangan niyang gawin at kung ano ang pinakamahusay gawin sa mga pwedeng mangyari.

Sa umpisa ay wala siyang pakialam kung ang mga taong ito ay mamatay o hindi maliban sa pamilya ni Ye Song. wala siyang katungkulan sa kanila kaya naramdaman niyang wala siyang obligasyong ipagsapalaran ang kanyang buhay para sa mga ito.

Ngunit ngayon ay nagbago na ang sitwasyon...

-

Sa kabilang panig ng bayan, ang dragon na si Nobita na siyang namamahala sa water system at depensa ng bayan ay inuutos din sa mga kung fu turle na gumawa ng ilang paghahanda para sa paparating na laban.

Nagkaroon rin siya ng pagbabago sa kanyang puso tulad ng nangyari kay Coco matapos niyang masaksihan kung ano ang naging reaksyon ng mga tao sa paparating na tadhana na kanilang kakaharapin.

Nakita niya sa kanilang mga ekspresyon na natatakot sila ngunit ginagawa pa rin nila ang kanilang makakaya.

Nang makita ang mga taong ito na sinusubukan ang kanilang makakaya upang mag-ambag hangga't makakaya nila para mabuhay, naantig ang kanyang puso sa kanilang mga aksyon at pinili niya na ipagsapalaran ang lahat!

Ang parehong mga saloobin ay tumatakbo sa isip ng bawat halimaw sa bayan ngayon!

Ang pagkakaroon nila ng pakikipag-ugnayan sa mga tao ay nagpabago sa kanilang mga pananaw tungkol sa mga ito.

Ang pakikipagkaibigan sa mga tao ay hindi isang masamang bagay!

Handa akong mamatay para sa kanila!

-

Nang matapos na nilang maihanda ang lahat ng uri ng kagamitan na kanilang kailangan, nagsimula silang magtipon sa taas ng pader at tiningnan ang mga halimaw na tumatakbo patungo sa bayan na may determinadong ekspresyon.

Kahit nanginginig sila sa takot, di nagtagal ay nasanay na rin sila.

Matapos ang unang pagsalakay ng mga halimaw, nagsimula silang mamuhay na nakabitin sa isang sinulid.

Alam nilang mamamatay sila sa pagsalakay na ito ngunit pinili pa rin nilang ipagtanggol ang bayan dahil ito lamang ang nag-iisang bayan na tumanggap sa kanila!

Ang bayang ito ang nagbigay sa kanila ng maayos na makakain, magandang matitirahan at higit sa lahat ay pinaramdam ng bayang ito sa kanila na ligtas sila kaya't gusto nilang protektahan ito hanggang sa huli upang bayaran ang kabutihang nakuha nila mula sa binata na nagligtas sa kanila noong sila ay nasa panganib!

"Roar!"

Isang malakas na dagundong sa buong paligid ang umalingawngaw habang papalapit ang mga halimaw sa bayan.

Nang ang mga halimaw ay halos dalawang daang metro na lamang ang lapit sa pader, naramdaman ng mga tao sa loob ng bayan ang paglaktaw ng kanilang mga puso at mahigpit nilang hinawakan ang kanilang mga sandata upang maghanda para sa paparating na laban.

Nakikita nila ang mga ekspresyon na ginagawa ng mga halimaw...

Marahas ito at puno ng hangarin sa pagpatay..

Ang pagtingin lamang sa mga ito ay kaagad na nagbibigay sa kanila ng matinding pangingnig sa kanilang gulugod.

Nang magsisimula nang umatake ang mga tao sa loob ng bayan, bigla silang nakaramdam ng isang pagyanig sa kanilang kinatatayuan!

Malapit na bagong taon guys! pasensya na medyo busy lang!

magrelease ako bago mag new year wag kayo mag alala! :) salamat ng marami!

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

yamceecreators' thoughts