webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · แฟนตาซี
Not enough ratings
86 Chs

Iligtas si Suzy mula sa panganib!

Ang ngiting iyon ang pinakanakakasilaw na ngiti na nakita ni Ye Song sa buong mundo.

Hindi ito maikukumpara sa kahit sinong artista, hindi sila nalalapit sa kanyang kagandahan!

Habang nakangiti ay binuksan niya ang kanyang mga mata at tiningnan ang asul na dragon ng saglit bago lumingon kay Ye Song na nasa malayo.

Ngumiti siya sa kanya na may luha sa mga mata.

Hindi niya mapigilang maiyak dahil alam niya na mamamatay na siya kung kailan pa nakita niya ang isa sa pinaka mahalagang tao sa kanyang buhay!

-

Ang asul na dragon, matapos patayin ang tatlong binata ay tinuon ang kanyang pansin sa puting buhok na babae. dahan-dahang naglakad ang dragon papunta sa kanya habang tinitigan ito ng masama.

Makalipas ang ilang sandali, ang asul na dragon ay lumundag patungo sa babae at binuksan ang kanyang bibig upang sakmalin ito!

Ang pangil nito ay tumambad, nagsisiwalat ng isang kislap na puntirya ang babae na may puting buhok!

-

Nang makita ni Suzy na lumundag ang asul na dragon papunta sa kanya at balak siyang sakmalin, nawalan na siya ng pag-asa.

Sigurado siyang mamamatay na siya.

Tumingin siya kay Ye Song sa huling pagkakataon habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.

Samantala, si Ye Song na nakatulala ay biglang nataranta nang makita niya ang sitwasyon na nangyayari sa kanyang harapan. nang makita niya ang asul na dragon na biglang sumugod kay Suzy, ang kanyang puso ay tumigil sa pagtibok!

Tulala pa ring tinitigan ni Ye Song si Suzy na nakatayo lang doon at nakangiti habang nakatitig sa kanyang direksyon.

Nabulunan siya nang makita niya itong ngumiti sa kanya. habang siya ay tulala, isang maayang boses na may kakayahang makuha ang lahat ng mga puso ang biglang pumasok sa kanyang tenga.

"Sorry Ye Song. masaya talaga ako na makita ka pero parang hindi ako magkakaroon ng pagkakataon na tumingin sa iyo ng mas malapit"

Matapos sabihin ang mga salitang iyon, ngumiti si Suzy ng masigla at sinabi.

"Paalam"

Sa sandaling narinig ni Ye Song ang kanyang sinabi habang nakangiti, sumigaw siya ng malakas dahil sa hinagpis!

"Hindi ako papayag, system limit off!"

Sumigaw siya sa system na alisin ang Limit Stats Restriction sa kanyang stats upang iligtas si Suzy ngunit meron nangyari na hindi niya inaasahan!

*DING*

*Ang pag deactivate ng limit stats restriction ay nag fail dahil hindi kalmado ang iyong pag-iisip*

"Tangina! Ano ito?" galit na sinabi ni Ye Song.

*Ito ang pamamaraan upang ibalik ang iyong mga stats sa kanyang orihinal na antas*

"Bakit kailangan kong maging kalmado para lang maibalik ang stats ko sa orihinal na antas?"

*Ito ay upang maiwasan ang pagsabog ng iyong katawan. ang aspeto ng kaligtasan ay isinasaalang-alang dahil lampas sa limitasyon na kaya ng iyong katawan ang iyong mga stats*

"Bakit hindi mo sinabi kanina!"

*Sinabi ko pero hindi ka nakinig. ang pagkakaroon ng stats na lampas sa limitasyon ay itinuturing na abnormal. kung pipilitin nating ibalik ang lahat ng iyong stats nang sabay-sabay, ang iyong katawan ay maaaring magdusa ng isang backlash. Tulad ng unang pagkakataon na nakakuha ka ng napakalaking experience, kailangan kitang ilagay sa Sleep Mode dahil halos sumabog ang iyong ulo mula sa lahat ng impormasyong mabilis na pumasok sa iyong utak*

Nang marinig ni Ye Song ang sinabi ng system, hindi siya umimik at nagalit dahil alam niya na may punto ang sinasabi ng system.

*Ang proseso na ito ay kailangan katulad ng pagbuo ng isang bahay. mabagal ito dahil isinasaalang-alang ang aspeto ng kaligtasan. madali mong maa-activate ang Limit Stats Restriction dahil nililimitahan lamang nito ang iyong mga stats ngunit kapag sinubukan mong i-deactivate ito, isang napakalakas na puwersa ang babagsak sa iyong katawan at kailangan ng kalmadong pag-iisip upang maiakma ito sa kayang dalhin ng iyong katawan*

"FUCK!" napamura sa galit si Ye Song ngunit alam niya na wala siyang magagawa.

Nang marinig ni Ye Song kung ano ang sinabi ng system, hindi na siya umasa dito at sumugod na patungo sa lugar kung nasaan ang asul na dragon upang iligtas si Suzy.

"Kuchi, Richi, Hachi, Pochi at Ahoka distract niyo ang blue dragon snake para sa aken!" inutusan ni Ye Song ang mga penguin at si Ahoka.

Nang ang buntot ng asul na dragon ay halos limang metro na lamang ang layo mula kay Suzy,

"BOOM!"

"BOOM!"

"BOOM!"

Isang tuluy-tuloy na malakas na pagsabog ang umalingawngaw. ang blue dragon snake na umatake kay Suzy ay biglang naglabas ng isang malungkot na daing dahil nagtapon si Hachi ng mga granada sa blue dragon snake upang maiwasan ito sa pag-atake kay Suzy.

Ito lang ang pinaka epektibong paraan na magagawa nila sa sitwasyon na iyon dahil malayo ang kanilang distansya upang hadlangan ang pag-atake ng asul na dragon.

Ngunit kahit na mabilis silang tumugon sa sitwasyon ay tinamaan pa rin si Suzy ng buntot ng dragon!

Dahil sa distansya sa pagitan ng buntot at ni Suzy, kahit na ang pag-atake nito ay bahagyang nagbago ang direksyon dahil sa pagsabog, tinamaan pa rin siya nito.

"Bang!"

Isang malakas na putok ang umalingawngaw sa paligid at makikita na lumipad si Suzy sa ere tatlong metro ang layo mula sa kanyang orihinal na posisyon. lumapag siya lupa na may malubhang pinsala sa buong katawan!

Nang makita ito ni Ye Song ay namula ang kanyang mga mata sa galit at agad na tumakbo papunta kay Suzy.

Samantala, bumagsak sa lupa ang asul na dragon dahil sa biglaang pagsabog. nang makita ito ng mga penguin ay mabilis na itong nag glide patungo sa dragon!

Sa isang "swoosh" na tunog, apat na slash ang lumitaw sa malaking katawan nito. ngunit hindi pa ito natapos doon. ginamit ni Ahoka ang [Claw Strike LV.3] at itinutok sa tiyan nito!

Ang Blue Dragon Snake ay umungol sa matinding paghihirap dahil sa biglaang pag-atake!

Sa kabilang banda, nakita ni Ye Song si Suzy na nakahiga sa lupa at sinuri niya ang pulso nito upang malaman kung buhay pa siya. nang maramdaman niyang humihinga pa rin siya ay napasinghap si Ye Song ng maluwag ngunit nanatiling nag-aalala dahil ang pulso nito ay pahina ng pahina kada minuto!

Napasinghap = sigh

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

yamceecreators' thoughts