Nagulat si Ye Song nang makita niyang tumatakbo papunta sa kanya ang kanyang mga alaga pero naglakad pa rin siya palapit sa mga ito.
"Master! master!" sinabi ni Ahoka na may nagmamadaling boses.
Si Ye Song ay nagtataka kung ano ang nangyari kaya naman tinanong niya ang mga ito.
"May nangyari bang hindi maganda?"
"Wala naman. gusto lang namin sabihin sa iyo na nakakita kami ng isang asul na dragon sa ilog na malapit dito" nasasabik na sinabi ni Ahoka.
"Tapos?"
"Nakita namin na kinakalaban ito ng mga rankers at mukhang matatalo sila" sinabi ni Kuchi.
"Mga rankers, hmph! ayokong makakita ng katulad nila sa ngayon" medyo nababagabag pa rin si Ye Song sa nangyari sa chosen's test.
Nang makita ni Ahoka ang ekspresyon ni Ye Song ay hindi na siya nagsalita upang kumbinsihin ito.
Nang makita ito ni Richi, tiningnan niya si Ye Song at sinabi.
"Ngunit mayroong isang magandang baba-"
"Tayo na!"
Bago pa man matapos ni Richi ang kanyang sasabihin, bigla niyang narinig na sumigaw ng malakas si Ye Song.
Tinaas ni Ye Song ang kanyang braso at sumigaw.
"Pumunta tayo sa ilog dali!"
-
Dali-daling tumakbo si Ye Song at ang kanyang mga alaga patungo sa ilog.
Sa utos ni Ye Song, ang mga penguin ay nag-glide sa kagubatan habang si Ahoka ay hingal na hingal habang tumatakbo dahil nakasakay sa kanya si Ye Song.
Ngunit kahit hingal na hingal, itinulak pa rin ni Ahoka ang kanyang sarili sa limitasyon dahil ayaw niyang mapagalitan siya ni Ye Song kaya't sinubukan niya ang kanyang makakaya.
Nang makarating sila sa ilog, nakita nila ang isang napakalaking asul na dragon. nang titigan nila ito ng mabuti ay napansin nilang hindi ito isang normal na dragon kundi isang Dragon Snake.
Sa ilalim ng asul na Dragon Snake ay mayroong apat na lalaki at isang babae na nakikipaglaban sa halimaw na ito at ang isa sa mga lalaki ay nasugatan nang malubha nang dumating si Ye Song.
Nang makita ito ni Ye Song ay wala siyang ginawa at pinapanood lamang niya ang labanan mula sa malayo. tinitignan niya ang tatlong lalake na nakikipaglaban sa asul na dragon habang ang babae ay pinoprotektahan ang kasama nilang nakahiga sa lupa dahil malubhang nasugatan.
Itinuon ni Ye Song ang kanyang atensyon sa dalaga at dahan-dahan itong lumapit upang suriin kung totoo ang sinasabi ni Richi.
Nang malapit na si Ye Song at nakita na niya ang mukha ng babae, nagbigay ito ng malaking gulat sa kanyang puso.
Nakita niya ang isang dalaga na may kaibig-ibig na mukha at may puting buhok na nasa tabi ng ilog. ang kanyang buhok ay nakapusod habang nililipad ng hangin na para bang nasa isang pelikula.
Ang dalaga na pinoprotektahan ang kanyang kasamahan ay nakaramdam ng isang tingin kaya lumingon ito sa direksyon kung saan niya ito naramdaman at alamin kung sino ito.
Nang makita ni Ye Song ang dalaga na tumingin sa kanyang direksyon, tumigil ang pagtibok ng kanyang puso.
Ang asul na mata ng dalaga ay nakatingin sa kanya ng diretso!
Bumilis ang tibok ng puso ni Ye Song at hindi siya makapag isip ng maayos nang makita niyang nakatitig sa kanya ang dalaga. hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin sa sitwasyon na nasa kanyang harapan.
Ang naririnig lamang niya ay ang kabog ng kanyang puso!
"Suzy!"
Siya ay kaibigan ni Ye Song sa pagkabata.
Huling nakita ni Ye Song si Suzy noong bago pa sumalakay ang mga halimaw dalawang taon na ang nakakalipas. siya ang pinakiusap ni Ye Song sa kanyang ama na tulungan pero sinabi ng kanyang ama ay mas maraming koneksyon ito sa gobyerno kaysa sa kanya.
Ngayong nakita ulit siya ni Ye Song, siya ay naging isang kamangha-manghang tao na. nang unang dumating si Ye Song sa Freedom Land ay nakarinig siya ng ilang balita tungkol sa kanya. maliit na balita lang ito ngunit sapat na kay Ye Song iyon upang malaman ang tungkol sa kanyang buhay.
Si Suzy at ang kanyang pamilya ay napunta sa bayan ng Montblanc. ngunit ang kanyang pamilya tulad ng kay Ye Song ay hindi nakakuha ng kwalipikasyon na pumasok sa bayan. ito ay sa parehong dahilan ng tulad sa kanila, kawalan ng koneksyon sa loob ng bayan.
Ngunit hindi iyon nagpapigil kay Suzy upang tuparin ang kanyang mga pangarap.
Si Suzy ay may talento sa fencing at dahil doon ay nakakuha siya ng isang espesyal na rekomendasyon mula sa dojo ng nayon (ang dojo instruktor ng nayon ay isang dating Royal Knight noong kabataan niya) upang pumasok sa isang Knight School sa Montblanc Town.
Kahit na si Suzy ay hindi pa nag eevolve, hindi ito naging hadlang para maging top 1 siya sa kanyang klase.
Habang tumatagal, siya ay lalong gumaganda at nagiging mas kamangha-manghang tao. dahil doon, inisip ni Ye Song na wala na siyang pag asa at sinimulan niyang kalimutan ang lahat tungkol sa kanya.
Ngunit ngayon nang makita ulit ni Ye Song si Suzy, muling bumilis ang pagtibok ng kanyang puso!
Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ulit siya sa mahabang panahon!
-
Habang si Ye Song ay tulalang nakatitig sa kanya, si Suzy ay nakatingin din sa kay Ye Song na parang may naalala habang tinititigan siya.
Ngunit sa hindi inaasahan, biglang nagalit ang asul na dragon at naglabas ng malakas na ungol sa tatlong lalakeng nakikipaglaban.
Ang tatlong binata na nakikipaglaban sa asul na dragon ay biglang sumuka ng dugo dahil sa lakas ng impact ng sigaw ng dragon.
Sa isang iglap, mabangis na hinampas ng asul na dragon ang kanyang buntot patungo sa tatlong nakikipaglaban sa kanya.
Ang tatlong binata ay walang oras upang umiwas dahil sa biglaang pangyayari!
"Bang!"
Isang malakas na putok ang umalingawngaw at maririnig mo ang tunog ng mga buto na sabay-sabay na c-crack.
Ang tatlong binata ay lumipad ng limang metro ang layo habang naglalabas ng dugo!
"Thud!"
Sa isang malakas na hampas, ang tatlong binata ay nahulog sa lupa at wala ng buhay.
Si Suzy na nakatingin kay Ye Song ay lumingon upang tingnan kung ano ang nangyari dahil narinig niya ang malakas na dagundong ng asul na dragon.
Nakita niya ang kanyang mga kasamahan na nagbubuhos ng dugo habang lumilipad at pagbagsak sa lupa ay wala na silang buhay.
Nabigla siya nang makita niya ito at tumingin siya sa kasama niyang nakahiga sa lupa.
Paglingon ni Suzy sa kasamahan na pinoprotektahan niya ay hindi na ito humihinga.
Pinikit niya ang kanyang mga mata at pilit na pinakalma ang sarili.
Habang humihinga siya ng malalim ay bigla niyang naalala kung sino ang binata na nakatingin sa kanya kanina.
Dahil sa kanyang sitwasyon kanina ay wala siyang oras na mag-isip dahil masyado siyang nakatutok upang protektahan ang kanyang sarili at ang kanyang kasama na nakahiga sa lupa.
Ngunit ngayon na kalmado na ang kanyang isipan ay napagtanto na niya kung sino ito.
"Ye Song"
Sa sandaling naalala niya kung sino ito, naglabas siya ng kaakit-akit na ngiti sa kanyang mukha.
Like it ? Add to library!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!