webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · แฟนตาซี
Not enough ratings
86 Chs

Ape god Son Goku!

Napangisi si Ye Song nang marinig niya ang sinabi ng naka gintong armor na gorilya at sinabi niya.

"Ang mga kasama mo ang nauna, sinundan nila kami hanggang dito. ano gusto mong gawin ko, hintayin ko silang atakihin kami? haha"

Pagkatapos sabihin ni Ye Song ang mga salitang iyon ay kaagad niyang sinuri ang status ng gintong armored gorilya.

[Ape God Son Goku LV.??]

Nang suriin ni Ye Song ang status ng gintong armored gorilya ay hindi niya ito makita dahil ang level gap sa pagitan niya at ni son goku ay masyadong malaki.

Medyo na-disappoint siya dahil dito ngunit madali siyang nakarecover dahil alam niyang wala siyang magagawa tungkol dito sapagkat mababa pa ang kanyang level.

"Roar!"

Samantala, nang marinig ni Son Goku ang sinabi ni Ye Song ay galit na galit itong umungol sa kanya.

Nang marinig ang dagundong, kaagad na tinuon ni Ye Song ang kanyang atensyon kay Son Goku.

Sa sandaling iyon, si Son Goku ay biglang lumundag at sumugod patungo sa kanyang direksyon!

Itinaas nito ang kanyang malaking braso at inihampas patungo kay Ye Song.

Nang malapit nang tumama ang braso ni Son Goku sa kanyang katawan, biglang humiga sa lupa si Ye Song at gumulong papalayo!

"Boom!"

Isang malakas na sabog ang tumunog sa kagubatan at ang malaking palad ni Son Goku ay bumakat kung saan nakatayo si Ye Song kani-kanina lang!

Ang mga bitak ay lumitaw sa lupa habang ang mga durog na bato ay lumilipad sa buong lugar.

"Swoosh!"

Dahil lumilipad ang mga bato ay tumama ang isang durog na bato sa braso ni Ye Song at naging sanhi ng pag-agos ng dugo mula sa kanyang braso.

Ngunit bago pa siya makarecover mula sa impact ng atake ay pinukpok ni Son Goku ang kanyang dibdib at nagdabog sa lupa. ilang sandali lang muli nitong hinampas pababa ang kanyang braso papunta kay Ye Song.

Nang makita niya ito ay bahagyang kumulot ang kilay ni Ye Song. pagkatapos ay pumulot siya ng putik mula sa lupa at binato ito sa mga mata ni Son Goku.

"Growl!"

Sumigaw si Son Goku sa galit nang tumama ang putik sa kanyang mata at naging madilim ang kanyang paningin. lalo siyang nagalit dahil dito at hinampas ng hinampas ang lupa habang sinusubukang niyang alisin ang putik sa kanyang mga mata.

"Boom!"

"Boom!"

"Boom!"

"Boom!"

Tuloy-tuloy na pagsabog ang tumunog sa kagubatan dahil sa galit ni Son Goku.

"Papatayin kita!" sigaw nito.

Pagkatapos ay inutusan niya ang mga armored gorilya na atakihin si Ye Song. di nagtagal ay sumugod ang mga ito patungo kay Ye Song.

Ngunit bago pa man sila makalapit sa kanya ay ginamit na ni Ye Song ang cloaking at nawala na parang bula sa hangin.

Ang mga armored gorilya ay nakaramdam ng pagkalito nang makita nila ang pangyayari.

Sa kabilang banda ay nagawang alisin ni Son Goku ang putik sa kanyang mga mata. nang makakita na siya nang malinaw ay nakatakas na si Ye Song.

Nakita niya na nasa malayo na ito.

Galit na galit na dumagundong ito at sumugod patungo sa direksyon ni Ye Song.

Si Son Goku ay parang isang kidlat sa kanyang bilis. ang lahat ng puno na humaharang sa kanyang daan ay nawasak habang ang iba ay tumalsok papalayo!

Siya ay parang baliw na tumatakbo habang nakatingin kay Ye Song na parang gusto niyang kainin ito ng buhay!

Nang makita niyang papalapit na ang distansya nila sa pagitan ni Son Goku, ang puso ni Ye Song ay nabalisa. ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang magtago sa mga siksik na lugar sa kagubatan.

"Rumble!"

Isang malakas na tunog ang umalingawngaw.

Ang lupa ay marahas na nanginig at lumabas si Son Goku mula sa kagubatan. pagkatapos ay tumingin siya sa paligid at nakita ang isang binata na nagtatago sa damuhan. umungol ito at sumugod papunta kay Ye Song.

Tumalon sa ere si Son Goku at sinunggaban si Ye Song!

Samantala, nang makita niyang malapit na siyang maabot ni Son Goku, si Ye Song ay mabilis na tumalon sa gilid ngunit ang palad ni Son Goku ay gumasgas pa rin sa kanyang likuran.

Naramdaman niya ang kanyang likod na parang nasusunog mula sa hagupit ng malakas na hangin galing sa pag atake ni Son Goku.

Mabuti na lamang ay mabilis ang reaksyon ni Ye Song kaya't hindi siya tinamaan ng direkta, kung hindi ay lubhang masusugatan si Ye Song dahil sa pag atakeng iyon at pwede niya pa itong ikamatay!

Pinitik ni Ye Song ang kanyang daliri at biglang lumitaw sa kanyang kamay ang isang dagger.

"Bang!"

"Bang!"

"Bang!"

Sunud-sunod na malalakas na putok ang tumunog sa kagubatan at nagsimula ang isang matinding komprontasyon.

Isang ginintuang nakabaluti na gorilya ang matinding hinahabol ang isang binata.

Habang hindi pinapansin ang mga pinsala na natatamo niya sa kanyang katawan, tumalon si Ye Song patungo sa kagubatan.

Ang lakas ng ape god Son Goku ay hindi biro.

"Napakalakas nito!" sinabi ni Ye Song sa kanyang isipan.

"Mukang wala na akong pagpipilian"

Sumunggab si Son Goku mula sa gilid ni Ye Song. Habang lumalapit ang malaking katawan nito, ang makapal nitong braso ay lumilitaw nang mas malawak sa bawat segundong lumilipas!

Nang ang braso ni Son Goku ay malapit nang tumama kay Ye Song, bigla namang inikot ni Ye Song ang kanyang paa at inilagan lang sa tabi ang atake.

Ang kanyang mga paggalaw ay likas na tulad ng lumulutang na ulap at umaagos na tubig, isang walang kaparis na estilo na naging sanhi ng galit si Son Goku.

Mabilis na umatras si Ye Song habang iniwasan ang pag-atake. ang pag-iwas na kanyang ginagawa ay kasing laki lamang ng isang buhok habang inilalayo ang kanyang sarili mula kay Son Goku.

"Bang!"

Sa isang malakas na putok, nanginginig ang lupa at isang crater ang lumabas mula dito. ang atake ni Son Goku ay tumama muli sa manipis na hangin na lalo niyang ikinagalit hanggang sa mapuno na ito.

Inikot niya ang kanyang katawan at sumugod ulit kay Ye Song.

Sa maikling sandali na nawala siya sa paningin ni Son Goku, ginamit ni Ye Song ang cloaking upang malayo sa kanya.

"Tangina ka alam mo lang kung paano umiwas hahaha!"

Sinubukan ni Son Goku na hamakin si Ye Song upang labanan siya nito ng harapan dahil hindi niya ito matamaan kaya gusto niyang magalit ito para mawala ang kanyang diskarte.

Ngunit kahit narinig ni Ye Song ang mga salitang iyon ay hindi niya ito pinatulan at tumakbo pa rin papalayo.

Habang tumatakbo siya ay bigla niyang narinig na tumunog ang system sa kanyang ulo.

*DING*

[Isang bagong quest ang na-trigger!]

[Matapang na puso!]

Patayin si ape god Son Goku sa loob ng sampung segundo!

Can you do it?

Creation is hard, cheer me up!

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

yamceecreators' thoughts