webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · Fantasy
Not enough ratings
86 Chs

Twin Edge of Baphomet!

Bago pa makarecover si Ye Song mula sa kanyang pagkabigla ay bigla siyang nakarinig ng isang bagong notification galing sa system.

*DING*

[Twin Edge of Baphomet (Rental Item) has disappeared]

"Ano ba ito, system?" tanong ni Ye Song.

*Ito ay isang promo item na pwede mong bilin sa item shop dahil sa matagumpay na pagkumpleto mo ng [Time Attack] quest. ang item shop ay binigyan ka ng pagkakataon na gamitin ang pinakamalakas na sandata na available sa shop*

"Sinayang ko ang 9,999 heaven coins ko para sa sampung segundong sandata na iyon? Hahahaha"

Tumawa si Ye Song na parang baliw dahil siya ay hindi makapaniwala sa sitwasyon na ito.

Samantala, nang makita ng mga armored gorilya na biglang tumawa ang binata na parang baliw pagkatapos niyang patayin ang kanilang kasama, nagsimula silang umatras ng dahan-dahan.

Natatakot sila na baka mabaliw ng tuluyan ang binata at pagpapatayin silang lahat.

Pagkatapos tumawa ng ilang sandali ay tinanong ni Ye Song ang system.

"System, pwede mo ba sakin ipaliwanag kung paano gumagana ang item shop?"

*Kapag bumili ka ng mga item sa [Item Shop] ay kailangan mong kumpletuhin ang mga requirements na kinakailangan upang mabili mo ang isang item lalo na kapag ito ay isang overpowered na item. kunin natin ang espada na binili mo sa promo bilang halimbawa. ang nabili mo ay ang unlock version ng sandatang iyon dahil nakumpleto mo ang isang special quest*

*Hindi mo pa pwedeng bilin ang sandatang iyon dahil mababa pa ang iyong level at hindi mo pa nakukumpleto ang mga requirements na kinakailangan para mabili iyon. kahit na makumpleto mo man ang requirements ay hindi rin ito magkakaroon ng parehong epekto dahil kailangan mo pa ring i-unlock ang espada upang ganap mong magamit ang buong kakayahan ng sandatang iyon*

"Ang ibig mong sabihin ay kung bibili man ako ng overpowered item sa [Item Shop], kailangan ko munang kumpletuhin ang mga requirements na kinakailangan upang mabili ito?"

*Yes*

Nalilito pa rin si Ye Song sa sinabi ng system kaya naman hinanap niya ang [Twin Edge of Baphomet] sa item shop at pinindot ang espada upang makita ang description nito.

-

[Twin Edge of Baphomet [R] (Sealed)]

Required Level: 99 and above

One of the twin blades wielded by the demon Baphomet. The reddish color blade is unimaginably sharp.

All Stats + 99

Increases physical attack against monster by 35%.

Pierces Defense of monster by 30%.

Attack Speed + 33%

Increases Critical Rate + 30%.

When dealing physical damage there is a chance that for 5 seconds, A rays of sword light will cause mass damage to all enemies within a five meter area around the caster.

Any enemies hit by this will receive Stun, Blind or Bleeding status ailment randomly with a 15% chance. Attack Power + 100%

Level na kinakailangan upang ma-unlock ang unang seal: 499

Level na kinakailangan upang ma-unlock ang second seal: 999

Requirement: kailangan kumpletuhin ang [Doomsday Judgement] quest. [Price: 9999 Heaven Coins]

[Twin Edge of Baphomet [B] (Sealed)]

Required Level: 99 and above

One of the twin blades wielded by the demon Baphomet. The blueish color blade is unimaginably sharp.

All Stats + 99

Increases physical attack against monster by 35%.

Pierces Defense of monster by 30%.

Attack Speed + 33%

Increases Critical Rate + 30%.

When dealing physical damage there is a chance that for 5 seconds, A rays of sword light will cause mass damage to all enemies within a five meter area around the caster.

Any enemies hit by this will receive Stun, Blind or Bleeding status ailment randomly with a 15% chance. Attack Power + 100%

Level na kinakailangan upang ma-unlock ang unang seal: 499

Level na kinakailangan upang ma-unlock ang second seal: 999

Requirement: kailangan kumpletuhin ang [Doomsday Judgement] quest. [Price: 9999 Heaven Coins]

-

Nang pindutin ni Ye Song ang twin edge of baphomet ay may lumitaw ang dalawang espada sa kabilang pahina.

Ang mga espadang ito ay magkapareho itsura ngunit magkaiba ang kulay ng mga ito.

Ang isa ay kulay pula habang ang isa naman ay kulay asul!

"So, ito pala ang totoong twin edge of baphomet] ha" sinabi ni Ye Song sa kanyang sarili.

Na-curious si Ye Song tungkol sa requirements na kinakailangan nito kaya naman nagpunta siya sa quest section at hinanap ang [Doomsday Judgment] na sinasabing quest para mabili ito.

[Doomsday Judgement]

Required Level: 99

Ang portal sa impiyerno ay nabuksan dahil sa Hell's Judgement at isang bilanggo na nakakulong doon ay nakatakas dahil sa pagbubukas na iyon!

Pero habang tumatakas ay nagtamo siya ng matitinding pinsala at hindi makagalaw sa ngayon.

Si haring Enma na tagapagtanggol ng impiyerno ay nangangailangan ng iyong tulong!

Hanapin at talunin ang demonyo na si Baphomet bago pa siya tuluyang gumaling mula sa kanyang mga pinsala para maiwasan ang gulo sa hinaharap.

Reward: [Twin Edge of Baphomet x2 (Sealed)], [10,000 Heaven Coins], [Title: Conqueror], [Bonus Skill], [10 Skill Points], [Title: Demon Slayer], [Title: MVP], [+1 Level]

-

Nabigla si Ye Song sa kanyang puso nang makita niya kung ano ang description ng quest. hindi niya inaasahan na ang Hell's Judgement na ginamit niya ay makakapagbigay ng pagkakataon sa isang bilanggo upang makatakas mula sa impiyerno.

Dahil dito ay nakaramdam si Ye Song ng responsibilidad.

"Mukhang kailangan kong mag-level up ng mabilis"

Habang siya ay nagmumuni-muni tungkol sa quest na iyon,

"Roar!"

Isang malakas na dagundong ang umalingawngaw sa gubat. dahil sa nakakabinging dagundong na iyon ay nagising si Ye Song sa pagmumuni-muni at napatingin siya sa direksyon kung saan nagmula ang dagundong.

Paglingon niya sa direksyon na iyon ay nakita niya ang isang nakabaluti na gorilya mga tatlong metro ang taas na lumabas mula sa makapal na kagubatan.

Ngunit ang gorilyang ito ay may gintong armor na nakasuot sa katawan nito!

Ang mga armored gorilya na nakakalaban niya kanina ay may mga itim na suot pero ang isang ito ay naiiba.

Pumasok sa isipan ni Ye Song na ang gorilyang ito ay ang pinuno ng pangkat!

Habang pinagmamasdan niya ito, ang gintong armored gorilya ay tumalon sa tuktok ng puno at ang titig nito ay mabangis habang nakatingin kay Ye Song.

Nang makita ng mga armored gorilya ang gintong gorilya na ito ay napatalon sila sa kagalakan at tumakbo papalapit sa kanya.

Samantala, ang gintong armored gorilya ay hindi pinansin ang mga tumatakbo papunta sa kanya at nakatingin lamang ito kay Ye Song na may malamig na ekspresyon.

"Anong karapatan mo na patayin ang kasama ko"

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

yamceecreators' thoughts