"Claudia, naaalala mo parin ba siya?" tanong ni Naldia ng makita ang kanyang kaibigan na nakatitik sa isang larawan.
"Claudia!" sigaw niya sa kaibigan na tulala.
"Mahal mo parin ba ako?" sagot niya sa kanyang kaibigan.
Nabigla si Naldia sa kanyang narinig at sinampal ang kaibigan.
"Naldia! bakit mo ako sinampal?" naluluha na tanong niya dahil sa malakas na sampal.
"Sinampal kita para gumising kana sa katotohanan."
"Ano bang pinagsasasabi mo?"
"Claudia,tanggapin mo ng tapos na kayong dalawa."
"Naldia, sa tuwing nakikita ko ang litrato ni Geo ay naaalala ko parin siya." paliwanag niya.
Tumawa ng malakas si Naldia ng marinig ang paliwanag ng kaibigan.
"Alam mo ang galing mong magpatawa!"
"Naldia, hindi ako nagpapatawa?"
Ilang sandali pa ay tumigil na siya sa pagtawa.
"Claudia, siyempre naman kung nakikita mo ang litrato niya ay maaalala mo parin siya kaya dapat mo na iyang itago para naman hindi mo na siya ulit maaalala."
"Tama! dapat ko na siyang kalimutan at magsimula ulit ng bagong buhay."
"Dapat lang dahil ang nakaraan ay dapat ng kalimutan."
Ilang saglit lang ay nilagay ni Claudia ang lahat ng litrato ni Geo sa kahon at itinago.
"Claudia, kailan nga pala ang kaarawan ni Sophia?"
"Sa Sabado!"
"Ano kaya ang gusto niyang regalo🎁? Alam ko na may naisip na akong mas maganda!"