webnovel

Kabanata 1

Nagsimula ang lahat ng tumungtong sa high school si Claudia. Siya'y labimpitong (17) taong gulang palang ng makilala niya ang lalaking kanyang labis na hinahangaan. Si Claudia ay mabait, masipag, matalino, matulungin at higit sa lahat siya ay maganda. Kaya naman dahil sa kanyang katangian ay maraming gustong makipagkaibigan at nangliligaw sa kanya ngunit sa lahat ng mga manliligaw niya ay wala ni isa sa kanila ang tinangka niyang sagutin. Bakit kaya wala ni isa sa kanyang manliligaw ang tinangka niyang sagutin iyon ay dahil may iba na siyang hinahangaan na walang iba kundi si Geo. Si Geo ay matalino at magandang lalake kaya halos lahat ng mga babae ay may gusto sa kanya. Sa tuwing pumapasok si Claudia sa paaralan ay hindi niya kinakalimutang magpabango. Lumipas ang ilang taon at sa wakas ay nakapagtapos narin siya ng pag-aaral.