webnovel

CHAPTER XI Ang pangalan ng demonyo

"Hon? Saan ka pupunta?", takang tanong ni Peter kay Honey subalit di man lang sya nilingon nito.

"Sundan natin sya Peter!",humahangos na pagkasabi ni Pau sa kanya.

"Pau? Saan ka galing?", kunot-noong tanong ni Peter dito.

"Mamaya ko nalang sasabihin ang lahat, ang importante di pa huli ang lahat para kay Melissa at Honey! Tara na!", anitong pinuntahan din at tinulungang tumayo si padre Arian.

" Si Melissa.. Sya ang babaeng nagpapakita kay Honey. Nakita ko kung pano sya pinatay! Dapat nating puntahan ang lugar kung saan inilibing ang bangkay nito!", kwento ni Pau sa dalawa.

Malakas ang ulan na sinasabayan din ng padugso-dugsong ihip ng hangin. Tila humahadlang ang panahon sa kanila.

Si Honey ay nawalang bigla pagkatapos magpakita ang itim na pusa sa kanila.

" puntahan natin ang lugar na kung saan nagpakita ang ligaw na kaluluwa kay Honey, alam ko doon si Honey pupunta.

" padre Arian, kaelangan pong mabendesyonan ang bangkay ni Melissa para di po makuha ng demonyo ang kaluluwa nito..at si Honey.. Kailangan natin syang tulungan", dugtong pa sabi ni Pau sa kanila.

Halos paliparin ni Peter ang sasakyan makarating agad sa lugar na yun.

Subalit may biglang tumawid na pusang itim. Sa pagkabigla ni Peter ay muntikan na silang mabangga.

Nagdadasal naman si padre Arian para sa kanilang kaligtasan.

Mga ilang minuto pa at narating nila ang lugar. Napansin nilang may babaeng humuhukay ng lupa katabi ng puno ng balete.

"Si honey yun! ," sambit ni Peter.

"Sinasaniban ni Melissa si Honey..", agap namang sabi ni Pau.

Nilapitan nila si Honey ngunit nagulat sila at napaatras nang magpakita ang ligaw na kaluluwa sa kanila.

"Hon!",tawag ni Peter pero pagkaharap ng babaeng naghuhukay ay wala itong mukha.

Bigla silang napaatras sa nakita.

Pero mas natakot sila sa nakalutang na babae at sumusunod ito sa hangin.

" sa ngalan ni Hesukristo! Lumabas ka sa katawan ng babaeng iyan!",mabilis na pagkasabi ni padre Arian.

Humahalakhak lang ang demonyo at pasirko-sirkong naglalaro sa hangin.

Nag-iba narin ang mukha ni Honey dahil sa pagdanib ng demonyo sa kanyang katawan.

Ang mahaba nitong buhok ay tila may buhay na lumulutang din sa hangin.

Naglalaway ito ng maitim na likidong tumutulo sa bunganga. Ang mga mata nitoy nanlilisik na nakatingin sa kanila.

" magdasal tayo!, wag tayong magpalinlang sa kanya!"sabi ni padre at kinuha ang bibliya sa lagayan.

Tumango naman ang dalawa ngunit bago mag- umpisa si padre sa pagdadasal ay muling nag anyong itsura ni Honey ang Demonyo.

"Hon... Tulungan mo ako..", iyak at nagmamakaawang sabi ng babae kay Peter.

Agad namang lumapit si Peter dito at mahigpit na niyakap ang akala niya'y si Honey.

"Nandito ako hon, mahal kita di kita iiwanan", sabat ni Peter habang nakayakap pa sa babae.

Subalit nahindik sya ng umiba muli ang mukha nito at inilapit nito ang pisnging duguan at may mga ood na lumalabas sa ilong nito.

Dinuraan nito si Peter sa mukha at sinakal pataas.

Mabute nalang at nahawakan nya ang rosaryong kanyang nadala at inilapit nya sa mukha ng demonyo.

Kung kaya'y nabitawan sya at bumagsak sa lupa.