webnovel

CHAPTER X Ang pagsanib ng demonyo

Patay-sindi ang mga ilaw kung kaya'y di nila napansin ang pagsalakay ng demonyo sa kanila. Nakipagbunuan sa di nakikitang nilalang si Peter pero nakikita ito ni Honey. Kinuha nya ang hawak na bote ni padre Arian na may lamang holy water at isinaboy sa demonyong sumasakal kay Peter.

Tila napaso ang demonyo at nag anyong itim na uwak na palipad lipad sa ibabaw nila.

Nagliparan nanaman ang mga gamit sa ere at tila may buhay ang mga itong tumutugis at humahabol sa kanila. Nagsidapaan sila para makaiwas sa mga gamit na nagsisibagsakan.

Humahalakhak ang demonyo at kitang kita ito ni Honey kung pano mag palit ng anyo ito.

Samantalang si padre Arian ay nag-uumpisa ng magdasal na panguntra sa alagad ni satanas.

Subalit di makakilos si Padre Arian na tila may pumipigil sa kanyang ginagawa.

Pinipilit na nilalabanan ito ni padre ." Sa ngalan ng Ama ,ng Anak at ng Spirito Santo! Inuutusan kitang bumalik sa lugar na pinanggalingan mo!", ani ni padre sabay saboy ng holy water sa kahit saang sulok ng apartment.

Pinuno ng panaghoy at halinghing ang buong bahay. At wari'y nasasaktan ang demonyo sa ginawa ni padre Arian.

Patay-sindi ulit ang mga ilaw at nawala ang mga boses nanaghoy at kapangipangilabot na boses.

Subalit sa di inaasahang pangyayari ay natumba si padre at kinaladkad ng kung anong malakas na pwersa .

Parang inihagis ang katawan ni padre sa dingding ng bahay.

Namumulupot ito sa sakit ng binti.

Napasigaw naman si Honey sa nangyari sa pari.

Muling nagpakita ang babaeng nagmumulto. Palutang -lutang ito sa hangin na nakatingin sa kanya. Umagos ang mga luha na tila dugo sa mukha nito.

Nahihintakutan si Honey sa kanyang nakita at napahawak siyang mahigpit kay Peter.

Subalit sa di inaasahan ay sumanib sa kanya ang kaluluwa.

Bumitaw sa pagkakahawak si Honey kay peter at tumayo at palakad palabas ng apartment.