webnovel

SERYOSO AKO

I.

Maniniwala ka ba?

Kung sasabihin kong gusto kita

Kahit kumukontra ang buong madla

Kahit ano pa man ang sabihin ng iba

Wala akong paki sa kanila

II.

Kahit hindi ka man kasing ganda ng dyosang Anne Curtis

Kahit hindi ka man kasing kinis ni Mariane ang kutis

Kahit ang kahawig mo daw ay si Vice Ganda

So what? Ang alam ko lang ay mahal kita

Refrain:

Hindi na kailangan mangamba na baka lokohin lang kita

Hindi na kailangan magtaka kung bakit gusto kita?

Ang tanong ko lang ay kung puwede ba?

Chorus:

Seryoso ako liligawan kita

Hindi nagbibiro maniwala ka

Seryoso ako susuyuin ka

Upang matamis na Oo

Sana ay marinig na

III.

Makikinig ka ba?

Kung sasabihin kong ikaw na nga

Kahit pagtawanan ngunit ikaw ay ipaglalaban

Lahat gagawin upang Oo ay makamtan

Believe me, You are the only one in my heart

Reapet Refrain

Reapet Chorus