10 PASENSIYA NA KUNG MAHAL KITA

I.

Pasensiya na

Kung minahal kita

Nang hindi sinasadya

Kasi naman ang ganda mo

Ang lambing pa ng boses mo

Yan tuloy nahulog ang loob ko sa iyo

II.

Kasi naman

Bakit ka ganyan?

Sobrang bait, sobrang sweet

Pati simpleng smile

Ako ay bumibigay

Huwag ka sanang ganyan

Yan tuloy nahuhulog na ako sa iyo

Kaya naman.....

Chorus:

Mahal... mahal kita!(Pasensiya na)

Hindi mapigilan aking nadarama(Paano nga ba?)

Puso ay umaasa(Mapapansin nga kaya?)

Kaya pasensiya na kung mahal kita

III.

Sana ay hindi mo naman ako iwasan

Kung malalaman mong minamahal kita

Sana ay hindi mawala

Ang ngiti sa iyong labi

Kapag ako ay nakakasalubong mo na

Sapagkat.....

REAPET CHORUS

CODA:

Sana itong pagtingin

Iyong mabigyan pansin

Dahil ako ay tapat at tunay ang aking damdamin

avataravatar
Next chapter