V4. CHAPTER 4 – It's Not What It Looks Like, Right?
ARIANNE'S POV
"What the hell?"
Muli ay pinindot ko ang screen ng phone ko.
"Huh?! What the heck?"
Napatulala na lang ako bago mapabalikwas.
"Arrgh, for real?!" Napasabunot na lamang ako sa sarili ko. Hindi kasi ako makapaniwala.
Kasalukuyan akong nasa kama at nakakailang enter na ako ng password ng cellphone ko pero lagi na lang error. Hindi ko alam, hindi ko maintindihan. Oo't nawala yung alaala ko pero alam ko sa sarili ko na isang series lang naman ang nilalagay ko kapag 4 number entry ang password at iyon ang birthday ko.
"Anak, may problema ba?"
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip ang ulo ni Papa.
"Wala po," may kahalong asar ko na naitugon. Sumabay kasi siya sa pagka-badtrip ko. Napansin ko ang agarang paglungkot ng mukha niya. Gusto ko mang mag-apologize pero hindi ko ito agad naisalita.
"Sorry anak," saad niya saka madaling sinara ang pinto.
Napabuga na lang ako ng hininga.
Isang linggo na akong hindi pumapasok dahil sa pagkawala ng ilan sa alaala ko. Pagkagising ko ay nalaman ko na dito na pala ako nakatira sa Cuzon Residences. August na ang buwan. Naikwento nina Pristine at Bianca ang nangyaring paglindol noong July dahilan para iwanan namin ang mga dormitoryo na tinitirhan namin.
Bale dito ako nakatira ngayon dahil kay Mama at Papa, long-time friend daw kasi nila ang pamilya Cuzon.
Nang makita ko si Tita Cecil ay agad akong nagkaroon ng vague na alaala niya. Even si Monique, na kahit medyo maldita sa memorya ko ay unti-unting naglilinaw na may pagka-sweet naman. Ang problema ko lang ay iyong panganay na anak ni Tita, that Aldred guy. Minsan tinitigan ko siya pero imbes na may maalala ay sumakit lang ang utak ko. Lumingon siya sa akin sabay ngumiti at bigla namang nag-init ang ulo ko.
Gwapo naman si Aldred (as in super), malinis tignan, may finesse kumilos at kung tutuusin ay tunay na maganda sa paningin pero ewan ko ba't parang naiirita ako sa existence niya. Much more kapag nakaka-interact ko siya.
"Ugh, paano ba 'to?"
Hihiga na lamang sana ako uli noong may kumatok sa pinto at magbukas ito.
"Anak, may bisita ka," sabi ni Papa dahilan para mapatitig ako sa kaniya. Parang may umihip na hangin sa pagitan naming dalawa bago ako makapag-respond.
"Pa, sorry po."
Nanlaki ang mga mata ni Papa.
"Kanina sa pagsagot ko po," dugtong ko.
Kumorte na parang "O" ang bibig ni Papa.
"Wala naman iyon anak," tugon niya sabay ngiti.
Umalis na ako sa kama.
"Sino po iyong bisita?"
"Natalie raw, ngayon ko lang siya na-meet."
Ikinagulat ko ang sinabi ni Papa. Natalie Reinhardt visiting me? I can't believe it. Sa ilang araw ko ng nasa state ng dissociative amnesia ay ngayon lang ako na-curious sa kung ano talaga ang mga nangyari nitong nakaraan.
"Kasama niya rin pala si Bianca saka si Jerome? I believe he's Aldred's friend," dagdag ni Papa na medyo nagpa-ring sa utak ko. Medyo nakaramdam ako ng sakit ng ulo pero hindi ko ito masyadong pinansin. Nagpatuloy na akong lumabas ng silid with just a pair of black hoodie and black joggers emitting a total shut-in aura.
Bumaba ako ng hagdan patungong sala at ang una kong nasilayan ay ang ngiti ni Aldred. Ang gwapo niya lalo kapag ngumiti pero nakakainit talaga siya ng dugo.
"Hi, Arianne," bati niya which made me reply with a sneer.
Grrr.
"Hello," walang gana kong tugon. Nakikitira ako sa pamamahay ng magulang niya kaya dapat na maging mabuti ako sa kaniya.
Pagkaiwas ko ng tingin kay Aldred ay agad kong itinuon ang atensyon ko sa sala pero bumagsak ang mata ko sa isang lalaking naroon. Matangkad, maputi, gwapo at maamo... Parang isang prinsipe sa mga fairytale stories ang nabuhay. Bigla ay ginusto kong bumalik sa silid ko para mag-ayos at kunin ang pinakamaganda kong damit para suotin.
I know that Bianca is there, pero yung katabi niya... para bang napatigil bigla ang mundo ko. He's so handsome. Ngumiti siya sa akin showing his pearly whites at biglang nag-init ang pisngi ko.
Who's this guy? Siya ba 'yong Jerome? Ba't ganito yung nararamdaman ko? Nagka-amnesia na ako pero ba't ba ganito pa rin ako manamit?
Ngayon lang ako nagreklamo sa sense of fashion ko.
Ngayon lang ba?
"Hi, Arianne."
Tuluyan na akong nakababa ng hagdan nang maagaw ng pamilyar na boses ni Natalie ang atensyon ko. I looked at my left side and saw her carrying a tray of snacks. Gusto ko siyang tulungan pero naiilang ako dahil hindi ko alam kung bakit niya ako dinadalaw. Napatitig ako sa kaniya, mula ulo hanggang paa. Kung tutuusin basic lang ang mga suot niya pero ang stylish parin ng dating... kabaligtaran ko.
"He—Hello Nat," nakangiwi kong tugon at hindi ko alam kung imagination ko lang pero nag-blush siya.
Kinuha ni Aldred ang dala ni Natalie at nang magtabi ang dalawa ay napansin ko na may chemistry sila. Pleasing to the eyes but at the same time ay nakadama ako ng di maipaliwanag na atmospheric pressure. Naka-aircon yung buong bahay pero tila naging 100⁰C ang paligid para kumulo ang dugo ko.
Muli ay binaling ko sa katabi ni Bianca ang atensyon ko dahilan para gumaan ang pakiramdam ko.
"Hey, Aya, yo, what's up?" bati ni Bianca. Walang gana ko siyang nilingon at walang gana rin akong lumapit sa kaniya.
"Ay grabe siya! No hi or hello man lang talaga?" reklamo niya na inirapan ko lang.
"Hindi mo ba ako na-miss? Hindi mo na ba ako mahal?" dagdag niya in a dramatic way. Ako ang nahiya para sa kaniya. Hindi ba siya nahihiya sa katabi niya? Gusto ko sanang punahin si Bianca pero ayokong magkaroon ng bad image sa katabi niya.
"Kakagaling mo lang dito kahapon baliw," saad ko na lang. Natawa naman ang Bianca at humalakhak pa talaga siya.
I rolled my eyes.
"Oh, my gee!" Lumapit si Bianca at tumingkayad para i-pat ang ulo ko, "Good girl, this is how my Aya answers back," galak niyang sabi specifically doon sa lalaki.
Mahina mang tumawa si Jerome ay sapat na iyon para mapainit ang pisngi ko. Tinabig ko ang kamay ni Bianca na nasa ulo ko dahil sa hiya.
"H—Hi," bati ko.
"Hello Arianne," bati niya rin kasabay ang ngiti sa kaniyang labi. His voice is so gentle. Hindi ko alam kung ilang segundo pero alam kong napatulala ako sa kaniya. Nabalik lang ako sa ulirat noong tumahimik ang paligid at lahat sila ay nakatingin sa akin dahilan para mailang ako.
"Do—Do I know you?"
"Kind of?" he replied first, "I'm Jerome, Aldred's friend, and Bianca's stepbrother."
"Ah, I see…" sambit ko habang walang pasintabi na nakatitig sa mukha ni Jerome. Naintindihan ko lang ang sinabi niya noong idikit ni Bianca ang sarili sa kaniya.
Stepbrother?
"Huh?!" I looked at Bianca and she beamed me a grin.
ALDRED'S POV
Hindi ko maalis ang tingin ko kay Arianne. Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa dito sa may sala. Ako sa may solo seat habang si Arianne at Natalie ang magkatabi opposite kina Jerome at Bianca. Sa gitna ay ang mesa kung saan nakapatong ang samu't-saring snacks at dalawang klase ng inumin.
Kumuha ako ng isang cookie. Madiin ko itong kinagat katulad ng pagtitig ko kay Arianne. Merong mali. Isang linggo na ang lumipas pero ngayon ko lang siya nakitang umakto ng ganito... pa-demure, pabebe. Tatawa siya ng mahina then itatakip niya yung kaliwa niyang kamay sa bibig niya. Meron ding hint ng blush sa pisngi niya.
Alam ko naman na naturally shy si Arianne pero alam ko rin naman ang natural sa trying hard. Obvious na trying hard siya especially kapag si Jerome ang nagsasalita.
Anak ng biskwet!
Pinanlisikan ko si Jerome pero tila di niya ako napansin.
"Ngayon lang kasi kita nakita, maybe sometime later maalala rin kita. Ganoon kasi yung naging process sa iba," saad ni Arianne na ikinalungkot ko.
Ganoon kasi talaga yung nangyari sa iba... kay Mama at Monique, sina Pristine at Bianca, Enrico at Felicity pero ako kahit katiting man lang ay wala siyang maalala tungkol sa akin.
Ginawa ko na ang lahat. Ako ang nagaabot sa kaniya ng mga notes ni Pristine. Niyayaya ko siyang kumain, tinutulungan ko siya sa mga ginagawa niya, nakikihalubilo ako kapag nag-uusap sila ni Tito Alex. Kung tutuusin ay lahat na ng pagpapapansin ay nigawa ko na pero wala pa rin siyang maalala tungkol sa namamagitan saming dalawa. Ang nakakalungkot pa ay obvious na ayaw niya sa akin.
Anak ng tokwa!
"Oy baby boy, bakit ka nakatulala dyan?" Bianca called out which earned an indifferent expression from Arianne.
"Baby boy?" mapakla niyang reaksyon na kahit papaano nakapagpasaya sa akin. Atleast her attention is now on me.
"Yeah, because he is a baby, giant baby," Bianca giggled, "Pero nagulat ako a, 15 ka pa lang pala."
Napa-pout na lang ako. Honestly, ayoko sa lahat ay yung bini-baby ako dahil lang sa edad ko. Pero ewan, si Bianca para kasing older sister yung turing ko sa kaniya simula ng i-guide niya ako at suportahan niya ako kay Arianne. Parehas sila ng vibes ni Ate Angge.
"May iniisip lang ako," sagot ko na lang.
"Kailan birthday mo?" biglaang tanong ni Arianne na nagpagulat hindi lang sa akin kundi maging sa kaniyang sarili. Sa biglaang paglaki kasi ng mga mata niya ay parang dumulas sa bibig niya ang personal na tanong.
"Se—September 22," tugon ko na tinanguan niya. Muli ay iniiwas na niya ang atensyon sa akin.
Gusto ko mang bumuntong hininga dahil sa naramdaman kong lungkot ay pinigil ko na lang ito. Nagpatuloy silang mag-usap. Mostly si Bianca at Arianne lang. Jerome is watching them while Natalie is busy drinking her tea. Halos masamid lang siya nang biglaang siya naman ang intrigahin ni Bianca.
"Ey, ano palang ginagawa niyo Nat ni Aldred sa Central Mall?" tanong ni Bianca na medyo nakapagpa-bother din sa akin. Napalingon ako kay Arianne at naabutan ko ang curious niyang expression.
Pinunasan ni Natalie ang labi niya bago siya sumagot, "Galing kami sa contract signing. Since dadalawin ko naman si Arianne kaya naisipan kong sumabay na lang kay Aldred. Apparently may bibilhin pa pala siya sa bookstore."
"Oh, I see," Bianca grinned. Kinuha niya ang kaniyang baso ng orange juice at lumagok dito, "Pumupuntos ka Nat ah. Aware ka naman di ba na malaking issue pa rin yung ginawa mo last day ng JFE?"
Kasabay nang paglapag ni Bianca ng baso sa mesa ay ang paglatag naman ng diretso niyang tingin sa harapan. Sinalubong ni Natalie ang kaniyang mata bago siya nagsalita.
"Ah, so anong pinupunto mo?" tanong ni Natalie kasabay ang pag-crossed ng kaniyang legs saka paghalukipkip.
Nagtitigan sila.
"Baka kasi maisip ko na lang bigla na sinasamantala mo yung pangyayari e. I'm Arianne's friend, binabantayan ko lang yung mga bagay na pagmamay-ari niya," nakangiting pahayag ni Bianca sabay lingon sa akin at kindat.
"Sira," Natalie huffed, "You know I'm not like that. Hindi ako mapagsamantalang tao. My god, ano nanamang palabas ang napanuod mo a para maisip 'yan?" Ngumisi si Natalie.
Nagpabalik-balik ako ng tingin sa kanilang dalawa. Kakaiba talaga ang mga babae. Nakangiti man sila pero may mararamdaman kang tensyon sa tono nila. Iba rin ang lumalabas sa bibig nila sa obvious na gusto nilang iparating.
"What are you talking about?" Arianne butted in kind of worried. Pareho niyang nilingon ang dalawa.
"Huh? Ah, meron kasi akong napanuod sa FB nitong nakaraan, hindi ko lang maalala yung title. Nirere-enact ko lang hehe," si Bianca ang sumagot sabay kuha ng snacks at kain. Samantala ay humigop naman muna si Natalie ng tsaa bago sumagot din.
"I just missed joking around with Bianca especially now that we're not sharing a room anymore. Alam mo naman yung pagka-adik niya sa mga drama series."
Marahang tumango si Arianne, "O—Okay..." Lumingon siya kay Bianca bago muling ibalik sa katabi ang kaniyang paningin.
"Ano, Nat, I don't have any idea what happened but I'm glad that we are alright now," Arianne smiled timidly. Dahil sa reaksyon niyang iyon ay napangiti rin ako. Nito kasing nakaraan ay madalang ko talagang makita ang ganoong ngiti niya.
"It's a long story honestly. Don't worry you will eventually remember how it happened," Natalie said.
"Yeah, I hope so," saad ni Arianne.
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay sandaling namagitan sa amin ang katahimikan. Hindi naman kami makapag-kwentuhan ni Jerome lalo't may mga babae kaming kasama. Hindi sa hindi pwedeng mapakinggan ng mga babae kung ano man ang pag-uusapan namin. Sa tingin ko kasi'y okay rin namang hayaan na sila ang mag-usap. Nakakatuwa rin naman kasing pakinggan sila.
Kumuha si Jerome ng hugis flower na biskwit. Akala ko'y siya ang kakain pero inabot niya iyon kay Bianca. Sa totoo lang kapag nakikita ko sila ay mukha silang mag-syota sa paningin ko. Kung hindi nga lang sila mag-step sibling ay aakalain ko na nagde-date silang dalawa noong makita namin sila ni Natalie sa Central Mall. Ang saya kasi nila at magka-holding hands pa.
"Ah, baka kasi takasan ako ni Bianca kapag binitawan ko siya," sagot ni Jerome kanina noong punahin sila ni Natalie. Agad silang nagbitawan ng kamay.
Okay na sana yung flow ng usapan kahit na hindi ako nakikisali. Masaya na sana akong makinig hanggang sa biglang sumakit ang aking tenga sa naging tanong ni Arianne.
"Hmm, kayo ba ni Aldred?"
Nadurog ko bigla ang biskwit na aking hawak.
"No!" sabay naming nasambit ni Natalie. Humalakhak agad si Bianca habang pigil namang tumawa si Jerome. Nagkatinginan kami ni Natalie at evident ang pamumula ng pisngi niya. Nilipat ko ang aking atensyon kay Arianne KAYA tumama ang aking paningin sa inosente niyang mga mata.
Anak ng pating naman, Arianne! Ano ba't ganon ang tanong mo ha? Oy, ako yung supposed to be future boyfriend mo at ikaw ang future girlfriend ko! Hindi mo ba gets yung pinarating ni Bianca kanina? Alugin ko kaya 'yang bungo mo ng makaalala ka!
I don't know what face I am making right now.
"Aldred and I have the same manager. Co-model ko lang siya sa SOMA and contract signing namin kanina sa isang project kaya magkasama kami."
Nagpaliwanag si Natalie. Makailang tumango si Arianne bago siya tumingin sa akin.
"Magkakasama kayo sa isang project? Nice, bagay kayong dalawa e," nakangiting sabi ni Arianne.
NAKANGITI NIYANG SINABI! Punyeta, para siyang nangaasar. Huminga ako ng malalim para mapigilan ang aking sarili. Umusok ang ilong ko habang mas lumakas naman ang paghalakhak ni Bianca at pati si Jerome ay di na nakapagpigil.
Tinignan ko si Natalie at nakangiwi siya. Nanginginig ang kamay niya habang umiinom ng tsaa.
"Ano pala iyong tinutukoy ni Bianca na nangyari last day ng JFE?" muli ay nagtanong si Arianne at this time ay gusto ko ng ipalaklak sa kaniya yung isang pitsel ng orange juice sa mesa para matigil siya.
Nagkatinginan kaming apat. Hindi ko alam ang sasabihin kay Arianne dahil prohibited na banggitin ang dapat na isagot sa kaniya. Meron kasing mga bagay na siya mismo ang dapat maka-discover para hindi magulo ang isip niya. Nilingon ko si Bianca at tumambad sa akin ang unsure niyang mukha. I heard Natalie sighed and thanks to her we were saved.
"I starred in a play last JF Event. Unfortunately, my co-actor felt sick. Someone replaced her. Also, Aldred participated as an additional character."
"Ah, Aldred. Okay..." sambit ni Arianne and just by that, just by hearing my name ay parang nawalan na siya ng gana. Hindi na siya nagtanong pa which is good but at the same time hurt me. Para bang hindi siya interesado kapag tungkol sa akin ang pinaguusapan.
♦♦♦
"Tulungan na kita Bro."
Tinitigan ko si Jerome, sneered at him, sabay snubbed.
"Hmmp!"
Kakatapos ko lang maghugas ng mga pinagkainan namin at pareho kaming nandito sa kusina. Kasalukuyan kong pinupunasan ang mga tablewares nang alukin niya ako ng tulong.
"Hey, may nagawa ba akong masama?" nagtataka niyang tanong na ni-replyan ko uli ng "Hmmp!"
Tumawa si Jerome. Inihagis ko sa mukha niya ang pamunas at tumahimik siya.
"Si Arianne, niaagaw mo siya sa'kin," pahayag ko na nagpanganga sa kaniya.
"Ha? Oy bro, wala akong ginagawang ganyan ah," depensa ni Jerome na kung tutuusin ay totoo naman talaga.
Singkit ko siyang tinignan bago napanguso na lang ako at napayuko. Pagkabalik ko ng aking mata sa kaniya ay nakahalukipkip na siya at parang naghihintay ng aking paliwanag.
"Anong gagawin ko Je? Ayaw na sa akin ni Arianne," I whined.
"Paano mo naman nasabi?"
"Hindi na niya kasi ako masyado pinapansin. Tapos kapag pinapansin naman niya ako, kitang-kita ko yung uyam sa mata niya. Mararamdaman mo naman 'yon di ba? Yung pag ayaw sa'yo ng isang tao."
Tumango si Jerome, "Yeah, pero I'm curious, bakit mo naman nasabi na inaagaw ko siya?" Nakangiti si Jerome pero ramdam ko ang seryosong dating ng tanong niya. Nahiya tuloy ako.
"Nasabi kasi sa akin before ni Arianne na may crush siya sa'yo. Kanina habang nag-uusap kayo nakikita ko yung actions niya pati yung pag-glow ng mata niya. Mga bagay na hindi ko na-witness this past week simula magka-amnesia siya," malungkot kong naitugon.
"Really?" he replied. Tinignan niya ako ng maigi bago sinsero na siyang ngumiti.
"Honestly I am surprised to know that Arianne looked at me like that but worry not bro... ano ba naman yung crush sa tinitibok ng puso. You already nailed your feelings in her heart. Napatunayan mo na na mahal ka rin niya. Just give her a time. Afterall, sa ganito rin naman kayo nag-start. Patunayan mo na lang uli at mas pag-igihan mo pa."
Dahil sa pagmo-motivate ni Jerome ay nabuhayan ako ng loob. Niyakap ko siya ng mahigpit. Napakaswerte ko talaga na magkaroon ng kaibigan na katulad niya.
Inabot ko sa kaniya ang plato na aking pinupunasan, "Tama ka Je, thank you. Thank you," pagpapasalamat ko sabay alis.
NO ONE'S POV
"Mind if I help you?" napalingon si Jerome sa direksyon ng boses na kanyang narinig. There stood Natalie, nakasandal sa hamba ng entrance ng kusina.
Matapos makausap ni Jerome si Aldred ay bigla na lamang siyang iniwan ng kaibigan. Siya na ang nagpatuloy ng ginagawa nito at kasalukuyan niya ng inilalagay sa dish cabinet ang mga plato.
Nginitian ni Jerome si Natalie, "Pwede naman, kaso matatapos na rin ako kaya kahit huwag na."
Tumango si Natalie pero nagpatuloy siyang pumasok ng kusina. Binuksan niya ang malaking ref para kumuha ng pitsel ng tubig.
"Glass?" Inabot ni Jerome ang baso na kinuha naman ni Natalie.
Kung tutuusin ay ngayon lang nagsama na solo ang dalawa. Siguro dahil sa awkwardness kaya kahit wala naman dapat ipag-alala ay medyo naging maingat ang mga kilos nila. Inaliw ni Jerome ang sarili sa paglalagay ng plato pero noong marinig niya ang paglagok ng tubig ni Natalie ay napalingon siya rito.
"What?"
Saglit na napatulala kay Natalie si Jerome bago ito napangiti.
"Sa magazine lang kita nakikita dati..."
Namilog ang mga mata ng dalaga.
"I already knew before that you're stunning but I didn't know that you're this stunning. Kaya pala lokong-loko sa'yo si Charles."
Napabuga ng hininga si Natalie. Inikot-ikot niya saglit ang basong hawak bago ilapag ito sa mesa.
"Hindi pa kita kilala ng maigi pero ngayon pa lang naiinis na ako sayo," saad ni Natalie na nagpatigil kay Jerome. Awkward siyang tumawa bago ipasok sa cabinet ang huli sa mga platong kaniyang inililigpit.
"Ganoon ba? I'm sorry. Mukhang totoo nga yung hinala ko na bad blood ako sa mga Vicereals. Even si Pristine ayaw sa akin," nakangiti pa ring saad ni Jerome.
Kumibit balikat si Natalie.
"Lagi ka kasing nakangiti kaya nakaka-inis," pagpunto ni Natalie. Napansin niya ang pagtataka ng kausap, "Mahirap kang basahin," paglilinaw niya.
Hindi nakaimik ka agad si Jerome, "Ah, kaya pala..." nakangiti pa ring saad niya.
"Ayoko sa mga taong laging nakangiti."
"Bakit naman?"
"Nakakairita,"
"Sa tingin mo ba nagpapanggap lang kapag ganoon?"
"Oo, mga plastic."
Natawa si Jerome, "Grabe, plastic agad?" Kumamot siya ng ulo. "Pero tama ka, mas madali kasing magpanggap kapag nakangiti, hindi ba?"
Umihip ng hininga si Natalie.
Tumawa si Jerome, "May pagkamataray ka pero nakakatuwa ka palang kausap."
Ngumisi si Natalie.
"Sigurado akong maraming lalaki ang nagkakagusto sayo. Pasensya na kung manghihimasok ako pero are you still pursuing Aldred kahit na may iba siyang gusto?"
Saglit na napatitig si Natalie kay Jerome bago niya ibalik ang pitsel ng tubig sa loob ng ref. Hinugasan niya ng maigi ang ginamit niyang baso. Pagkahugas ay kinuha niya ang kamay ni Jerome at inilagay sa palad nito ang glassware.
"What do you think?" tanging naging reaksyon ni Natalie bago niya iwan si Jerome sa kusina.
Iinom lang sana si Natalie ng tubig pero dahil nadatnan niya si Jerome ay kinausap niya ito. Sa totoo kasi, naku-curious siya sa binata lalo't napansin niya kung paano ito bigyan ng atensyon ni Arianne. Pagkatapos nang maiksi ngunit sensible nilang usapan ay umalis na siya lalo na't ayaw niyang pahabain pa ang huling tanong nito.
Umakyat si Natalie patungo sa silid ni Arianne. Pagkabukas niya ng pinto ay agad siyang napatulala sa nadatnan. Bianca forcefully dressing up her subject. Wala na ang kaninang hoodie na suot ni Arianne at naka-bra na lamang ito, halos mahubad na rin ni Bianca ang jogger pants niya.
"Bianca stop!" naiiyak at the same time naiinis na bulyaw ni Arianne ngunit tinatawanan lang siya ng kaibigan niya. Nagpatuloy ito sa paghuhubad sa kaniya.
"Sige na, try lang natin 'to sayo, Aya. Para ma-picture-an kita using my new phone."
"What the hell are you two doing?" Napalingon kay Natalie ang dalawa at naabutan nila ang iwas na iwas nitong tingin. Namumula ang mukha ni Natalie na para bang hindi sanay na makakita ng ganitong eksena gayong tutuusin ay isa siyang modelo.
"Mabuti na lang Nat nandito ka na. Tulungan mo nga akong hubaran 'to si Arianne. Ang kulit e," galak na sabi ni Bianca.
"H—Huh?! No way!"
"O sige, tulungan mo na lang akong bihisan siya."
"Baliw," usal ni Natalie. Nagpatuloy siya patungo sa kama ng hindi nabigyang pansin ang nagmamakaawang mga mata ni Arianne. Umupo si Natalie at nagpaka-busy sa pagce-cellphone.
"Okay, ako na lang," saad ni Bianca at nagsimulang maubos ang hininga ni Arianne.
"Oh my god! Stop it! Bea! HAHAHHAHA"
Parang kiti-kiti na nagpagulong kaliwa-kanan si Arianne sa sahig. Natatawa man siya dahil sa pangingiliti ni Bianca ay halos maluhaluha na rin ang mga mata niya. Tatadyakan sana ni Arianne si Bianca ngunit nahatak nito pababa ang kaniyang jogging pants kaya napigilan ang mga binti niya.
"Tama na, tama na please!"
At tuluyan ng natanggal ang jogging pants ni Arianne.
"Eh kung picture-an din kita ng naka-underwear lang?"
"Gaga! Subukan mo lang, papatayin kita!"
Humalakhak si Bianca saka binato ang jogging pants ni Arianne sa nakahigang si Natalie. Napabalikwas tuloy siya dahil sa inis pero agad ding napatulala sa nakita.
"Nat, ang sexy ni Arianne di ba?" saad ni Bianca saka iniupo sa lap ang kaibigan paharap kay Natalie.
"Walang hiya ka Bea!" Arianne cried before pleading with Natalie's name for help.
Agad umakyat ang dugo ni Natalie sa kaniyang mukha. Malalim siyang napalunok bago nakaakto. Tumayo siya at hinampas kay Bianca ang jogging pants.
"Ouchie!"
Binitawan ni Bianca si Arianne.
"Tumigil ka na, kahit kailan talaga napaka-manyak mo."
"Yay! Oy hindi ako manyak a!" sagot ni Bianca sabay himas ng madiin sa puson ng bihag niya. Dahil dito ay di napigilang humalinghing ni Arianne kaya't parehong napatigil sina Bianca't Natalie.
"Oh, my gee Aya. Sabihin mo yamete yamete,"
Ibababa pa sana ni Bianca ang kamay niya ngunit muli ay naunang humambalos sa kaniyang mukha ang jogging pants.
"Aray! Ano ba 'yan, Nat?!" maarteng reaksyon ni Bianca.
"Tigilan mo na 'yang kabastusan mo."
"Kung tinulungan mo sana kasi ako kanina hindi na ako hahantong dito," nakangusong paliwanag ni Bianca.
"Ewan ko sayo."
Tumawa si Bianca.
"Okay sige na nga, bihisan na natin si Arianne para di na siya lamigin."
Kahit ayaw ni Arianne ay wala na siyang nagawa. Sapilitan siyang binihisan ni Bianca habang inaabala muli ni Natalie ang sarili sa pagse-cellphone.
Isinuot ni Bianca kay Arianne ang gown na gawa niya. Tinahi niya ito para suotin ni Arianne sa nalalapit na debut ni Pristine. Matapos niyang sundin ang fitting ng kaibigan ay lumabas ang mga curves nito na laging nakatago sa mga maluluwag na damit.
"What the hell, Aya..." Manghang sambit ni Bianca dahilan para maagaw ang atensyon ni Natalie.
"I know I can't wear gowns like these," anxious na saad ni Arianne.
"Gaga, anong you can't? Shit ka, Aya, ang sexy mo,"
"H—Huh?!" Nahihiyang reaksyon ni Arianne. Pagkalingon niya sa salamin ay nakita niya ang kaniyang hubog pati ang pamumula ng kaniyang magandang mukha. Mabilis na kumabog ang dibdib niya.
"Bea, this is too much. I can't wear this."
"Too much? Oo, too much talaga. Pristy will be happy to see this. Oh my god, ba't ang perfect mo? Nakakaasar ka. What can you say, Nat?"
"Huh?" tanging reaksyon ni Natalie. Hindi niya napansin ang sariling kanina pa napanganga at nananatiling nakanganga sa kabila ng tanong ni Bianca.
Arianne does not enjoy compliments pero medyo nalungkot siya noong maramdaman niya na parang walang pake si Natalie sa kaniya.
"Bi—Bianca's creation is perfect but, the only problem is you," saad ni Natalie sabay iwas ng tingin. Lumungkot naman ang mukha ni Arianne dahil sa narinig.
"Oy!" bulyaw ni Bianca.
Binalik ni Natalie ang mata niya kay Arianne.
"I just want to say that you're too beautiful for that gown to be notice," dagdag ni Natalie dahilan para mapatanga sa kaniya ang dalawa.
"You are always beautiful no matter what you wear," dugtong ni Natalie na tila ba hindi na niya naririnig ang sarili. Nagce-cellphone siya kanina, wala dapat siyang pakialam ngunit siya pa ang mas maraming nasabi.
Nag-init agad ang mga pisngi ni Arianne dahil sa compliment habang napatitig naman si Bianca kay Natalie bago siya napangisi.
♦♦♦