webnovel

Love Connection [Tagalog]

Popular Aldred Cuzon's lovelife turned upside down nang may ipakitang picture ang bestfriend niya sa kaniya. ''Love at first sight?'' – Imposible, that's what he thinks. In denial sa kaniyang feelings ay mabilis din itong naglinaw noong makita niya si Arianne Mari Fernandez in person. Long, soft, and smooth silky chestnut-colored hair, brown eyes, rosy cheeks, and kissable lips. Fireworks all over his stomach, sweet scent clouded his brain – Aldred was dazed and now his Cotton Candy hates him.

Erururu · Teen
Not enough ratings
97 Chs

CHAPTER 64 - Morning Coffee

V4. CHAPTER 5 – Morning Coffee

ARIANNE'S POV

"Pasensya na, tinanghali ako ng gising. Hindi tuloy ako nakapagluto ng almusal," paliwanag ni Tita Cecil pagkababa niya ng hagdan. Pansin ko ang pagpungay ng mga mata niya kasabay ang isang mahinhing paghikab.

"Ano po ba kasing pinanuod mo kagabi, ma?"

Napalingon ako kay Aldred na kasalukuyang naka upo sa sofa sa harapan ko. Katulad ko ay nakauniporme na rin siya at ganoon din si Monique na katabi niya.

Saglit akong napa-scan sa itsura ni Aldred. Naka-brush up ang raven black hair niya kaya ang pormal niyang tignan. Animo'y naka-lip tint din siya dahil sa natural na pagkapula ng labi niya. Pwede mo nga siyang maihalintulad sa isang kpop idol dahil sa aesthetic niya.

Lunes ngayon at ito ang magiging unang pasok ko magmula noong tamaan ako ng amnesia. Sa totoo lang, kung maaari nga lang sana ay ayoko ng pumasok ng eskwela. Bukod sa nakakatamad dahil sa ilang araw kong pagtengga ay ito ako't mapipilitang makipag-socialize. Kinausap ko si Papa about dito at umoo naman siya sa kung ano ang gusto ko ngunit nang makarating kay Mama ang desisyon ko ay pareho kaming nasermonan.

"Hindi naman ako nanunod. Nawili lang ako sa binabasa kong nobela kagabi," paliwanag ni Tita.

"Eh? Ano po ba 'yan? Dapat hindi ka na po nagpupuyat ma," saad naman ni Monique na may bahid ng pagka-irita at the same time pag-aalala. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa reaksyon niya.

Maganda si Monique at katulad ng kuya niya ay meron din siyang itim na buhok, mapupulang labi at milky white skin. Hindi man siya approachable tingnan at totoong may pagka masungit pero napatunayan ko nitong mga nagdaang araw na mabait siyang bata.

Habang nag-uusap sila ay napalingon ako sa orasan. Alas-sais na ng umaga. Sa pagkakatanda ko ay 7:45 ang flag ceremony namin then 8am ang start ng first class.

"Sige na po, ma. Kina Mang Taning na lang kami mag-aagahan."

Tumayo si Aldred. Kinuha niya ang cross bag niya saka ito isinuot. Kasama si Monique ay naglakad sila patungo sa may pintuan palabas. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa biglang tumigil si Aldred at pumihit palingon sa akin.

"Arianne, halika na," tawag niya na biglang nagpakibot sa mga balikat ko. Napakabuo ng boses ni Aldred kaya nagulat ako. Napatayo ako ng kusa at nakita ko na lamang ang sarili ko na sumunod sa kaniya.

"Ikaw Alex, di ka ba sasama sa mga bata?" Narinig kong tanong ni Tita Cecil. Lumingon ako sa may entrance sa kusina at naroon si Papa hawak-hawak ang isang baso ng tubig.

"Huwag na, hintayin ko na lang yung luto mo," sagot niya.

"Hindi, sumama ka at bilhan mo na lang ako roon."

Sumimangot si Papa, "Gusto mo talaga akong masaktan ano?"

Nagtitigan silang dalawa.

I don't know what their deal is. Nakapagtataka lang lalo na noong marinig ko ang sumunod na sinabi ni Tita.

"Sumama ka na Al para matuwa naman si Mang Taning."

Bumuga ng hininga si Papa at sunod na tumango.

"Okay-okay," pagsuko niya.

Sa pagkakatanda ko ay may-ari si Mang Taning ng gotohan dito sa subdivision. Pangit man sa pandinig ang pangalan ng gotohan na isinunod sa pangalan niya ay tunay na masarap ang mga tinda nila at presentable pa na tipong pang high-end resto. Doon ko unang nakilala si Ate Angge dahil siya ang nag-serve ng pagkain sa akin at sa kasama ko...

Kasama ko? 

Hindi ko maalala kung sino.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapa-isip. Pilit kong inaalala ng maigi ang ilang bagay pero sumakit lang ang ulo ko.

"Are you okay, Ate Arianne?" tanong ni Monique. Agad namang lumapit si Papa sa akin.

"Ano anak? Kaya mo bang pumasok?" nag-aalala niyang tanong na mabilis kong tinugunan.

"Okay lang po ako," sabi ko na syempre hindi nakapag-paalis sa pag-aalala niya. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero pag-diretso ko ng tingin sa daan ay nahaging ng mga mata ko ang malungkot na ekspresyon ni Aldred.

Ilang lakad lamang ay nakarating na kami sa Goto Hell. Puno ito ng tao pero maswerte kami dahil may table pa para sa apat na customer. Umupo kami, ako katapat si Monique at si Aldred kaharap si Papa. Pinagmamasdan ko ang paligid hanggang sa may lumapit sa aming isang serbidora.

"Good morning, Boy S, anong order niyo?"

Kumislot ang tenga ko sa narinig ko.

"Limang goto po, yung isa take out," sagot ni Aldred. Pagkaalis ng atensyon niya sa serbidora ay nagtama ang mga mata namin. Ewan pero bigla akong nakaramdam ng kung ano sa dibdib ko. Agad niya namang inalis ang tingin niya pero imbes na mawala ang nararamdaman ko ay mas lumala lang ito.

The heck. This guy really infuriates me.

"May special lecheng puto kami saka chakang siopao, baka gusto niyo mag-add? Alam ko fave 'yon ni Girl S." 

Ngumiti ang serbidora at ganoon din si Monique. Hindi na niya kinailangang sumagot pa dahil parang may M.U. na sila.

"Ikaw Arianne? The best din yung mga 'yon. Gusto mo bang i-try?"

Pagkalingon ko kay Aldred ay bigla akong nakadama ng pagkailang lalo na noong makita ko ang ngiti niya. Agad ay inilihis ko ang tingin ko. Dahilan para ko hindi siya masagot agad.

"Ikaw po, Tito Alex?"

"Pa-add na lang ako ng Bitter na kape," tugon ni Papa sabay hagikgik.

Pagkabalik ko ng mata ko kay Aldred ay ako na lamang ang hinihintay niya. Nakatitig siya sa akin kaya kahit simple lang naman ang isasagot ko ay nahirapan tuloy ako. Napatunayan ko na nakakairita talaga yung nangungusap niyang mga mata, yung labi niya na mapula at naka-awang pati yung makapal niyang kilay.

I inhaled deeply.

"Si—Sige, ita—ita-try ko," tugon ko at sa wakas ay nabaling na sa iba ang atensyon niya.

Pagkababa ko ng mga mata ko ay nalipat sa kamay ni Aldred ang tingin ko. Malaki ito, may mahahabang daliri at trimmed na pink fingernails. Itinaas ko ng bahagya ang paningin ko kaya't napansin ko na kahit naka-longsleeves siya ay kita ang magandang build ng biceps niya.

Naalala ko habang nagbabasa ako ng lumang magazine nitong nakaraan. Napadaan ako sa isang pahina kung saan may larawan si Aldred. May paulan-ulan effects yung theme, he's wearing a Mari white tee's pero dahil sa basa ay visible ang katawan niya. Wala siyang abs pero I admit na sexy siya. I'm betting that he has a lot of fans. Nakita ko rin kasi ang mga displays sa bahay nila na puro achievements niya at ni Monique. Bata pa si Aldred kaya nakaka-amaze dahil sa marami na siyang nagagawa. Siguradong malayo ang mararating niya unlike me na takot mag-try ng mga bagay na hindi ko nakasanayan.

"Woah, good morning, Boy S." 

Nagse-cellphone si Aldred nang biglang may bumati muli sa, I'm not sure... Nickname niya?

I looked up and there stood a very feminine woman, I think she's in her late 20s. She has long brown hair and full bangs. Naka-long skirt siya combined with knitted sweaters and sandals. Mala-Birheng Maria ang dating niya at kahit walang make-up ay litaw ang angking kagandahan- Oh, I remember, she is Ate Angge.

"Nakakatuwa naman na nandito ka ngayong umaga, sa'yo din Girl S at Arianne." 

Binati niya ako kaya nginitian ko siya. Nag-uusap sila ni Aldred hanggang sa may dumating na isa pang babae sa gotohan at lumapit kay Ate Angge.

Medyo pamilyar sa akin ang itsura ng babae. May katangkaran ito and If Natalie and I are 5'8 then this woman is probably 6 flat. Nakapusod ang maiksi niyang itim na buhok. She has a sharp look in her eyes and tight lips that gives a "don't dare mess with me" vibes. Nakasuot man siya ng white longsleeves polo ay hindi nito matatago ang magandang physique ng katawan niya para sa isang babae.

"Good morning, Miss Arianne," bati ng babae na ikinagulat ko. Narinig ko na ang tinig niya pero bago ko pa man ito maalala ay muling nalipat ang atensyon ko kay Ate Angge.

"Wait, Tito Alex ikaw po ba 'yan?!" 

Ngumiti si Papa at bigla na lamang siyang niyakap ni Ate Angge.

"Oh my god! Tito! Long time no see!" She squealed.

Nagdatingan ang mga pagkain na in-order namin. Hindi pa man nakalatag sa mesa ay amoy na amoy na ang aroma nito. As expected, katulad sa pagkaka-alala ko ay napaka-presentable ng mga tinda nila.

"Angelique, oo nga, long time no see." 

Bumalilk ang paningin ko kay Papa.

Humagikgik si Ate Angge at mahinhing tumugon, "Grabe Tito sobrang tagal na talaga. Hindi ka na kasi umuuwi dito sa General City. Na-miss po kita, kamusta ka na po?"

"Oo nga, nahihiya kasi akong dumalaw dito," saad ni Papa na ipinagtaka ko, "Bukod sa nagsisimula ng mag-crack yung mga buto, overall okay naman ako. Ikaw ba?" dagdag niya.

"Maayos naman po ako Tito. Nagtatrabaho na po ako bilang HR staff sa isang security agency."

"Mabuti naman, may boyfriend ka na ba?"

Mahinhing pagtawa ang unang naging tugon ni Ate Angge bago niya biglang hatakin ang braso ng kaninang babae na lumapit sa kanya.

"Ah Tito, si Irene nga po pala, girlfriend ko po."

Para akong nabingi sa narinig ko. Nakanganga kong pinagmasdan si Ate Angge hanggang sa maagaw ni Aldred ang atensyon ko noong mag-request siya ng tubig.

Sinundan ko ng tingin ang tumalsik na laman ng baka galing sa bibig ni Aldred. Nasamid siya ng matindi at kasalukuyang ubo ng ubo. Nakatitig lang kami kay Aldred bago parang matauhan si Monique at ma-realize ang nangyayari sa kuya niya.

Inabutan niya si Aldred ng inumin.

Tinignan ko muli si Irene at naabutan ko ang namumula niyang mga pisngi. Ngayon ay naalala ko na siya nga pala ang personal bodyguard ni Pristine. She has manly qualities pero never kong naisip na iba pala ang preference niya.

"Sorry Aldred, na-shook ba kita?" humagikgik si Ate Angge.

Nakadalawang baso ng tubig si Aldred bago siya makasagot, "Opo," nakabusangot niyang tugon.

"Nice to meet you, Irene," Papa smiled, "Alagaan mo ng maigi itong inaanak ko a," bilin niya pa dahilan para magtaka ako ng lubusan.

"Opo, sir." 

Parang isang direktiba kung sagutin ni Irene ang sinabi sa kanya.

Napansin ko ang pag-squeeze ni Ate Angge sa hawak-hawak niyang kamay ni Irene. Hindi ko pa kilala ng lubusan si Ate Angge... O baka kilala ko na siya pero hindi ko lang maalala? Anyway, ang gusto ko lang sabihin ay nagulat din ako. Sa ganda niyang 'yan ay siguradong maraming lalaki ang nagkagusto sa kaniya pero si Irene ang kasalukuyang pinili niya.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay nakarinig ako ng tunog ng kahoy na tumatama sa sementadong sahig. Nairita ang tenga ko kaya nilingon ko kung saan ito nanggaling at tumambad sa akin ang isang uugod-ugod na matanda.

"Angge iha, ano ba't inumaga ka na?" Mabagal na lumapit si Mang Taning.

"May emergency kasi Lo."

"Huwag ka maniwala dyan Mang Taning. Tignan mo o, kasama yung girlfriend!"

Narinig ko ang pagtawanan ng mga customer pero noong tignan sila ni Irene ay nagsitahimik sila. Hindi naman inintindi ng matanda ang mga narinig.

"Ganoon ba, pero dapat kahit papaano tinawagan mo man lang ako bata ka."

"Tinawagan po kaya kita Lo. Oo ka pa nga ng Oo," nakangusong depensa ni Ate Angge.

Sumimangot ang matanda. Inalis niya ang atensyon kay Ate at napabaling sa akin.

"Magandang umaga, Shan iha," bati ni Mang Taning sa akin na ipinagtaka ko, "Sayo rin, Cecilia," biglang ngumisngis si Monique. Sunod ay itinaas ni Mang Taning ang tungkod niya saka sinundot-sundot iyon sa dibdib ni Aldred.

"Aba! Aba! Ang Boy S nakapomada ngayon ah!" Humalakhak si Mang Taning.

"Syempre naman Mang Taning! Kasama ko kaya ang girlfriend ko!" saad ng isang customer. Sunod ay biglang nagtawanan ang mga nasa carinderia.

Inis na nilingon ni Aldred ang nagsalita pero pagkabalik niya ng atensyon sa amin at ng magkatitigan kami ay napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon niya.

"Huwag mo sila pansinin, Arianne." Napataas ako ng kilay dahil sa pagtataka, "Good morning po, Mang Taning," bati ni Aldred sa kabila ng pagnguso niya.

Tsk, ang cute... What?!

"Mukhang may bagong customer pala tayo ngayon a? Kamusta iho masarap ba ang goto namin?"

Kasalukuyang sumusubo ng goto si Papa ng tanungin siya ni Mang Taning kaya hindi siya nakasagot kagad. Naghihintay ang matanda pero noong lumingon si Papa sa kaniya at ngitian siya ay hindi na nagawang lunukin pa ni Papa ang kinain niya.

"Sinong nagsabi na pwede kang kumain dito?! Walang hiya ka! Lumayas ka!"

Ilang paghampas ng tungkod ang biglang humambalos kay Papa. Nagulat ako kaya't hindi ko alam ang gagawin. Nakita ko na lamang ang sarili ko na sinalo ang isa pang pagtama ng tungkod.

"Lolo naman!" Hinawakan ni Ate Angge si Mang Taning. Natigilan ito sa ginagawa niya pero hindi naman ang bibig niya. Nagtinginan tuloy lahat sa pwesto namin kaya medyo nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib.

"Ang kapal ng mukha mong bata ka at nagpakita ka pa talaga sa akin. Ano kamusta ka na ngayon?!"

Kumamot si Papa ng ulo saka ilang na tumawa.

"Magandang araw po Mang Taning. Maayos naman po ako," tugon niya na inismiran ng matanda.

"Hah! Akalain mo't may ikaaayos ka pa pala. Kamusta na ang asawa mo? Hindi pa ba siya nagsisisi na binalikan ka niya?"

Bigla ay lumakas ang bulong-bulungan sa paligid. Gusto ko silang maintindihan ngunit nagsisimula ng mag-ring ang pandinig ko. Napayuko ako at napalunok. Nagdidilim ang paningin ko at gusto kong isuka yung mga pagkain na naisubo ko.

"Papa..." I uttered.

"Arianne anak, okay ka lang ba?" Agad ay kinuha ni Papa ang kamay ko at iniangat ang mukha ko.

"Namumutla ka anak. Anong problema? Kaya mo bang pumasok?"

Gusto ko sanang sabihin na hindi pero nangako ako kina Pristine at Bianca na papasok na ako ngayong araw. Isa pa, kapag hindi ako pumasok at nabalitaan nila kung bakit ay siguradong mag-aalala na naman sila.

"Gusto ko nang umalis," saad ko. Hindi kaagad nakapagsalita si Papa pero biglang tumayo si Aldred at niyaya ako.

"Halika na Arianne, pumasok na tayo."

Pagkarinig ko ng boses ni Aldred ay wala sa sarili na naman akong napatango. Kinuha niya ang bag ko na pinigilan ko pa noong una pero pinilit niya na siya na ang magdala.

"Mabuti pa nga. Sige Aldred, ingatan mo siya a," bilin ni Papa na nagpainit sa mga pisngi ko kahit na hindi ko naman alam kung bakit.

Tumuloy na kaming tatlo kaya't naiwan si Papa na mag isa sa gotohan. Umupo sa tabi niya si Mang Taning at bago kami nakaalis ng tuluyan ay nakita kong nagtatawanan sila. Sa totoo ay ayoko sanang umalis. Gusto ko kasing malaman kung bakit sila magkakilala? Bakit parang sinasabi ni Mang Taning na nanggaling na dito si Papa? Bakit kilala niya si Mama? Alam ko na ba dati pa yung mga sagot o nakalimutan ko lang din?

"Arianne, are you really okay?" tanong ni Aldred na umagaw sa isipan ko. His face is really worried... and goddamn handsome. Gumaling ako bigla.

What the hell, really?!

"I'm fine, don't worry. Ano, ikaw? Kayo ni Monique? I'm sorry hindi niyo tuloy naubos yung mga in-order niyo."

"Okay lang, baka ma-late na rin kasi tayo kapag nagtagal pa tayo roon," saad ni Aldred. He smiled at me pero nandoon pa rin ang pag-aalala sa mukha niya. Is he really that concerned about me?

"Okay lang din Ate Arianne, diet kasi ako ngayon. At least naubos ko yung puto saka leche flan... Anyway, Ate paano mo nagawa 'yon? Yung pagsalo sa tungkod ni Mang Taning. You look so cool kanina kasi. Right Kuya?"

Mabilis na tumango si Aldred.

"Nag-train kasi ako ng self-defense," sagot ko na nagpamangha sa kanila.

"Kakoi," saad ni Aldred na nagpangiti bigla sa akin.

"Ano 'yon Kuya?"

"Gumaganyan ka rin pala? Kay Bea ko lang kasi madalas na naririnig 'yan."

"It means cool," sagot ni Aldred kay Monique saka siya tumawa.

"Oo nga, na-adapt ko na tuloy. Madalas kasing ginagamit ni Bianca kapag nag-uusap kami sa text," saad niya na nagpataka sa akin.

"So, you're text mates?" tanong ko na lumabas ng malamig sa bibig ko. Napatitig sa akin ang magkapatid at nakita ko ang biglaang paglunok ni Aldred.

"Kuya, Ate Arianne, dito na ako a. Ba-Bye!" Biglang sabi ni Monique at sa isang kisap ay naglaho siya sa paningin namin.

Magkaiba kami ng daan dahil sa EMIS si Monique nag-aaral habang kami ay sa northern part ng General City. Nakatigil kami sa daan noong ibalik ko ang atensyon ko kay Aldred.

"Yes," tugon niya na ewan ko ba't parang hindi sapat sa akin.

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

Tahimik kaming naglakad. May mga nakakasabay kaming mga estudyante at hindi maiwasan na mapansin ko ang pagtingin nila sa amin. Nako-conscious ako pero mas nananaig ang bagay na kanina pa tumatakbo sa isipan ko. Tinignan ko si Aldred at bigla siyang tumigil.

"May problem ba, Arianne?"

Tumuloy ako sa paglalakad.

"Bakit magkaiba kayo ng school ni Monique?"

"Ayaw niya kasing kasama ako."

"Eh? Hindi ba kayo close?"

"Close kami. Close na close. Ayaw niya lang na magpabantay sa akin."

Tumango ako.

"Bakit Boy S saka Girl S yung tawag nila sa inyong magkapatid?"

"Ah kasi..." 

Ilang na tumawa si Aldred. Tinignan niya ako bago ibalik niya ang tingin sa daan at kumamot sa batok niya.

"Hindi kasi kami sociable na dalawa ni Monique. Suplado't suplada raw baga. Lagi kaming seryoso, naka-simangot saka mukhang may sumpong," saad niya na ikinatawa ko.

"For real?"

Ngumuso siya.

"Pero oo nga. Mukha kayong galit sa mundo," saad ko na ni-replyan niya ng pagtawa.

"Nanggaling talaga sayo 'yan a," sabi niya na nagpatigil sa akin. Nakailang hakbang siya bago niya napansin na hindi na kami magkasabay.

"Uy!"

"Nakakatakot ba ako?" tanong ko. Nanlaki ang mga mata niya saka agad na lumakad pabalik sa akin.

"That's not what I mean."

"Don't deny it. Huwag ka mag-alala, alam ko naman sa sarili ko." 

Nagpatuloy kaming maglakad.

"Minsan kasi, yung boses mo bigla na lang parang nanggagaling sa freezer. Yung mga mata mo maganda pero minsan parang gustong manaksak. Ang sama mo makatingin. Ayoko sa mga tao pero ikaw parang galit ka sa mga tao at handa mo silang patayin," paliwanag niya habang humahagikgik.

Nakakatuwa yung pagiging honest niya pero at the same time ay nakakairita yung reaksyon niya.

Saglit lang ay nakarating na kami sa NIA. Puno ng estudyante ang kanilang gate at lahat sila ay nakatingin sa amin. Inasahan kong titigil si Aldred pero nagpatuloy siya sa paglalakad.

"Hindi ka pa ba papasok?"

"Ihahatid pa kita."

"Okay lang kahit 'wag na."

Tumigil siya.

"Pero sabi ni Tito Alex, ingatan daw kita," saad niya na nagpaakyat ng dugo sa mga pisngi ko. Hindi na ako kumontra pa.

Habang papalapit kami sa SNGS ay dumadami na ang mga ka-schoolmate ko na nakakasabay ko. Nakikita ko ang pagbulong-bulungan nila pati ang kanilang pagtawa kaya medyo nakaramdam nanaman ako ng anxiety.

Nakita ko na lamang ang sarili ko na humawak sa laylayan ng damit ni Aldred.

"Don't mind them."

Nilingon ko si Aldred at nakita ko ang nagniningning niyang mga mata na parang naga-assure na okay lang ang lahat. Actually, pakiramdam ko ay nangyari na ito. Those three words... parang pamilyar sa pandinig ko.

Pumilig ako bago muling tignan siya. Hindi ko maiwasang mapa-isip kung paano kami bago ko makalimutan ang ilan sa ala-ala ko...At bakit wala akong maalala ni katiting tungkol sa kaniya?

Pagkarating namin sa Gate 1 ng SNGS ay binigay na sa akin ni Aldred ang bag ko. Nagpaalam siya pero hindi ko ito tinugunan sa halip ay tinanong ko ang kanina ko pang gusto na malaman.

"Aldred, I wonder... Our first meeting. How did it end up?"

♦♦♦