webnovel

Kiss of Death and Shadows

(Formerly known as "My Boyfriend is a Grim Reaper") "A kiss has tied her soul in the hands of the prince of darkness." Lexine died on the night of her sixteenth birthday. Ngunit dahil sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari ay nakatakas siya sa kamatayan. Makalipas ang limang taon ay isa na siyang sikat na ballerina at namumuhay sa ibabaw ng mundo bilang nag-iisang tagapagmana ng sikat na business tycoon. In a snap of a finger, she could have anything she wants. Ngunit ang perpekto mundo ni Lexine ay mabilis na bumaliktad sa pagdating ng isang misteryosong lalaki na nagtatago sa itim na hood at nababalot ng kakaibang tattoos. May sinisingil itong kabayaran mula sa isang kasunduan na hindi na niya naaalala. Paano tatakasan ni Lexine ang lalaking ito? Lalo na't hindi lang buhay niya ang nasa panganib-dahil maging ang puso niya ay gusto nitong angkinin. GENRE: Romance, Urban Fantasy, Paranormal, Suspense *** GRIM REAPER CHRONICLES *** Book 1: Kiss of Death and Shadows (Ch.1-119) Book 2: Touch of Wrath and Blood (Ch.120-235) Book 3: Embrace of Night and Fury (Ch.236-339) TRIGGER WARNINGS: Violence, use of inappropriate words, attempted r*pe, nudity, religious topics, physical & woman assault, loss of a loved one, kidnapping, graphic death, mass death, gore, murder, torture, emotional abuse, child abuse, self-harm, insects, blood, drug & alcohol use, nightmares, child traumas ”Anj Gee Novels” Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · แฟนตาซี
เรตติ้งไม่พอ
340 Chs

Señorita

NAGING SUCCESSFUL ang triple cardiac bypass surgery ni Mr. De Leon. Sa wakas at natanggal na rin ang malaking tinik na nakabaon sa dibdib ni Sammie. Labis na nagpapasalamat ang kanyang Mamang. Nang tanungin siya nito kung saan niya nakuha ang pera ay nagsinungaling siya at sinabing pinautang siya ng kanyang boss sa pinagta-trabahuhang bar and grill.

Matapos ang nangyaring insidente sa Black Phantom Club noong isang gabi, mas lalong hindi napalagay ang kalooban ni Sammie. Malaki ang utang na loob niya kay Night. Kung hindi dahil sa binata, hindi ma-ooperahan ang Papang niya. Niligtas nito ang buhay ng pinakamamahal niyang ama. Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano ito mababayaran, kahit paunti-unti lang. Bubunuin niya ang isang milyon.

Sa kabila ng matinding pagtutol ng malaking parte ng isip niya na lumayo kay Night––lalo na't alam niyang mapanganib itong tao––hindi pa rin niya mapigilan ang sarili. Tila ba isa siyang lamok na nahahatak sa apoy nito. Alam niyang delikado at kapamahakan lang ang kahihitnatnan niya sa oras na dumikit sa apoy nito pero katulad ng lamok, wala siyang magawa upang pigilan ang sarili sa tukso.

Ilang gabi pa ang lumipas pero hindi na muling bumalik si Night sa Mighty Bar and Grill. Wala naman siyang kahit anong contact number sa lalaki. Gusto niyang magpasalamat dito pero hindi niya alam kung paano ito mahahanap. Hanggang naisipan ni Sammie na bumalik ng Black Phantom. Iyon lang ang tanging lugar na alam niyang pinupuntahan ni Night. Nang unang beses siyang nagtungo sa club ay binigay sa kanya ni Mr. Jojo ang secret password. Ang nakakapagtaka ay hindi na sumasagot ang lalaking manager sa mga tawag at text niya. Kaya napagdesisyunan niyang pumunta na lang nang mag-isa.

Nagsuot si Sammie ng simpleng white tube flowing dress na above the knee lenght at tinerhuhan ng nude stilleto. Simpleng nilugay niya lang ang maiksing buhok at naglagay ng konting blush on at red lipstick. Sa totoo lang ay kinakabahan siyang bumalik sa Black Phantom. Bukod sa hindi kaaya-aya ang mga naranasan niya roon, ang isa pang dahilan kung bakit siya natatakot sapagkat alam ni Sammie na may kakaiba sa mga miyembro ng underground club. Pero nilakasan na lang dalaga ang loob. Magpapasalamat lang naman siya kay Night at aalis din agad.

"Password?" tanong ng lalaking bantay na nakasilip sa maliit na parihabang bintana ng pulang pintuan na may pulang ilaw. Binanggit ni Sammie ang password. Sumara ang bintana. Ilang saglit pa at bumukas na ang red door. Humugot siya ng lakas ng loob at sinimulang ihakbang ang mga paa.

Sinalubong si Sammie ng malilikot na strobelights. Kasalukuyang nagpi-play ng "Señorita by Shawn Mendez" ang Dj na nasa gitna ng malaking stage. Lahat ng mata ay pumihit sa pagdating ng napakagandang dalaga.

Everyone was hypnotized by an angel slowly walking towards the center of the club. Her white dress stood out in the darkness of the place, while her porcelain skin illuminated like a flower blooming under the moonlight. Indeed, a pure, innocent Señorita entered the underworld.

Kainitan na ng party at hindi mahulugan ng karayom ang mga bisita sa buong lugar. Saan kaya hahanapin ni Sammie si Night at paano siya makakapasok sa mga private room sa second floor? Natanaw niya ang security team na mahigpit na nakabantay sa elevator maging sa mga hagdanan sa magkabilang sulok ng club. Sinubukan niyang lumapit sa mga ito. Tulad ng inaasahan ay pinigilan siyang maka-akyat.

"VIP Card mo, miss?" tanong ng matangkad na security na nakasuot ng itim na amerikana at black shades.

"Ah… I'm looking for Mr. Night?"

"Pang one thousand and fifty four ka ng babaeng naghahanap sa kanya ngayong gabi. No VIP card, no access," malamig na saad ng security na animo robot na nagsasalita at hindi man ang gumagalaw mula sa tuwid na pagkakatayo.

And what? One thousand fifty four girls looking for him? Unbelievable! Artista ba si Night?Bakit ang dami nitong fans? nagbuntong-hininga si Sammie. Paano siya makaka-akyat sa second floor kung wala siyang vip access?

Hindi siya susuko, nag-effort pa siyang mag-ayos ngayong gabi. Nanghiram nga lang siya ng dress sa ka-dormmate niyang si Isay. Kaya hindi siya papayag na uuwing nganga. Bakit nga ba hindi niya nakuha ang contact number ni Ms. Devorah? Hay… ano na ang gagawin niya?

Naglakad-lakad at naglibot-libot si Sammie sa kabuuan ng Black Phantom. Ngayon niya napatunayan na hindi talaga normal ang mga tao rito. Ang isang couch na dinaanan niya sa bandang left side ay grupo ng mga bampira. Sa pangil at namumulang mga mata pa lang ng mga ito ay sigurado na siya. Bumalik sa alaala niya ang lalaking sinakal ni Night nung isang gabi. Kinilabutan siya sa naisip.

Nang lumingon ang isang bampirang lalaki sa kanyang direksyon ay natatarantang hinakbang niya ang mga paa palayo. Nakasalubong ni Sammie ang isang matangkad na lalaki na nasa seven foot ang taas. Sobrang laki ng pumuputok nitong katawan. Nang magtama ang kanilang tingin at agad siyang napasinghap nang biglang umilaw ang dilaw nitong mga mata. It reminds her of a wolf's eye.

Sa isang sulok ng bar malapit sa womens comfort room natanaw niya ang dalawang mag kasintahan na halos nilalamon na ang nguso ng bawat isa. Bumaba ang halik ng lalaki sa leeg ng babae kaya nagkaroon ng pagkakataon si Sammie na makita nang maayos ang mukha ng babae. Asul ang kulay ng balat nito habang may kaliskis ang gilid ng mukha. Matulis ang tenga at naninilaw ang mga mata. What the hell is this place and who are these people… are they?

Pls don’t forget to vote with your powerstones! :)

JOIN OUR FAMILY!

FB GROUP: Cupcake Family PH

IG/Twitter: anjgeee_

DISCORD: https://discord.gg/sz7rHfN

AnjGeecreators' thoughts