146 What is the secret?

PAKIRAMDAM ni Sammie umiikot ang buong mundo niya. Kailangan na niyang magmadali na mahanap si Night ngayong gabi dahil mukhang hindi siya makalalabas ng buhay kapag nabigo siyang makita ang lalaki.

Humakbang paatras si Sammie at nabangga sa isang matigas na bulto. Paglingon niya paharap agad siyang napatili. Kahit mukhang tao ang itsura ng lalaki ay nakakakilabot naman ang itim nitong mga mata na animo holen na kumikinang sa dilim. Sobrang puti ng balat nito at tuyot na tuyot.

"Hello, miss. I think you're lost." Malalim ang boses nito. Nakapusod ang mahaba at itim nitong buhok habang nagsusumigaw ang ka-gwapuhan. Gayunpaman, nakakakilabot pa rin ang mga mata nito.

"Ah… inaantay ko lang ang kasama ko." Pinilit patatagin ni Sammie ang boses sa kabila nang panginginig ng kanyang tuhod.

Napasinghap siya nang bahagyang yumuko sa kanya ang lalaki at malalim na suminghot. "Hmmm." Pumikit ito at napangiti. "I can smell your blood. You're a human." Humakbang ito papalapit sa kanya. Nagmadali siyang humakpang paatras. "Do you know how dangerous is this place, darling? You're not supposed to be here."

Napalunok nang madiin si Sammie. Na-korner na siya nito sa dingding. Pinagpapawisan na siya nang malamig. Hindi paawat ang kabog ng dibdib niya. Katapusan na ba niya?

"Sammie!"

Sabay silang napalingon sa babaeng nakatayo sa likuran. Nabuhayan ng loob si Sammie at mabilis na umalis sa tapat ng lalaki at dumikit kay Miyu. Agad niyang nilingkis ang mga kamay sa braso nito na tila isang kuting na nagtatago sa malaking aso. "Siya ang kaibigan na sinasabi ko."

Kunot noong nagpabalik-balik ang tingin ni Miyu sa kanya at sa lalaki. Agad sumilay sa mata nito ang realization sa sitwasyong kinakaharap niya. Tumulis ang mata nito sa lalaki. "She's my companion. Back off!"

Umismid lang ito at walang sabing naglakad palayo.

Doon lang nakahinga nang maluwag si Sammie. Agad siyang hinarap ni Miyu. "What the hell are you doing here, Sammie? Delikado ang club na `to. Hindi ka dapat nagpupunta rito. Are you trying to kill yourself?"

Napanganga si Sammie sa biglang pagtaas ng boses ni Miyu. Paano nga ba niya ipapaliwanag kung bakit siya nandito? Saglit na naurong ang dila niya nang may biglang siyang napagtanto. Kumunot ang kanyang noo. "Eh, ikaw? Bakit ka rin nandito?"

Napalunok si Miyu at hindi kaagad nakasagot.

Nagpatuloy pa rin siya sa pagtatanong. "Ano ba talaga ang lugar na `to Miyu at bakit kakaiba at nakakatakot ang mga member dito?"

Nagbuga ng hangin si Miyu at hinatak si Sammie patungo sa madilim na sulok na malayo sa lahat. "This is an underground club and only dark-entities are entitled to be a member of this place," maingat na sabi nito habang panay tingin sa paligid kung may nakakarinig sa kanila.

Napakunot ang noo niya. "Dark entities?"

Bumagsak ang balikat nito at muling nagbuntong-hininga. Nasapo nito ang noo. "Yes, hindi tao ang mga member dito, `cause they're demons, witches, werewolves, hybrids, vampires… lahat ng nilalang na nagtatago sa dilim."

Napasinghap nang malakas si Sammie. Nanlaki na tila plato ang mga mata niya habang nagtakip ng kamay sa bibig. "Oh my God!"

"Kaya kailangan mo nang umalis dito dahil delikado." Kinuha ni Miyu ang braso niya at hinila siya pero agad niyang binawi ang braso niya.

"Wait, don't tell me na member ka rito? So you mean..." Naiwan sa hangin ang dila niya.

Sa pangatlong pagkakataon ay nagbuntong-hininga ito sabay umikot ang mga mata sa hangin. "Yes, I'm a witch and I came from a family of sorceress."

Mas lalong bumilog ang mga mata ni Sammie sa rebelasyong nalaman. "Oh my God…sumasakay ka ba sa broomstick?"

Hindi napigilan ni Miyu ang tawa dahil sa nakitang reaction niya. Para siyang isang batang nakakita ng magic trick.

She rolled her eyes again. "Of course not! At wala rin akong witchy-harry-potter sticks okay? Pero meron kaming mga magic spellbook and potion making."

"Wow!" Mas lumaki ang buka ng bibig ni Sammie.

"Teka nga, bakit ka ba kasi nandito? Paano ka nakapasok dito?"

Napangiwi si Sammie sabay kagat sa labi. Tutal, nagkabanggaan na rin sila at nalaman niya ang sikreto nito, mas makabubuting sabihin na rin niya ang totoo. Mas kailangan niya ang tulong ni Miyu upang mas mapabilis ang paghahanap niya kay Night. "Remember `yung lalaking kinuwento ko na humalik sa akin sa parking?"

Tumaas ang kilay nito. "The drunk man?"

Tumunga siya. "Oo, boyfriend siya ni Lexine. Night ang pangalan niya."

"Oh, really?"

"Kailangan ko siyang makita dahil… may… malaking utang na loob ako sa kanya. Hindi pa ako nakakapagpasalamat nang maayos. Isa pa, gusto ko rin bayaran ang tulong na binigay niya sa `kin."

Naningkit ang mga mata ni Miyu kay Sammie. Simula nang malaman niya ang tungkol sa pagiging kahawig nito sa babaeng si Lexine ay mas lalong natusok ang kanyang curiosity. Lalo na sa mga nakita niyang weird images nang mahawakan ito.

She feels that there's a secret hiding beneath the surface of this mystery. Mayroon na siyang hyphothesis pero hindi pa sapat ang mga information na nakakalap niya. Kailangan niyang makasiguro kung tama ang hinala. She has to find out the answers. Mentally ay ngumingiti si Miyu nang nakakaloko. This is going to be fun. Boring ang buhay niya sa mahigit isang buwang pamamalagi sa Pilipinas. Naghahanap siya ng panibagong action. This is her chance to have an exciting experience.

"Okay, I'm in. Tutulungan kitang hanapin siya."

avataravatar
Next chapter