webnovel

Chapter 6

Chapter 6

It's three in the afternoon at papunta ako ngayon sa soccer field kung saan naglalaro sila Titus ngayon.Napakainit ng laro nila!

Hating hati ang mga estudyante ngayon dahil nagkasabay ang laro ng basketball at  soccer.Ganoon dito.Kahit normal practice ay talagang dinudumog lalo na pag may friendly match.Mamaya pa naman amg friendly match ng basketball kaya mamaya na ako pupunta sa gym.

Dala ang camera ni Chris ay dire-diretso ang lakad ko sa napakalawak na damuhan ng San Lazaro College papunta sa soccer field na maingay ngayon.Wala si Chris ngayon dahil sa may OJT na ito kaya ako na walang ginagawa sa aming team ang pinakisuyuan nya na mag cover ng lahat ng kanyang gawain ngayong dalwang linggo kung sakaling busy daw si Titus sa mga laro at trabaho nito.

"Nov...ikaw ang assign ngayon?"puna sa akin ng coach ng soccer team kaya tumango ako at saka nag umpisa nang humanap ng anggulo."Chris is not around?"he asked again kaya tumango uli ako.

"Matatapos na,Sir?"tanong ko dito kaya tumango sya saka humalukipkip at pinanood ang laro ng mga bata nya.

"Three minutes."

Tinignan ko si Titus na syang nasipa ng bola ngayon.Pinanood ko ang bawat galaw nya saka iyon kinuhanan ng litrato.

Kung gumalaw sya ay para bang ilang taon na syang nag gaganon.Iba ka talaga.

Naka itim silang varsity uniform ngayon at talagang bagay na bagay sakanya iyon ultimo ang short na suot nya.

"Hoy,nandito ka pala!"biglang lapit sa akin ni Clarisse.Tumango naman ako saka sya nilingon at kumuha uli ng litrato.

"Napadaan ka?"tanong ko dahil naka suot sya ng cheer dancing uniform nya.She smiled and nodded.

"Hinahanap kita kanina pa."ngumuso sya."Gimik daw naman tayo mamaya!After game nila Cliff."she added saka tumingin sa court.

"Try ko."

"Totoo palang gwapo iyan ano?"bigla nyang puna kay Titus na nakikipag agawan ngayon ng bola sa kalaban."May potensyal."tumango tango pa sya bago sakin bumaling uli."Anong try mo?May lakad ka?"

Ngumuso ako saka tumango kaya napabuntong hininga naman sya saka tumango.

"Oh sige,ipag gagawa kita ng dahilan mamaya sakanila.Baste next time ha?"

"Oo promise!"

Nang makaalis si Clarisse ay saktong tumunog ang buzzer,hudyat na tapos na ang laro.Masaya namang bumalik sa kanilang coach ang team ni Titus.Nasa likuran lang sya at tahimik pero nakangiti sa mga kausap.

"Good job,boys!Keep it up!"masayang bati ni coach De Silva sa mga ito.

"Thanks,Coach!"

"Uhh,coach..."lumapit ako para bumulong dito.

"Yes,hija?"baling nito sa akin kaya natahimik ang ilan saka nagtataka na tumingin sa akin.

"Sino pong assign sa officials ngayon?Uhh...kailangan ko po kasi ang details."medyo naiilang kong tanong na tinanguhan nito.

"Sila Marvin ang officials ngayon,Nov!"ngumiti sa akin si Allen na kaklase ko sa isang subject.Binalingan ko sya.

Sinulyapan ko si Titus at abala parin ito sa pakikipag usap kay Daniel na kanilang captain.Tinignan nya ako saka pinangunutan ng noo bago tumango sa kausap.

Nagtawanan sila at medyo nagulat pa ako nang mag alis ng damit si Titus at kumuha ng tubig sa jug at binuhos sa mukhang pulang pula dahil sa init.Rinig na rinig din ang impit na kilig ng mga babaeng nasa paligid.

"Saan sila Marvin?"pagbaling ko na uli kay Allen.Nag hubad din ito at mabilis na nagsuot ng tshirt.

"Nandoon sa may entrance sila."

"Sige,thank you!"

"Welcome, November."

Pagkatapos noon ay nagmamadali na akong pumunta sa may entrance dahil malapit nang magsimula ang game nila Cliff at wala pa nanaman ako!Lagi nalang akong late!

"Marvs!"tawag pansin ko kay Marvin na nagliligpit na ng table.Bumaling ito sa akinat ngumiti.

"Oh,Nov,napadaan ka.Bakit?"ngumiti ito sa akin saka nagpatuloy sa pag aayos ng gamit.

"Can I have a copy of record for today's game?"natigil sya saglit sa tanong ko bago sya tumango.

"Ah, ikaw pala substitute ni Chris?"tanong nya saka kinuha ang folder at kumuha doon ng isang papel saka inabot sa akin."Hindi ko naisulat ang best player for today pero si Titus iyon.Napakahusay."umiling pa ito saka ngumiwi.

Nilingon ko ang pwesto ni Titus at kita kong naka tshirt na sya ngayon at naglalakad palapit sa gawi namin habang inaalis ang kanyang elbow pads.

Nang siguro ay ilang metro nalang ang layo nya sa akin ay tumingin na ako sa ulap dahil unti unti na itong nagdidilim.

Kinakabahan ako habang palapit sya dahil padilim na talaga nang padilim!Natigil din ang ilan at saglit na tumingin sa kalangitan.

Nang tuluyan na syang makalapit ay parang uulan na pero hindi naman tumutuloy.Tila sadyang dumidilim lang ang ulap.

"Nice game,fella!"bati sakanya ni Marvin saka nakipag apir.Ngumiti dito si Titus saka tumango.Ako naman ay tumingala sa kalangitan dahil ganto pala ang pangyayari pag malapit sya sa akin.Ngayon ko lang napagmasdan.

"Thanks,man!"

"Ang weird ng panahon lately."usal ni Marvin saka tumingin din sa ulap at lumapit sa amin.Si Titus ay kunot noong tumingin sa akin bago bumaling sa kalangitan."Bigla-biglang nadilim pero hindi naulan.Bihira umulan pero napaka itim ng ulap."

"Baka naman gawa lang ng tag ulan kasi diba malapit na yon?"pagsagot ko dito at sinulyapan nanaman ako ni Titus bago ito umiling at nag umpisa nang maglakad palayo.

Napakalawak ng field kaya kaylangan ng maraming hakbang bago makaalis at nang malapit na si Titus sa exit ay dahan dahan na uling umaliwalas ang paligid.

Napailing ako dahil don.It's just so amazing!

"See?Ang weird—uh, where's Titus?"naguguluhan na tanong ni Marvin kaya ngumiti ako sakanya saka sya tinapik sa balikat.

"Baka umalis na.Thank for this."saka ko sya doon iniwan at pumunta na sa hallway na naubos na ang tao dahil mga nagmabilis na pumasok sa room dahil sa biglaang pagkulimlim kanina.

Nang saktong nakalapit na ako kay Titus ay saktong dilim uli ng kalangitan, at ilang segundo palang ang nakakalipas ay bumuhos na ang malakas na ulan.

"Magpalit kana doon para makapasok ka na sa trabaho mo."baling ko sakanya saka ko nilabas ang aking payong sa aking bag.Nagtataka nyang tinignan iyon.

"What's that thing?"inosente nyang tanong saka ito kinuha sa akin kaya natatawa ko itong binawi.

"Ano ka ba?Payong ito,Titus!"saka ko binuksan ang payong na mataman nyang sinusuri.Tumango tango pa sya."Halika na at ihahatid kita sa labas ng cr ng boys para makapag bihis kana!"

Nang palabas na kami sa hallway na may bubong ay natatawa kong itinataas ang aking kamay para masakop sya ng payong pero dahil masyado syang matangkad ay hindi ko maabot at natawa nalang sa aking sarili.

"Tsk!Ano bang ginagawa mo?"inis nyang sabi dahil tawa ako nang tawa sa kabaliwan ko.

"Sinusukob kita at baka mapasma katawan mo!Sige ka at magkakasakit ka!"bulyaw ko sakanya kaya napalayo sya dahil sa sigaw ko saka umirap sa akin.

"Stupid!Nakita mo na ako dati na hindi nababasa diba?!"bulyaw din nya sa akin kaya napalayo din ako sakanya at muntik nang bumagsak ang payong sa sahig kaso nakuha nya agad iyon."Ako na nga mag papayong sayo!Ang liit liit kasi!"asik nya saka ako hinawakan sa balikat at sukob naming nilakad ang ulanan.

Hindi na ako nakaimik habang tinatahak namin ang daan papunta sa cr ng mga lalake dahil seryoso lang din sya habang hawak ako sa balikat.

Nang nasa labas na kami ng cr ay tumigil na kami at hinarap ko sya.

"Magpalit ka na dyan ha!Wear something light!"habilin ko saka hinalwat uli ang aking bag."Oh,ito shirt.Kulay peach yan,incase na nabobobo ka nanaman!"inabot ko sakanya ang plain vneck shirt saka ngumisi.

"Anong gagawin ko dito?"kunot noo nanaman nyang tanong kaya napatampal na ako sa aking noo.

"Malamang ipapalit mo dyan sa itim na suot mo lagi!"umirap ako sakanya.

Nag vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa kaya doon ko naalala na may gagawin pa nga pala ako.

"Oh sya dyan kana!"paalam ko saka sinarado ang aking bag.

"Where are you going?"

"Sa gym!May coverage nga!"tinalikuran ko na sya at nag umpisa nang lumakad nang may maalala namaman ako."By the way,alas otso ang out mo diba?Dadaanan kita doon!Bye! Good luck!"kumaway na ako sakanya saka ko bunuksan muli ang aking payong at sumugod na sa ulanan.

Nang makarating ako sa gym ay nag wawarm up palang sila Cliff kaya nakahinga ako ng maluwag.Hinanap ko ang aking mga kaibigan at sakanila tumabi habang inaayos ko ang camera.

"Busy na busy ah."puna sa akin ni Lauren kaya tumango ako at ngumiti."Bakit ngayon kalang?"tanong nya na ikinatigil ko.

Pag ba sinabi kong kasama ko ang asawa nya ay maniniwala sya?O isisipin nyang baliw ako?

"Uh...umulan kasi bigla kanina kaya nahirapan ako papunta dito."pagdadahilan ko kaya tumango sya saka humarap uli sa court.

"Kumain kana ba,babae ha?"tanong sa akin ni Basha na katabi ni Chaos,saka nya ako inabutan ng burger.

"Busog ako."I lied.

"Gaga,walang maniniwala! Kanina ka pa pauli uli dahil sa mga friendly games na ginanap ngayon!"sermon sakin ni Basha kaya wala na aking nagawa kundi ang kainin ang tinapay na bigay nya."Saka mag ayos ka nga ng buhok manlang!"parang nanay pa nyang hinawakan ang buhok ko saka pinaisod si Chaos at lumapit sa akin.

Kumuha sya ng sanrio at tinalian ang buhok ko habang abala ako sa ginagawa at sa pagkain.

"By the way,bakit hindi ka sasama mamaya?"biglang lapit sa amin ni Cliff.Tinuro pa nya ang towel sa tabi ko kaya inabot ko sakanya iyon.

"May...ipapagawa pa sa akin si mommy eh."pagsisinungaling ko nanaman at nakita ko ang pag ngisi ni Miguel habang si Chaos ay umiling at ngumuso—tila nagpipigil ng ngiti sa mga kasinungalingan ko.

"Sure?Baka ayaw mo lang sumama ha."tumaas ang isang kilay ni Cliff saka sinipat ang mukha ko kaya natatawa ko syang tinulak sa dibdib palayo sa akin."Hoy, hindi nga?Ipagsasabi kita kay tita Leticia."tinapik pa nya ako sa braso pero umiling ako.

"Importante ata,pre.Next time nalang natin isama."si Ethan naman.Sinilip ako nito kaya tumango ako.

"Ako na mismo pupunta sa dorm nyo bukas."ngumiti ako kaya nag aalinlangan silang tumango.

Maya-maya pa'y tinawag na ang mga players dahil mag j-jumpball na daw kaya naman pumunta na sa court si Cliff at ako naman ay tumayo na para pumunta sa tabi ng court.

Pumunta ako sa may ilalim ng ring at kinuhanan ng litrato ang kabuuan ng lugar saka ako tumabi dahil nagsimula na ang laro.Nagsimula na rin magkaingay ang lahat.

"Hi,ganda!"

Inalis ko sa camera ang aking mata nang may magsalita sa tabi ko na manlalaro din.Nilingon ko ito nangunot ang aking noo nang para pamilyar ito.

Tumigil sya sa tabi ko habang hawak ng aming team ang bola.He's on the other team.

"Excuse,but do I know you?"pagtuon ko ng pansin sakanya kaya napakamot sya ng ulo.

"Grabe ka naman!"tila nalungkot pa ito saka nagbuntong hininga."I'm Malachi!Ano ka ba!"he added saka bumalik sa loob ng court.

Malachi?Hmm... familiar,huh.

Nilibot ko ang aking paningin at madami talagang tao.

"Ezekiel Condor for three!"mabilis kong kinuhanan ng litrato ang shot na iyon at natigil ako dahil pamilyar din iyong lalakeng iyon.Even the name.

Natapos ang maininit na laban ng dalawang kupunan at sa unang pagkakataon ay natalo ang team nila Cliff kaya bad trip ito nang pinuntahan kami.Sinamantala ko naman iyon para makaalis na ako at naka ngising aso sakin si Chaos habang pinapanood ang pag alis ko kaya umiling ako dito.

Tinignan ko ang oras at malapit nang mag alas otso.Mabilis kong nilakad ang palabas ng malawak na campus at nag abang ng bus sa labas.

"Ano ka ba?Pinuntahan ka namin dito para may kasama ka papunta doon tapos iiwan mo kami?"

Halos atakihin ako sa puso dahil sa biglang litaw ng dalawang lalake kanina na kalaro nila Cliff.

Umatras ako ng kaunti at agad naman akong hinawakan pabalik nong Ezekiel at umiling,saktong may kotse na mabilis na dumaan sa likuran ko.Natulala ako doon dahil muntik na akong mabangga!

"Tsk!Huwag ka ngang mag panic dyan!Sinadya ka namin dito dahil sabi ni boss ay samahan ka daw namin papunta sakanya ngayon."paliwanag ni Ezekiel at doon ko naalala kung sino sila."Pag nasagasaan ka ay patay kami!"

Sila ang kasama ni Titus nung halos mamatay na ako!

"Tara na.May bus na."pagsali ni Malachi at saktong dating naman ng bus.

Tahimik akong sumunod sakanila at napaka awkward sa loob ng bus dahil napapagitnaan nila akong dalawa sa upuan.

What the fuck?

"Natatawa na agad ako ngayon palang.Baka pagdating natin ay naka apron pa ang prinsipe na iyon."humalakhak si Ezekiel at ganon din si Malachi saka sila nag apir.

"Ewan ko ba doon at nag tatrabaho pa.May supply naman sa bahay."umiling si Malachi at doon nangunot ang noo ko pero hindi na ako umimik dahil nahihiya ako sa dalawa."Ikaw,ganda,anong sinabi mo ba doon ha?"baling nito sa akin kaya nagulat ako at agad umiling.

"W-wala!"sunod sunod ang naging pag iling ko kaya tumango sila.

Laking pasalamat ko dahil hindi sila tulad ni Titus na basang basa ang laman ng isip ko.

Chismoso si Titus!Chismoso!

Nang makababa kami sa bus ay sa labas na ng resto bar na iyon.

"Sayang,pare,nakapagpalit na sya!"muling nagtawanan ang dalawa kong kasama habang palapit kami kay Titus na nakapamulsang pinapanood ang aming paglapit sakanya.

Nang talagang malapit na kami ay nagsimula nanamang mag badya ang ulan kaya napailing ako.

"God of peace pero sya ang dahilan ng pag ulan.Hays!"parinig ni Ezekiel kay Titus kaya umirap nanaman ito.

"Get out."simpleng utos nito kaya  gulat na napailing ang dalawa.

"Mang gagamit!"

"I said get out!"bulyaw na ni Tutus.

"Fine!"si Malachi,saka ako nginitian."Bye,ganda."he then winked at me.

Naglakad ang dalawa palayo at gulat na gulat ako nang biglang may lumabas na pakpak sakanilang likuran at ang lalaki at ang gaganda noon!

Halos mapanganga ako na lumingon kay Titus saka binalik sa dalawa na ngayon ay mabibilis na lumipad papunta kung saan.

Nang mawala sila ay mabilis kong tinakbo ang kanilang pwesto kanina at manghang sinulyapan ang kalangitan at natanaw ko pa silang napakataas ng lipad!

"Whoah!Have you seen that?!"tuwang tuwa kong nilingon si Titus na nakataas na ang isang kilay sa akin.Lumapit sya."They...they just had wings!"

Umiling si Titus at saglit na tiningala ang kalangitan bago ito ngumiwi at tila disappointed.

"Sabing huwag gagamit ng pakpak sa public places."bulong nito saka ako binalingan."And you!"tinuro nya ako at masamang tinignan kaya nagulat ako.

"A-ano?"

"Hindi ako chismoso!Sadyang napaka eskandalosa ng isip mo kaya kahit saan ay rinding rindi ako!"bulyaw nya saka umirap at tinalikuran na ako at nagsimula na syang maglakad.

Naiwan naman akong nakakanganga.

So,my thoughts were loud?