Chapter 7
"Kamusta naman ang first day mo?"tanong ko saka sya nilingon sa aking likuran.
Nilalakad namin ang tahimik na daan papunta sa cafe na madalas kong tambayan .
Tumigil sya sa paglakad kaya tumigil din ako at binalikan sya sa kanyang pwesto.May kinuha sya sa kanyang bulsa st inabot sa akin.
Kinuha ko ang inabot nya saka ito pinakatitigan at nangunot ang aking noo nang masigurado ko kung ano ito.Maya-maya ay napatakip na ako sa aking bibig at ibinalik iyon sakanya dahil hindi ko na napigilan ang aking tawa.
"W-what's funny?"naiinis nyang tanong saka sinuri ang hawak nya kaya mas natawa ako.
"Who gave that to you,Moron?"muli kong kinuha sa kamay nya ang kanyang hawak at binuksan ang box niyon saka ko sakanya pinakita ang laman nito sa kanya.
"Uhh...the girl in the bar?She told me that I might need it?"walang ideya nyang tanong kaya pinilit ko nang tumigil sa pagtawa.
"Hmm,for what daw?"pinaningkitan ko sya ng mata at nagkibit balikat sya dahil wala talaga syang alam sa bagay na iyon.Umiling ako at muling tumawa.
"The next time we see each other?"
"Hay nako,Titus!Ika'y mag ingat nga minsan sa mga tao!"payo ko saka naglakad na uli at sumabay naman sya sa akin.
"Eh,ano ba kasi to?!"he then showed me the condom he's holding.So she gave him two boxes?
"Titus, that's condom!"umirap ako dahil sinisigawan nanaman nya ako.Kainis ha!
"What's its use?"
"People use it when they're mating!For them not to reproduce!"namewang ako saka umirap sakanya at natulala naman sya."Gets mo?!"
"But why they are doing it if they're not ready to reproduce?"parang bata nyang tanong.
"Titus, you're in a modern world and that's what stupid people use to avoid responsibilities."pagpapaliwanag ko at tumango naman sya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at pag eexplain kung bakit nagamit ng condom ang mga tao.He just can't accept the fact that people use condoms though.
"We're here."bigla nyang sabi at nasa tapat na nga kami ng cafe.Bigla syang may itinuro sa aking likura at agad ko namang nilingon iyon.
My heart skipped a beat when I saw my father standing and waiting outside the cafe.
Naiiyak kong nilingon si Titus na kunot noong pinapanood ang reaksyon ko.Tinignan ko sya ng may pagtatanong kaya bumuntong hininga sya saka tumango at hinawakan na ako sa kamay papalapit sa aking ama.
"I'll stay outside.Enjoy the moment."bulong nya bago nya binitawan ang aking kamay at bigla na syang nawala.
Dahan dahan kong nilingon si daddy na nakatingin sa nawalang si Titus bago ako nito binalingan.Gumaan ang ekspresyon nito saka bumuntong hininga at mabilis akong niyakap.
"I missed you,daddy!"I cried kaya mas niyakap nya ako ng mahigpit.
I just can't explain this kind of happiness I'm feeling right now.
"I missed you more,babe."he then kissed my forehead."I am so sorry!"he whispered and kissed my forehead again.
"H-how it all happened?"tanong ko nang makapasok na kami sa cafe."Dad,bakit bigla mo kaming iniwan?Mommy needs you."dugtong ko at hindi malaman kung ano bang uunahin kong itanong sakanya.
Bumuntong hininga si daddy saka lumapit at sinenyasan akong tumahimik.He held my hand.
"There are things that I should finish first,anak.Saka..."muli syang nag buntong hininga.
"Saka?"
"I can't be with your mother, anymore."umiling sya at sumandal sa upuan.Kunot noo ko syang tinignan dahil naguguluhan na ako.
"Daddy,ano po ba kasi iyon?Bakit?!"nag h-hysterical ko nang tanong."Daddy, please!"
Ilang segundo akong tinitigan ni daddy bago umiling.
"This is not the right time,anak."bigla syang tumayo kaya napatayo din ako.
"Dad..."tawag ko sakanya pero saglit lang nya akong niyakap at hinalikan sa pisnge bago ito naglakad palabas.
Nakita ko mula dito sa loob na saglit nyang kinausap si Titus bago din ito iniwan.
"We can try it again next time..."salubong nya sa akin pagkalabas ko ng cafe.Hinawakan pa nya ako sa siko na mabilis kong inalis.
Natigil sya at pati ako ay natigil din sa inasal ko.
"I... I'm so sorry."bulong ko pero umiling lang sya saka tumango at ngumiti and that shit made me calm.
"I'm sure you want an alone time so..."bigla nyang inginuso sa akin ang bus na paparating."I'll let you go home alone tonight.Mag hysterical ka lang pag tingin mo ay may problema at agad akong dadating."he added kaya mas gumaan ang pakiramdam ko saka sya dahan dahang tinanguhan.
"Thank you for this,Titus.I really appreciate it."saka ako ngumiti sakanya at pumasok na sa bus.
Umandar din ito kaagad at ngumiti sa akin si Titus habang nakatayo sya doon at ako ay nasa loob kaya kumaway ako sakanya.
Ilang minuto ang naging byahe bago ako bumaba sa main gate ng village at nilakad ang madilim na daan.
Hindi ako matatakutin at kahit madalas ako mag isa na naglalakad lagi dito tuwing gabi ay hindi manlang ako natatakot.But tonight is different.Iba ang pakiramdam ko sa paligid lalo na ng may gumalaw sa may damuhan sa madilim na parte.
Pilit kong kinakalma ang aking sarili dahil baka mabulabog si Titus kaya huminga ako ng malalim at inilibot ko ang aking paningin sa payapang kapaligiran.Para kasing...may nag mamatyag sa akin.
Isinawalang bahala ko nalang iyon at mabilis na tinahak ang daan patungo sa aming bahay.
Naabutan kong bukas ang pinto at napabuntong hininga nalang ako nang makita na tulog si mommy sa salas at nagkalat nanaman ang bote sa paligid.
Hindi ko kasi sya pinapasaway kila manang dahil gusto kong hayaan si mommy sa mga gusto nyang gawin hanggang sa umayos ang pakiramdam nya.
Nilapitan ko si mommy at hinalikan sa pisnge saka nilapag sa lamesa ang hawak nitong bote ng alak.Inayos ko din ang pwesto ng pagkakahiga nya at binalot sya sa kumot.Inayos ko rin ang buhok nya na nagsabog sakanyang mukha.Natigil lang ako nang may mapansin akong parang tattoo sa parteng gilid ng kanyang leeg.Maliit lang iyon at hindi ko magets dahil parang ibang lenggwahe iyon.
May tattoo pala sya?
Matapos kong ligpitin ang kalat ni mommy ay pumasok na ako sa aking kwarto at saglit na naligo bago ako dinalaw ng antok dahil sa mahabang araw na ito.
Kinabukasan,gaya ng sabi ko sa aking mga kaibigan ay doon ako pumunta sakanilang dorm .Wala akong ibang gagawin sa school ngayon kundi ang article na kaylangan kong ipasa bukas.
It's eleven in the morning at nakahiga akong mag isa dito sa kama ni Clarisse.Yes,they have classes pa.
Nang mabagot ako ay lumabas ako ng kwarto ni Clarisse at Basha.Hindi rin nag d-dorm si Lauren dahil gaya ko,hindi rin sya pinayagan ng kanyang magulang.Malapit lang daw naman kasi.
Naabutan ko sa salas sila Chaos,Ethan,at Miguel na naglalaro ng video game kaya dumeretso akonsa kusina para maghanda ng pwedeng iluto.
"Sino pa bang mag l-lunch dito?!"sigaw ko mula sa kusina dahil napakalakas ng sound ng kanilang nilalaro.
"Uuwi daw si Clarisse,kasama si Lau!"sigaw ni Ethan pabalik kaya lumabas na ako ng kusina at hinarap sila.
"Anong ulam natin?"tanong ko.
"Hindi kayo sabay mag l-lunch?"biglang tanong ni Chaos na agad kong inilingan.
"Nah.May trabaho hanggang after lunch."
"Sino?Si Cliff?"nagtatakang tanong ni Ethan.Tumawa si Miguel.
"Hindi ko maunawaan kung bakit nagpapakahirap pa yon magtrabaho.Kung tutuusin ay kayang kaya nyang kumain kahit nakaupo lang sya maghapon."sabi ni Miguel kaya tumigil si Ethan at nilingon ang dalawang kalaro.
"Nagtatrabaho si Cliff?Saan?"gulat na tanong nito kaya binatukan ito ni Chaos.
"Tanga,sa tamad non mukha bang magtatrabaho yon?"umiling dito si Chaos saka ako binalingan."Pero magkakakita kayo mamaya?"
"Oo siguro.May activity sa journ room eh."I shrugged at napapakamot nalang sa ulo si Ethan dahil wala itong maunawaan kaya tinawanan ko ito."Tan,anong ulam ba?"tanong ko sakanya.
"May manok dyan ata na binili si Basha kaninang umaga.Adobo yata."he answered saka tumayo."Lika at tutulungan na kita at baka nasunog pa ang kusina namin."ngumisi sya sa akin saka ako inakbayan kaya inirapan ko sya at muli kaming bumalik sa kusina.
Maya-maya'y nakasunod na sa amin si Chaos at Miguel saka tumulong na rin.
"Ang sigla na uli ni Nobnob ano,mga pre?"biglang sabi ni Chaos at ngumisi sa akin.Nang aasar nanaman.
"Oo nga,pare,parang nga."pag sali ni Miguel at tila sinipat pa ang mukha ko.
"Nako,may boyfriend na baka at hindi sa atin pinapakilala!"inosenteng sabi naman ni Ethan na tinawanan naming tatlo.
"Ikaw,Tan,huwag ka ngang maniniwala sa dalawang yan!Mga chismoso!"inirapan ko si Migs at Chaos na tatawa tawa na naghihiwa ng panglahok.
"Sarapan nyo ng luto ha!"biglang pasok ni Clarisse at Lauren sa kusina saka mabilis na nilapag ang gamit sa lamesa at naupo.
Kinuha agad nila ang kanilang laptop at nag umpisa na uling magpaka abala.
"Ano yan?"puna ko sa dalawa saka ko hinugasan ang karne.
"Kaylangan ipasa later."sagot ni Lauren habang abala sa laptop.
Pasimple kong pinagmasdan si Lauren at mukha namang normal na tao lang sya.Ni hindi mo mababakas na isa syang dyosa.I mean,yeah,she have the face like that pero yung sa actions?Nah.
Baka naman inuuto lang ako ni Tutus?Hmp!
Matapos namin magluto ay napagpasyahan na naming kumain at saka nagkwentuhan.
"Malapit na ang school rally ah.Tapos na kayo sa routines nyo?"tanong ko kay Clarisse.
"Hmm...kaunti nalang.Medyo nahihirapan kami kasi ang unti ng sumali ngayon."namomroblema nyang sabi.Sya ang cheer leader.
"Ilang linggo pa naman eh."
"Yeah.Saka madali na yun!"si Lauren naman.Tumango ako sakanya at nagpatuloy na kami sa pagkain.
"I'm wondering,paano yung si Abraham pag sports fest na?Eh diba kasali sya sa journalist?"baling sa akin ni Ethan.
"Abraham?"biglang tanong ni Lauren kaya mabilis akong tumingin sa reaksyon nya."Yan ba yung baguhan na matunog agad ang pangalan?"she added.
"Oo.Kasamahan yun ni Nov sa school paper ah."nginuso pa ako ni Miguel.Tumango tango naman si Lauren.
"Ah!Yeah,tanda ko na!Yung soccer player na gwapo?"ngumiti si Lauren.
"Kasama lagi yun ni Nobnob."at nag umpisa nanaman si Chaos kaya sinipa ko ang paa nya mula sa ilalim ng lamesa kaya napadaing sya.
"Oh? I'm curious about him, though.Ang gwapo eh."
"Hoy,babae ka,baka ano yon ni Nov kaya tigilan mo yan."saway ni Clarisse kay Lauren na mukhang nagpapantasya na.Umiling naman ako.
This is a good sign!
"Uh...walang meron sa amin!He's single,Lau!"pag eencourage ko kay Lauren kaya mas lumaki ang ngisi nito.
"See?Pag nagkita kayo ay ipakilala mo ako."she then flipped her hair.
Matapos ang aming lunch ay nagpaalam na ako dahil kailangan ko nang pumunta sa sa journ room at pagkalabas ko palang ng dorm ay nakita ko na agad si Agad naman akong limapit sakanya at masaya syang nginitian.
"You look so stupid.What face is that?"mapanlait nyang tanong kaya inirapan ko sya at hinigit na palayo doon bago pa sya makita ng mga kasamahan ko.
"Napakayabang!"asik ko."By the way,Lauren told me she wants to meet you!"bulong ko.
Ilang estudyante ang napapalingon sa amin saka nagbubulungan.Wow ha.
"And you told her what?"taas kilay nyang tanong saka inalis ang dahon na biglang pumatak s aking ulo.Nahangin na kasi ng malakas dahil malapit sya sa akin at ang dilim pa.
"I told her that you are single and willing to—oh shit!"natigil ako at napatampal sa aking noo saka sya hinarap."You can't be near her, right?"
"Oo at ikaw ay isang engot!"umiling sya saka bumuntong hininga.
"Sorry."sincere kong sabi na tinanguhan lang nya.
"By the way..."biglang lingon nya sa akin."Samahan mo ako mamaya bumili ng cellphone."he announced at nanlaki ang mata ko sa narinig.
"May sweldo kana?!"gulat kong tanong at humalukipkip naman sya at proud na tumango saka ngumiti.
"Nice!"at nakipag apir ako sakanya."Eh di... ililibre mo ako ng pagkain mamaya ha!"
"Huwag kang ano dyan.It's just my first week and you're expecting that it's a big amount already?"sagot nya na ikinatigil ko.Nawala ang sigla ko bigla.
"Oo nga pala."I sighed."P-pero narinig ko kanina kila Chaos ay kaya mong mag magkapera kahit wala kang ginagawa!Eh bakit ka pa kumuha ng trabaho?"taka kong tanong.Nasa hagdan na kami sa fifth floor.
"Because you told me that I have to earn money!"bulyaw nya kaya napangiti ako at tumango.
Nakarating kami sa labas ng jour room at patuloy parin ang kwentuhan namin.
"Eh di pwede mo parin ako ilibre mamaya."saka nya binuksan ang pinto at pinauna akong pumasok.
Umismid sya sa akin bago tumango.
"Oo na! Manahimik kana!"bulong nya saka dumeretso sa table nya.
Ang ilan naming kasamahan ay napapasilip sa amin.Si Reagan naman ay lumapit sa akin.
"Hoy,mamaya na yang librehan na yan at late kayo.Bilisan nyo na gumawa!"biro nito na tinawanan ko nalang.
Lumipat naman sya kay Titus at ininstruct dito kung ano ba ang dapat gawin nya para ngayong araw na ito.
Nag umpisa naman na akong magsulat ng aking article at ang lahat ay naging abala na.
Sa gitna ng mga abalang journalist ng school ay biglang may kumatok at pumasok sa aming room.It's Cliff.
"Oh,Cliff!Napadaan ka?"bati dito ni Reagan.Rinig na rinig na ang bulungan ng mga kasamahan kong babae dahil sa pagdating nito habang ako ay nagpaka abala nalang.
Sinulyapan ko si Titus at kitang-kita ang pagkakunot ng kanyang noo habang pinapanood si Cliff na nakikipag usap kay Reagan.
"Nov."tawag sa akin ni Reagan kaya nilingon ko sya."May file ka pa noong laban last year nila Cliff?Yung finals?"
"I remember you took some?"si Cliff naman kaya dahan dahan akong tumayo habang chinecheck ko ang aking cellphone.
"Wala na eh.Ipinasa ko na sa iyo yon,Clifford."tinignan ko si Cliff na halatang ako talaga ang sadya nito at hindi ang file."Ano bang gagawin mo?"pilit kong inaalis ang inis ko sakanya na nag tanong.
"Got deleted.Uh...baka doon sa laptop mo?"humahanap butas nyang sagot kaya napabuntong hininga ako saka umupo uli.
"Daanan mo sa bahay mamaya."nasabi ko nalang.
Siguradong tapos na kami ni Titus bumili noon pagpunta nya dahil ang alam ko ay may practice sya.
This stupid litte hoe is trying his tricks on me again.