webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · โรแมนซ์ทั่วไป
เรตติ้งไม่พอ
133 Chs

Kung Di Rin Lang Ikaw

Ayradel's Side

(Note: patugtugin niyo yung KUNG DI RIN LANG IKAW by December Avenue habang binabasa ito hahahaha wala lang)

Ang bawat saya ay may kapalit na lungkot pagkatapos.

Pagharap ko ay agad na nabura ang ngiti sa aking labi. Natanaw ko si Mama na nakaupo sa kama ko at nagtutupi ng damit. Ngumiti siya sa akin, pero hindi ko magawang ngumiti pabalik.

"O bakit ginabi ka?"

Tanong niya na nagpatuyo sa lalamunan ko. Pinasadahan ko muna ng tingin ang mga kaibigan ko, sina Niña, Ella at Besty.

Bakas sa mukha ni besty ang paga-alala.

"M-ma!" sabi ko kaagad at nagtungo sa kanya para humalik sa pisngi. "Pupunta ka po pala? A-ah may m-meeting po kami."

Agad na kumalabig ang dibdib ko. Hindi ako sanay na nagsisinungaling kay mama. Sa bawat tingin niya sa akin, pakiramdam ko nalalaman niya yung totoong nasa isip ko. Gan'on katindi ang mata ni Mama.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang umiwas si Mama ng tingin at nagpatuloy sa pagtupi ng damit.

"Nakalimutan mo yata, birthday mo na in three days." nakangiting sambit ni Mama.

"Syempre naman Ma, hindi ko nakakalimutan 'yan no! H-Hahaha!"

"Hindi muna ako magtatrabaho ngayon, dito ako matutulog, para ako 'yung magluluto ng handa mo sa birthday mo."

Agad na nalaglag ang panga ko.

"Dito ka na maghanda, dahil nandito naman ang mga kaibigan mo at may pasok kaya hindi kayo makakauwing Buenavista."

"Ah."

Tatlong araw dito si Mama. Ibig sabihin ay kailangan kong mas mag-ingat. Tingin ko ay hindi pa rin pwedeng malaman ni Mama ang tungkol kay Richard. Kahit na nagusap na kami noon ay alam kong may galit pa rin si Mama dahil sa ina ni Richard na si Dianne.

Inanyayaan ako ni besty na pumuntang rooftop para kuhanin ang mga sinampay niya, pero alam kong alibi niya lang iyon para makausap ako.

"Paano 'yan? Kailan niyo balak ipaalam kay Tita na kayo na ukit ni Richard?"

Kumibit balikat ako. "Hindi ko alam e."

"Nasabihan mo na ba si Richard?

"Shiz!" Hindi ko naisip 'yon! Baka mamaya biglang kumatok 'yon sa room namin!

"Ayradel Bicol! Alam mo namang lagi kang binibigyan ng dinner n'on!"

Natatarantang kinuha ko ang phone ko. Isang mensahe ang nabasa ko mula kay Richard.

Richard❤: Hey, let's eat dinner together with your roommates. Nakaorder na ako ng food, be there in 10 minutes!       ▪️ 8 mins ago

"Shocks! Tara sa room namin besty! Papunta na si Richard!"

Agad kaming kumaripas ng takbo patungong elevator. Ilang sandali bago kami nakasakay. Pagkarating namin sa 5th floor ay nakita na naming nakatayo sa tapat ng pintuan si Richard. Pinindot niya na yung doorbell!

O  SHIZZZZ!

Napatalon siya sa gulat nang makita kaming tumatakbo papunta sa kanya. Agad ko siyang tinulak tulak papunta sa kwarto niya.

"B-Bakit? Nagdinner na kayo?"

"Pumasok ka muna s kwarto mo! Please! Please!"

"Bakit?"

"Nandyan si Mama!"

Sumikip ang dibdib ko nang may dumaang takot at lungkot sa mga mata niya. Ayoko sanang iparamdam na itinatago ko siya, kaya lang ay kailangan. Nakuha niya naman agad ang ibig kong sabihin. Pumasok na nga siya ng kwarto niya, pero bago niya pa iyon maisara ay iniwan niya ang supot ng pagkain sa lapag.

"Kumain na kayo ng dinner, please. Huwag kang magpapalipas." bago niya marahang isinara ang pinto...

at bago bumukas ang pintuan na iniluwa si Mama.

"O, kayo pala 'yan! Wala kayong susi? Nagdoorbell pa kayo." ani Mama. "Saan yung sampay mo Luisa?"

"Ah, e, wala po tita e. Basa pa po pala. Hehe. Bibili na po pala kami ng dinner ni besty. Naiwan ko po wallet ko. Wait lang besty ah?"

Marahan akong tumango at nagpaiwan sa labas ng kwarto. Tinignan ako ni Mama.

"Ikaw, may dala kang pera?"

"Ha? O-opo."

"Okay."

Saka nagsara ang pintuan. Pinagmasdan ko ang tahimik na pintuan ng kwarto ni Richard. Naramdaman ko na naman ang paninikip ng dibdib ko. Saka biglang tumunog ang cellphone ko.

Text mula kay Richard.

: I'm looking at you right now. Don't be sad, I understand.

Nilingon ko ang eye piece ng pintuan niya kung saan niya ako maaaring tinitignan. Ngumiti ako at kinuha ang supot ng pagkain. And I replied to his text.

: Thank you. Paano ka? May pagkain ka na?

: Magpapa-deliver.

Me: Sorry.

Hay, alam kong nakakalungkot kumain magisa.

: Gusto kitang kasabay kumain. Di bale, masosolo naman kita sa iba pang araw.

Napahalakhak ako ng bahagya sa pinagsasabi niya.

Lumabas na si besty at gaya ng plano niya ay nagpanggap lang kaming bumili, pero ang dinala namin ay ang pagkaing dinala ni Richard Lee. Sakto ito sa aming lima.

Kinabukasan ay hindi ako sinundo ni Richard. Iyon ang sinabi ko dahil sigurado akong ihahatid ako ni Mama. Kita ko ang pagtataka sa mata ni Kuya Guard nang makitang hindi ko kasama si Richard. Mabuti na lang at hindi siya nagsalita. Tahimik lang rin siya dahil mukhang nasungitan yata siya kay Mama na seryoso lang ang mukha.

Nagtricycle kami ni Mama patungong gate ng university. Hanggang doon lang siya kaya naman hinalikan niya na ako sa pisngi para magpaalam.

"Behave ah," ani Mama. "Saan mga pala si Jayvee? Hindi ba't nagdodorm rin siya malapit sa inyo?"

"Opo, Ma. Uh, hindi ko po sigurado kung nasaan siya ngayon e."

"O sige, ichat ko na lang siya. Pumasok ka na."

Isang araw ay naisipan kong isuot ang hikaw na niregalo sa akin ni Richard noong birthday ko. Isa itong hikaw na may disenyong 'microphone'. Hindi ko na ito sinusuot dati dahil nga nagkahiwalay kami. Ngayon ko na lang ulit ito naalalang isuot.

Ngiting-ngiti akong pinagmasdan ito sa salamin, bago na ako inihatid ni Mama sa school.

I waved bye kay Mama, saka pumasok na ng university.

Gan'on palagi ang set up, ihahatid ako ni Mama, pagkatapos ay umuuwi akong mag-isa. Sa classroom na lang kami nagkikita ni Richard

Napansin ko ring nagiging kaklase ko na siya sa iba pang subject na hindi ko naman siya kaklase.

"Nagpalipat ako ng schedule." aniya sabay akbay sa akin.

Agad namang kinilig sina Lea sa gilid ko.

"Sana meron ring magpapalipat ng schedule para lang makasama ako huhuhu!" sabi ni Lea.

"Ako, Leonard! Handa kong gawin 'yon para sa iyo!" singit ng kaklase naming si Gela, na agad sinuportahan ng iba pa naming kaklase.

"Yiiiiiiiiiiiie! Lea nagiging Leo ka na ba?!"

"Gaaah! Kadiri ka naman te! Saka magkaklase na tayo lagi no! Umay na nga ako sa'yo e!" sagot ni Lea na nagpatawa sa lahat. "Maging Gelo ka muna! AISH!"

"Sige ba, kung iyan ang gusto mo."

Tinignan naming lahat kung paano inagaw ni Gela 'yong sombrero sa lalaki naming kaklase. Itinaas niya ang mahaba niyang buhok at inilagay ang sobrero. Nagtilian ang lahat dahil ang gwapo tignan ni Gela kapag maikli ang buhok.

Kung tutuusin kasi ay hindi girly si Gela. Maganda siya, ngunit ang pormahan ay astigin at parang lalaki. Pero hindi daw siya tomboy.

"TEH LASON KA PA RIN! KALOKAAA! TIGILAN MO AKO!"

Tawang-tawa kami dahil tumakbo palabas si Lea na sinundan naman ni Gela na tawang-tawa rin. Ilang minuto matapos makalabas nina Lea at Gela ay tumahimik na naman sa classroom dahil walang prof, pero may ginagawa.

Pinakiramdaman ko sa tabi ko si Richard. Nakaakbay siya sa upuan ko at alam na alam ko kung gaano siya kalapit.

(np: Kung Di Rin Lang Ikaw by December Avenue)

"Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan

pipilitin ko ang puso kong hindi na masaktan."

Tumindig ang balahibo ko sa katawan nang bigla siyang kumanta sa tenga ko. Malamig, mabagal at husky. Shiz!

"Kung hindi ikaw, ay hindi na lang

Ako'y patuloy na aasa para sa 'ting dalawa."

Suot ko pala kasi yung Microphone na hikaw na regalo niya, kaya siya sa tenga ko mismo kumakanta ngayon.

Hindi ako makalingon. Una dahil naghuhuramento ang puso ko, pangalawa dahil ayaw ko munang huminto ito.

"Giniginaw dahil di makagalaw

'Di pipigilan ang pusong pinipili ay ikaw."

"Hindi naman gan'on yung tunay na lyrics e." komento ko. Natawa ako ng bahagya dahil mali-mali ang lyrics niya. Ang pagkakaalam ko ay: 'Pipigilan ba ang puso kong pinipili ay ikaw?'

Humalakhak rin siya't pati yata ang tawa niya e nakakanginig!

"E sigurado na ako e. Hinding-hindi ko pipigilan 'tong puso ko, kaya hindi ko na kailangan pang magtanong." sagot niyang nakapagpatunaw sa kaluluwa ko. "Dahil kung 'di rin lang tayo sa huli? Hindi ako papayag, Ayra. Hindi pwedeng hindi tayo sa huli."