webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · General
Not enough ratings
133 Chs

Possessive

Ayradel's Side

Dahil sa umugong na balitang Valedictorian ako noong highschool sa Tirona High ay mas lalo pa akong pinansin ng mga kaklase ko. Dumami ang kumakausap sa akin na hindi naman ako pinapansin noon. Dumami ang gustong makipagkaibigan, idagdag pa noong kumalat na boyfriend ko si Richard.

"You're so lucky Ayra! Paano mo nagagawa 'yan? Beauty and brain tapos may napakagwapo pang boyfriend!"

Pulang-pula na yata ang pisngi ko sa kahihiyan. Sabay-sabay nila akong kinakausap at pinapalibutan na para bang artista. Hindi talaga ako sanay sa ganito, shiz!

Nilingon ko sina Lea upang humingi ng tulong. Agad naman nilang nakuha iyon.

"Hay nako nako nako!" aniya saka sumingit sa mga nakikiusyosong kaklase. "Kayo na nagsabi! Beauty and brain! Magkaroon muna kayo n'on, okay?" saka ako hinugot ni Lea palayo.

"WAIT LANG AYRA!"

Ang dami pang tumatawag pero thank God dahil panay ang hila sa akin ni Lea kaya hindi na nila kami hinabol pa.

"Jusko ha! Dinaig pa nila'ng mga reporter!!!" reklamo ni Lea nang marating na naming apat 'yong Lagoon.

"Hay, ang hirap magkaroon ng kaibigang celebrity!" sabay tawa ni Blesse.

"Baliw!" tumawa rin ako.

Saktong paliko na kami ng daan nang makasalubong namin si Charles. Nakapang-basketball uniform ito at halatang pawis. Natigilan kaming lahat, pero bago pa makapagsalita si Lea ay agad umiwas ito ng tingin saka tahimik na naglakad palayo.

Takang-taka naman sina Lea, Rocel at Blesse sa inasta ni Charles.

"Bakit niya tayo inisnob? Ayra may nangyari ba?"

Hindi ako kumibo.

Matapos kasi ang araw na iyon ay hindi na ulit lumapit si Charles. Dahil bukod sa nangyari ay palagi pang nasa tabi ko si Richard.

Nakita kong umigting ang panga ng katabi ko nang pumasok si Charles sa classroom na bahagyang napatingin sa direksyon namin, bago siya dumiretso sa likuran.

Hindi niya na kinakausap kahit man kang sina Lea, Blesse o Rocel. Nakaramdam ako ng guilt at awa, at di ko namalayang sinusundan ko na pala ito ng tingin.

"Kailangan ko talagang magpalipat ng ibang subject ko dito sa section niyo,"

Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsasalita ni Richard sa tabi ko. Pagkalingon ko sa kanya ay kunot na kunot na ang noo niya na para bang inis na inis.

"Huh?"

"Tss." ayan, sinumpong na naman.

Napatingin na naman tuloy ako kay Charles na nagpo-phone sa likod. Naramdaman ko ang isang kamay sa baba ko upang mailipat ang atensyon ko sa kanyang mukha.

"Pwede bang ako lang ang tignan mo?" aniya, na parang galit pero naka-pout. Hahaha!

"Ano ka ba! Naaawa lang ako sa kanya dahil magisa na lang siya palagi." sabi ko na tatawa-tawa.

"Tss."

"Possessive." bulong ko pero natatawa pa rin.

"Oo, kaya dapat ikaw rin sa akin."

Napangiti ako habang patuloy ang pag-pout niya. Sa tuwing sumasaya ako kasama si Richard ay hindi ko pa rin maiwasang ma-guilty sa nangyayari kay Charles. Pakiramdam ko kasalanan ko ito, kung bakit siya matamlay at walang gana.

Worst, is para bang naaapektuhan pa ang pag-aaral niya.

"Lizarde! Ikaw ang pinakamababa! Anong nangyayari sa iyo?" sigaw ng professor namin sa History, isang araw pagkatapos ng quiz. Hindi namin kaklase si Richard dito. Napatingin ang lahat sa likod kung saan nandoon si Charles at nakatungo. "Hindi ka naman nag-fail sa mga nakaraang quizzes! Isa ka pa nga sa maganda ang score! What happened?!"

Ilang minutong naging tahimik si Charles at maingay naman ang bulung-bulungan sa classroom.

"Binasted kasi 'yan ni Bicol kaya nagrerebelde."

"Kasalanan 'to ni Ayra e. Kawawa si Charles."

"Nagdaramdam yata kay Ayra?"

Is it really because of me? Iyan ba ang ganti niya sa akin? Ang pa-guilty-hin ako?

"Don't worry, Ayra. Hindi mo iyan kasalanan. Choice 'yan ni Charles." pinat ni Rocel ang balikat ko.

"I'm sorry Sir." sagot ni Charles. "Nabusy lang po sa basketball. Next time gagalingan ko na po."

"Hay nako. You should all learn to balance things..."

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay agad kong sinundan si Charles sa isang pasilyong walang masiyadong dumadaan... ngunit nalingat ako ng saglit ay nawala agad siya sa pangingin ko. Hinanap ko siya sa buong paligid. Napatalon na lang ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Don't think na dahil sa iyo kaya nagkakaganito ako..."

Napalingon ako kay Charles na ngayon ay naka-cap ng itim at diretsong nakatingin sa akin.

Agad akong napalunok dahil sa kaba nang makita ko ang lamig ng mata niya.

"I'm not always about you." aniya pa na lalong nagpa-pipe sa akin.

"Charles..."

Hindi ko maintindihan, gusto kong magalit sa kanya dahil sa panghahalik sa akin pero nanlalambot ang puso ko tuwing naaalala ko kung gaano siya kabuti sa akin noon. Nanghihinayang ako sa pagkakaibigan na meron kami. Gusto ko sanang manatiling gan'on, pero hindi maaari hangga't may natitira pa siyang damdamin para sa akin.

"Huwag ka nang lumapit, Ayra. I'm still into you. Huwag kang lumapit dahil baka maging pursigido akong agawin ka ng sapilitan sa taong may hawak sa 'yo ngayon."

Hindi na ako sumagot, hinayaan ko na rin siyang maglakad palayo. Maling-mali nga yata sa una pa lang na sinundan ko siya. Siguro ang magagawa ko na lang talaga ngayon ay ang hayaan siya.

Paalis na sana ako ng lugar na iyon nang may biglang magsalita.

"Sinundan mo pa talaga e no?" napalingon ako kay Sheena na naka-crossed arms habang naglalakad palapit sa akin. "Anong plano mo? Kausapin siya na siya talaga ang mahal mo at hindi si Richard? Para ano? Dala-dalawa ang meron ka? Pagsasabayin mo sila?"

Kumunot ang noo ko sa paratang niya.

"Huwag ka ngang mag-imbento ng kwento Sheena!"

Napasinghap siya dahil sa biglaang pagsagot ko. Pakiramdam ko ay nagulat siya dahil palagi lang naman akong tahimik sa classroom.

"I knew it! Tama nga sina Jully!"

Ako naman ang nagulat sa sinabi niya.

"Jully?" bulong ko. Kilala niya sina Jully?

"Oo kilala ko sila! Totoo nga! Huh! Nasa loob nga ang kulo mo! Anghel ka tuwing may kaharap pero tinatago mo lang 'yung ganyan mong ugali!"

"Pwede ba!" punong-puno na ako sa kanila! "Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa inyong lahat pero pwede bang tantanan niyo na ako?! Ano bang napapala niyo sa paninira sa akin? Akala niyo ba makukuha niyo sa akin si Richard sa ganyang paraan?!"

Maglalakad na sana ako palayo nang higitin niya ulit ang braso ko.

"Napakayabang mo magsalita! Akala mo kung sino kang matalino at maganda!"

Sasampalin niya sana ako pero agad kong kinuha ito at pinigilan. Inis na inis siyang inaagaw ang kamay niyang hawak ko pa rin. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Bitiwan mo ako!"

"Sheena," sabi ko nang may diin at pagiging kalmado. "Hindi ako masamang tao. Kung dati ay nagagawa akong saktan nila Jully, hindi ko na hahayaan 'yon ngayon. Kung gusto niyong maagaw si Richard sa akin ay huwag niyo nang subukan. Dahil akin siya. Akin lang siya."

Laglag ang kanyang panga, saka ko siya marahas na binitawan. Naglakad na ako palayo at mabilis ang tibok ng puso ko sa kaba dahil baka habulin niya na naman ako. Mabuti na lang ay hindi na. Ngunit mas nagulantang ako nang pagliko ko sa pasilyo ay tumambad si Richard na nakapamulsa at bahagyang nakangisi habang nakasandal sa pader.

Napalingon siya sa akin kaya naman mas lalo pa akong lumapit.

"A-anong ginagawa mo diyan?"

Sa malapitan ay mas lalo kong napagmasdan ang mukha at tenga niyang pulang-pula. Kinakagat niya ang labi niya, na para bang pinipigilan niyang ngumiti.

"Tutulungan sana kita kasi may kaaway ka, kaya lang kinilig ako e. Hahaha." aniya.

Agad ring namula ang pisngi ko dahil malamang nga ay narinig niya lahat ng sinabi ko kay Sheena!!! Sa sobrang  kahihiyan ay hinampas ko ang balikat niya.

Humalakhak siya at hinuli ang braso't kamay ko.

"I'm so proud of you, doon sa mga sinabi mo."

Kinuha niya pa yung isa kong kamay upang ilagay iyon pareho sa kanyang balikat, saka ko naramdaman ang kamay niya sa bewang ko upang hapitin ako ng mas malapit.

"Possessive." bulong niya na ngiting-ngiti. "Ano ulit yung sinabi mo? Akin lang si Richard Lee. Pfft!"

Mas lalo pang uminit ang pisngi ko dahil sa pang-aasar niya.

"Bakit? Ayaw mo?" ngumisi ako nang mas lalo niya pa akong hinapit palapit sa kanya. Halos magdikit na ang ilong naming dalawa.

"Kung gusto mo akong ikulong sa kwarto mo, gawin mo lang Ayra. Mas gusto ko 'yon kaysa ipamigay mo ako sa iba." aniya. "Basta ba may gabi-gabing hmm---"

Hinampas ko na agad siya bago niya pa mapagpatuloy yung sasabihin niya.

"Baliw ka talaga!"

"Tss! Mahal ka naman. Ako ba mahal mo?"

Tumango-tango ako.

"Huh? Di ko maintindihan yung tango mo."

Umiinit na ang pisngi ko sa pinaggagawa niya. Mabuti na lang at wala talaga masiyadong taong dumadaan dito dahil puro imbakan ang mga room na nandito.

"Mahal kita." sabi ko. Ngumisi siya.

"Sabihin mo nga yung sinabi mo kanina kay Sheena."

"Akin lang si Richard Lee."

"That's my girl." aniya't namalayan ko na lang na naglapat na ang labi naming dalawa. Mababaw na halik lang.

"Akin ka lang." dugtong ko pa.

Halos mabitin ako sa halik niya nang bigla niyang pinutol ito at ngumiti.

"Bakit?"

"Shit. Kinikilig ako." mura niya. Bago pa ako makapagreact ay hinalikan niya na ulit ako ng mas malalim pa. "Oh shit, tara sa kotse. Doon na natin ipagpatuloy!"

Tatawa-tawang nagpahila ako sa pagtakbo niya papunta sa parking lot. Ilang minuto lang ay nasa loob na kami ng kanyang kotse. Kung paano kami nakarating ng gan'on kabilis ay hindi ko na namalayan.

Basta't ang alam ko lang ay pagkapasok namin sa passenger's seat ng kotse ay agad niya akong hinalikan. Malalim at sabik. Halos malasing na ako't di ko na mamalayan ang sarili ko.

Ang nararamdaman ko na lang ay ang pagsandal ko sa sandalan, na ibinaba niya upang maging mas kumportable, at ang sensasyon noong gumapang ang kamay niya sa buong katawan ko-- sa likod, sa dibdib... sa hita.

Napakagat ako sa labi nang marating ng kamay niya ang aking inner thigh. Hinaplos haplos niya iyon  paitaas hanggang sa aking dibdib. Bumaba rin ang halik niya sa aking leeg.

"Should we go to my room?" aniya sa gitna ng halik. "The fvck, huwag na pala, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko doon."

Bahagya niya akong binuhat upang pauupuin sa lap niya. Siya na ngayon ang nakasandal sa upuan habang ako ay nakaharap sa kanya. Hinubad niya ang tshirt niya, kaya naman tumambad sa akin ang malabato niyang katawan.

Bakit mas lalo yatang lumaki ang katawan niya? Shizzz...

"This is yours, Love." aniya't hinila ang kamay ko sa kanyang abs. "It's all yours."

Saka niya ako hinalikan muli. Naglakbay pa sa iba't ibang bahagi ng katawan ko ang kamay niya kaya naman pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa sensasyong dulot niya sa aking balat.

Naputol lamang ang lahat ng iyon nang mapagpasyahan naming umuwi na ng dorm, dahil nagdidilim na. Hinalikan niya muli ako sa labi bago binitawan ang kamay ko.

"Sigurado kang diyan mo gustong matulog ngayong gabi?"

Napangiti ako't hinampas siya.

"Tss, baka mapagalitan na ako nila besty!" sabi ko na ikinatawa niya rin. "Sige na! Pasok na! Shooo!"

"Saan ako papasok?"

Hindi ko alam kung may meaning ba yung tanong niya o nagiging green minded lang ako. Uminit ang buong mukha ko sa kahihiyan kung kay't pinaghampas hampas ko siya. We almost did it earlier, mabuti na lang at marunong siyang magpigil. Sa tuwing naiisipan kong kaya ko nang ibigay sa kanya ang lahat ay saka siya magpipigil. Doon niya ipinapaalala sa akin kung gaano niya ako kamahal, na gagawin lamang namin iyon kapag kasal na kami.

"Sa kwarto mo!" tinulak-tulak ko na naman siya.

"Ikaw muna ang pumasok sa kwarto niyo." aniya at pinagmasdan ako habang sinususian ang pinto.

"Okay, tss."

"I love you."

I waved, and smiled, "I love you more."

"I love you more than more."

"Tss! Daming alam!"

He waved, and I waved too,

bago ko isinara ang pinto. Huminga muna ako ng malalim bago napangiti ulit dahil sa sobrang saya ng nararamdaman ko.

Ngunit tama nga sila.

Ang bawat saya ay may kapalit na lungkot pagkatapos.

Pagharap ko ay agad na nabura ang ngiti sa aking labi. Natanaw ko si Mama na nakaupo sa kama ko at nagtutupi ng damit. Ngumiti siya sa akin, pero hindi ko magawang ngumiti pabalik.

Bumalik sa akin lahat ng takot na baka paglayuin niya na naman kami ni Richard.

"O bakit ginabi ka?"

Tanong niya na nagpatuyo sa lalamunan ko.